HINDI PA man nagsisimula, gusto nang magwala ni Yasha. Paano ba naman kasi? Tinawagan siya ni Shingo--which she doesn't even know how in the world did that doctor manage to retrieve her personal number and not her business number--at sinabi nito sa kanya na magsisimula na ang counseling niya rito. Gusto sana niyang sabihin dito na ayaw niya at wala siyang oras. But the authoritative tone he used in ensuing that "order" was something that made her agree.
Hindi alam ni Yasha kung bakit ganoon na lang siya kadaling napapayag ng doktor na iyon. But then, umoo na siya kaya wala nang urungan. Saka na niya pag-iisipang batukan ang sarili dahil sa katangahan niya. Iyon ay kung katangahan talagang maikokonsidera iyon.
"Ano na naman kaya ang nasa utak ni Doctor Shingo at dito pa talaga niya gustong magkita kami? And heck! Babae pa talaga ang pinaghintay niya. Grabe!" Naroon kasi si Yasha sa botanical garden kung saan sila nagkaroon ng reunion moment ni Shingo na sinira lang ni Iapetus dahil sa pagsugo ng huli. Sa totoo lang, ayaw na niyang isipin iyon. Pero gaya ng dati, marami ang naglalarong isipin sa utak niya kapag inaalala niya iyon.
Ang nakakatawa, pulos mga alaalang ipinagkait sa kanya ang nagpapakita sa isipan ni Yasha. Those were memories that the trauma she suffered during that time had blocked from her mind. Kasabay niyon ay nagsusulputan din ang mga tanong sa kanyang isipan.
Pero lalo lang pinag-igting ng mga tanong na iyon ang isang sapantaha na may kinalaman siya at ang pamilya niya sa lumalalang giyera ng Shrouded Flowers laban sa Dark Rose. Kung ano man ang koneksyon na iyon na meron siya sa mga ito, iyon ang kailangan niyang alamin.
"Sorry I'm late!"
Napabuga ng hangin si Yasha nang lingunin niya ang pinagmulan ng tinig na iyon. Well, she did that to calm her erratically beating heart. Damn it! Kailangan ba talagang palaging ganito ang mararamdaman niya kapag palapit sa kanya si Shingo? For goodness' sake, the man already had a fianceé. Mali na maramdaman niya ang mga ito. "You just made me wait here for 20 minutes. What were you thinking?"
"Kailangan ko kasing tingnan ang sitwasyon ni Seiichi," simpleng paliwanag ni Shingo pero sapat na para makuha ang atensyon ni Yasha.
"Kumusta na pala siya? Kagabi lang dumating ang balita sa akin tungkol sa nangyari sa kanya."
"He's fine now. Wala ka nang dapat ipag-alala. Though I must say, it's still a question on how in the world did that boy manage to hold off Oceanus with just a sword."
"Gusto mong alamin ko para sa iyo?" nakangising tanong ni Yasha. Ngunit agad na naglaho ang ngisi niyang iyon nang tumingin sa kanya nang matiim si Shingo na ikinasimangot naman niya. "Ano na naman ang sinabi kong masama?"
"Don't you dare suggest doing things that will put you in an even more danger." Iyon lang at iniiwas na ni Shingo ang tingin nito sa dalaga.
Hindi naman makaisip ng ipangbabanat si Yasha dahil tila tumigil sa pagtibok ang puso niya nang ilang saglit sa narinig mula rito. Itinuon na lang niya ang tingin sa paligid kung saan siya naroon nang mga sandaling iyon. Baka sakaling tulungan siya ng ganda ng paligid para pakalmahin ang tibok ng puso niya.
Subalit pagkalipas ng ilang sandali ay nangunot ang noo ni Yasha nang may maisip. Saka niya hinarap si Shingo na nasa paligid din ang atensyon.
"Teka nga pala. Ano'ng ginagawa natin dito sa botanical garden?"
Noon lang naalala ni Shingo ang dahilan ng pagpunta nila roon kaya hinarap niya si Yasha. "Didn't I tell you? We'll start your counseling today."
"Bakit dito?"
"Dahil nandito rin sa garden na ito ang sa tingin ko'y susi para tulungan kang ibalik ang ilan sa mga nawawalang alaala mo."
Ipinagtaka ni Yasha ang sinabing iyon ni Shingo. "I-I don't get it."
"Just come with me, okay?" At walang babalang hinablot ni Shingo ang kamay ni Yasha saka hinila ang dalaga paalis sa kinatatayuan nila.
Sa gulat ay walang anumang naging tugon ang dalaga. Nagpatangay na lang siya sa doktor na 'to sa kung saan man nito siya planong dalhin. Iyon ay kahit alam niyang sa pagkakahawak ni Shingo sa kamay niya ay magdudulot iyon ng kakaibang reaksyon sa puso niya.
'Naku po! Ano na namang klaseng gulo 'tong pinapasok ko nito?' saisip na lang ni Yasha.
