WALANG tigil sa pag-ubo si Kana habang pilit na bumabangon mula sa pagkakadagan ng isang malapad na kahoy at may kalakihang sliding window sa kanya. Patuloy lang siya sa paghinga nang malalim habang napapatingin sa paligid.
Pumalatak na lang si Kana sa nakitang damage na ginawa ng kalokohan ni Hera para lang tapusin siya.
"Mukhang maluwag na talaga ang turnilyo sa utak ng babaeng iyon." But then, ano pa nga ba ang aasahan ni Kana? Matagal nang baliw ang mga miyembro ng Dark Rose para sa kanila na kalaban ng mga ito. And worse, their skills had truly compensated for that.
And to think si Hera pa lang so far ang nakakharap ni Kana sa mga Dark Rose since the attack... Mukha ngang desidido na talaga ang mga demonyong iyon. It only meant one thingーthey don't have much time left. She picked up her weapon and with the push of a button, retracted the blade stretched out from both ends of the cylinder.
"Mapapadalas pa yata ang paggamit ko sa sandatang 'to, ah." Napalinga si Kana sa paligid. Hindi tuloy niya maiwasang magtaka sa isang bagay na napuna niya.
'Wala ba talagang nakatira sa lugar na 'to?' The lancer remembered that Kourin mentioned something similar, as well, lalo na noong mga panahong sinusugod ito ng mga Dark Rose. Ganoon din ba sa templo sa Casimera bago iyon pasabugin six months ago?
Sa pagkakaalala kay Kourin, agad na sumagi sa isipan ni Kana ang totoong dahilan kung bakit siya pinapapunta sa templong iyon. Pero napakamot siya ng ulo nang may maisip. Paano naman kaya niya hahanapin iyon kung ganito namang pinasabog ng bruhang iyon ang templo? Kailangang makita niya iyon bago pa man dumating ang mga bumbero. Or worse, pati ang mga pulis.
"Kana!"
Napatigil si Kana sa akmang pagsugod patungo sa bahagi ng nagliliyab na templo. Lumingon siya sa direksyong pinagmulan niyon. Pero nangunot ang noo niya nang makitang papalapit si Ryuuji.
"Are you okay?" agad na tanong ni Ryuuji nang hawakan nito ang magkabilang balikat ni Kana.
Bakas din sa mga mata ng binata ang matinding pag-aalala. Siyempre pa, ipinagtaka ni Kana iyon, lalo pa nang magmura ito nang makita nito ang nagdurugong sugat sa pisngi niya. Somehow, she felt a really weird (not to mention tingling) sensation when he touched that wounded part of her face.
But Kana decided to shrug it off. She almost died. Natural lang siguro na mag-alala ito. "I'm fine. Baliw lang talaga ang nakasagupa ko, pero wala sa plano ko ang magpasundo pa kay Kamatayan." At muli ay naalala niya ang isang ipinapagawa sa kanya ni Kourin. "Since you're here, can you help me with something? The princess needs to see the proof of it."
"Proof of what?"
"That this place is one of the Eight Celestial Points that everyone has been so worked up looking for. I don't know anything more about that other than the fact that the points were mentioned to Lord Theron a long time ago by the master of the Shichi RaiRyuuKen kenjutsu in one of their encounters," paliwanag ni Kana at agad na tinungo ang direksyon kung saan sa palagay niya ay naroon ang pakay na 'pruweba' na kailangan niya.
"Master of the Shichi RaiRyuuKen kenjutsu?" Hindi na lingid kay Ryuuji ang sword technique na binanggit ni Kana sa kanya. In fact, ayon pa nga sa isang alamat, iisang angkan lang daw sa history ng Japan ang tanging nakakaalam at pinapayagang pag-aralan ang pitong sword techniques na iyon.
