MULI ay sumemplang si Mirui sa pagla-land niya habang isinasagawa ang triple twist na parte ng kanyang routine para sa ice skating competition na sasalihan niya. Kasalukuyan siyang naroon sa ice skating school ng kanyang ina at nagsasanay. Pero paano niya magagawa ng maayos ang routine na ipe-perform kung ganito namang pati ang simpleng triple twist, hindi pa niya magawa ng tama?
Pinilit niyang umayos ng tayo kahit medyo masakit na ang balakang dahil sa ilang ulit na pagkakamali sa landing niya. But this time, instead of continuing to perfect her routine, she felt drained as she crouched in the middle of the skating rink. Hindi na niya alintana ang lamig na nararamdaman. Ang tanging nais lang niyang gawin ay umiyak. Nothing around her seemed to go the way she wanted to anymore. Nahihirapan na siya.
Ganito ba talaga kalaki ang epekto ng mga sinabi ni Theron sa kanya? Kahit hanggang sa training ay naaalala pa rin niya ito. Sumasagi kasi sa isipan niya ang panahong nag-ice skating silang dalawa ng binata noon. She remembered his warm hands firmly gripping hers as he held on as if his life depended on her. Kahit madalas itong madulas dahil hindi nito maibalanse ang katawan sa ibabaw ng rink, naroon pa rin ang kasiyahan sa kanyang puso dahil nakasama niya itong gawin ang isang bagay na mahal na mahal niya bukod sa musika.
But she would never have that kind of moment with him again. Mukhang malabo na talaga. At mukhang wala na rin siyang dapat asahan.
As she hugged her knees, her tears fell once more. Hindi niya alam kung kailan ba siya titigil sa pag-iyak dahil sa pag-alala kay Theron. But for now, she would allow herself to do that. Kahit ngayon lang.
= = = = = =
"MA, SIGURADO ka ba sa gagawin mo?" tanong ni Lexus sa babaeng napag-alaman ni Theron na nanay nga ng captain nila, si Sierra Asahiro. Bakas sa tono nito ang pag-aalinlangan.
At talaga namang nagpalito iyon hindi lang sa kanya kundi maging sa iba pa nilang kaibigan na naroon sa meeting room matapos ipatigil ni Lexus ang practice matches dahil sa pagdating ng babae. Tama ba ang narinig nila?
"Your sister's having a hard time practicing for the competition. She fell a few times on the rink already just because she couldn't calculate her landing as she does the triple twist," paliwanag ni Sierra. Kumunot naman ang noo ni Lexus.
"The triple twist? Pero madali lang iyon para kay Rui, ah. She always scores a perfect ten just for that. Paano nangyaring—"
"Her concentration's ruined. At hindi ko na mapapatagal pang panoorin siya na ganoon."
Hindi naiintindihan ni Theron ang itinatakbo ng usapan ng mag-inang ito. Magkaganoon man, alam niyang may kinalaman doon si Mirui. Huminga ng malalim si Lexus at hinarap ang mga kaibigan nila.
"Kane, lumabas muna kayo. Pakiusap, huwag na huwag n'yong hahayaang may makapasok dito. We need to talk privately, the three of us," ani Lexus sa seryoso at nakikiusap na tono.
Hindi na kailangan pa ng dagdag na explanation para maintindihan ng iba pa ang sinabing iyon ni Lexus. Isang tango lang at nagsilabasan na ang mga ito. Ilang sandali pa ay silang tatlo na lang nina Lexus at Sierra ang natitira sa meeting room na iyon.
Kapagkuwan ay narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Sierra, dahilan upang mapokus ang atensyon niya rito. Though Mirui's features were dominantly Japanese dahil na rin sa ama nito, may nakikita pa rin siyang resemblances nito at ni Sierra. While that of Lexus' was mostly from Sierra. Noon pa niya napapansin ang ilang resemblances nina Lexus at Mirui. Pero bakit ngayon lang yata niya napagtuunan ng pansin ang posibilidad na magkapatid ang dalawang iyon kaya may pagkakahawig ang mga ito?
"First of all... I would like to apologize," umpisa ni Sierra.
