Tuesday, October 16, 2018

the last sky of the earth 66 - knight's scene: shichi rairyuuken

"LIGHTNING Dragon Twin Slashing Kodachi Style."

Pero pagkunot ng noo ang naging tugon ni Takeru sa narinig na sagot ni Ryuuji sa itinanong niya rito. Ipinaalam kasi niya rito ang naobserbahan niya sa technique na ipinamalas ng babaeng muntik nang pumatay sa kanya nang magpunta siya sa bahay ni Seiichi. Hindi na niya gustong ipaalam pa sa kahit kanino ang naging ordeal niya para lang makalabas nang buhay sa lugar na iyon.

"Well, that was a long name for a blade technique," kapagkuwan ay saad ni Takeru.

"Ancient na ang technique na iyon, kung tutuusin. Iilan na nga lang ang talagang nakakaalam ng impormasyon tungkol doon."

"Just the information? How about the technique itself?"

Huminga nang malalim si Ryuuji. "Pili na lang ang mga taong nakakaalam sa technique na iyon. Not just the Twin Slashing Kodachi Style. Six other techniques have the same status when it comes to people trying to learn them."

It didn't take Takeru long enough to realize what Ryuuji meant by that. "You mean... it's just like the knowledge about the Yasunaga clan. It's a taboo for other people to learn about."

"The only taboo about that clan is the knowledge about their possible members because of their desire to protect themselves and each other by completely isolating their existence to the world. Kaya para na lang silang alamat sa karamihan. As for the seven blade techniques, only those with the right qualifications are allowed to learn them."

"I only mentioned one technique. How come you're telling me that there are six others?" Iyon ang agad na itinanong ni Takeru dahil pinagtatakahan niya ang mga paliwanag ni Ryuuji sa kanya. Kung hindi lang niya alam na tiyak na mas maraming nalalaman si Ryuuji pagdating sa mga blade techniques na hindi pa siya pamilyar, nuncang ito ang lalapitan niya.

But Takeru needed a Shinomiya's opinion on the matter. His only options were Shiro, Lady Mari, and of course, Ryuuji. Pero dahil muling umalis si Lady Mari para sa isa pang personal mission at si Shiro naman ay abala sa taong mahalaga rito, si Ryuuji na lang ang natira. Laking pasalamat na lang talaga niya at hindi naman ito busy, bagaman naabutan niya itong nagbabasa ng mga ancient scroll nang magkalakas-loob siyang kausapin ito.

"That's because the Twin Slashing Kodachi Style is a part of an ancient set of blade techniques called the Shichi RaiRyuuKen kenjutsu," Ryuuji answered gravely.

"Shichi RaiRyuuKen? Seven Lightning Dragon Sword Techniques..." Marahas na napatingin si Takeru kay Ryuuji. "You're not telling me that that girl is a practitioner of one of the seven ultimate sword techniques in existence?"

"Well, considering Reiko Kirisaki's background as a daughter of Japanese swordsmiths, walang nakakapagtaka sa bagay na iyon. Idagdag mo na rin ang galing niya sa karate. The Kirisaki family had surely trained one of their greatest female fighters."

Takeru couldn't help looking at Ryuuji incredulously. How come this man could even manage to explain things and details such as that calmly? "You sure know a lot about her."

"Matagal na siyang nasa listahan ng mga taong dapat naming imbestigahan ni Akemi. Kaya wala nang dapat ipagtaka sa bagay na iyon. Howeverー" Ryuuji paused and faced Takeru somberly. "ーhaving knowledge about Reiko's background only confirmed our suspicions that she's also one of the Dark Rose's potential targets. Kaya naman may isa akong pabor sa 'yo tungkol sa bagay na iyon."

Hearing the last sentence, mukhang may ideya na si Takeru kung ano ang pabor na hihingin ni Ryuuji sa kanya. But if one would ask him, he would consider that favor as something absurd wala pa man itong nababanggit sa kanya.

"I want you to guard Reiko... just until we make sure that the Dark Rose won't go after her the same way they targeted Seiichi," pakiusap ni Ryuuji na ipinagtaka ni Takeru. This guy rarely asked a favor to him. Hindi rin ito basta-basta nakikiusap sa kanya.

Not unlessー "Why are you even telling me to do that when you know fully well that the girl nearly killed me a while back?"

At si Ryuuji, nakuha pa talagang tumawa. Samantalang si Takeru ay yamot na yamot sa tugon na iyonーkung matatawag nga bang matinong tugon ang pagtawa. Kalaunan ay nagseryoso ito.

