KAHIT ILANG ulit na tingnan at pasadahan ng basa ni Takeru ang mga files na nakalagay sa folder na ibinigay sa kanya ni Dr. Shingo Yanai, tila ayaw tumimo sa isipan niya ang mga impormasyong nabasa niya.
"Is this the reason... for this person to become a target of the Dark Rose?" tanong ni Takeru sa operations psychologist nila. "And now you're asking me a favor? Come on, Shingo. You rarely do that, especially to me."
Pero si Shingo, poker faced pa ring nakatingin kay Takeru at tumango na lang siya para ipakita rito ang punto niya. "Ikaw na lang sa ngayon ang puwedeng kumumbinsi sa kanya na itigil na nang tuluyan ang misyon niya. You're friends with her, right?"
"Yeah, right. But that was before I ditched her and actually let her get involved with our affairs." Kung may ikakasarkastiko pa siguro ang paraan ng pagsagot na iyon ni Takeru, baka iyon na ang ginawa niya. But heck! He had no plans of getting mentally tortured by this guy. Iyon ang kahuli-hulihang bagay na gagawin niya kapag si Shingo ang naisipan niyang kalabanin.
"By the way, why are you really asking me to do this? What about you? As far as I know, Lady Shouda gave you the go signal to do this mission. You and Daryll, I believe," mayamaya pa'y dagdag ni Takeru nang harapin niya si Shingo.
Pero sa pagtataka ni Takeru, isang malalim na buntong-hininga ang naging tugon ng doktor. Hindi tuloy niya napigilang pangunutan ng noo. He really considered it too weird. What could possibly be the reason for Shingo to do this?
"Just do it for now, okay? If she didn't abide to what we want to happen, then I'll be the one to do what's necessary. I'll be the last resort. Or at least that's what Shouda told me. It's an order." Iyon lang at umalis na si Shingo sa silid na iyon kung saan niya iniwan si Takeru. Pero sa pagsara niya sa pinto ng silid na iyon, agad siyang napasandal sa dingding at napahawak sa gilid ng kanyang ulo.
Until now, Shingo couldn't help cursing at the pain he was feeling every time he would give an order involving that person. Tama na ang minsan niyang pagprotekta rito. Kung hahayaan niyang magpatuloy ito sa gusto nitong gawin, para saan pa ang isinakripisyo niya mailigtas lang ang buhay nito?
All Shingo hoped was for that person to abide to what they really wanted. But if a simple persuasion from Takeru wouldn't be enough, kailangan na nga siguro niyang kumilos. Bahala na kung ano ang maisakripisyo niya. Ang importante ay hindi magkakaroon ng mga "unrelated victims" sa misyon nila.
It was Princess Kourin's mission to him and Daryll.
Shingo shut his eyes tight at the surge of pain in his head.
Meanwhile, all Takeru could do was to stare at the door that Shingo went out to. Moments later, he sighed and shrugged. Seriously, ano ba'ng meron sa kanya at palagi na lang siyang napag-uutusan ng doktor na iyon when it comes to that person? Kinuha niya ang folder na naroon sa table at muling pinasadahan ng basa ang mga files na kasama niyon. This time, sinigurado niya na rerehistro na sa utak niya ang mga impormasyong naroon. Gusto talaga niyang siguruhin na hindi siya nililinlang ng mga iyon.
But Daryll and Shingo were the ones who retrived the information at ni minsan ay hindi pa pumalya ang mga ito. Lalo na kapag isinama nila sa gawaing iyon sina Tetsuya at Shuichi.
If what Takeru had read was the truth, mukhang kailangan na talaga niyang kumilos. That woman could be such a hard-headed individual most of the time. It was just a question of whether or not she would actually listen to him.
'Just what exactly are you trying to prove to us by doing this, Yasha?'
xxxxxx
"ANO KAYA ang problema ng babaeng iyon?" Iyon ang tanong ni Raiden sa sarili niya habang nakatitig lang sa cellphone. Hindi pa rin talaga niya maiwasang mag-alala para kay Rin. To think that the girl didn't go to class earlier that day...
Gusto na talagang tanungin ni Raiden si Rin tungkol sa lalaking bigla na lang nanghila rito nang nagdaang araw. Though he tried pressing his luck in knowing the information from Amiko, and hopefully from Miyako Yumemiya, he failed. All he knew was the fact that the young man was someone from Rin's past. At iyon ang talagang ipinag-aalala niya, whether he admitted it or not.
"You really have no idea what kind of mess you do in my head, Rin," ani Raiden sa sarili. At sa sobrang inis, kinamot na lang niya ang likod ng kanyang ulo. Kaysa naman magwala siya nang walang dahilan doon, he'd rather do that.
Para klaruhin ang takbo ng utak ni Raiden niya, kinuha na lang ni Raiden ang kanyang bakuto (wooden sword) sa isa sa mga cabinet niya na naroon sa kanyang silid. He'd rather practice his swordsmanship again sa dojo nila. Nakalabas na siya ng kuwarto niya at dadaan na sana siya sa back door patungo sa dojo nang may mapansin siya sa saglit na pagtingin niya sa sala. Kumunot tuloy ang noo niya.
'Sino kaya iyon?' Nakita kasi ni Raiden na nakaupo sa sofa ang isang pamilyar na bulto. He just needed to ransack his brain for possible answers on the identity of that person.
"Don't stare at me like that, Raiden. I won't do anything bad, if you're thinking of that," sabi ng lalaking iyon na siyempre pa ay ikinagulat ni Raiden. How in the world...?
"Don't be surprised. He has sharp senses, that's why. Kasama iyon sa mga sinanay nila to become an efficient warrior," ani Yasha na lalong nagpakunot ng noo ni Raiden. Kung may sakit lang siguro siya sa puso, baka kanina pa talaga siya inatake.
Hinarap ni Raiden si Yasha na siyang nagsabi niyon. "Ate, wala pa nga akong sinasabi, eh. Nakatingin lang ako sa kanya." Hanggang sa mapaisip siya. "Do you known that guy?"
Napatirik ng mga mata si Yasha at bumuntong-hininga. "Yeah, I knew him. That is, until the time I decided to become stubborn and act on my own that made him get angry at me. Anyway, he's not a bad guy. Just hard-headed."
"No wonder nag-click kayo." Pero sapak sa likod ng ulo ang nakuhang tugon ni Raiden. "What? I'm just telling the truth!"
"Telling the truth ka riyan! Umpisa ka na naman sa pang-aasar mo. Mag-training ka na nga lang sa dojo. Gabing-gabi, nakukuha mo pang mang-asar. Ang galing mo talagang manira ng magandang gabi."
Hinimas-himas na lang ni Raiden ang parte ng ulo niya na sinapak lang naman ni Yasha habang patuloy sa pagpunta sa backdoor. Napansin naman niyang pinuntahan ng kanyang kapatid ang sala kung saan naroon ang lalaking bisita nito. And then it hit him.
'Ang lalaking iyon ang kasa-kasama nina Rin at Amiko during the enrollment.' Kung ganoon, isa ito sa mga guardians ng best friend ni Raiden. Pero ano ba talaga ang ang koneksiyon ng lalaking iyon sa kapatid niya?
"Hay, naku po! Raiden Wilford, lagot ka talaga kay Ate kapag nakinig ka pa sa pinag-uusapan nila," nasabi na lang ni Raiden sa kanyang sarili at naiiling na lang na dumiretso sa back door palabas. He'd rather focus on his training bilang pantanggal ng alalahanin niya para kay Rin at pati na rin ng curiosity niya para sa kapatid.
No comments:
Post a Comment