HINDI mapunit ang ngiting nakapaskil sa mga labi ni Theron habang kasalukuyang nagpapatugtog ng gitara sa silid niya. Ilang araw na rin siyang ganoon at talaga namang nakakapanibago, lalo na sa mga kasamahan niya sa Falcon Knights. Bagaman ilang beses na siyang kinukulit ng mga ito, lalo na nina Selwyn at Errol, hindi siya nagsasabi ng kahit ano.
Ano naman kasi ang sasabihin niya sa mga ito? Maging siya ay hindi maipaliwanag sa sarili ang kasiyahang lumulukob sa kanya hanggang sa mga sandaling iyon. Who would've thought he would come close to being with Mirui like that? Nararamdaman pa rin niya ang init at lambot ng palad nito dahil sa ginawa nitong paghawak sa kamay niya noong isang araw.
It was just a simple gesture, but the effect it gave to his heart was colossal. Hindi nga niya alam kung paano pa nagawang umakto nang normal sa harap ng dalaga sa kabila niyon. Hindi rin niya alam kung bakit ganoon ang epekto ng pagdadaop ng mga palad nila sa kanya. Hindi naman iyon ang unang pagkakataong nangyari ang bagay na iyon.
Maybe because Theron could feel that there was something different with the way Mirui held his hand at the time. It was as if... she was trying to convey something to him. At least, iyon ang pakiramdam niya. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagtugtog ng gitara nang hindi magawang hanapan ng paliwanag ang pakiramdam niyang iyon.
Naputol lang iyon nang marinig ang pagtunog ng cell phone niya. Kumunot ang noo niya nang makitang unregistered number iyon. Sino naman kaya ito? "Hello?"
"Is this Theron Heinz Monterossa?" tanong ng isang 'di pamilyar na tinig ng isang babae.
Lalong lumalim ang pagkakakunot ng kanyang noo. Gayunman ay kinumpirma niya ang tanong nito. Sa 'di malamang dahilan, bigla ang paglukob ng kaba at takot sa kanyang pagkatao. Lalo na nang ipahayag ng babaeng kausap ang pakay nito sa kanya.
Ganoon na lang ang nararamdamang pagkadurog ng kanyang puso dahil sa pahayag nito. Paano ba naman kasi? Ang pakay ng babaeng tumatawag sa kanya ay ang isang bagay na hinding-hindi niya magagawa.
"Sana ay sapat na ang paliwanag ko sa iyo para mapag-isipan mong mabuti ang gusto kong gawin mo. It's better this way, Mr. Monterossa." Iyon lang at pinutol na ng caller na iyon ang tawag. Habang siya ay wala sa sariling ibinaba ang cell phone mula sa tainga.
Gusto nitong layuan niya si Mirui? Hindi siya makapaniwala. Like hell he would do that!
= = = = = =
HINDI matukoy ni Mirui kung ano ba ang dapat maramdaman habang naroon siya sa closed court nang araw na iyon. Sa pagkakaalam niya ay maayos pa ang lahat nang maghiwalay sila ni Theron sa labas ng subdivision matapos siyang ihatid pauwi nang nagdaang gabi. Hinintay pa nga siya ng binata na matapos mag-practice para lang maihatid siya.
Kaya bakit ngayon ay para bang hindi siya nag-e-exist sa paningin ni Theron nang maisipan niyang bisitahin ito? May nagawa ba siyang mali na hindi niya nalalaman?
"Theron—"
"Huwag mo muna akong lalapitan. Abala pa ako," ani Theron at agad na lumayo sa kanya.
His tone was cold and seemed lifeless when he said that. And each word felt like icicles sharp enough to stab her heart multiple times. Ano'ng nangyari at ganoon ito sa kanya ngayon? Nangingilid ang luha sa mga mata ni Mirui nang sundan niya ng tingin ang binata. Hindi na niya alam kung ano ang dapat isipin. Had Theron really turned into an ice prince he was known for?
Umiling siya. May dahilan ang lahat ng ito. At iyon ang kailangan niyang malaman.
"Rui..."
