SAKIT NG katawan ang unang sumalubong sa pakiramdam ni Seiichi bago siya nagmulat ng mga mata. Pambihira lang! Daig pa niya ang bagaheng tila ilang beses nang nagpagulong-gulong nang mga sandaling iyon. But in his case, mukhang matindi nga yata ang bugbog na natamo niya.
Seiichi remembered that one of those goons had really knocked him hard, causing him to lose consciousness. Hindi na kasi siya nakapag-isip nang tama lalo na nang makita niya na nawalan ng malay si Reiko. And to think his friend had practiced swordsmanship longer than he did...
Nangangahulugan lang iyon na hindi basta-basta ang mga nakabangga nila ni Reiko. Pero bakit naman sila susugurin ng mga iyon? If this was just about Seiichi's involvement with Hitoshi, hindi na kailangang idamay pa ng mga ito ang dalaga. Siya lang ang dapat na t-in-arget ng mga ito.
Until it hit Seiichi.
Come to think of it, sino nga ba ang sumugod sa bahay niya nang ganoon-ganoon lang? Pero hindi niya malalaman ang sagot kung ganoon namang nakagapos siya. Kaya naman sinikap niyang buksan ang kanyang mga mata. sa pagmulat niya, isang lumang garahe ang tumambad sa may kalabuan pang paningin niya. When his vision was cleared, what greeted him first was the sight of a Japanese man with brown hair and eyeing his movement with such coldness, he would definitely cringe.
Pero sinikap ni Seiichi na hindi ipakita iyon. Naalala kasi niya ang mukha ng lalaking iyon. Isa ito sa mga 'di kilalang taong naroon sa paligid ng bahay niya at nakamasid lang sa gulong ginagawa ng mga ugok na sumugod roon.
"It seems you're finally awake, Seiichi Yasuhara," the man said, his tone was laced with venomous hatred na noon lang narinig ni Seiichi.
Sino ba ang taong ito at ganoon pa talaga ang entrada sa kanya pagmulat ng mga mata niya?
This time, the man's lips curved into a mocking and condescending smile. Hindi na nagawang itago ni Seiichi ang kilabot na naramdaman niya nang makita iyon.
"Forgive me. I forgot to introduce myself. It's not in the nature of a Dark Rose member to fully reveal himself to the likes of you. Pero dahil mamamatay ka rin lang naman sa lugar na ito, hindi naman siguro masama kung ipapaalam ko sa iyo ang pangalan ng taong papatay sa iyo." Umalis ang lalaki sa pagkakasandal nito at lumapit kay Seiichi. "I'm Masaki Nagisawa, known as Oceanus of the Dark Rose Agency."
Seiichi didn't dare show any emotion after Oceanus announced that. At mukhang confident pa talaga ang lalaking ito na tanging siya lang sa mga sandaling iyon ang nakakaalam ng tungkol doon. From the way he announced it, ipinagpalagay na nga yata nito na hindi na siya lalabas pa nang buhay sa lugar na iyon.
Na talaga namang malaki ang posibilidad na mangyari. Maliban kay Reiko, sino pa ba ang nakakaalam ng pagkawala ni Seiichi?
'Parang sinabi mo na rin na walang pakialam sa iyo ang bago mong kaibigan.' Napaisip tuloy ang binatang nakagapos sa sinabing iyon ng isang bahagi ng kanyang isipan. But seriously speaking, would that girl really do everything if she comes in wind of his disappearance?
Sa kabila niyon, napatingin lang si Seiichi kay Oceanus. In fact, he was just blankly staring at the man even though his mind was surely in chaos at the moment. Kung tama ang pagkakaalala niya, may binanggit noon si Hitoshi sa kanya about "the demons who would stop at nothing to witness the end of the Shinomiya family."
Could Oceanus be one of those demons Hitoshi was talking about?
At least for one thing, Seiichi wanted to know more. Kaya hindi pa siya dapat mamatay kahit sabihin pa na sigurado ito na mamamatay nga siya sa araw na iyon.
