Thursday, January 26, 2017

You Will Be My Last - Chapter 3

HINDI sigurado si Erin kung magiging maganda ang takbo ng araw na iyon para sa kanya matapos ang nangyari dalawang araw na ang nakalilipas. Pero hindi naman pupuwedeng manatili siyang nakakulong sa loob ng bahay dahil lang ayaw niyang makasalubong si Akio. Para na rin niyang pinatunayan dito na apektado pa rin siya.

Bagaman wala siyang planong puntahan na partikular na lugar, hiling lang niya na hindi sana magkasalubong ang landas nila ni Akio. Mas mabuti pa talaga na iwasan na niya ito bago pa lumala ang lahat at dumating ang pagkakataong kinatatakutan niya. Aminado siya na posibleng dumating iyon. Pero ayaw na niyang umasa pa na may kahahantungang maganda iyon. Hindi niya alam kung magagawa pa nga ba niyang maka-recover kung sakaling pagdaan na naman niya ang sakit na iyon sa ikalawang pagkakataon.

Napatigil si Erin sa paglalakad nang mabagal nang sumagi sa kanyang isipan ang naging pag-uusap nila ng kaibigan niyang si Priscilla kagabi. Ito nga pala ang pinagsumbungan niya ng saloobin noong araw na nagkita sila ni Akio. Siguro naman, pupuwede niya itong bisitahin sa café nito kahit posibleng hindi siya nito makausap. Kailangan lang niya ng lugar na mapupuntahan na sa hiling niya ay puwede siyang magpahinga.

And she wasn't just talking about rest in a physical sense. What she needed the most was mental and emotional rest, though she doubted she could attain the latter one.

Hindi na siya nag-alinlangan pa at agad na tinungo ang café ng kaibigan. Walking distance lang iyon mula sa tinitirhan niya dahil nakatayo iyon sa boundary ng plaza at residential area kung saan naroon ang pinakamalaking bahagi ng mga tirahang ipinatayo sa bayan ng Visencio. Hahakbang na sana siya paalis sa lugar na iyon nang muli na naman siyang matigilan.

This time, hindi na dahil sa kung ano ang biglang sumagi sa kanyang isipan. Natigilan siya dahil sa tumambad sa kanya ilang hakbang lang ang layo sa kinatatayuan niya. Hindi talaga siya kakasihan ng pagkakataon sa mga bagay na ayaw niyang mangyari, 'no? Kung kailan ayaw niyang makita si Akio, saka naman nagsasalubong ang mga landas nila.

Pilit pinakalma ni Erin ang nagririgodon niyang dibdib nang mga sandaling iyon na hindi nahahalata ni Akio. Nang tingnan niya ang binata, tila lalo siyang napako sa kinatatayuan sa matamang tingin nito sa kanya. His beautiful eyes vividly expressed the melancholy and joy of seeing her. Pero nakikita rin niya sa mga mata nito ang pag-aalinlangan.

"Erin..." mahinang tawag nito sa kanya. Bakas sa tinig nito ang pagmamakaawa.

Subalit gaya ng naunang plano niya, hindi siya nagpaapekto. Kailangan niyang gawin iyon. "If you're going to say something, then spill it out already. May pupuntahan pa ako," malamig na aniya.

"Ayaw mo talaga akong kausapin, 'no?"

"Mabuti naman at nahalata mo pa iyon. Hindi ka pala sobrang manhid para hindi mapansin iyon." This time, sarkastiko na ang dating ng tono niya. She just wanted to stay away from this man as soon as she could. Pero ang katawan niya, hayun at itinulos lang siya roon kung saan ilang hakbang ang layo sa kinatatayuan ng lalaking nanakit ng kanyang damdamin noon.

Walang nagsalita sa kanilang dalawa pagkatapos niyon. Nag-iwas na lang si Erin ng tingin matapos ang ilang sandali dahil hindi niya matagalan ang tinging ipinupukol sa kanya ni Akio. His stare still had the capability to disrupt his senses as easy as that. At iyon ang napatunayan niya nang mga sandaling iyon.

Tunog ng cellphone ang pumutol sa nakatensyong katahimikan na nakapalibot sa kanilang dalawa. Awtomatikong napatingin siya kay Akio dahil narinig niya sa direksyon nito ang tunog. Hindi nga siya nagkamali. Galing sa cellphone nito ang tunog na narinig niya.

"Hello? Yeah, it's me. May problema ba? Okay lang sa akin. Kailan ba tayo magkikita? Alright. Tawagan mo na lang ako kung kinakailangan mo ng tulong ko."