Siyempre pa, ipinagtaka at ikinagulat iyon ni Theron. Apologize? For what? Lalong nadagdagan ang pagkalitong nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.
"Ngayon ko lang nakikita ang epekto ng ginawa kong paglalayo sa inyong dalawa ni Mirui. Lexus was right, hindi na dapat kita idinamay sa galit ko sa ama mo," pagpapatuloy ng ginang bago naupo sa pahabang upuang katapat ng kinauupuan niya.
"A-ano'ng kinalaman ni Papa rito?"
Ilang sandaling kinakitaan ng pag-aalinlangan si Sierra bago ito muling nagsalita. Twenty-four years ago, Theron's father Arthur Monterossa and Sierra were lovers. Nagtagal din ng dalawang taon ang relasyon ng dalawa hanggang sa nagdesisyon ang lolo niya na isakatuparan ang arranged marriage na plano nito para sa kanyang ama. The woman betrothed to his father was Theron's mother Elena. Nang malaman ng matanda na ayaw ni Arthur na magpakasal ay ipinahanap nito si Sierra at binalaan na huwag nang lapit-lapitan pa ang una dahil malapit na itong ikasal. Siyempre pa, nasaktan nang husto si Sierra sa mga nalaman. Mahal nito si Arthur kaya ganoon na lang ang sakit na naramdaman ng babae. Idagdag pa na nagdadalang-tao na ito ngunit hindi na nito sinabi iyon sa kasintahan sa 'di malamang dahilan. Tinapos ni Arthur ang relasyon nito kay Sierra at tuluyan nang isinara ang lahat ng tsansang posible pa silang magkaroon ng komunikasyon. Kalaunan na nagpakasal na ang mga ito sa iba. Arthur married Elena and Mirui's father Satoshi Asahiro married Sierra.
Bagaman naintindihan na ni Theron ang pinagmulan ng galit ni Sierra na dahilan upang pigilan nitong makipaglapit siya kay Mirui, may isang bagay pa rin siyang hindi maintindihan. Kung nagdadalang-tao na ito nang magtapos ang relasyon nito at ng kanyang ama, ibig sabihin ba niyon ay...
Wala sa sariling napatingin siya kay Lexus na seryoso namang nakatingin din pala sa kanya. Nakita niyang huminga ito ng malalim at tumango.
"I was Arthur Monterossa's child na hindi niya alam, Theron," pag-amin ni Lexus na labis na nagpagulat sa kanya.
Isa ring Monterossa si Lexus? Kung ganoon, magkapatid sila nito? Paano nangyari iyon? Iyon ba ang rason kung bakit ganoon na lang ang nararamdaman niyang kakaibang koneksyon rito? Lalo na ang familiarity na hindi maitatangging naramdaman niya noong unang beses silang magkita nito.
"Though alam ni Arthur na buntis ako sa anak niya nang mga panahong iyon, I told him that the child was dead nang huling beses na mag-usap kami. Dala na rin ng sakit na naramdaman ko dahil sa pagtapos nito sa relasyon naming dalawa," ani Sierra sa malungkot na tono. "That pain made me decide to separate you and Mirui nang malaman kong nagkakalapit kayong dalawa. Pero hindi ko na inisip ang mararamdaman ni Mirui nang gawin ko iyon. All that mattered to me was to never let any of my children have a connection to a Monterossa. That was my mistake. And I'm sorry."
Napailing na lang si Theron sa lahat ng mga nalaman niya. Gayunpaman, nararamdaman niya na sincere naman si Sierra sa paghingi nito ng tawad dahil sa ginawa. Nag-uumapaw sa kagalakan ang puso niya. Ibig sabihin, hindi totoo ang sinabi ni Sierra na magkasintahan sina Lexus at Mirui. The only relationship those two have was that they were half-siblings.
"I'll do what I can to tell the truth to your father, Theron. Just do me this one favor. Kapag ginawa mo 'to, hindi na ako makikialam sa kung ano man ang nararamdaman mo para sa anak ko. If you really love her, then I won't stop you from pursuing her if you do this," kapagkuwan ay sabi ni Sierra.
Napatingin siya sa ginang. Ano naman kayang pabor ang hinihingi nito?