Ang "Seven Lightning Dragon Sword Techniques". Pitong sandata ang pinaggagamitan ng mga technique na iyonーnaginata, uchigatana, nodachi, wakizashi, katana, kodachi, at yari (Japanese spear). But a Chinese jian could also be used in exchange of a katana or in conjunction with it.
In Ryuuji's knowledge, dadalawa pa lang ang alam niyang practitioner ng sword techniques na iyonーat pareho pang babae. Pero hindi lang siya sigurado kung alin sa pitong techniques ang pinag-aralan ng mga ito.
"Are you just gonna stand there or you're gonna help me? Kailangan kong makita iyon bago pa tuluyang lamunin iyon ng apoy."
Buntong-hininga na lang ang naging tugon ni Ryuuji sa pagiging demanding ni Kana. But if it was for his favorite cousin, pagtitiyagaan na niya ito. But as he feared, the damage was worse than he thought. Pruweba lang na talagang walang sinasanto ang Dark Rose pagdating sa kanila. Idagdag pa na hindi sigurado si Kana kung ano ang hinahanap nito.
And yet Kana knew she's be able to identify the proof once she saw 'it'ーkung ano man iyon. At least Kourin stated it that way.
Hindi naman nagtagal ang paghahanap nila. Ganoon na lang ang tuwa at sorpresa ng dalaga nang sa wakas ay tumambad sa kanya ang pruwebang hinahanap niya.
"Ryuuji, I found it!" bulalas ni Kana ngunit napadaing siya sa sakit dahil sa pasong naramdaman nang hawakan niya iyon. "Great! I forgot, it's made of steel."
"More like an impact-resistant steel," ani Ryuuji at hinubad ang jacket na suot nito bago ibalot iyon sa bagay na kumuha sa atensiyon ni Kana.
Pinagtulungan nilang kunin ang nasabing bagay upang walang sinuman ang makakita niyon sa hidden passageway. Nang mailayo na nila ang gamit na iyon sa templo ay agad na tinanggal ni Ryuuji ang jacket niyang ipinantakip doon upang masipat niya ang misteryosong bagay.
"A vault?"
"Seems to be an old one, too. Look at this," tawag-pansin ni Kana at itinuro niya ang simbolong talagang nagbigay sa kanya ng clue na ang steel vault na iyon ang tinutukoy ni Kourin sa kanya.
"Roses... and there were four colors of it." Hindi mapigilan ni Ryuuji na pasadahan ng kanyang daliri ang nasabing simbolo.
"Blue for mystery... Red for courage... White for silence... Peach for gratitude..." The four roses actually formed the guard of the sword on the symbol. At iyon ang isa sa ipinagtataka ni Kana. She had never seen that symbol before. "But I guess this truly gives us the proof that we need."
Tumango si Ryuuji. "If the Eight Celestial Points contain clues like this, it's safe to say that we'll be unveiling more mysteries than our ancestors had ever uncovered for the last 300 years."
"But why in the world does the Yasunaga clan get involved in this? Ngayon ko nga lang narinig ang tungkol sa kanila. At kung tama ang pagkakasabi ninyo, they were all wiped out 300 years ago. Bakit nagpapakita ang lahat ng clues na ito sa atin ngayon?"
Pero walang maisagot si Ryuuji. Maging siya ay naguguluhan pagdating sa bagay na iyon. Until the image of Hitoshi's Iris Sword flashed in his mind.
"'Forged by the Heavens and the Earth...' Sky of the Earth... Silhouette Roses... Descendant of both the Shinomiya and the Yasunaga...?"
"Ryuuji?" Nawi-weird-uhan si Kana dahil sa mga ibinubulong ng binata. But without a doubt, it caught her attention.
"We have to go back to the mansion. Tatawagan ko rin si Mari para pumunta rito sa lalong madaling panahon. They need to know about this."
Iyon lang at kahit nagtataka sa inakto ni Ryuuji ay sumunod na lang si Kana. After all, superior pa rin niya itoーnot just in family rank but also in terms of combative skills, as well.
No comments:
Post a Comment