Hanggang doon lang ang narinig ni Erin na sinabi ni Akio sa kausap nito sa kabilang linya dahil sinamantala niya ang pagkakataong iyon para makaalis na roon bago pa siya masundan nito. Lakad-takbo ang ginawa niya para lang makatakas. Hindi na niya gustong makita itong muli.

Pero sa nakikita niya, hindi na siya pagbibigyan pa ng pagkakataon. Mukhang siya talaga ang sadya ni Akio sa bayan ng Visencio. At tiyak niya na hindi na siya titigilan nito.

"Bakit kailangang guluhin mo ulit ang buhay ko, Akio? Ganoon ba kalaki ang kasalanan ko sa mundo para parusahan ako nang ganito?"

Napahawak na lang siya sa kanyang dibdib at dinama ang mabiis pa ring tibok ng puso niya.

= = = = = =

HINDI na nagulat si Akio nang madatnan sa bahay niya si Minoru. Kasama nito si Shun at ang mentor ng kaibigan niyang si Makoto Yanai. Pero hindi niya maiwasang magtaka dahil doon. Bakit pati si Makoto ay naroon sa bayan ng Visencio?

Hindi nagtagal ay na-realize din niya ang sagot sa sariling tanong. "Mukhang may dala pa yata kayong masamang balita, ah."

"Wala nang nakakapagtaka roon. Tinawagan ka na ba ni Lady Konami?"

Tumango siya. "Kanina lang. Sinabi niya na baka pumunta raw siya rito para ipaliwanag sa akin ang mga plano niya."

"Kung ganitong kumikilos na rin si Lady Konami, ibig bang sabihin nito, kumpirmado nang may buhay pa rin sa Death Clover?" tanong ni Minoru.

"Isa pa lang ang kumpirmadong buhay sa limang pinaghihinalaan ni Lady Konami. Kaya hindi na ako magugulat kung ikaw ang una niyang puntahan, Akio," sabi ni Shun.

Bigla ay nakaramdam siya ng kaba sa sinabi nito. Pero hindi para sa kanya iyon. Hindi niya alam kung bakit biglang sumagi sa kanyang isipan si Erin. Hiling lang niya na sana ay huwag madamay sa gulo ang dalaga. Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili kapag nangyari iyon.

"Si Souren. Tama ba ako? Pero paano n'yo nakumpirmang buhay siya? Sa pagkakaalam ko, walang nakaligtas sa pagsabog ng kotse niya nang mga panahong iyon." Ang tinutukoy niya ay ang naging huling laban sa taong iyon na miyembro ng Death Clover. Isang organisasyon iyon na minsan nang nagtangkang pabagsakin ang Iris Blades-ang grupong kinabibilangan nilang apat, maging ang iba pang angkan na bumubuo sa Eight Thorned Blades.

"Kinompronta siya si Jirou," sagot ni Makoto na ang tinutukoy ay ang isa pang kasamahan nila sa Iris Blades. "Hindi nga rin siya makapaniwala na buhay ang taong iyon. Pero hindi puwedeng magkamali si Jirou. Kilala niya ang fighting style ng bawat miyembro ng Death Clover, gaya ng pagkakakilala niya sa fighting style ng bawat ng miyembro ng Iris Blades."

Sa puntong iyon, kumpirmado na ni Akio na hindi nagsisinungaling ang mga kasamahan niya. Hindi pa nga talaga tapos ang laban niya. Pero sisiguraduhin niya na wala na siyang kailangang isakripisyo sa pagkakataong iyon. Lalo na si Erin.

Magawa lang niyang kunin muli ang tiwala at puso nito, gagawa't gagawa siya ng paraan para bumalik nang buhay rito. Sana sa ginagawang panunuyo niya sa dalaga, makita niya ang dahilan para patuloy na lumaban. Tutuparin na niya ang mga naudlot na pangako noon kay Erin.

No one would be able to stop him. He'd make sure of that.

= = = = = =

"WALA ka talagang planong makipagbati sa kanya? O 'di kaya ay hayaan man lang siyang magpaliwanag?"

Tiningnan ni Erin nang masama ang childhood friend niyang si Priscilla na personal na nag-aasikaso sa kanya sa Lovedrops Café na pag-aari nito. Doon siya kaagad nagpunta nang makatakas na siya sa presensiya ni Akio. Well, she could only hope she was able to hide there. Hindi pa niya gustong makita ulit ang lalaking iyon.

