[Relaina]
Feeling ko, lutang pa rin ang utak ko dahil sa dami ng mga nangyayari sa paligid ko. Kahit nga habang pinapanood ko ang ina ni Kamoteng Brent na inaalagaan ang panganay na anak, para lang akong tuod doon. Hindi kumikilos kahit na nag-aalala rin ako sa lagay ng kamoteng iyon.
Kung hindi ba naman kasi talaga sira-ulo 'tong bugok na 'to.
“Sigurado ka ba na okay lang ang pakiramdam mo, hija?”
Ang tanong na iyon ni Doktora Fate ang nagpatigil sa pagmumuni-muni ko. Napatango na lang ako.
“Hey… It’s okay. I know my son would do something like this. He can be hard-headed sometimes,” nakangiting turan ng ginang.
Pero sa isip ko, hanep ang pagdadatingan ng kung anu-anong reaction whatsoever. Sometimes lang talaga umiiral ang hardheadedness ng kamoteng 'to? Hindi halata.
“I think your mind is disagreeing with what I said.”
Lihim na lang akong napangiwi at saka ko hinarap si Doktora na may alanganing ngiti. “Halata po ba?”
Tumango ito na may amused pang ngiti sa mga labi nito. Now that I thought about it, parang nakikita ko na kung kanino namana ng magkakapatid na Montreal ang ngiti ng mga ito.
“Why don’t we leave him here to rest for a while? Nagpahanda na rin ako ng sopas para mainitan ang sikmura mo. Mahirap na at baka magkasakit ka na rin.”
Wala na akong nagawa kundi pagbigyan ang nais ng ginang. But as I was leaving, I couldn’t help glancing back at Brent's sleeping form. He truly looked so peaceful, para bang hindi ito nakaramdam ng bigat ng kalooban kanina lang.
“May problema ba, Relaina?”
Napatingin ako kay Doktora. Noong una, nag-alangan pa akong ilabas ang gusto kong sabihin. But the look of assurance in this woman’s eyes dissipated my hesitation.
“Doktora… Usually kapag ganitong may sakit si Brent, inaabot po siya ng ilang oras bago magising sa pamamahinga niya?”
Yup, I know. Lame question. But it was something quite important to me.
“An average of three hours, more or less,” sagot nito na ikinatango ko na lang.
“So I still have three hours to think about it, then,” tanging usal ko saka ako napabuntong-hininga.
Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Doktora. Marahil ay narinig nito ang sinabi ko. Laking pasalamat ko na lang na tila wala naman itong planong mag-usisa pa. Sumunod na lang ako rito hanggang sa marating namin ang dining room.
Agad kong nakita roon sina Mayu at Neilson na masayang nag-uusap. Napailing na lang ako.
“Hindi talaga mapaghiwalay ang dalawang 'to,” komento ko na lang at naupo sa upuang itinuro ng ginang sa akin.
Mayamaya pa ay inihain na ng isang maid ang isang bowl ng chicken macaroni soup—my favorite pero si Mayu at ang parents ko lang ang talagang nakakaalam. Nagpasalamat ako sa maid na iyon at pati na rin kay Doktora bago ko sinimulan ang pagkain.
Pinilit kong ganahan ang pagkain n’on kahit na manaka-nakang napapatingin ako sa hagdanan patungo sa second floor kung saan naroon ang silid ni Brent. I didn’t know why I kept doing that kahit ano’ng pigil ko sa sarili ko na huwag gawin iyon. Wala naman na akong dapat alalahanin, eh.
Pero bakit ganoon ang nararamdaman ko? Bakit parang hindi pa rin ako mapalagay?
“Okay ka lang, Aina?”
Agad akong napatingin kay Mayu pagkarinig ko n’on. Tango lang at isang ngiti ang naging tugon ko. Pero agad na naglaho ang ngiting iyon. Muli ay napatingin ako sa direksiyong kanina ko pa tinitingnan.
“He would be alright now, Relaina. Wala ka nang dapat na ipag-alala pa,” sabi naman ni Neilson.
Hay, Neilson… Kung alam mo lang talaga ang inaalala ko sa mga sandaling ito, ewan ko lang kung magagawa mo pang sabihin iyan sa akin. But since I had no plans of mentioning anything to anyone, I might as well keep my mouth shut.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain sa sopas habang mainit pa. In fairness lang, ha? Ang sarap magluto ng cook ng pamilya Montreal ng sopas. Oo na, ang babaw lang ng kaligayahan ko para mag-react nang ganoon sa sopas na 'to. What could I say? Masarap naman talaga.
After that, agad na akong nagtungo sa sala. Naabutan ko roon si Ate Julia, ang second eldest sa current generation ng mga Rialande at ito ang pinakamatanda sa mga babaeng Rialande. Nagbabasa ito ng libro nang abutan ko ito habang nakikinig ng love songs. Nag-angat ito ng tingin nang maramdaman yata nitong naroon ako.
“You’re done eating?” nakangiting tanong ni Ate Julia.
Tumango ako at naupo sa isa sa mga single seater sofa roon. “Thank you nga po pala sa pagpapahiram ng damit n’yo sa akin.”
“Don’t worry about it. Sa katunayan, mga lumang damit ko na ang mga 'yan. I’m just glad na nagkasya pa rin sa 'yo iyan kahit papaano.”
