PAGPASOK na pagpasok ni Theron sa kuwarto niya nang makauwi na siya sa mansyon ng mga Monterossa ay galit na inihagis niya ang mga gamit na dala. Pinagsisipa niya ang dingding at sinuntok din iyon nang hindi pa siya makuntento. Wala na siyang pakialam sa sakit na nararamdaman dahil mas nangingibabaw ang sakit sa kanyang puso.
Sa lahat ng katangahang nagawa sa buong buhay niya, ito na yata ang isang bagay na wala nang kapatawaran. Hindi siya makapaniwalang nasabi niya ang mga salitang iyn kay Mirui. Of all people na pasasakitan niya nang ganoon, bakit ang babaeng mahal pa niya?
"I'm sorry, Mirui... I'm so sorry..." umiiyak at puno ng pait na bulong niya habang patuloy sa pagsuntok sa dingding. Mayamaya pa ay nanghihinang napasandal siya roon at tila nauupos na kandilang napaupo sa sahig.
Hindi lang naman niya gustong masira ang relasyong inilihim ng dalaga sa kanya kay Lexus. Kaya niya nagawa iyon. Isa pa, binalaan na siya ng ina ni Mirui. Pero alam niyang nangsisinungaling lang siya kapag itinanggi niyang tama ang ginawa niyang pagtataboy sa dalaga.
Damn it! It was the biggest mistake he ever did in his life. He was such a fool. Ngayon ay nagsisisi siya sa desisyong pinanindigan niya kahit na sadyang nakapasakit para sa kanya na gawin iyon.
Hilam ng luha ang mga mata ni Theron nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kuwarto niya, dahilan upang mapatingin siya roon. Sumalubong sa kanya ang nag-aalalang mukha ng kanyang ama na agad lumapit sa kanya at niyakap siya. Sapat na iyon upang lalo siyang mapaiyak. Walang salitang namagitan sa kanilang mag-ama, pero sapat na ang yakap nito sa kanya na tila pinapatahan siya. Ramdam niya ang sinseridad at kagustuhan nitong mapakalma siya kahit papaano.
"Bakit ganito, Pa? Bakit ang sakit?" lumuluhang tanong niya na bumasag sa katahimikan nilang mag-ama kapagkuwan. "Bakit kahit alam mong tama, walang kapantay na sakit ang kapalit ng ginawa kong iyon? Why does sacrificing something has to end up to be the biggest mistake of my life even if it's for the one I love?"
Paghinga ng malalim ang naging tugon ng ginoo na hindi pa rin pinapakawalan si Theron. Ilang sandali pa ay nagsalita ito.
"May mga sakripisyo talaga tayong ginagawa sa buhay na sa tingin natin ay tama. Lalo na kapag ang kapalit niyon ay ang pagtapos sa isang importanteng laban. Pero nagkakaramdam tayo ng matinding sakit ng kalooban dahil sa sakripisyong iyon kapag may isang bahagi ng puso natin ang nagpupumilit na hindi pa tapos ang lahat. Lalo na ang isang laban na dahilan kung bakit ginawa natin ang sakripisyong iyon."
Hindi man niya gustong magtaka sa sinabi ng ama, ganoon pa rin ang nangyari. Pero hindi na lang siya nagsalita.
"Don't ever thing that it's over hanggang alam mong hindi pa huli ang lahat, anak. Lumaban ka hanggang kaya mo, hanggang may nakikita ka pang pag-asa na hindi matatapos doon ang lahat."
Hindi alam ni Theron kung saan nakukuha ng kanyang ama ang mga pinagsasasabi nito. Pero kahit alam niyang may punto ito, kahit gusto niyang gawin ang payo nito, hindi niya alam kung saan kukuha ng lakas na gawin iyon. He already pushed away his source of strength, his inspiration.
At heto siya ngayon, walang kapantay na sakit ng kalooban ang nararamdaman dahil sa ginawang iyon.
= = = = = =
MIRUI had never felt so lifeless since that confrontation with Theron. Tila nawalan na siya ng ganang gumawa ng kahit ano. Hindi siya makapag-isip ng matino dahil sa nangyari. Ang sakit-sakit.
She hated this! Hindi niya naisip na makakaramdam siya ng ganito katinding sakit ng kalooban sa tanang buhay niya. Ano ba talaga ang nangyari? Bakit ganoon na lang kung ipagtabuyan siya ni Theron?
