[Relaina]
That question hit me hard like no other. Then again, as if I would let him know that. Kailangan ko muna itong makausap.
“Puwede ba naman ‘yon? Heto na nga ako, 'di ba?” Seriously, does this guy really think I was that scared of him or at least I hated him that much for me not to come?
Puwes! Ibahin ako nito, 'no!
“Bakit ka ba nagpapaulan dito, ha? Nagpapakamatay ka lang talaga, 'no? Alam kong doktor ang nanay mo pero hindi naman ibig sabihin n’on, magpapaulan ka rito at hahayaan mo ang sarili mo na magkasakit ulit. Pambihira! Kagagaling mo lang sa sakit, 'di ba?” Oo na. Mukha na ako nanay rito sa pagsermon sa bugok na kamoteng 'to. But I could care less.
Pero mukhang hindi nakikinig si Brent sa anumang sinasabi ko rito. Heto nga’t parang nahihirapan ang anyo nito. I wanted to approach him, to at least ease that pain he was surely feeling at the moment.
“I’m sorry, Laine. I’m really sorry for hurting you like that.” Now his voice was cracking.
Ramdam ko na unti-unting nangingilid ang mga luha ko. I closed my eyes, hoping that it would stop it somehow. I failed. “Brent…”
“Damn it!”
Napapitlag ako dahil doon. But I could at least tell na hindi para sa akin iyon.
“Will you stop berating yourself, at the very least? Lalong makakasama sa iyo 'yan, kung alam mo lang.” Great! I couldn’t believe that I still had the guts to joke around like that. Eh, ang tensed na nga ng sitwasyon sa pagitan naming dalawa.
Well, I guessed it wasn’t considered a joke to begin with. Geez! Ano ba ‘tong pinag-iisip ko?
“How can you still talk to me like this after all that I did that hurt you?” Brent was looking at me incredulously, despite the hurt in his eyes.
“Sa pagkakatanda ko, ang pagpalo mo sa akin ang tanging kasalanan mo na nakasakit sa akin. But I know you were in a trance when you did that, although not totally enough for me not to talk to you or even approach you like this.”
I guessed hindi inaasahan ng lalaking 'to ang mga sinabi kong iyon. Halata iyon sa pagkabiglang rumehistro sa mukha nito.
“Hindi ka pa rin naniniwala sa sinasabi ko? Ano naman ang tingin mo sa akin? Ganoon kasama para layuan kita? Ikaw yata ang mababaw ang takbo ng isip sa ating dalawa, eh. You had a reason why you did that, but definitely not enough to make me hate you or loathe you, at the most,” dagdag ko.
But why did I have a feeling that everything I was saying to him at the moment looked a lot like information overload? Hindi pa rin nakapagsalitang muli si Brent. He was just looking at me na para bang tinitimbang nito ang mga sinasabi ko.
I just gave him a look that I hoped would tell him that everything I had said was the truth. Ewan ko lang kung nasa huwisyo pa ito para maintindihan nito iyon.
He sighed. Only this time, a ragged one. Napakunot-noo ako nang mapuna ko iyon. Nag-uumpisa na ring bumigat ang paghinga nito na para bang—
Nanlaki ang mga mata ko nang dumating sa akin ang realisasyon kung bakit nga ba ito ganoon. Naku naman po! Masasapak ko talaga nang wala sa oras ang lalaking 'to.
Agad kong sinalat ang noo at leeg nito. Hindi nakaligtas sa akin ang pagpiksi nito, lalo na nang salatin ko ang temperatura nito. Tama nga ang hinala ko. May lagnat na naman ito.
“Wala ka na talagang ibang gagawin kundi ang bigyan ng alalahanin ang mga tao sa paligid mo, 'no? Sino ba kasi ang may sabi sa 'yo na huwag kang magdala ng payong gayong alam mong hindi ka pa lubusang magaling at pabago-bago ang takbo ng panahon ngayon?” Oo na. Umiral na naman ang worry mode ko para sa bugok na 'to.
Ang tindi rin naman kasi kung bigyan ako ng alalahanin ng lalaking 'to, eh.
“Gusto lang talaga kitang makausap… at gusto ko ring mag-sorry sa 'yo,” tila nanghihinang tugon nito habang unti-unting napapapikit ang mga mata nito.
Oh, no! Huwag mong sabihing magko-collapse pa yata ito sa harap ko? Huwag naman po sana.
Patuloy pa rin ang malakas na buhos ng ulan. Pareho na kaming basa ni Brent dahil hindi sapat ang malalagong dahon ng Promise Tree para pagsilungan naming dalawa. But then I didn't give a damn care. Ang inaalala ko lang ay si Brent.
Hindi ko na maitatangging mahina ang resistensiya ng lalaking ito.
“Ilang sorry ba ang kailangan mong sabihin at iparating sa akin para lang matahimik ka, ha?” Napailing na lang ako. “Saka mo na isipin iyon. Kailangan mo nang umuwi at lalo kang magkakasakit sa ginagawa mong pagtambay dito. You have to take a good rest, okay?”
Ito naman ngayon ang napailing. “Until you hear me out, okay? Please…”
“Brent naman, eh. Papatayin mo ba ako sa pag-aalala sa iyo, ha?” O, 'ayan! Umiral ang katabilan ng dila ko dahil sa lalaking ito.
