Thursday, January 19, 2017

You Will Be My Last - Chapter 2

IF ONE would ask Akio about the part that he loved about the town of Visencio, he would immediately say the bridge near the Eirene Tower. Ang totoo niyan, hindi sa tore nagmula ang alamat tungkol sa isang walang hanggang pangako ng pag-ibig kung saan kilala ang lugar na iyon. Nagmula ang alamat sa tulay na kinatatayuan niya nang mga sandaling iyon. He liked standing on the left side of the bridge where he could have a perfect spot to view the beautiful sunset. Kung tama ang pagkakatanda niya, sa tulay na iyon nagkakilala ang magkasintahan sa alamat.

But he didn't return to that town for some legend. May kailangan siyang asikasuhin at muling kunin. Iyon ay kung papayagan pa ba siya ng tadhana na muling makuha ang isang bagay na minsan niyang tinalikuran. Napailing siya nang muling maalala ang isang bahagi ng kanyang nakaraan sa lugar na iyon apat na taon na ang nakakaraan. It appeared to be the only memory that never left his mind all this time. Kunsabagay, hindi niya hinayaang mawala iyon sa kanyang isipan. Isa pa, iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit sinikap niyang tumakas sa kamay ni Kamatayan noong lumala ang sitwasyon sa kanila ng kanyang mga kasamahan.

Pasimple lang siyang tumitingin sa paligid habang naroon sa tulay. Napangiti siya nang makitang kahit magdadapit-hapon na, marami pa ring tao ang nagpupunta sa Eirene Tower. Hanggang sa unti-unting kumunot ang noo niya dahil sa kantang naririnig niya mula sa speaker na naroon sa tore. Sa lahat ba naman ng kantang maririnig niya pagdating doon, bakit 'yon pang isinulat niya noong mga panahong pinipilit niyang maging maayos sa kabila ng lahat?

"Even though I love you, I can't..." mapait na bulong niya bago ipinilig ang ulo upang mapalis kahit papaano ang kung anumang masamang alaala sa kanyang isipan. Iyon ang title ng kantang naririnig niya nang mga sandaling iyon. It was the song that he was hoping to convey to the woman he left behind four years ago. That song, however, only expressed his own feelings and not the real reason why he had to leave her. Isa pa, hindi naman siya sigurado kung maiintindihan ba nito iyon.

"How am I suppose to apologize to you, Erin?" muling bulong niya at tumingin sa tuktok ng tore. Ilang beses na niyang itinatanong iyon sa kanyang sarili. Pero hanggang sa mga sandaling iyon, wala pa rin siyang maapuhap na sagot. Alam niyang hindi siya basta-basta mapapatawad ng babaeng iyon. Kaya sigurado rin siya na magiging mahirap para sa kanya ang paglapit dito kung sakaling makita niya ang dalaga.

Iyon ay kung dalaga pa nga ba ito...

May tatlong tao na lang ang naroon sa veranda na nasa tuktok ng tore nang tuluyang mapokus ang atensyon niya roon. Pero napakunot siya ng noo nang masilayan ang isang pamilyar na bulto na nakamasid lang sa malawak na dagat. Naningkit pa ang mga mata niya para lang makita nang husto ang taong iyon. Kapagkuwan ay lumambot ang ekspresyon niya.

"Erin..." anas niya makalipas ang ilang sandali nang masigurong hindi siya pinaglalaruan lang ng kanyang paningin. Hindi siya nagkakamali. Si Erin ang nakikita niyang naroon sa tore.

I never thought she would still go to that place after all this time... O baka naman naka-move on na ito mula nang mangyari ang lahat. Kunsabagay, apat na taon na rin naman ang nakalipas mula noon. Pero hindi nangangahulugang nakalimutan na nito ang mga naganap nang araw na iyon.

Ilang sandali pa ay napansin niyang nabaling ang tingin ni Erin sa ibang direksyon. Hindi niya alam kung para saan ang nararamdaman niyang antisipasyon. Pero sa isang bahagi ng kanyang puso, naroon ang pag-aasam na sana'y ibaling nito ang tingin sa direksyon niya-sa kinatatayuan niya. Unti-unti ring lumalakas ang tibok ng kanyang puso habang hinihintay ang susunod nitong gagawin kasabay ng hiling niyang iyon.