Ilang araw na rin siyang walang matinong tulog. Ayaw siyang patulugin ng maraming isiping gumugulo sa kanya. Napapansin na rin nina Guia ang epekto niyon sa katawan niya. Sinubukan rin niyang ibaling sa musika ang sakit na nararamdaman. Subalit ipinapaalala lang niyon ang lahat ng may kinalaman sa maikling panahong ipinagsamahan nila ni Theron.
Walang ibang sinasabi sa kanya si Lexus tungkol sa nangyari pero alam niyang apektado rin ito dahil sa sitwasyon niya. Nalaman niya kay Miette na mas naging istrikto at mainitin ang ulo ni Lexus nitong mga nakalipas na araw. Isa pang nakarating na balita sa kanya ay ang pagsuntok ni Lexus kay Theron isang araw matapos ang huling beses na kinausap siya ng huli. Bagaman nakaramdam ng pag-aalala para sa binata, wala naman siyang magawa. Ayaw na siyang lapitan at kausapin pa ni Theron kaya wala nang silbi pa na mag-alala siya para rito. Masakit pero kailangan niyang tanggapin.
Gaya ng dati ay tila walang lakas na umuwi ng bahay si Mirui. Ang tanging gusto na lang niyang gawin ay dumiretso sa kuwarto at magpahinga. Para siyang hapong-hapo. Paakyat na sana siya ng hagdan nang mapakunot-noo dahil sa naulinigang mga tinig na tila may pinagtatalunan.
Si Kuya Lexus at si Mama? Ano'ng pinagtatalunan nila?
Hindi man niya gustong mag-usisa, natagpuan pa rin niya ang sarili na tinatahak ang direksyon kung saan narinig ang nagtatalong iyon. Narating niya ang music room na bahagya pang nakaawang ang pinto. Sa pagsilip niya roon, nakita niya si Lexus na nakatagilid sa kanya at mababakas ang galit sa mukha nito. Gusto niyang matakot at kabahan sa nakita. Kailan ba nang huling beses niyang makita ang galit na mukhang iyon ni Lexus? Hindi na niya matandaan at hindi na niya gustong tandaan pa. Samantala, hindi niya makita sa line of sight ang ina pero may palagay siyang nakaharap ito kay Lexus.
"Tama lang ang ginawa ko, Lexus. At wala nang makakapagpabago pa niyon," determinadong sabi ng kanyang ina.
"Kahit alam n'yong nahihirapan na si Rui dahil doon? Bakit kailangan n'yo pa siyang idamay sa galit n'yo kay Arthur Monterossa? Rui has nothing to do with anything related to him! Hindi pa ba sapat sa inyo ang partisipasyon ko? If Rui wants to be happy with Arthur's son, wala na tayong magagawa roon," walang prenong saad naman ni Lexus.
Lumalim ang pangungunot ng noo ni Mirui. Why didn't she even think of it that way? Kaya pala biglaan na lang siyang nilayuan ni Theron. Napailing siya. She couldn't believe how cruel her mother could be to do this to her.
"Para ano? Para hayaan ko ang lalaking iyon na paglaruan ang anak ko tulad ng ginawa ng tatay niya? I'd better take a step now to prevent that. Hindi ko na hahayaang may isang Monterossa ang sisira sa kinabukasan ng kapatid mo, Lexus. Tama na ang nangyari noon," matigas na wika ni Sierra.
Tuluyan nang napaluha si Mirui dahil sa narinig. Kuyom niya ang kamao na kulang na lang ay isuntok niya iyon sa dingding para mailabas ang pinipigilang galit. But she didn't want to make a noise that would let her mother and her brother realize her presence. Hindi pa ngayon.
Ilang sandaling natahimik si Lexus bago niya narinig ang marahas nitong pagbuntong-hininga. "You know what, Mom? Sa nakikita ko ngayon, hindi isang Monterossa na labis mong kinamumuhian ang sisira kay Rui. Ikaw na sarili naming ina na patuloy na napopoot kay Arthur Monterossa ang sisira sa kanya dahil sa pinaggagagawa mo ngayon," mahina at tila puno ng lungkot at panghihinayang na wika ni Lexus.
Tuluyan na siyang nakaramdam ng panghihina. Lalo siyang napaluha. How could her—and Lexus'—mother do this? Bakit pati siya na wala naman talagang kinalaman sa mga Monterossa ay nadadamay sa galit nito?
= = = = = =
PERO kahit ayaw harapin ni Mirui ang ina dahil na rin sa mga narinig niya nang nagdaang gabi, pinilit na lang niya ang sarili. Hindi naman puwedeng magkulong siya sa kuwarto. Tiyak na kukulitin siya ni Lexus na lumabas. Ganoon ito palagi sa kanya. Hindi siya hinahayaan nitong magmukmok sa isang sulok lalo na kapag malungkot siya o 'di kaya'y nagtatampo. Tama na ang alalahaning ibinigay niya sa kapatid. Ayaw na niyang dagdagan pa iyon.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Lexus nang makasalubong niya ito pagbaba niya ng hagdan.