“N-nag-aalala ka… para sa akin?” He was looking at me with wide eyes.
Oh, great! “Humina na ba ang utak mo sa pagproseso ng mga pangyayari sa harap mo ngayon, ha? Parang information overload na ang dating ng lahat ng mga sinasabi ko sa iyo, ah.”
Brent smiled bitterly. One smile that was truly enough to make my heart ache. “Siguro nga… Hindi ko naman kasi naririnig sa iyo ang mga salitang 'yan since day one.”
“Sira ulo ka talaga. Sa tingin mo ba, magpapakita pa ako sa iyo sa lugar na 'to kung hindi ako nag-aalala sa iyo? Like I said, ikaw yata ang mababaw ang takbo ng isip sa ating dalawa para maisip mo na ganoon ang tinatakbo ng isipan ko.”
Ano ba 'to? I was supposed to talk to this guy to convince him to go home and take a rest. Pero heto, nang-aaway na naman ako. But I only said those things matter-of-factly. Wala nang ibang rason.
Napapansin ko na ang unti-unting pagbagsak ng mga mata nito. Muli kong kinapa ang noo at leeg nito.
“You’re really burning up, Brent. Halika na. Umuwi ka na. Please lang, huwag mo na akong pag-alalahanin nang ganito,” pakiusap ko rito at kinuha ko na ang isang kamay nito.
Ang plano ko lang naman ay kaladkarin na ang kamoteng 'to na ubod lang naman ng kulit at tigas ng ulo kaya ko kinuha ang kamay nito. I never planned on getting caught in his arms that wrapped around me as he pulled me into a tight embrace.
I froze as I felt him place his head on the crook of my neck. Seconds later, talagang naramdaman ko na sa balat ko ang hindi pangkaraniwang init na nagmumula sa katawan nito. This was bad!
“Brent—”
“I’m truly sorry, Laine… Sa totoo lang, ang dami kong gustong sabihin pero hanggang sorry lang talaga ang nagagawang isatinig ng bibig ko.” And his breathing started to become heavy. Pati ang hanging lumalabas sa bibig nito, ang init din.
Kahit parang gusto ko na talagang maiyak nang husto sa patuloy na paghingi nito ng tawad, pinilit ko ang sarili ko na huwag gawin iyon. Was it really that painful and torturous for him to keep apologizing to me?
“Ano ba ang gusto mong gawin ko para lang matahimik ka na sa pagsasabi mo ng ‘sorry’ sa akin, ha?” Iyon na lang ang nagawa kong itanong dito. Kahit para lang akong tuod dito dahil hindi ko pa rin tinutugon ang yakap nito.
“To be honest… I have no idea. Hindi na gumagana nang matino ang utak ko ngayon,” usal ni Brent habang lalong humihigpit ang yakap nito sa akin. His voice was cracking again.
I could only let out a ragged sigh. Namalayan ko na lang na umangat ang mga kamay ko at tinugon na nang tuluyan ang yakap nito. I felt him stiffen but I could care less.
“Alam mo bang lalo akong papatayin ni Neilson sa ginagawa mong 'to? Hindi ka pa pala lubusang magaling pero matigas pa rin ang ulo mo at naisipan mo pa ring lumabas ng bahay n’yo na hindi ka sigurado sa takbo ng panahon. Tingnan mo nga. Magkakasakit ka na naman,” I scolded gently which, unknown to him, was something I did with a gentle smile.
“Okay lang naman sa akin kahit magkasakit ako nang paulit-ulit, eh. Though I know you’d never think about taking care of me, mas mahalaga sa akin na malaman ko ang totoong saloobin mo pagdating sa nagawa kong kasalanan sa iyo.”
Hay… Mababatukan ko talaga ang bugok na 'to, sa totoo lang. Tama bang pangunahan lang talaga ang takbo ng isipan ko?
And he even said that he knew I’d never think about taking care of him. Ano pa ba sa tingin nito ang ginagawa ko sa mga sandaling 'yon, ha? Seriously, I really needed to drill some sense into this jerk’s head.
Hanggang sa may maisip ako.
“Then you really want to know my thoughts about that?” kapagkuwa’y tanong ko rito.
Tumango ito pero patuloy pa ring nakasubsob ang ulo nito sa pagitan ng leeg at balikat ko.
“Magpagaling ka muna bago kita kausapin.” Iyon na lang ang naisip kong gawin.
Natigilan si Brent nang ilang saglit bago ito dumistansiya sa akin, pero hindi pa rin ako pinapakawalan nito. He was looking at me in confusion.
“Kung talagang desidido kang kausapin ako at para malaman mo na rin kung ano talaga ang nasa isipan ko dahil sa pagpalo mo sa akin, then magpagaling ka muna. Take a good rest at kapag nagising ka na wala ako sa tabi mo o hindi mo ako nakita sa paligid mo sa pagmulat ng mga mata mo, then it’s over. Ibig sabihin lang n’on, hindi na kita mapapatawad pa at tuluyan na akong maglalaho sa buhay mo.”
Kitang-kita ko ang sorpresang dumaan sa mga mata ni Brent pagkatapos kong sabihin iyon. Pero saglit lang iyon. The next thing I knew, his gaze became hazy and I found myself catching him to prevent his inevitable fall.
No comments:
Post a Comment