"I hate it that you stare the same way the prince does. Magkaibigan nga talaga kayo. Walang laban na hindi gugustuhing urungan," komento ni Oceanus at sa gulat ni Seiichi ay sinikmuraan pa siya.
Bagaman talagang masakit dahil sa tindi ng puwersang kaakibat ng suntok na iyon, pinilit ni Seiichi na tiisin iyon. So it only proved that his kidnapping still had a relation to Hitoshi. At iisa lang ang nasa isipan niya nang mga sandaling iyon.
Whatever it takes, Seiichi had to remain alive. Hitoshi wouldn't want him to die in the hands of any enemy just like that. Kailangan lang niyang maghanap ng paraan para manatiling buhay at sisiguraduhing hindi ang katulad ni Oceanus ang tatapos sa kanya nang ganoon-ganoon lang.
xxxxxx
"GISING NA pala ang binabantayan mo, Oceanus."
Ang tinig na iyon ang nagpabalik sa isipan ni Seiichi sa kasalukuyan. Sa pag-angat niya ng tingin ay tumambad sa kanya ang paglapit ng isang lalaking naka-amerikana. Kakaiba rin ang aura na ipinapakita nito kahit sa malayo pa lang. Well, one thing that the young man knewーthat mysterious man definitely exuded the deadliest aura he had ever felt in his life. Hindi na siya magugulat kung malalaman niyang konektado ang lalaking ito sa Dark Rose Agency.
"Actually, kanina pa. At mukhang naputulan rin ng dila. Ni hindi nagsasalita kahit saktan pa, eh."
Napailing naman ang lalaking iyon sa sinabi ni Oceanus. Like hell Seiichi would talk to anyone at his situation. Lalo na sa mga sira-ulong 'to. Mas mahalaga sa kanya ang makaisip siya ng paraan para makatakas.
There has to be a way for him to get out of that place.
"Mabuti naman kung ganoon. I'd be able to speak without interruptions and that includes you, Oceanus."
Tumango naman si Oceanus sa tinuran ng lalaking iyon. Well, pabor kay Seiichi ang sinabi nitong iyon. Baka sakaling malaman niya ang totoong dahilan ng pagdukot sa kanya. But without a doubt, his dead best friend would still be related to it. At kailangang malaman niya ang anuman tungkol doon.
"You're looking at your captors the same way as that brat prince, Seiichi. Huwag kang mag-alala. Hindi ka na rin naman magtatagal. Dapat noon ko pa tinapos ang buhay mo kasabay ng mga magulang mo," saad ng lalaki na hindi pa rin nagpapakilala hanggang sa mga sandaling iyon.
Pero sapat na ang mga sinabi nito upang umusbong ang hindi maikakailang matinding galit kay Seiichi dahil sa narinig. Iyon ay kahit talaga namang ikinagulat niya ang rebelasyon nitong iyon. At batid niyang hindi na niya nagawang itago iyon.
"Oh, right. Hindi pa pala ako nagpapakilala sa iyo. Well, I don't have any intentions of revealing my name to you. But I'm known to my agency as Zeus," pakilala nito pero wala na roon ang atensyon ni Seiichi.
'His agency? Then that means...?' Kung ganoon, walang dudang ito ang leader ng "demons" na tinutukoy ni Hitoshi kay Seiichi noon.
"No response? Iba ka rin pala. Gaya ka rin ng mga magulang mo bago sila namatay. And I remembered na ganyang-ganyan din ang mga mata ni Hitoshi bago siya mapatay ni Oceanus two years ago. My agent would have been so happy kung naroon ka rin at nakita mo kung paano nalagutan ng hininga ang kaibigan mo. Vulcan was the one who ended the princess' life, in case you want to know that," Zeus added with a snicker that truly fueled the rage inside Seiichi.