Bagaman pilit ang ngiti, tumango siya at diretsong nagtungo sa dining room para mag-almusal. Hindi siya nagsalita kahit nang batiin ni Sierra. She proceeded to eating her breakfast without a word. Gusto niyang umalis muna sa bahay at magtungo sa skating rink. Magsasanay pa siya para sa isang figure skating competition na nakatakda niyang salihan. Kahit alam niyang mahirap, kailangan niyang gawin. Gusto lang niyang ibaling sa ibang gawain ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
"Are you alright, Mirui? Bakit ang tamlay mo ngayon? Are you even getting enough sleep?" sunud-sunod na tanong ng kanyang ina. Pero hindi pa rin nagsasalita si Mirui. Patuloy lang siya sa pagkain. "Naririnig mo ba ako, Mirui?"
Dagling napatigil siya sa ginagawa at walang emosyong hinarap ang ina. Pero sandali lang iyon. Kapagkuwan ay naramdaman na lang niya ang pagngilid ng luha sa kanyang mga mata. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagdaan ng pag-aalala sa mga mata ni Sierra.
"Naririnig kita, huwag kang mag-alala. Pero naisip mo naman na siguro ang sagot kung bakit ako nagkakaganito, 'di ba? Ma, ano ba'ng kasalanan sa 'yo ni Theron para idamay mo siya sa galit mo, ha? 22 years ago pa iyon, Ma. Hindi mo pa rin pa pinapakawalan iyon?"
"A-ano ba'ng pinagsasasabi mong bata ka? Bakit ka ba nagkakaganyan? Iyan ba ang itinuturo sa 'yo ng lalaking iyon? Sinasabi ko na nga ba—"
"Walang kinalaman dito si Theron kaya huwag mo siyang idinadamay," matigas na pigil niya sa iba pang sasabihin nito. Gustuhin man niyang sumigaw, hindi na lang niya ginawa dahil hindi iyon tama. Hanggang maaari ay nais pa rin niyang igalang ito. Pero hindi naman nangangahulugan na hahayaan niya itong diktahan at kontrolin ang buhay niya. "Ilang beses ba naming kailangang ipaintindi sa 'yo ni Kuya iyon, ha? Ang kasalanan ng ama, hindi nangangahulugang kasalanan din ng anak. O, ngayon, masaya na kayo sa kinahinatnan ng ginawa n'yo sa amin ni Theron? Lumayo na siya. Sinabi niya sa akin na walang patutunguhan ang pagkakaibigan namin. Na nagsasawa na siyang pakisamahan ako."
Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Pilit niyang tinanggal ang bikig sa lalamunan dahil sa samu't-saring emosyong lumulukob sa kanya. "Wala kayong ideya kung gaano kasakit para sa akin ang mga sinabi niyang iyon. Na ngayon, may palagay na ako na napilitan lang siyang sabihin ang mga iyon sa akin para nga lumayo na ako sa kanya. Sana nga masaya na kayo na ganoon ang nangyari. Kahit alam n'yong naging kapalit naman n'on ay ang kasiyahan ng anak n'yong nagmahal lang sa kanya."
Matapos niyon ay pinahid niya ang naglandas na mga luha. Hindi na niya tinapos pa ang pagkain at nagmamadaling umalis ng bahay. Hindi na niya pinansin ang pagtawag ni Lexus. Kailangan niyang sumagap ng sariwang hangin. Pakiramdam niya ay kinapos siya ng hininga dahil sa paglalabas ng kanyang hinaing sa ina.
Isang lugar lang sa ngayon ang nais niyang puntahan. Sana lang ay makatulong iyon upang magawa niyang kumalma kahit ipapaalala lang niyon si Theron sa kanya.
= = = = = =
KUNG ilang beses nang bumuntong-hininga si Theron nang araw na iyon, hindi na niya mabilang pa. Pero alam niyang ganoon ang ginagawa ng mga kasamahan niya sa Falcon Knights. Hindi na siya magtataka kung bakit. He doesn't usually exhaled deeply as if he won't do that again in his next life. Iyon ay kung may next life pa nga ba siyang maituturing.
But if ever... he did have a next life, isa lang ang kahilingan niya. At iyon ay ang makita at makilalang muli si Mirui. Isang malalim na buntong-hininga na naman ang pinakawalan niya. Ano ba 'tong pinag-iisip niya ngayon? He was supposed to be concentrating for his practice match. Pero wala roon ang pag-iisip niya. Hindi rin siya makapag-focus nang maayos. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin.