= = = = = =
"HINDI ka pa ba magpapahinga? Kanina ka pa nagpa-practice, ah. Ilang beses ka na ring pumalpak sa landing mo. Baka kung ano na ang mangyari sa 'yo kapag ipinagpatuloy mo pa 'yan nang hindi ka nagpapahinga."
Malungkot na napatingin si Mirui kay Yuna nang nag-aalalang lapitan siya nito sa skating rink kung saan ipinagpatuloy na lang niya ang pagpa-practice matapos hayaan ang sarili na umiyak na naman. Pero sa halip na sundin ang suhestiyon nito, itinuloy na lang niya ang pagsasanay. Kailangan niyang gawin iyon upang hindi masyadong mag-isip.
"Mirui..."
"Okay lang ako, Yuna. Ayoko lang talagang mag-isip nang husto," aniya habang patuloy sa pag-i-skate paikot sa skating rink.
"Pero iba naman ang nagiging epekto ng ginagawa mo, eh. Lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo. Come on, stop pressuring yourself. You have to rest first."
Hindi na siguro natiis ni Mirui si Yuna na talaga namang nag-aalala sa kanya kaya sinunod niya ang sinabi nito. She lifelessly glided on the ice until she reached the edge and got out of the rink. Pero nakakaisang hakbang pa lang siya nang makarinig ng mga yabag na tila tumatakbo. Sa pag-angat niya ng tingin, nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino iyon. Kasabay niyon ay ang pagbilis ng tibok ng puso niya sa kabila ng gulat na naramdaman niya. Teka, paano nito nalaman na naroon siya?
"T-Theron..." bulong niya habang nangingilid ang kanyang mga luha. Hindi pa rin napapawi ang sopresang nararamdaman niya habang sinusundan ito ng tingin na pababa ng hagdan palapit sa kanya.
Tumigil ito sa harap niya bago itinukod ang mga kamay sa tuhod nito at humihingal. Ilang sandali pa ang lumipas bago ito umayos ng tayo at matamang tiningnan siya. Despite the obvious lack of sleep, hindi pa rin nababawasan ang kaguwapuhan nito. Akala niya ay hindi na niya ito makikitang muli nang ganoon kalapit. From that alone, she never thought she missed him that much. May mahigit isang linggo rin silang hindi nagkita't nagkausap. Pero ano'ng ginagawa ni Theron doon?
"You looked miserable," sabi ni Theron.
Inirapan niya ito. "Kasalanan mo. Ano ba'ng ginagawa mo rito? At paano mo nalaman ang lugar na 'to?"
"Your mother told me where you are." He smiled sadly. "Nang makita ko ang lugar na 'to, nagawa ko na ring maintindihan ang rason kung bakit sinabi mong favorite mo ang cold and white. I wish I could see you glide on the ice again... just like that time."
Tuluyang tumulo ang mga luha ni Mirui at hindi na siya nag-abala pang pahirin iyon. Napayuko na lang siya upang itago iyon. But to her surprise, nakalapit pa nang husto sa kanya si Theron at pinahid ang mga naglandas niyang mga luha. Hinalikan din nito ang noo niya at niyakap siya ng mahigpit kapagkuwan.
"I've missed you so much, Mirui. And I'm sorry for being a jerk. I'm so sorry." Nasa tono nito ang sakit at paghihirap. "Hindi mo alam kung gaano rin kasakit sa akin ang mga sinabi ko sa 'yo. But please believe me na hindi iyon ang totoo kong nararamdaman. I thought it was the right thing to do to push you away dahil na rin sa sinabi ng Mama mo sa akin na may relasyon talaga kayo ni Kuya Lexus. Kung alam mo lang kung gaano ako nasaktan nang malaman ko iyon. I really thought na pinagsinungalingan mo ako."
Sa dami ng mga sinabi ni Theron, iisa lang ang tumatak sa utak ni Mirui. Bahagya niyang inilayo ang sarili sa binata at takang tiningnan ito. "K-Kuya Lexus? Does that mean... alam mo nang...?"