Ang hindi nalalaman ng dalaga, maging si Shingo ay nalilito rin. He knew he was acting on impulse. But for Pete's sake! Had he forgotten that he was engaged to be married? Bakit ganoon na lang ang inaakto niya pagdating sa babaeng 'to? Though he wanted to know the answers, not one appeared in his mind.
Not even a single flash of the truth that Shingo was looking for. Gayunpaman, pagbibigyan na lang niya ang sarili sa mga sandaling iyon. He had a job to do and a patient to help. It was just a question of whether or not Yasha would want his help. Pero sa nakikita niya, sapilitan lang ang pagsama nito sa kanya. She had to recover what she had lost that night but it seemed she wanted to do it her way. Iyon lang naman ang alam niyang dahilan kung bakit ayaw nito ang ideyang siya ng tutulong dito.
Umabot din ng ilang minuto ang paglalakad nila patungo sa kung saan mang bahagi ng lugar na iyon. But none of them spoke a word along the way. Nanatili lang silang magkahawak-kamay hanggang sa marating nila ang bahagi ng botanical garden na planong pagdalhan ni Shingo kay Yasha.
Bakas ang pagkalito sa mukha ni Yasha nang masilayan na niya nang husto ang lugar. 'What in the world is this heck of a doctor thinking for bringing me here?' Iyon lang ang nagawa niyang isaisip dahil sa mga rosas na tumambad sa kanya.
Agad na hinarap ni Yasha si Shingo nang sa wakas ay huminto na sila sa paglalakad. "Ano'ng ibig sabihin nito? Bakit mo ako dinala rito?"
Marahang nagpakawala ng malalim na hininga ang doktor bago sinagot ang tanong ng dalaga. "The view itself expresses the answer you're looking for, Miss Wilford."
"Yeah, I'm standing in the middle of a rose field comprising of..." Natigilan si Yasha nang dumating sa kanya ang isang realisasyon. "... four colors." Pabulong na lang niyang idinagdag iyon at iginala ang tingin sa paligid. Tama nga siya.
There were roses planted there in four different colors. Blue, red, white, and peach colored ones were scattered there. Bigla ang pagbundol ng hindi mawaring kaba sa dibdib ng dalaga dahil sa nakita. Muli ay hinarap niya si Shingo. "You're not thinking of using these roses on our first counseling, right? Alam mo kung ano ang dinaranas ko kapag nakakakita ako ng mga rosas."
"Which also proves one thing, Miss Wilford. These roses held the key to uncovering what lies beyond those memories taken from you that night." Bumuntong-hininga si Shingo. "Look, I know I'm making a weird approach on this one. Pero sa ngayon, ito ang isang paraan para magawa mong alalahanin ang mga bagay na kailangan mong maalala, lalo na sa sitwasyon ninyong magkapatid ngayon. I'm going to ask you a series of questions and I want you to answer them truthfully. Can you do that?"
May pag-aalinlangan pa rin sa dibdib ni Yasha. Pero sa tingin niya, may punto ang mga pinagsasasabi ni Shingo sa kanya. Kahit alam niyang tiyak na mahihirapan siya, kailangang pilitin niya ang sarili. Para na rin sa kapakanan ng kapatid niya.
Ilang sandali pa ay tumango si Yasha bilang tugon sa mga sinabi ni Shingo sa kanya. Hindi nagtagal ay nag-umpisa nang magtanong ang doktor. His questions varies, though. Kadalasan ay tungkol sa mga childhood memories niya. She only managed to answer a few questions with regards to her teenage memories and those that had just happened a few years back. Hindi naman siya pinilit nito na alalahanin ang mga bagay na ayaw magpakita sa isipan niya.
But there was one question that had truly taken Yasha aback and at the same time, had triggered something from her mind.
"What do you know about the Silhouette Roses?"
Hindi kaagad nakapagsalita si Yasha nang marinig niya iyon. In fact, napatulala pa siya sa mukha ni Shingo habang pinag-iisipan kung ano ang isasagot niya rito. She once heard the term at sigurado siya sa bagay na iyon. Pero bakitー
Mariing napapikit si Yasha nang bigla ang pagsigid ng hindi maipaliwanag na sakit sa ulo niya. Kagyat siyang napahawak doon at hindi na niya namalayan ang sarili na napaluhod habang sapo ang magkabilang gilid ng ulo niya. What the heck? Ano'ng nangyayari sa kanya?
Ganoon na lang ang pagkataranta ni Shingo nang makita ang sitwasyon ng dalaga. Agad niya itong dinaluhan subalit nakakapagtakang tila nablangko siya sa pag-iisip ng maaaring gawin para tulungan ito. He froze at the sight of the woman in pain at the moment.
"Jun, help me..." mangiyak-ngiyak na usal ni Yasha na narinig ni Shingo.
'Ano'ng kinalaman ni Jun dito?' takang tanong ng doktor sa kanyang isipan bago naisipang yakapin na lang si Yasha bilang pag-aalo rito. Sa mga sandaling iyon, wala na siyang ibang maisip gawin para rito.