Ilang araw na rin ang nakakalipas mula nang huling beses niyang kausapin si Mirui. That day was the worst day of his life. At kahit gusto niyang gawin ang ipinayo ng kanyang ama na ipaglaban niya ang ninanais hanggang alam niyang may pag-asa pa, hindi niya alam kung saan kukuha ng lakas ng loob. Hindi niya alam kung saan mag-uumpisa. He wanted to curse himself. Bakit ba lagi na lang siyang palpak pagdating kay Mirui?
"Ron, sigurado ka bang okay ka lang? Mukha ka nang zombie, o," puna ni Selwyn. Pero kahit parang biro na naman ang pinagsasasabi nito, Selwyn's voice was laced with concern and worry. "Umuwi ka kaya muna. Parang kailangan mo ng mahaba-habang pahinga."
"Hindi pahinga ang kailangan ko," walang ganang sagot ni Theron at nagpatuloy sa pagpunta sa court kung saan makakaharap niya si Kane. Pero sa nakikita niya, parang hindi rin gusto ni Kane na makipaglaro sa kanya.
"Unless you take a good rest, Theron, I doubt papayagan ka pa ni Lexus na sumabak para sa Singles 3 next week," ani Kane at lumapit sa kanya. "Tingnan mo nga 'yang sarili mo. Saka ka na maglaro kapag okay ka na."
Yeah, right. Para namang ganoon lang kadali sa kanya na ibalik sa dati ang sarili niya, 'yong masasabi niya na okay na siya. Hanggang wala siyang nagagawang paraan para ayusin ang gusot na ginawa niya, hindi niya alam kung kailan siya magiging okay. Tama siya, hindi pahinga ang kailangan niya. Si Mirui ang kailangan niya. Ito lang ang kailangan niya para maging maayos ang lahat.
But that would be like wishing for the impossible, right?
"Monterossa."
Awtomatikong napalingon si Theron nang marinig ang maawtoridad na tinig na iyon ni Lexus. Hindi niya alam kung bakit nitong mga nakaraang araw, tila mahirap na sa kanilang mga Falcon Knights na tantiyahin ang mood ng captain nila. If this had something to do with his issue about Mirui or maybe about other things, hindi nila alam. Pero hangal na lang ang maglalakas-loob na banggain pa si Lexus na ganito ang mood nito.
"Stay on the side. You'll remain there until I tell you it's your turn to play." Iyon lang at ito na ang humarap kay Kane para sa practice match.
Naguguluhan man ay tahimik na lang niyang sinunod ang utos nito. Mabuti na nga rin siguro iyon. Hanggang sa matigilan siya. Bakit kapag si Lexus ang nag-uutos sa kanya, walang angal niyang sinusunod iyon? Pero kapag ang ibang Falcon Knights ang nagsasabi niyon, wala siyang pinapakinggan? Ano ba ang meron kay Lexus para magawa niya iyon? May mas mabigat pang dahilan iyon bukod sa captain ito ng tennis club at nararamdaman niya iyon. Hindi nga lang niya maintindihan kung ano.
Lumipas ang oras at pinanood lang niya ang mga kasamahan na maglaro at mag-practice para sa open tournament na sasalihan ng team bukod pa sa Intramurals ng Alexandrite University. Inobserbahan lang niya ang play style ng mga ito dahil maaari rin niyang magamit iyon sa kanyang mga susunod na laro.
"Theron, can we talk?" tanong ng isang pamilyar na tinig.
Napalingon siya sa pinagmulan niyon at ganoon na lang ang pagkunot ng noo niya nang makita ang isang magandang babae 'di kalayuan sa kinauupuan niya. Naging dahilan din iyon upang mapatigil sa paglalaro ang iba sa mga kasamahan niya. Hindi naman nakaligtas sa kanya ang pagkagulat sa mukha ni Lexus nang makita ang babae.
"Ma? Ano'ng ginagawa n'yo rito?" takang tanong ni Lexus sa babae habang tumatakbo palapit rito.
Ma? Napatingin si Theron sa estranghera. Kung ganoon, ito ang nanay ng captain nila? Pero bakit naman siya nito kakausapin?
Bumuntong-hininga ang babae bago siya hinarap. "I need to talk to you... about Lexus and my daughter Mirui."
Lalong kumunot ang noo ni Theron. Anak nito si Lexus at... maging si Mirui? Paano nangyari iyon?
No comments:
Post a Comment