Tumango ito. "Ipinagtapat sa akin ng Mama mo at ni Kuya Lexus ang lahat, pati na rin ang totoong dahilan kung bakit pinagbawalan niya akong makipaglapit sa iyo. Kaya pala ganoon na lang ang familiarity na naramdaman ko noong una kong makita si Kuya sa pictures at pati na rin sa personal. Kung alam ko lang na lukso pala iyon ng dugo, noon ko pa sana tinanong ang Papa ko tungkol sa nakaraan niya. But what surprised me more was the fact na kapatid mo rin pala siya. That was the real reason kung bakit masyado kayong malapit ni Captain, 'di ba?"
Siya naman ang napatango. Kapagkuwan ay nakaramdam siya ng pagluwag ng hininga para sa nakatatandang kapatid. Masaya siya para kay Lexus pero mas magiging lubos lang ang kasiyahan niya kapag nalaman na rin ni Arthur Monterossa ang tungkol sa isa pa nitong anak. Tiningnan niya si Theron.
"Well, that was surprising. Ang akala ko, hindi magiging ganoon kadali para sa iyo na tanggapin ang totoo. I thought you would still require us to let him have a DNA test para patunayang anak nga siya ng Papa mo."
"Hindi na kailangan iyon para sa akin. In here," sabay turo nito sa kaliwang dibdib. "I know and I can feel that he's indeed my brother. Just as how this heart tells me how much I love you for a long time."
Pakiramdam ni Mirui ay tumigil sa pag-inog ang mundo sa narinig. Ano'ng sinabi nito? Mahal siya ni Theron? For a long time? "A-ano?"
This time, Theron smiled na nagpabilis muli sa tibok ng kanyang puso. How she missed seeing that beautiful smile of his. Come to think of it, the one she was seeing right now was a different smile. It was still beautiful, but this time, one that was affectionate and showed his love for her. Doon pa lang, alam na niyang nagsasabi ito ng totoo. Her heart swelled in happiness. "Kailan pa?"
"Matagal na, mula nang unang beses kitang makita sa building ng IT Department. Pero hindi mo alam iyon. You were busy playing with your guitar at the time habang nakaupo ka sa hagdan. Wala kaming professor nang araw na iyon kaya naisipan kong lumabas na lang ng classroom. Narinig kitang kumakanta kaya sinundan ko ang boses mo. That's when I first saw you. And that's when I started to feel something for you that eventually evolved to love kahit lagi kitang iniiwasan. Nasasaktan kasi ako kapag nakikita ko kayong laging magkalapit ni Kuya Lexus. Idagdag pa na hindi nagsa-subside ang rumors tungkol sa inyong dalawa na hindi n'yo naman nililinaw sa lahat," pag-amin ni Theron.
Agad namang naalala ni Mirui ang sinasabi ng binata na mga pangyayari. She was in fourth year high school back then sa high school department ng Alexandrite University. Hinihintay kasi niya noon si Lexus dahil nagpapasama na naman ito sa kanya. Mabuti na lang at dala niya ang gitarang iniregalo ni Lexus noong 15th birthday niya. Iyon ang pinagkaabalahan niya habang naghihintay sa kapatid. Hindi niya alam na narinig pala ni Theron ang pagkanta niya nang araw na iyon.
"But now I finally know why you two weren't doing anything to quell the rumors. Sensitibo pala ang dahilan n'on. Siguro... kung noon ko pa nalaman iyon, noon pa sana ako gumawa ng paraan para lapitan ka't kaibiganin. Pero dahil torpe ako, at lagi akong nawawalan ng lakas ng loob kapag ikaw ang concerned, heto ang napala ko. Pinaabot ko pa ng tatlong taon ang pag-iwas sa 'yo at kinailangan pang ikaw ang gumawa ng paraan para magkalapit tayo. I'm sorry."
Naging tabingi naman ang ngiti ni Theron at saka napakamot pa ng ulo. Hindi napigilang mapangiti ni Mirui. Seriously, this Snowflakes of hers looked so cute doing that. Hanggang sa natigilan siya sa naisip. Snowflakes of hers? Napailing siya. Grabe naman kung ariin niya ang lalaking 'to. Ni hindi pa nga siya nagtatapat dito, eh.
But then... Oh, well. Why not?