Hindi man gustong magtawag ni Yasha ng pangalan ng taong alam niyang tiyak na makakatulong sa kanya, wala na siyang ibang magawa. Si Jun na lang ang alam niyang tanging makakatulong sa kanya sa kalagayang kinasasadlakan. But how would a person who was currently in stasis be able to help her?
xxxxxx
"Sigurado ka ba talaga sa desisyon mo, Yasha? Hindi ka man lang ba nagdududa sa mga pangyayari?" nag-aalalang tanong ng isang lalaki sa kanya habang nililibot nila ang Zen garden ng Shinomiya mansion.
Hinarap ni Yasha ang lalaking iyon at saka tinapik ito sa balikat. "Ano ka ba naman, Jun? It's already a chance for me to find out the truth behind my father's will from a long time ago. Alam ko na sumusugod ako sa tiyak na panganib sa desisyon kong ito. Pero sa ngayon, hindi ko na alintana ang tungkol doon." Ngumiti siya sa kaibigan. "And besides, alam ko namang hindi mo ako hahayaang mapahamak, 'di ba?"
Noon naman napalitan ng ngiti ang seryosong expression ni Jun at napailing na lang. "Alam mo, kung hindi ko lang alam na boyfriend mo si Takeru, iisipin ko talagang may gusto ka sa akin."
"Hindi rin makapal ang mukha mo sa lagay na 'yan, 'no?" banat naman ni Yasha na pareho lang nilang tinawanan ni Jun. Kapagkuwan ay muling nagseryoso ang dalaga. "I can't believe my family held that kind of mystery. And to think it's about the Silhouette Roses, as well."
Bumuntong-hininga si Jun. "Hindi ko alam kung pabor ba talaga sa akin na alamin mo ang tungkol sa kanila. But one way or another, I'll help you find out the truth about them. I'll protect you no matter what. Okay?"
xxxxxx
Hindi na napigilan ni Yasha ang pagtulo ng kanyang mga luha nang tuluyan niyang maalala iyon. Now she knew. It was from that promise that had put Jun in stasis for two years now. Pinanindigan nito ang pangakong pagprotekta sa kanya. Hindi lang si Shingo ang savior niya, pati na rin si Jun.
"I'm sorry, Jun... I'm so sorry..." paulit-ulit na usal ni Yasha. Huli na nang namalayan niya ang masuyong paghagod ng kamay ni Shingo sa likod niya habang yakap siya nito. Lalo siyang napaluha na kalaunan ay naging hagulgol.
xxxxxx
"Papa, ano'ng ibig sabihin nito? Bakit pati si Raiden, binigyan mo nito?" tanong ni Yasha at saka ipinakita rito ang hawak-hawak na leather journal.
Huminga muna nang malalim si Mr. Wilford at matamang tiningnan si Yasha. "Anak, ikaw na lang ang inaasahan kong magbabantay sa bagay na iyan. That journal will help you prove your place and that of your brother's among the Silhouette Roses."
"Silhouette Roses?"
"The journal I gave to Raiden holds the key to help you unravel the missing pieces of the puzzle about our lineage. Kaya pakiusap, Yasha, huwag mong hahayaang mapahamak ang kapatid mo. Siya na lang ang isa sa pag-asa natin para tuluyang matapos ang giyera."
Lalong nagpalito kay Yasha ang mga pahayag na iyon ng kanyang ama. "I-I don't understand. Ano'ng giyera ang tinutukoy mo?"
"It is a war that will end the lives of the clans of Knights protecting the Sky of the Earth if we don't do anything to help them and stop it. Matagal man tayong wala nang kakayahan at kapangyarihan para gawin iyon, nasa sa atin naman ang susi para matulungan sila. I know that in return, the four clans that we needed to help this time will do everything to help us revive what we had lost during the ancient times."
Hindi na nakapagsalita pa si Yasha kahit magulo pa rin sa kanya ang paliwanag ng ama sa tanong niya. But somewhere in her heart, there was a fire burning--one that told her that her life would surely change forever if she decided to pursue the truth behind her father's words.
xxxxxx
Unti-unting natigil sa pag-iyak si Yasha nang sumagi iyon sa alaala niya. Hindi naman nakaligtas kay Shingo ang pagbabago ng kilos niyang iyon.
"Are you okay?" concerned na tanong ni Shingo.
Pero tila walang narinig si Yasha.
"'The journal will help you prove your place and that of your brother's among the Silhouette Roses...' My father said those words to me before. Kaya ganoon na lang ang kagustuhan kong alamin ang tungkol sa kanila." Hinarap ni Yasha ang doktor. "Doc, kailangan kong malaman ang lahat ng tungkol sa kanila. It will give you and the other members of the Shrouded Flowers an upper hand into defeating the Dark Rose for good. Hanggang sa huli, iyon ang pinaniniwalaan ng Papa ko."
Shingo could only look at Yasha incredulously. Nababaliw na ba ang babaeng ito?
No comments:
Post a Comment