Napatingin siya sa pinagmulan ng tinig na iyon. Nanlabo na ang kanyang mga mata nang makita si Lexus na puno ng pag-aalalang nakatingin sa kanya. Hindi na niya napigilan ang sarili at napapaluhang niyakap ang binata. Walang salitang namagitan sa kanilang dalawa pero sapat na ang paghaplos nito sa buhok niya para tulungan siyang kumalma kahit papaano.
Kahit hindi niya alam kung ano ba talaga ang nangyayari at ganoon na lang kung tratuhin siya ni Theron ngayon.
= = = = = =
NAG-IWAS na lang ng tingin si Theron nang makita ang pagyakap ni Mirui kay Lexus. Idagdag pa ang nakitang naglandas na luha sa mga mata ng dalaga. Sapat na iyon upang makaramdam siya ng pagsisikip sa dibdib dahil alam niyang siya ang may kagagawan niyon. Gusto na talaga niyang kutusan ang sarili sa mga pinaggagagawa niya. Hindi ba't sinabi niya sa sarili na hindi niya iiwasan si Mirui? Kaya ano itong ginagawa niya ngayon?
Alam niyang nasaktan ang dalaga sa ginawa niya kanina. He acted cold towards her kahit na hindi iyon ang gusto niyang gawin. Pero patuloy na umaalingawngaw sa isipan ang naging pag-uusap nila ng ina ni Mirui nang nagdaang gabi. Na hindi siya dapat lumalapit pa kay Mirui dahil makakasira lang siya sa konsentrasyon nito sa activities sa Imperial Flowers. Not only that, he would end up ruining Mirui and Lexus' relationship if he remained with her.
Bakit nagsinungaling sa kanya si Mirui? Sinabi nito na wala silang relasyon ni Lexus at naniwala naman siya. Pero ano 'tong nalaman niya? Walang kapantay na sakit ng kalooban ang naging kapalit ng pahayag na iyon ng Sierra Asahiro sa kanya nang gabing iyon. At mas lalo siyang nasaktan dahil dumating siya sa realisasyong kailangan niyang gawin ang ipinag-uutos ng ginang sa kanya.
He loved Mirui so much. Alam na niya ang bagay na iyon, matagal na. Pero kahit masakit, kailangan niyang lumayo. Wala naman na siyang dahilan para huwag gawin iyon. Nakita na niya ang patunay na totoo ang sinasabi sa kanya ni Sierra. Kaya wala nang dahilan pa para manatili pa sa tabi ng dalaga. Hindi niya maaatim na pati ang relasyon ng babaeng mahal niya at ng lalaking isa sa mga nirerespeto niya ay masira ng dahil sa kanya. Hindi niya kakayanin iyon.
"Ron, okay ka lang?"
"Parang pinagsakluban ng langit at lupa 'yang mukha mo, ah."
Hindi na lang pinansin ni Theron ang sinabing iyon nina Selwyn at Errol sa kanya. Wala siyang ganang patulan ang mga banat ng ka-teammate niya. Pagod na siya. Pagod na ang kanyang puso. Lagi na lang siyang takot. Lagi na lang siyang huli.
Kaya ngayon, heto ang sumalubong sa kanya. Mas matindi pa ang sakit na pinagdadaanan ng puso niya.
= = = = = =
MAY ISANG oras na ring nakaupo lang sa harap ng piano ni Mirui pero hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa rin siyang nasisimulang patugtugin. Naroon siya sa clubhouse dahil kailangan niyang mag-practice para sa isang performance na gagawin ng Imperial Flowers at gaganapin sa Foundation Day ng Alexandrite University. Pero hindi niya magawang i-focus ang utak sa dapat na gawin. Patuloy na lumilipad ang kanyang isipan kay Theron at patuloy na pag-iwas nito sa kanya sa nakalipas na isang linggo.
Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin talaga siya. Idagdag pa ang walang kapantay na sakit na nararanasan niya dahil sa ginagawa nitong iyon. Bakit kung kailan naman kasi handa na siyang iparamdam kay Theron ang totoong nararamdaman niya ay saka pa ito nagdesisyong iwasan siya? Ano na naman ba ang problema nito at mukhang lumala pa ang naging trato nito sa kanya ngayon kaysa noong bago niya ito kinompronta?