"Bakit ka nagso-sorry? Kasalanan ko rin naman. Kahit ang tagal ko nang naku-curious sa 'yo dahil sa ginagawa mong pag-iwas sa akin, wala pa rin akong ginawa. Ever since I saw you singing sa mini-amphitheater sa school, wala akong ibang hinangad kundi ang makilala ka at hopefully ay maging kaibigan na rin. Pero ikaw naman kasi, nakakainis ka." Hinampas pa niya si Theron sa braso na tinawanan lang nito. Napangiti siya. "Kung hindi pa pala ako tuluyang nainis sa pag-iwas-iwas mo sa akin, at kung hindi ko pa naisipang komprontahin ka, hindi pa kita makausap nang matino. Para sa akin ba 'yong kinanta mo that time?"
Tumango si Theron. "Crush na kita since then. At gaya nga ng sinabi ko kanina, it eventually evolved into love."
"Pareho pala tayo," tumatango-tangong sabi niya.
Kumunot naman ang noo ng binata. "A-ano'ng ibig mong sabihin?"
"Manhid ka talaga kahit na kailan, 'no? Mahal din kita. Though lately ko nga lang na-realize, lalo na nang pinipilit ako ni Mama na lumayo sa 'yo. Kung alam mo lang kung gaano kasakit sa akin 'yong mga sinabi mo that day. Willing pa naman akong ipaglaban ka sa kanya. But in the end, you're the one who gave up on the fight that you didn't even know existing. Pero kahit ganoon, hindi pa rin naglaho ang feelings ko para sa iyo. Tingnan mo nga, ni hindi man lang ako makapag-concentrate nang maayos sa practice ko kasi naaalala kita. Hindi ko matanggap na hindi na mauulit 'yong panahon na sinamahan mo akong gawin ang isang bagay na mahal na mahal ko at gustung-gusto kong gawin bukod sa musika," naluluhang pag-amin niya.
Nang tingnan ni Mirui si Theron, nakita niya ang pagsilay ng pag-asa sa mga mata nito sa kabila ng pagkagulat sa mukha nito. Ilang sandali pa, namalayan niya ang sarili na mahigpit nitong niyayakap. Lalo siyang napaiyak at ginantihan ang yakap nito. How she missed him holding her close like this. Ang tagal na rin pala mula nang huling beses siyang yakapin ng binata. Ramdam niya sa yakap nito ang pagka-miss din nito sa kanya. Ilang sandali silang nanatili sa ganoong posisyon. Hindi na nila alintana ang lamig na nagmumula sa skating rink. Besides, hindi naman nila nararamdaman iyon.
Pinakawalan siya ni Theron kapagkuwan. "Grabe! Hindi ko inaasahan 'to. Mahal mo ako, Mirui? Totoo ba 'yon?" maluwang ang ngiting saad nito.
"Ayaw mo pa yatang maniwala, eh. Gusto mong bawiin ko?"
Hindi nawawala ang ngiting umiling ito. Ikinulong nito sa mga palad ang kanyang mukha at tinitigan nang buong pagmamahal. "Gusto ko lang makasiguro. But now, holding you close like this, alam ko na totoo ito. Hindi nga ako nananaginip. Dream come true 'to, alam mo ba 'yon?"
Wala siyang naging tugon sa sinabi ng binata maliban sa isang mahigpit na yakap na ginantihan din nito. "I love you, Theron. I love you, my Snowflakes."
"Snowflakes?"
"Huwag ka nang magreklamo. Endearment ko 'yon sa 'yo."
Tumawa lang si Theron habang umiiling-iling. "I love you, too, my Hyacinth."
"Pambihira. Codename ko pa talaga sa Imperial Flowers ang ginamit mo, ah."
"At least, alam mong ikaw na iyon, 'di ba?"
"Oo na. Wala na akong sinabi." Dumistansya si Mirui kay Theron na ikinakunot ng noo nito. "'Want to see my routine for the competition? Gusto kong ikaw ang unang makakita't makapanood n'on."
Lumuwang ang pagngiti ni Theron at tumango. "I'd love to. Basta ikaw."
-THE END-
No comments:
Post a Comment