At ang lakas pa talaga ng loob ng mga ito na sabihin kay Seiichi kung sino ang pumatay sa mga taong mahahalaga sa buhay niya? Ang mga magulang niya? Ang kaibigan niya? Lalong-lalo na ang babaeng mahal niya?
This was totally absurd! Pero ang tanging nagawa na lang ni Seiichi ay kuyumin ang kamao niya sa tindi ng galit na namumuo sa dibdib niya.
"Ano ba'ng kasalanan nila sa iyo?" Seiichi asked in an intense whisper. He soon raised his head and eyed the Dark Rose leader with fury. "Ano'ng ginawa nila sa inyo para idamay n'yo sila sa mga kalokohan ng grupo n'yo, ha?!"
But Seiichi couldn't see any emotion in Zeus' eyes except hatred. Deep hatred na hindi niya akalaing nag-e-exist pala. And yet she chose not to falter even after seeing that. Kailangan niyang malaman ang totoo.
"Marami silang itinanggi sa amin sa nakalipas na mga taon, Seiichi Yasuhara. At sisiguraduhin kong sasapitin mo rin ang nangyari sa kanila kapag hindi ko nakuha mula sa iyo ang kailangan ko," Zeus answered in such a cold tone. "Nasaan ang journal ng mga magulang mo? Ang mapa para makita namin ang natitira pang Celestial Points?"
Noon naman nangunot ang noo ni Seiichi. Celestial Points? Ano'ng pinagsasabi ng mga ito?
But before the captive young man could voice out his thoughts about it, mariin siyang napapikit sa pagsigid ng matinding sakit sa kanyang ulo. Damn it! He just heard the words "Celestial Points" and now his head was driving him nuts again. He was gritting his teeth as he tried bearing the pain.
In the middle of it, flashes of various images invaded Seiichi's mind that he knew he had seen before. Kaya lang, gaya ng dati ay may kalabuan ang mga iyon. Pero isa sa mga iyon ang malinaw niyang nakikita. It was a sword, bearing two crescent moon and rose symbols. At sigurado siya na nakita na niya iyon noon.
As Seiichi opened his eyes, isang katotohanan ang dumating sa kanya.
"Seiichi, this sword will be one of the proofs that you are the only one who can save them from impending danger. Kaya gamitin mo ito kapag alam mong iyon na ang tamang panahon para tulungan sila. Nagkakaintindihan ba tayo?"
It was Seiichi's father who said those words to him when he was ten years old. Bagaman hindi niya iyon lubusang naintindihan, alam niya ang kaakibat na responsibilidad niyon. Teka, ano na nga ulit ang pangalan ng espadang iyon?
"Mukhang malabong makakuha tayo ng impormasyon tungkol sa hinahanap nating Celestial Points mula sa kanya, Boss. Balita ko, matagal nang kulang-kulang ang alaala ng batang iyan."
Nag-angat si Seiichi ng tingin para lang makita na hindi na lang pala sina Zeus at Oceanus ang naroon. May isa pa palang dumagdag na kung sino at may hawak itong dalawang espada. His eyes widened at the sight of one of the swords. Sa gulat niya ay inihagis ng lalaking iyon sa kanya ang espadang kumuha sa atensyon niya. It was dropped near his feet.
"Alam kong may kakayahan kang lumaban gamit ang espada, Seiichi Yasuhara. Use that sword to deal with Oceanus on a sword fight to death. Good luck na lang sa 'yo kung magawa mo pang mabuhay sa kamay niya," anang lalaking naghagis ng espada sa paanan ni Seiichi. "By the way, your father remained holding on to that sword even after he died. Kaya tama lang na iyan ang gamitin mo para magawa mong makalabas dito at matalo si Oceanus. Though I doubt you could even last a minute." Kasunod niyon ay humalakhak ang lalaking iyon nang nakakaloko.