Pero kahit magtanong siya ay walang mangyayari kung hindi siya kikilos para hanapan ng kasagutan ang mga iyon. May kakaibang nangyari, iyon ang sigurado niya. Kailangan lang niyang alamin iyon para na rin sa ikatatahimik ng kanyang kalooban. Hindi talaga siya matatahimik kapag nagpatuloy pa ito.
"Mirui, I think it's for the best kung umuwi ka muna. Saka ka na lang sumabay sa pagpa-practice kapag okay ka na," suhestiyon ni Ate Guia na kababakasan ng pag-aalala ang tono nito.
"Bakit ka ba nagkakaganyan, Mirui? May nangyari bang hindi maganda?" tanong ni Stacie, isa rin sa mga kasamahan niya sa Imperial Flowers.
"Puwede mo namang ikuwento sa amin. Baka may maitulong kami sa 'yo, " saad naman ni Miette.
Napahinga siya nang malalim. Gusto niyang mainis sa sarili. Pinag-aalala na niya ang mga kaibigan dahil sa walang tigil na pag-iisip sa ikinikilos ng Theron Heinz Monterossa na iyon. Mukhang pati ang performance ay maaapektuhan pa nang husto dahil sa kapabayaan niya.
Seryosong usapan, hindi na niya dapat patagalin pa ang sitwasyong iyon.
"I'll be fine, Ate. Ayoko rin namang umuwi sa bahay ngayon. Lalo lang akong maguguluhan," aniya at pilit na ngumiti.
"Is it about your Mom?" tanong ni Yuna. Pero hindi na lang niya ito sinagot.
Muli ay hinarap niya ang piano at ilang sandali pa ay nagpatugtog na siya.
Sa musika na lang muna niya ibubuhos ang inis na nararamdaman dahil sa mga nangyayari. She just wanted to comfort herself. Sa ganoong paraan man lang ay magawa niyang pag-isipan nang maayos ang mga hakbang na gagawin para makausap si Theron at alamin ang nangyayari rito, kung bakit ito nagkakaganoon. Sana lang ay hindi siya kamuhian ng musika dahil sa ginagawa niya.
= = = = = =
BUONG magdamag ding pinag-isipan ni Mirui ang sasabihin at mga gagawin para malaman na niya mula kay Theron kung ano nga ba ang problema nilang dalawa. Naisipan niyang pakiusapan si Lexus na kumbinsihin si Theron na pumunta sa rooftop kung saan sila unang nagkaunawaan ng Snowflakes na iyon. Alam niyang kapag si Lexus ang nagsabi rito ay walang dudang susunod ito. Kung kinakailangang gamitin pa ang authority nito as the captain of the tennis team para lang mangyari iyon, sana ay gawin nito. Oo, ganoon na siguro siya kadesperada at hindi na siya nahihiyang ilantad iyon sa binata. Laking pasalamat niya nang pumayag si Lexus sa gusto niyang mangyari.
Walang tigil sa pagsalsal ang kaba sa dibdib niya sa mga sandaling iyon habang inaabangan ang pagdating ni Theron. Mas matindi pa iyon sa kabang nararamdaman niya bago mag-perform. Kunsabagay, sino nga naman ang hindi kakabahan sa nakatakdang gawin niya sa araw na iyon?
Kokomprontahin lang naman ni Mirui ang lalaking mahal niya na ngayon ay iniiwasan siya at hindi pa niya alam kung bakit.
Awtomatiko siyang napalingon nang marinig ang pagbukas ng pinto papunta sa rooftop. Ganoon na lang ang pagwawala ng puso niya nang iluwa niyon si Theron. Iyon ay kahit walang bakas ng emosyon sa mukha nito nang ilikot nito ang tingin sa paligid. Tila may kumurot sa puso niya nang mapansing ganoon pa rin ang naging mukha nito kahit nang makita na siya nito roon.