"Right now, I can't entrust this task to anyone else just yet. Jun should've been the one perfect for the job but..." Bumuntong-hininga si Ryuuji at hinarap si Takeru. "Just do this one favor for me, okay?"

Ilang saglit na tinitigan ni Takeru si Ryuuji. Hindi talaga niya lubos maisip ang dahilan kung bakit ganoon yata ito kadesididong gawin niya ang pabor na iyonーang bantayan si Reiko.

"Just give me one plausible reason for me to do what you asked me for," ani Takeru.

But it seemed that the man might have said the wrong thing. Iyon ang nasa isip ni Takeru nang bigla ay maramdaman niya ang kakaibang level ng kaseryosohan ni Ryuuji. Ilang sandali rin ang itinagal ng paghihintay niya sa isasagot nito.

"I'll only say this to you, so keep it to yourself for now." Ryuuji braced himself before continuing. "Only members of the Silhouette Roses are given the permission to become practitioners of any of the techniques belonging to the Shichi RaiRyuuKen kenjutsu. And that only gives us a clue that Reiko Kirisaki could perhaps be one of the people that Lord Theron is looking for."

xxxxxx

"YOU SURE made a bold move in telling him that."

Malalim na paghinga lang ang naging tugon ni Ryuuji sa tinurang iyon ni Arisa na nagkataong kapapasok lang sa study room kung saan niya kinausap si Takeru.

"It's about time a Miyuzaki finally knows the truth aside from Lady Shouda. Wala nang patutunguhan pa ang patuloy nating paglilihim sa kanila ng katotohanang dapat ay noon pa nila nalaman."

"Kahit na alam mong sa ginawa mo ay tuluyang magkakaroon ng pagdududa ang mga Miyuzaki sa hangarin ng mga Shinomiya kung bakit nila itinago ang lahat ng mga may kinalaman sa mga Yasunaga sa mga ito."

Nawalan ng imik si Ryuuji sa tinurang iyon ni Arisa. Alam niya ang posibleng konsekwensiya ng ginawang pag-uutos kay Takeru na bantayan si Reiko. Pero may malalim siyang dahilan kung bakit niya ginawa iyon.

Muli siyang huminga nang malalim at tuluyan nang hinarap ang Azuraya clan princess. "Whatever they will discover about the Miyuzaki clan's connection to that of the Yasunaga's, I won't regret letting them know a part of it. Doon natin makikita kung hanggang saan kayang panindigan ng mga Miyuzaki ang pagiging tapat nila sa mga Shinomiya, lalong-lalo na sa prinsesa."

Ryuuji knew he would end up risking a lot because of what he did. But it was the only way. Somehow, he wanted to know if the risk he made would be worth it at the end of all that.

Kahit kating-kati na si Kana na pumasok sa loob ng study room ni Ryuuji at komprontahin ito dahil sa mga narinig, kakatwang wala siyang lakas ng loob gawin iyon. For some reason, kahit anong tanggi ang gawin niya, gusto pa rin niyang paniwalaan ang isiping may dahilan ang lahat kung bakit ganoong wala silang kaalaman pagdating sa mga Yasunaga.

And it wasn't for the silly reason that learning about that mysterious clan was a taboo.

Ang koneksyon na mayroon ang mga Yasunaga at Miyuzakiーiyon ang kailangang malaman ni Kana.

"Ate..." mahinang pagtawag ni Nanami sa atensyon ng dalaga.

Bumuntong-hininga na lang ang huli. "Bakit parang lalo pa yatang nagiging magulo ang lahat sa atin, Nanami? Ano ba talaga ang ipinaglalaban natin nang husto?"

"You're questioning the reason for your loyalty to the princess?" balik-tanong ni Nanami. "Aminado ako na magulo talaga ang lahat, lalo na ngayon. But weird enough, I can't find anything that will make me question my loyalty to Lady Kourin."

"Kahit ang dami na nilang itinatago mula sa atin?"

Hinarap ni Nanami si Kana. "A century after the founding of the Shrouded Flowers, everything about the Yasunaga clan disappeared in history. Every records about them just... vanished. As if they didn't even exists at all. Who do you think is responsible for that?"

Umismid si Kana. "You're missing the point of my question, Nanami."

