Thursday, January 12, 2017

You Will Be My Last - Chapter 1

NAKAHINGA nang maluwag si Akio nang tuluyan nang makalabas sa opisina ng presidente ng DN Agency sa Pilipinas kung saan tinapos na nila nang tuluyan ang koneksyong meron sila ng kaibigang si Minoru roon. Both of them were quitting from the entertainment industry. Mabuti na rin iyon dahil mas makakapag-focus pa sila nang husto sa mga responsibilidad na kailangan nilang gampanan sa kani-kanilang mga pamilya.

At least, iyon ang nasa isipan niya nang mga sandaling iyon. Nagawa naman na nila ang lahat ng mga trabahong nakasaad sa mga kontrata nila. At isa pa, wala na rin namang magagawa si President Torreo sa desisyon nila. Mabuti na lang talaga at naintindihan sila nito. Hindi naman lingid sa boss nilang ito kung ano ang responsibilidad na kailangan na nilang pagtuunan ng pansin.

"Sigurado ka ba talaga sa ginawa mong 'to? Wala nang bawian ito. We'll definitely focus on our other jobs from here on," ani Minoru nang tuluyan na silang makasakay sa kotse nito na nakaparada sa parking lot.

Napaikot na lang ng mga mata si Akio at tumawa. "Pambihira ka talaga, Minoru. Ngayon mo pa ako tinanong nang ganyan kung kailan tapos na? Wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko, okay? Hindi ko kailanman pagsisisihan na tinalikuran ko ang trabaho ko bilang isang singer. Siguro nga, dapat noon ko pa ito ginawa. Nang sa gayon, wala akong masasaktang ibang tao dahil sa pagiging selfish ko noon."

Kasabay niyon ang paglukob ng 'di maipaliwanag na lungkot sa dibdib niya nang mga sandaling iyon. It had been four years since he made the biggest mistake of his life. But he knew it was for the best. Mas mabuti nang masaktan niya ang taong iyon dahil sa ginawa niyang pag-iwan dito noon kaysa isama ito sa mundo niya na wala nang katiyakan ang kaligtasan nilang lahat.

"So you decided to quit in order for you to amend whatever faults you made to that person? Iyon ba ang talagang dahilan?" tanong ni Minoru kapagkuwan.

Napatingin lang siya sa kaibigan habang nagmamaneho ito. "Yeah. The same reason you have that made you decide to quit." Tumingin siya sa labas ng binata. Pero sa ginawa niyang iyon, isang malungkot na alaala ang sumagi sa kanyang isipan.

Apat na taon na ang nakalilipas pero pakiramdam niya, parang kahapon lang naganap ang lahat. Yes, everything was still fresh in his mind. Pero hindi niya pinagsisisihan ang paglisang ginawa niya noon sa kabila ng naging pangako niya. The mistake he wanted to fix at the moment was to cease the pain he had caused to that person that day.

"Well, in that case, kailangan muna nating magpaalam kay Lady Konami na magbabakasyon muna tayo. Baka mamaya, bigla niyang kailanganin ang tulong natin na wala tayo. Mahirap na," mayamaya ay suhestiyon ni Minoru na nagpabalik ng isipan niya sa realidad.

"Yeah. Kahit sabihin pang tapos na ang laban natin three years ago, wala pa ring makakapagsabi kung sino-sino ang may gustong tapusin ang mga pamilya natin. She can call us when she needs our help. Wala namang problema sa akin iyon, eh. Nagawa ko ngang talikuran ang trabaho ko sa agency para sa pamilya natin noon. Ano naman ang ipinagkaiba ng paghingi niya ng tulong sa atin kung sakaling magkaproblema na mahihirapan siyang lutasin?"

"Pero baka nalilimutan mo, Akio, trabaho sa pamilya ang naging dahilan natin para magdesisyon tayo noon na itulak palayo ang mga taong mahalaga sa atin," paalala ni Minoru.

Bumuntong-hininga si Akio. "We don't have a choice back then. Mas mabuti pang masaktan natin sila nang ganoon kaysa isama sila sa mundong posible naman nilang ikamatay. Hindi ko hahayaang mangyari ang ganoon sa kanila."

Kapagkuwan ay namagitan sa kanila ang katahimikan. Abala siya sa pagtingin sa mga nadaraanan habang si Minoru ay nakatuon ang atensyon sa daan. Kapag ang usapan ay patungkol na sa mga naging desisyon nila apat na taon na ang nakakaraan, pareho silang natatahimik. Palibhasa, malaki ang epekto niyon sa kanilang dalawa.

"So I guess both of us will head there after visiting Lady Konami," mayamaya ay putol ni Minoru sa katahimikang nakapalibot. Tumango siya. Ngumiti naman ito. "Then buckle up. Gusto ko nang pumunta roon sa lalong madaling panahon."

= = = = = =

"GANOON ba ako kaistrikto para hindi kayo payagang magbakasyon? Eh mukhang iyon ang kailangan ninyong dalawa ngayon after what you've done all this time," napapailing na lang na sabi ni Lady Konami Iso kay Akio nang bisitahin nila ito ni Minoru sa Raikatuji mansion na pagmamay-ari ng babae.

Ito ang kasalukuyang leader ng Raikatuji clan-isa sa mga prominenteng angkan na ilang taon ding nagtago sa madla upang makatakas sa mga taong tumapos sa buhay ng karamihan sa mga miyembro ng angkang iyon noon. Isa siya sa mga naging saksi sa iba pang labang hinarap nito kasama ang tatlo pang angkan na naninilbihan sa Raikatuji clan.