Umigting ang nararamdamang galit kay Seiichi. But how in the world did this guy know about his swordsmanship? Ang tanging nakakaalam lang n'on ay si Reiko at si Hitoshi. But he soon realized that these guys knew a lot and could definitely find out everything about his life. Tiningnan niya ang espadang nasa paanan niya. He frowned in order to hide his surprise and confusion upon confirming that it was the same sword that appeared in his memory.
Nag-angat si Seiichi ng tingin at hinarap ang lalaking naghagis sa kanya ng espadang iyon. "Ano ba ang mapapala mo sa pagbibigay nito sa akin?"
"Wow... For someone who's about to get killed, you're surely one calm person, Seiichi Yasuhara," komento ng lalaki bago nagseryoso. "Like I said, hawak-hawak iyan ng tatay mo bago at pagkatapos namin siyang patayin kasama ng nanay mo dahil hindi niya ibinigay ang kailangan namin. And you'll suffer the same fate if you don't hand over your parents' journal."
"At sa loob ng maraming taon matapos n'yo silang patayin, hindi n'yo pa rin makita iyon? Ang tatanga n'yo naman."
But Seiichi's contemptuous words only made Oceanus enraged na naging dahilan upang sugurin siya nito at dinaklot ang leeg niya. This man was surely a strong one.
"Masyado kang mayabang! Baka nalilimutan mong hawak namin ang buhay mo."
"Nagsasabi lang ako ng totoo. Dahil kahit ilang beses mong itanong sa akin ang tungkol sa journal na 'yon, wala kang mahihita sa akin. Ni wala nga akong matandaan sa tinutukoy mong journal, eh," ani Seiichi kahit aminado siyang nahihirapan na siyang huminga sa mahigpit na pagkakahawak ni Oceanus sa leeg niya.
"Oceanus, enough! You can have all the time you want to deal with him later. Ares, you just do your other job. Kami na ang bahala rito," utos ni Zeus na agad namang sinunod ng dalawang lalaki.
Bahagyang napaubo si Seiichi matapos pakawalan ni Oceanus ang leeg niya. Damn it! That monster's strength was unbelievable.
"Wala na nga talagang nakakapagtaka sa lakas ng loob mo, Seiichi Yasuhara. But don't get so cocky dahil hindi pa tapos ang pag-ubos ko sa lahat ng natitirang miyembro ng Shrouded Flowers. Sisiguraduhin kong hindi mangyayari ang prediction ng hayop na Hitoshi Shinomiya na 'yon!"
'Prediction?' How come Seiichi didn't know anything about that? But it appeared that his confusion over Zeus' words was mirrored on his face.
"'One with the heart bounded with the dark thorns of the past can never obliterate the sky that holds the hopes of the earth. At the end of it all, the sword-shaped cross will become the sky's greatest shield and weapon to unite a broken bond from a forgotten history.' Iyon ang eksaktong sinabi ni Hitoshi bago ito mapatay ni Oceanus patayin nang gabing iyon. Hindi naman na lingid sa 'yo ang kakayahan ng prinsipeng iyon na hulaan ang mga mangyayari sa hinaharap. I'll make sure I'll be the one to defy that prediction dahil ang tanging tinutukoy lang naman doon ay ang natitirang miyembro ng Shinomiya clan na paniguradong nagsasagawa na ng plano para tuparin iyon," paliwanag ni Zeus.
Kahit nang pakawalan na ng ilang tauhan si Seiichi mula sa pagkakagapos niya, hindi pa rin niya maintindihan ang tinutungo ng sinabi ni Zeus sa kanya. Pero bakit may pakiramdam siya na kabilang siya sa tinutukoy sa prediction na iyon? And how come he had the feeling that somehow, that prediction held one of the greatest secrets that he would probably be too shocked to learn? Despite his wrist hurting, pinulot niya ang espadang nasa paanan niya.
And without hesitation, Seiichi unsheathed it. Along with it, his mind flashed another distant memory as he looked at the blade of the sword he was holding.
No comments:
Post a Comment