NAKAKAILANG buntong-hininga na si Kourin pero wala pa ring matinong sagot na lumalabas sa utak niya. Hindi niya maintindihan ang sarili niya nang mga sandaling iyon. What exactly was the reason for her to hesitate?
Naroon si Kourin sa Zen Garden ng mansion. It was already 6 in the evening. Noong nagdaang araw pa tinanong sa kanya ni Seiichi ang kagustuhan nitong mag-start over again sila. Sa totoo lang, hindi siya sigurado kung anong masamang hangin ang c-um-ontaminate sa utak niya at kahit nalilito't nagulat ay hindi pa rin niya napigilang kiligin... at masaktan na rin at the same time.
This time, hindi na buntong-hininga ang ginawa ni Kourin kundi wagas na pagkamot sa likod ng ulo niya. Pero kadalasan lang niyang ginagawa iyon kapag talagang walang matinong sagot na pumapasok sa utak niya lalo na at matagal niyang pinag-isipan iyon.
Inilibot ni Kourin ang tingin sa paligid ng Zen garden. It wasn't anything like those at the Shinomiya mansion back in Kyoto. Pero sapat pa rin ang nakikita niya para bigyan siya ng katahimikan na kailangan niya kahit na talagang panandalian lang iyon. She tried to bask in the peacefulness habang pinagbibigyan niya ang sarili na pag-isipan nang husto--for the last time--ang magiging desisyon niya.
Sa pagbukas ng mga mata ni Kourin, ang madilim na kalangitan ang sumalubong sa kanyang paningin. The stars shimmered and the moon's dim light somehow made her smile. Bihira lang mangyari iyon matapos ang pag-atake. Hindi na kasi naging madali para sa kanya na i-appreciate ang mga bagay-bagay sa paligid pagkatapos ng lahat. Isa pa, patuloy na sumasagi sa isipan niya ang misyong kailangan niyang tapusin.
The clan princess had to end their battle whatever it takes!
Napaigtad si Kourin nang mapansin niya ang pagdaan ng isang shooting star. It was fast but thankfully, she was able to make a wish. As she opened her eyes after that, nagtagal ang tingin niya sa bilog na buwan. Unti-unti ay naalala niya ang nakasulat sa fortune paper na iniabot sa kanya noon ng shrine priestess. Agad niyang kinapa ang kanyang bulsa. She didn't know the real reason but she always found herself bringing that paper with her. Kinuha niya iyon doon ay binuklat mula sa pagkakatupi niyon.
'The full moon will entwine two loves that longed and waited,' iyon ang nakasulat sa papel na iyon. As Kourin looked up once more, she saw the glow of the moon. Makalipas ang ilang sandali, napailing na lang siya.
"Definitely impossible..." sabi na lang ni Kourin sa sarili dahil sa biglang naisip. Para naman kasing posible na ang tinutukoy sa fortune na iyon ay siya at si Seiichi.
Pero kung ganoon nga ang naiisip ng prinsesa, then what in the world did the fortune really mean?
Muli ay napaigtad si Kourin at naputol ang pag-iisip niya nang marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone. Bahagya siyang napangiwi nang makita roon ang number ni Raiden.
"Naku po! Sermon na naman ang aabutin ko sa lalaking 'to." Napakamot tuloy si Kourin ng ulo. Hindi kasi siya pumasok kanina sa klase nila. Pinatay rin niya ang kanyang cellphone sa buong maghapon dahil ayaw niyang magpaistorbo. Bumuntong-hininga na langs iya at kahit alam niyang matinding sermon ang aabutin niya rito sa susunod na araw, pikit-mata na lang niyang pinutol ang tawag ni Raiden. She really needed the time to think. "Sorry, Raiden."
Pagkatapos niyon ay muling binasa ni Kourin ang nakasulat sa papel na naglalaman ng mga salitang hindi siya sigurado kung dapat ba talaga niyang paniwalaan o hindi. As she did so, she couldn't help but to hum a nostalgic tune. Sa pagkakaalam niya ay madalas na kantahin iyon sa kanya ng Mama niya noong nabubuhay pa ito.
Then again, the young clan princess' humming was interrupted with another thing. Kinuha niya ang cellphone sa may bulsa at marahas na bumuntong-hininga. Desidido na siyang kagalitan si Raiden sa paulit-ulit na pagtawag nito sa kaniya. Si Raiden lang naman kasi ang matiyagang tawagan siya nang ganoon, eh. Pero bigla ay umurong ang dila niya at tila nablangko ang utak niya nang makitang hindi ang pangalan ni Raiden ang nasa screen. Nakaramdam na naman siya ng panlalamig.
But Kourin immediately fought it back. Hindi siya dapat makaramdam nang ganoon sa mga sandaling iyon. She took a deep breath before deciding to answer the incoming call.
"H-hello?" 'Ano ba 'to? Do I really have to stutter like this?' Wala namang dahilan para magkaganoon siya.
"Rin? Is that you?"
Buntong-hininga ulit. "Obvious namang number ko ang tinatawagan ko, 'di ba? O baka naman may inaasahan ka pang ibang sasagot sa tawag mo."
"No. It's just... Gusto ko lang makasiguro. Ayoko pang magwala ang boyfriend mo."
Ano raw? Tama ba ang pagkakarinig ni Kourin? "Boyfriend? As if I would have one. Heto nga't guwardiyado ako nang husto rito, 'no? Sabihin mo nga sa akin kung paano mangyayari ang sinasabi mo?"
Ang weird lang. Saang lumalop kaya nakuha ng lalaking ito ang ideyang iyon?
Kourin heard Seiichi chuckle on the other line. "Gusto ko lang makasiguro." Then silence ensued. At sa totoo lang, napakatensyonado ng paligid kahit na sa cellphone lang sila nag-uusap.
Teka! Ano ba'ng meron at palagi na lang ganoon ang nangyayari sa paligid kapag silang dalawa na si Seiichi ang nag-uusap?
"Do you have... um... an answer to what I've asked you?" mayamaya ay tanong ni Seiichi kay Kourin.
Again, the princess became speechless. Sa totoo lang, pinag-iisipan pa rin niya ang dapat na isasagot niya sa tanong nitong iyon. Pero kalabisa naman kung hindi pa rin niya ito bibigyan ng matinong sagot samantalang lampas tatlumpog oras na ang nakalilipas mula nang itanong ni Seiichi sa kanya iyon.
Once again, Kourin looked up to the starry sky. At nakakita na naman siya ng shooting star. This time, she smiled.
'I guess it's about time.' Kourin sighed inwardly. "Alright, I accept."
"Come again?"
Hay, naku! Hindi pa man nagsisimula, gusto na talaga itong upakan ni Kourin. Hindi ba ito nakikinig sa kanya? "I said, I accept. We'll start over again... by becoming friends. Iyon naman ang hinihingi mong pabor sa akin, 'di ba? Or should I really call it a favor?"
Silence fell once more. To be honest, kung talagang may nakakabinging katahimikan, kotang-kota na si Kourin doon sa araw pa lang na iyon. Lagi na lang kasing nangyayari iyon sa kanilang dalawa ni Seiichi. "So? Did I say it clear?"
"Yeah," Seiichi answered after a few moments. "It's clear... and I heard it. Thank you, Rin. You have no idea how much this means to me."
Kung puwede nga lang na sabihin ni Kourin kay Seiichi na magkapareho sila ng nararamdaman, kanina pa niya sinabi iyon.
But it wasn't supposed to be that way. Hindi na katulad ng dati ang lahat.
No comments:
Post a Comment