Patindi nang patindi ang kabang nararamdaman niya habang papalapit sa kanya ang binata.
"What do you want? Sabihin mo na ang gusto mong sabihin dahil may kailangan pa akong asikasuhin. Ayokong masayang ang panahon ko rito," malamig na umpisa ni Theron.
Nasaktan talaga siya sa narinig. Nangilid na ang mga luha niya pero pilit pa rin niyang pinipigilan iyon. Hindi pa siya puwedeng umiyak sa harap nito ngayon.
"So ganyan na lang pala ako sa iyo ngayon? Isang taong sinasayang lang ang panahon mo? Ano ba'ng nangyari sa 'yo at ganyan ka na ngayon sa akin? May nagawa ba akong mali?" sunud-sunod na tanong ni Mirui sa basag na tinig. "Sabihin mo nga sa akin kung ano'ng problema at nang hindi ako nagmumukhang tanga rito sa kakaisip kung ano ba ang kasalanan ko sa 'yo para tratuhin mo ako nang ganito!" Tumaas na ang boses niya dahil hindi na siya nakapagtimpi pa. Sobrang sakit ng kalooban ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.
Hindi na talaga niya maintindihan ang ikinikilos ng binata. Kaya hindi na niya napigilang humulagpos sa harap nito. Nang tingnan niya ito, hindi nakaligtas sa kanya ang saglit na pagdaan ng lungkot at pag-aalinlangan sa mga mata nito. Pero para saan iyon? Nag-iwas lang ito ng tingin kapagkuwan.
Ilang sandaling namayani ang katahimikan kina Mirui at Theron. Hindi niya inaalis ang tingin sa binata na nakayuko at ilang beses nang humugot ng malalim na hininga. Tiningnan siya nito mayamaya. His eyes were devoid of any emotions.
"I'm sorry..." mahinang sabi ni Theron. "But I think it's for the best kung... kung lalayuan mo na ako, Mirui."
Gulat na napatingin si Mirui sa binata. "A-ano?" Siya, lalayuan na si Theron? Pero bakit?
"Walang magandang idudulot sa 'yo ag paglapit-lapit mo sa akin. Kaya mas mabuting bumalik na lang tayo sa dati, noong mga panahong hindi pa tayo nagiging malapit sa isa't-isa," dagdag pa nito na lalong nagpalito sa kanya.
Ano ba'ng pinagsasasabi ng lalaking ito ngayon? "G-give one reason for me to do that, Theron."
Napatingin ang binata kay Theron, may bahid ng pagtataka sa mukha nito. Huminga siya nang malalim at hinarap ito. "Bigyan mo ako ng matino at katanggap-tanggap na dahilan para pagbigyan kita sa gusto mo," pagpapatuloy niya. Wala na siyang pakialam sa naglalandas na mga luha niya.
Ilang sandaling natahimik si Theron na nakatingin lang sa kanya. As soon as he spoke, she knew his words would leave her in pain and in tears.
And her heart would remain hurting and breaking.
"Dahil wala nang patutunguhang maganda pa ang kung ano mang pagkakaibigang nabuo natin. Isa pa, mabuti na rin ito. Nagsasawa na akong pakisamahan ka. We'll just go on with our lives na wala ako sa buhay mo at wala ka sa akin. Nagawa naman na natin iyon noon, 'di ba? Wala namang magbabago," Theron said almost placidly. "Kung iyon lang ang gusto mong malaman mula sa akin, aalis na ako. Masyado mo na akong inabala." Iyon lang at umalis na ito.
That's it... Theron said those words like nothing. While she... She was just standing there, frozen and in pain. Soon after, nanghihinang napaupo siya at isinubsob sa mga palad ang mukha. Hindi na niya napigilang mapahagulgol sa tindi ng sakit na nararamdaman.
Hindi pa man siya nagsisimulang lumaban, talo na agad siya. Hinatulan na siya kaagad at ngayon, hindi na niya alam kung ano ang gagawin at saan pa patutungo ang nararamdaman niya para kay Theron ngayong pinapaalis na siya sa buhay nito.
No comments:
Post a Comment