Siya na lang at si Lady Konami ang naroon sa silid dahil kinailangang kausapin ni Minoru ang ilang mga kasamahan nito para makapagpaalam. Hindi naman na niya kailangang gawin iyon sa kuya-kuyahan niyang si Shun Fujimoto. Bago pa man siya magdesisyong magretiro sa pagiging singer, ipinalam na niya rito ang tungkol sa planong pagpunta sa isang tagong bayan upang magbakasyon. Sa totoo lang, sa pagiging komplikado ng history ng angkang pinanggalingan niya, isa iyon sa naging rason kung bakit nawala siya sa buhay ng babaeng minahal niya noon nang biglaan.

Wala na siyang mga magulang dahil matagal nang patay ang mga ito sa isang plane crash noong limang taong gulang pa lang siya. Si Shun ang tumayong nakatatandang kapatid at mentor niya sa nakalipas na mga taon. That man taught him to fight using his skills without losing his own life. Iyon ang hindi alam ng lahat ng nakakakilala sa kanya. He and Minoru were raised as formidable warriors tasked to protect everyone among the group called the Iris Blades. And now, it also included the Raikatuji clan leader whom he must protect. Kunsabagay, isa na rin ang babae sa tumatayong pamilya niya nang lubusan na niya itong makilala at makasalamuha.

Napangiti naman siya sa sinabi ni Konami. "Mabuti na 'yong nakakasiguro. Alam mo na, maraming puwedeng mangyari para pigilan kaming umalis. Just don't hesitate to give me a call in case something comes up, Lady Konami."

Tumango naman si Konami. "I know. Thank you. Pero saka mo na isipin iyan. Ang mahalaga, makapagbakasyon kayo nang maayos at walang istorbo. Hanggang kaya pa naman naming asikasuhin ang anumang gulong mangyayari, hindi kita iistorbohin. But when worse comes to worst, that's when I'll ask for your help. Okay?"

"Okay. At least it's clear for both of us. Thank you," sinserong sabi niya sa babae.

"You're welcome. Just enjoy your vacation and don't worry about anything else. Pero sana naman, sa pagbalik mo, may love life ka nang ikukuwento sa akin, ha?"

Doon siya natahimik at natigilan. Love life? He did have a love life... a long time ago. Ang tanong, may love life pa nga ba siyang babalikan at dapat ikuwento matapos ang mga ginawa niyang kasalanan sa babaeng minahal niya apat na taon na ang nakakaraan?

"We'll see."

= = = = = =

ERIN had nothing better to do than to puff her cheeks for how many times ever since she stepped inside Eirene Tower. Isa iyong sikat na tore sa tagong bayan ng Visencio kung saan kitang-kita mula sa tuktok niyon ang buong bayan. Doon siya madalas magpunta kapag maraming bumabagabag sa kanya. Balsamo rin sa kanya ang hanging nagmumula sa dagat kapag naroon siya. Wala naman kasi siyang mapagsabihan ng kanyang mga saloobin kaya madalas siyang magtungo sa tore at magmuni-muni.

Pero walang kinalaman sa bayan kung saan siya ipinanganak at nagkaisip ang dahilan kung bakit pinagdidiskitahan niya ang kanyang mga pisngi. Isa iyon sa mga habit niya kapag may ikinakainis siya.

"This is definitely a bad idea..." she murmured and sighed soon after. Pero nagtataka rin siya sa sarili na kahit sa tingin niya ay hindi magandang ideya na magbalik pa siya sa lugar na iyon, hayun pa rin siya. Napangiti na lang siya nang malungkot nang may maalala.

Oo nga pala. Paano ba naman siya hindi mag-iisip nang ganoon kung ang alaala ng lalaking una at lubos niyang minahal ang sasagi sa isipan niya sa tuwing pupunta siya sa tore? What was worse, she would always recall the fateful day that man crushed her heart. Bakit sa lahat pa ng maaalala niya, iyon pang pinakamasakit para sa kanya? Ano ba'ng problema ng utak niya at kabi-kabilang torture yata ang gustong iparanas sa puso niya sa tuwing ipapaalala sa kanya ang araw na iyon?

Natigilan siya nang pumailanlang ang isang sikat na ballad song sa speaker na naroon sa tore. Napailing na lang siya. Grabe talaga kung paglaruan siya ngayon ng pagkakataon. Parang gusto talaga siyang inisin. Paano ba naman kasi siya hindi magre-react nang ganoon dahil lang sa isang kanta? The man she was just thinking about a while back happened to be the singer of that particular song that was played.

From what she could recall, that song was released two years ago exactly on her birthday. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman nang malaman niya iyon. Pero sigurado siya na wala na siyang kinalaman pa sa buhay ng singer na iyon. Ito nga ang tumapos sa lahat ng koneksyong meron sila noon, 'di ba? Gayunpaman, hindi pa rin niya maiwasang maging emosyonal kapag naririnig ang kantang iyon.

Why are you getting my mind all mushed up like this, Akio? Matagal ka nang wala sa buhay ko... Along with that thought, she wiped the stray tear that fell. Heto na nga ba ang sinabi niya. The tower, and now the song. Ano pa ang mga bagay na magpapaalala sa kanya sa lalaking iyon na tanging nanakit ng damdamin niya apat na taon na ang nakakaraan?

Naroon siya sa tuktok ng tore at nakatayo sa nag-iisang veranda ng lugar na iyon. Subalit ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang may masilayan siya sa tulay na malapit lang sa kinatatayuan ng Eirene Tower. She wasn't dreaming, right?

"Akio?" 'di makapaniwalang usal niya na hindi iniaalis ang tingin sa tulay. Ano'ng ginagawa ng lalaking ito sa lugar na iyon matapos ang apat na taon?

No comments:

Post a Comment