Apat na taon--ganoon katagal itinanong ni Erin sa sarili niya kung bakit bigla na lang siyang itinaboy ng dating singer na si Akio Hagiwara. Tinalikuran nito ang pangako sa kanya noong mga panahong nagmamahal pa sila. Hanggang ngayon, baon pa rin niya ang sakit ng araw na iyon. Kaya naman wala nang nakakapagtaka kung bakit siya naman ang nagtataboy rito ngayong nagbalik na ito sa bayan ng Visencio at sa buhay niya. He kept on apologizing to her, but she stubbornly refused to accept it. Gayunpaman, nanatili ito sa tabi niya sa kabila ng lahat. Pilit nitong pinatunayan sa kanya na kahit kailan ay hindi namatay ang pag-ibig niya para rito.
Pero sa ikalawang pagkakataon, mukhang mawawala na naman si Akio sa buhay niya. At sigurado siya, higit pa sa sakit na naranasan niya noon ang mararamdaman niya kapag nangyari iyon. Paano ba niya pipigilan iyon, lalo na kung ang kamatayan mismo ang magiging kalaban niya?
No comments:
Post a Comment