"Para ano pa? Para pasakitan na naman ako ulit? Mamahalin niya 'tapos iiwan sa bandang huli. Ayoko nang maranasan ulit iyon, lalo na sa parehong tao pa," mapait na sagot niya at saka sinimulan nang inumin ang kapeng in-order niya.

"Apat na taon mo nang pilit na pinapatigas ang puso mo dahil sa ginawa sa 'yo ni Akio noon. Pero sa tingin mo ba, nakatulong iyon sa 'yo ngayong nagkita kayong muli sa lugar na ito?"

Hindi siya nakaimik sa sinabing iyon ni Priscilla. Hindi na niya kailangang sagutin pa ang tanong nito dahil maging siya ay alam na kaagad ang sagot doon. Ang pangyayari lang kanina ang isa sa mga patunay niyon.

"Hey. Sinasabi ko lang ang mga ito base sa nakikita ko, okay? Mas mabuti na rin na kaya mong i-assess nang maayos ang nararamdaman mo para sa kanya bago ka magdesisyon ng dapat mong gawin. Pero kung ako ang tatanungin mo, I think you should still give him a chance to at least explain. Alamin mo kung ano nga ba ang totoong dahilan para iwan ka niya four years ago," pagpapatuloy nito.

Hindi tuloy niya napigilang pangunutan ng noo sa naririnig. "Bakit parang sa tingin ko, kinakampihan mo pa ang lalaking iyon kaysa sa akin na kaibigan mo, ha?"

Nakita niyang huminga nang malalim si Priscilla na tila pilit pinapakalma ang sarili at saka siya hinarap. Mabuti na lang at hindi gaanong dagsaan ang pagdating ng mga customer. Kaya pa namang asikasuhin ng mga tauhan nito ang mga iyon kung may iba pa nga bang darating.

"Because he had coffee here the other day. Gusto ko nga sanang komprontahin para malaman niya ang ginawa niya sa 'yo matapos ka niyang hiwalayan. Pero nang marinig ko ang pinag-uusapan nila ni Rainer, biglang nagbago ang isip ko. Bigla ring binanggit ni Ned sa akin na nag-quit na si Akio sa pagiging singer. So as of last week, he's already living an ordinary life," paliwanag ni Priscilla.

Hindi makapaniwala si Erin. Tumigil na si Akio sa trabaho nito? But from what she recalled, Akio truly loved his job. At ano kaya ang pinag-usapan ng isa sa mga tauhan ni Priscilla at ni Akio? Kapagkuwan ay napailing si Erin sa tumatakbo sa kanyang isipan. Teka nga lang. Ano ba 'tong pinag-iiisip ko ngayon? Bakit ba ako naku-curious? Wala naman dapat akong pakialam sa kanya, 'di ba?

"That time, I can really see that he's regretful of hurting the people he cared about. Sa narinig ko, nasabi ni Akio na wala siyang ibang pagpipilian noon kundi ang itulak palayo ang mga taong kailangan niyang protektahan. Mukhang naipit siya sa isang sitwasyon nang mga panahong iyon na nahirapan siyang lusutan. Ang tanging paraan lang para huwag mapahamak ang mga taong iyon sa buhay niya ay ang lumayo siya kasabay ng pagtutulak sa mga ito palayo sa kanya. Kung totoo man iyon o hindi, ikaw na ang bahalang alamin ang totoo."

"Ako?" Bakit siya? Ayaw nga niyang harapin ang binata, 'di ba? Inilalagay naman siya ni Priscilla sa isang sitwasyong pinakaiiwasan niya, eh. Gusto na talaga niyang mainis nang husto sa kaibigan niyang ito. "Alam mo bang hindi matanggal-tanggal ang sakit na nararamdaman ko mula nang iwan niya ako kapag nagkakasalubong ang mga landas namin? Wala akong ibang gustong gawin kundi ang murahin siya at tuluyang magalit sa kanya, sa totoo lang."

"And yet you didn't. Ibig sabihin lang niyon, may isang bahagi sa puso mo na pinahahalagahan pa rin si Akio at umaasa ng mas matinong paliwanag kung bakit nangyari ang mga iyon noon. For now, just give him a chance to explain. And probably, redeem himself if there's a case that you two can't be together again."

Ganoon nga kaya iyon? Umaasa pa nga rin ba siya? Hindi na niya alam ang gagawin. But a case that she and Akio would be together again?

Not a chance. At iyon ang sisiguraduhin ni Erin.

No comments:

Post a Comment