'Di nagtagal, napatingin na rin si Erin sa tulay kung saan siya naroon. At hindi niya maaaring ipagkamali ang nasilayan. Nakita na siya nito. Nagtama ang kanilang mga mata sa kabila ng distansyang naglalayo sa kanilang dalawa. Huli na nang namalayan niya ang sarili na tumatakbo papunta sa tore. He just had the urge to do it. At the moment, all he wanted was to repent for what he did to Erin.

He couldn't afford to lose this one possible chance laid in front of him.

= = = = = =

FOR ONE thing, this was something that Erin had not expected to happen after all that had transpired four years ago. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na magtutungo pang muli sa bayang iyon si Akio matapos ang lahat? Kung kailan nagagawa na niyang sabihin sa sarili na nag-move on na siya.

Here he was, in front of her-catching his breath since he ran from the bridge to the top of Eirene Tower where she should've left the moment she knew he would come there. But then, she froze at that moment. Hindi niya alam kung bakit.

"Erin..." usal ni Akio nang sa wakas ay nakahinga na ito nang maayos. Halata sa mukha nito na parang hindi pa rin ito makapaniwala na nakikita siya nito nang mga sandaling iyon.

Pero pinanatili na lang niyang walang emosyon ng mukha niya. She had no choice but to hide her shock and her feelings, just because her heart was beating crazy at the sight of this handsome man whom she hadn't seen in a long time. Gusto niyang mainis, sa totoo lang. Parang walang masyadong binago ang nagdaang taon kay Akio. O kung meron man siyang makikitang pagbabago rito, parang mas gumuwapo ito sa paningin niya.

Lihim siyang napailing dahil sa naisip. Ano na ba naman 'tong pinag-iisip niya? She was supposed to be mad at this man. Lash out at him for all of the hurt that he had caused her all this time na hanggang sa mga sandaling iyon ay nararamdaman pa rin niya.

Pero nakukuha pa niyang purihin ang taong 'to na parang hindi siya nito sinaktan noon. Nababaliw na nga yata siya.

There was something wrong with her, that was for sure.

xxxxxx

"What are you doing here?" malamig na bungad ni Erin sa binata.

Okay, now that turned out to be a really weird question for her to ask. Pero hindi na niya napigilan ang sarili. Isa sa mga huling bagay na inaasahan niyang mangyari ay ang bumalik pa si Akio sa lugar na iyon matapos nitong umalis nang biglaan. And to think he did that three days after he cut it all off.

It was three days of enduring that numbing pain in her heart, as well. At lumala pa iyon sa paglipas ng ilang araw na tumagal ng mahigit dalawang taon.

"Kung makapagtanong ka naman nang ganyan, parang pag-aari mo ang lugar na 'to, ah. But I guess I can't blame you for doing that. I was expecting a lot more, to be honest," malungkot na saad ni Akio na ikinakunot na lang ng noo niya.

Lihim din siyang napaismid nang marinig niya iyon. Mabuti naman at alam mo. At least, sinasabi niyon sa kanya na hindi pala ito manhid.

"Ano ba talaga ang kailangan mo, Akio? You should've left me alone the moment you've seen me at the tower," may katarayan nang sabi niya na tila ikinagulat naman ng lalaking iyon. Pero sandali lang niyang nakita iyon.

Nakita niya ang pagdaan ng kirot sa mga mata ni Akio nang sabihin nito iyon. Gusto niyang magbunyi dahil napansin niyang epektibo ang pagiging malamig niya rito. Pero hindi niya maintindihan kung bakit tila apektado siya sa nakitang iyon. Besides, why would he be hurt? Ito nga ang nang-iwan sa kanya, 'di ba?

Akio smiled sadly. Nagdulot naman ang tanawing iyon ng kakaibang kirot sa kanyang puso.

"Mukhang wala na rin palang magiging saysay ang plano kong paghingi ng tawad sa 'yo," mahinang saad nito.

Nakuyon na lang niya ang kamao dahil sa pagdagsa ng emosyon sa kanya dahil sa sinabing iyon ni Akio. Ano pa ba ang silbi ng mga sinabi nitong iyon sa kanya? Nagpapatawa ba ito? Puwes, hindi siya natutuwa. Nagagalit siya-at iyon ang isang emosyong hindi niya kailanman nagawang ilabas mula nang iwan siya nito.

"Hindi ko alam kung ano ba ang totoong plano mo kaya ka nagbalik dito. Pero wala nang magagawa ang sorry mo sa akin ngayon. It was all in the past, but that doesn't mean I've forgotten about it," mahina ngunit puno ng pait na sabi ni Erin. "Hindi ko pa rin nakakalimutan hanggang ngayon ang sakit ng ginawa mong pag-iwan sa akin at sa pagputol sa relasyon natin kahit alam mong mahal na mahal kita. Kaya puwede ba? Kung ayaw mong makapagsalita ako rito nang hindi maganda dahil lang nagpakita ka ulit sa buhay ko, mabuti pang umalis ka na lang at huwag mo na akong guluhin pa. Wala ka nang aasahan pa."

Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas para makaalis na sa lugar na iyon, lalo na sa presensiya ni Akio. How could that guy still affect her like this?

xxxxxx

HINDI na matukoy ni Erin kung ilang minuto na siyang nakatitig sa screen ng cellphone niya at wala sa sariling binabasa ang isang partikular na text message roon. It was a four-year-old text message from the man who broke her heart at the time. Oo, galing kay Akio ang text na iyon ilang araw bago nito pinutol ang lahat sa pagitan nila.

Ilang beses na niyang ipinagtataka at itinatanong sa sarili kung bakit hindi pa niya magawang burahin ang text message na iyon sa cellphone niya. Baliw na nga yata siya. o baka hanggang sa mga sandaling iyon ay may hang-ups pa rin siya sa nangyari. Dahil kung talagang naka-move on na siya gaya ng gusto niyang mangyari at palabasin sa lalaking iyon, matagal na sana niyang binura ang text message na iyon. At hindi sana siya maapektuhan nang ganito dahil lang sa muling pagkikita nila ni Akio.

Binuksan na lang niya ulit ang text message na iyon at binasa. Kahit na sa totoo lang, tandang-tanda na niya ang nilalaman niyon.

«I know you'll take it as selfish request. But please, stay by my side and have my heart for the rest of our lives.»

Hindi na lang niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Damn it! Why does it have to affect her this much knowing that this was sent to her four years ago? Ipinadala nito iyon sa kanya tatlong buwan bago nito tinapos ang lahat. Iyon ang mga panahong iniisip niya na wala nang dahilan para magkahiwalay sila ni Akio.

But in the end, she was wrong. Kaya heto siya ngayon.

Huminga na lang nang malalim si Erin sa pag-asang mapapawi ang namumuong bigat sa dibdib niya nang mga sandaling iyon. "No use remembering that." But even after uttering those words, for some reason, that dreadful day came back to her mind. At kahit ano'ng pigil niya, patuloy lang sa pagdaloy sa kanyang isipan ang alaalang iyon.

But all she could remember through her tears that time was the cold expression on Akio's face as he approached her and told her that she had to let him go. Wala na raw silbi pa na magpatuloy sila sa relasyon nilang iyon dahil ayaw siya nitong saktan. Sinabi nito ang mga iyon sa lugar kung saan nagtapat ito ng pag-ibig sa kanya tatlong buwan bago ang gabing iyon. Hindi niya ito naintindihan noong una dahil tila walang pumasok sa isipan niya kundi ang sinabi nito na wala nang kahahantungan pa ang lahat ng namagitan sa kanilang dalawa.

Pero nang tuluyang rumehistro sa isipan niya ang lahat, ang tanging nagawa na lang niya ay ang umiyak nang umiyak hanggang sa hindi na niya kaya pang umiyak ulit. Ginawa niya iyon habang naroon siya sa tore, walang pakialam kung pinagtitinginan na siya ng mga taong naroon. He just left her there after saying that it was over between the two of them. Kaya hindi na nito nakita kung paano siya tuluyang bumagsak dahil sa matinding sakit na nararamdan niya. It was a nightmare for her-one that she didn't want to remember at all since that dreadful night.

Hindi na siya aasa pa na madudugtungan ang kung ano mang nakaraang meron sila nito kahit sabihin pang nagbalik na nga si Akio sa bayan ng Visencio. Nadala na siya sa nangyaring iyon, lalo na sa mga sinabi nito sa kanya nang mga panahong iyon. Who knew what that man could possibly be up to. Sa ngayon, mas mabuti pang mag-focus muna siya sa mga bagay na posible niyang magawa para iwasan ito. Hindi na niya kailangang ipaliwanag sa sarili kung bakit kahit alam niyang malaki ang galit niya rito ay malaki pa rin ang posibilidad na baguhin ni Akio ang lahat ng iyon.

She knew how determined that man was. At sa nakikita niya, mukhang ganoon pa rin ito mula noon hanggang ngayon. Perhaps he was more determined now than he'd ever been. Ayaw man niya, pero hindi niya maiwasang makaramdam ng takot dahil sa isiping iyon.

No comments:

Post a Comment