I was actually wearing a light blue long-sleeved polo and black cotton pants. Ipinahiram ni Ate Julia ang mga ito sa akin nang marating ko ang ancestral house nina Brent at agad nitong napansin na nag-uumpisa na akong lamigin dahil sa suot kong damit na basang-basa na.
The moment na nag-collapse si Brent, agad na may lumapit na tatlong lalaki sa amin. Nalaman ko sa mga ito na inutusan daw ang mga ito na sa malayo lang magbantay kay Brent. Alam din daw ng mga ito na darating ako para kausapin ang batang amo ng mga ito. Saka lang daw magpapakita ang mga ito kapag nagkaroon ng 'di inaasahang pangyayari, gaya na lang ng pag-collapse ng kamoteng 'yon na ang lakas ng loob magbabad sa ulan. Hindi naman pala kaya ng katawan nito.
Aalis na dapat ako sa lugar na iyon para sa bahay na lang magpapalit ng damit pero hindi na ako pinayagan ng mga agents na iyon. Ang mga ito na mismo ang nag-offer na sa ancestral house ng mga Rialande na muna ako magpatila ng ulan at magpalit ng damit. I just accepted it upon learning na ang ina mismo ni Brent ang nag-utos niyon sa mga agents.
So here I was.
Kahit saang anggulo ko pala tingnan, ang laki ng European influences sa bawat disenyo ng ancestral house na iyon kung saan siya kasalukuyang naroroon. Well, hindi naman lingid sa kanya na ilan sa mga pinakamayaman at maimpluwensiyang angkan sa Spain ang pamilya Rialande at Delgado. In fact, those two families’ influences during the 16th century even reached other countries in Europe.
But according to what I’d heard from a few sources, may napakalaking dahilan daw kung bakit biglang naglaho ang impluwensiyang iyon ng dalawang pamilya during the very same century and forced them to relocate to the Philippines. Kung ano man iyon, tanging ang dalawang angkan lang daw ang nakakaalam.
Napabuntong-hininga ako nang mapuna kong nalilihis na naman ang pasaway kong isipan. May iba akong dapat na pakaisipin sa mga sandaling iyon, eh. I only had less than three hours to do that—to come up with a decision.
“Mukhang sobra yata ang ginagawang panggugulo ng pinsan kong iyon sa isip mo ngayon, ah.”
Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang sinabing iyon ni Ate Julia. Isang tabinging ngiti na lang ang nagawa kong itugon.
“Was it that bad?”
“Hindi naman po. I just need to come up with a decision before facing Brent again. Sana lang, hindi ko pagsisihan ang mapipili kong desisyon.” Great! Now I was talking vaguely.
Pero ayoko namang ipangalandakan pa kay Ate Julia ang problema ko, 'no? It was more than enough na naistorbo na ang mga ito dahil sa akin at sa katigasan ng ulo ng kamoteng iyon. Ayoko nang madagdagan pa iyon.
“Why don’t you go to his room? Baka sakaling makatulong iyon upang makabuo ka ng tamang desisyon,” bigla ay suhestiyon ni Ate Julia.
Kung nasa normal lang sigurong sitwasyon ang lahat, nag-react na ako nang pagkalakas-lakas sa narinig ko. Going to his room would mean total disaster, lalo pa’t naroon din sa ancestral house ang pinsan ko at ang kakambal ng kamoteng iniisip ko. Isyu na naman ang kasasangkutan ko.
But then, this wasn’t even a normal situation at all. Hindi ako makapag-isip nang tama at alam naman siguro ng dalawang iyon na hindi ito ang oras para gumawa ng kung ano mang isyu o gulo. Kaya nga heto, kuntodo sa pagkunot ang noo ko.
Now that I thought about it, what was it that you were trying to imply with that, Ate Julia? Yet I didn’t have the guts to voice that out.
“I had the greatest feeling na patungkol kay Brent ang desisyong kailangan mong pag-isipan nang husto. I think it would help more kung makikita mo siya. Looking at the person concerned for us to make a decision sometimes helps in strengthening our resolve with regards to the decision we’re about to make. Samantalahin mo habang tulog pa siya.”
Okay… Please tell me nagbibiro lang si Ate.
Like… what the hell! Hindi ba 'to nasisiraan ng bait or anything?
Natawa na lang si Ate Julia. “Don’t look at me like that as if I’m crazy. I’m telling the truth. Besides, alam ko namang hindi mo gagapangin ang pinsan ko.”
“Ako? Manggagapang sa bugok na 'yon? Ni sa panaginip, hindi ko gagawin 'yon, 'no!” naibulalas ko na lang at saka ako napailing.
Pambihira! Hanep ding magsalita si Ate Julia.
Lalong natawa si Ate na ikinasimangot ko na lang. Grabe lang. Naging comedienne pa ang kinalabasan ko sa lagay na 'yon.
“You know what? Hindi na ako magtataka kung bakit nakuha mo ang atensiyon ng pinsan kong 'yon. You’re definitely not like those other girls,” saad nito at saka ako nginitian. “Sige na. Puntahan mo na lang siya sa kuwarto niya. And I really hope you’d be able to come up with the right decision.”
Right decision, huh? Would I really be able to make it just for Brent's sake?
No comments:
Post a Comment