"No, you're the one who's missing my point. In that span of a century, ano ang dahilan at napili ang mga Miyuzaki na pumalit sa puwestong iniwan ng mga Yasunaga? They chose our clan for a reason, Onee-chan. At kung ano man ang rasong iyon, naroon ang sagot sa hinahanap nating koneksyon ng mga Miyuzaki sa mga Yasunaga."

Ilang sandaling walang imik ang magkapatid pagkatapos niyon.

Until a thought hit the Crimson Lancer that made her frown.

"Nanami, kilala mo ba kung sino ang architect ng Blue Rose Castle sa Kyoto?" tanong ni Kana.

Kumunot ang noo ni Nanami at napaisip. "I only know his given name since he wasn't listed in any records except those that Tetsuya found during his hunt. I believe he told me that the architect's name was... Yoshisada. Bakit mo naitanong?"

Tumango-tango si Kana. "As I thought."

"Ate?"

"Yoshisada... Miyuzaki. Ang founder ng Miyuzaki clan 400 years ago. Siya ang sinasabing greatest confidante ng isang prestihiyosong pamilya ng mga martial artist sa Japan during that era." Napaungol si Kana sa sobrang pagkainis. Bakit ngayon lang niya naalala ang impormasyong iyon na minsang ipinabasa sa kanya ni Hitoshi? "If that's the case..."

"May posibilidad na ang mga Miyuzaki... ang isa sa mga rason kung bakit ipinagbabawal na malaman ng kahit sino ang tungkol sa mga Yasunaga. They might have even contributed something to the fact about the Yasunaga clan's secret escape to go here to the Philippines after the attack 300 years ago since the Miyuzaki clan were also known as one of the greatest voyagers and seafarers of the time despite the fear of the Japanese people to leave the country," pagpapatuloy ni Nanami sa mga sinasabi ni Kana. Kahit mukha siyang kalmado, hindi maikakailang nagdulot iyon ng matinding sorpresa sa kanya. "That explains the similarities of the layout of the hidden passages inside the Shiasena Temple to that of the Blue Rose Castle's interiors."

"The Blue Rose Castle stood at one of the Shrouded Flowers' Eight Celestial Points. Kung susundin natin ang pattern na iyon para malaman ang Eight Celestial Points ng Yasunaga clan dito sa Pilipinas, then it should represent Mizar of the Big Dipper Constellation."

"The same star that the Shiasena Temple represents."

Tumango si Kana. Nagliwanag ang ekspresyon niya nang biglang may naalala. "That's it! That's the code I need to open the vault!" she exclaimed.

"What vault?"

"The one Ryuuji and I found at the ruins of the Shiasena Temple. Kaya pala sinabi ni Lady Kourin ang mga iyon. I'll know it when I see it."

Hindi na napigilan ni Nanami ang kapatid nang bigla na lang siyang iwan nito roon. Napakamot na lang tuloy siya sa likod ng ulo niya.

Oh, well. That was one of the perks of having a hyper sister. Ano pa ba ang aasahan ni Nanami? Kana was known to be a girl who never ran out of energy. At mukhang hanggang ngayon ay napapanindigan pa rin nito iyon.

"Don't tell me... Kana eavesdropped on the conversation earlier?"

Hindi na ikinagulat ni Nanami na hindi niya namalayang bumukas na pala ang pinto ng study room ni Ryuuji. Tinapunan lang niya ito ng tingin at nagkibit-balikat.

"She heard it, loud and clear. Kaya next time na mag-uusap kayo pagdating sa mga issues na hindi naman namin dapat malaman, maghanap ka ng soundproofed room. Okay?"

"Parang balewala lang sa iyo ang mga narinig mo kanina, ah," kunot-noong puna ni Ryuuji.

This time, Nanami looked at Ryuuji gravely without batting an eyelash. She sighed soon after. "I knew from the start since Dad died that I'll be finding out something like this sooner or later. He told me so before he headed out to kill Oceanus and Coeus. Kabilin-bilinan niya sa akin na huwag ko raw hahayaang masira ng mga malalaman ko ang sinumpaan naming mga Miyuzaki na katapatan sa mga Shinomiya. I just need to know the full story behind his words. Iyon lang sa ngayon ang kailangan ko."

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa dalawa.

"But you know, sometimes loyalty can be broken because of other secrets," ani Ryuuji.

"Only if you allow it to break just like that. You're right. Whatever it is that we'll find out in the duration of our mission, it will surely test our loyalty to the princess to its limits."

No comments:

Post a Comment