WALA namang dapat ikanerbiyos si Shigeru ngayong nasa Shinomiya mansion na siya. Kababalik lang niya galing sa huling misyong iniatang sa kanya may isang buwan na rin ang nakakaraan. Pero hindi nangangahulugan na wala siyang ideya sa anumang nangyayari sa mga kasamahan niya. Lalo na sa Shinomiya clan princess.
Isa iyon sa dahilan kung bakit naisipan ni Shigeru na umuwi na pagkatapos ng misyon niya. Bukod sa mga kapatid niyang panigurado ay aawayin na naman siya dahil hindi siya nakauwi kaagad gaya ng ipinangako niya sa mga ito, may nag-utos sa kanya na umuwi kaagad sa oras na matapos na niya ang mga dapat niyang tapusin.
At ngayon nga ay nasa harap na si Shigeru ng silid ni Mari. Ang 13th Knight ang nag-utos sa kanya na bumalik dahil may isang pabor daw ito sa kanya. Kilala niya si Mari na madalang pa sa patak ng utak sa tagtuyot kung humingi ng pabor sa kahit kanino. Babae man ito, hindi rin matitibag nang ganoon-ganoon lang ang pride nito. hindi lang bilang nakatatandang kapatid ni Kourin kundi bilang isa sa mga tagapangalaga ng Shrouded Flowers.
Kinalma muna ni Shigeru ang sarili bago kumatok sa pinto ng ilang ulit. 'Di nagtagal ay sinabi ng taong nasa silid na tumuloy na siya roon. Sa pagtuloy niya sa silid ay nakita niya si Mari na nasa office table at abala sa pagbabasa ng kung anong mga papeles.
Agad na ibinaba ni Mari ang ilang reports na kanina pa niya nire-review nang makaupo na ang kanyang bisita sa swivel chair na nasa harap ng office table.
"Sorry if I called you urgently. Naabala ko pa yata ang misyon mo sa New York," pagsisimula ni Mari.
Umiling si Shigeru. "You don't have to apologize. Itinaon mo naman ang tawag mo na tapos na ang trabaho ko sa New York. Kinukulit na rin ako nina Kana at Nanami na umuwi na."
Kahit papaano ay napangiti niyon si Mari. "Ilang buwan ka na rin nilang hindi nakikita. Nandito ka nga sa Pilipinas pero trabaho pa rin na malalayo sa kanila ang nasa isip mo. Kahit siguro sino, magtatampo at mangungulit."
"Ganoon din ba si Lady Kourin sa 'yo?" biglang naitanong ni Shigeru na ikinatahimik na lang ni Mari.
Napansin ni Shigeru na napalalim pa yata ang pagbuntong-hininga ni Mari at nag-iwas din ito ng tingin sa kanya. Hindi tuloy niya mapigilang pangunutan ng noo sa napansin.
"May nangyari ba na hindi ko nalalaman, Mari?" Iyon na lang ang naisip na itanong ni Shigeru.
Ilang sandaling nanatiling tahimik si Mari. Matiyaga namang hinintay ni Shigeru ang anumang magiging sagot ni Mari.
"They're beginning to move, Shigeru," Mari said gravely after a few more moments. "Hindi lang ang mga Knights ang pinupuntirya nila nitong mga nakalipas na linggo. Even unrelated victims are getting involved in this senseless war. At sabi ng isa sa mga espiya natin sa agency, may isa na sa mga miyembro ng Dark Rose ang desidido nang tapusin si Kourin."
Bagaman hindi na ikinagulat ni Shigeru ang tungkol sa nagiging kilos ng Dark Rose, hindi niya napigilang makaramdam ng takot para sa prinsesa ng Shinomiya clan. Alam niyang si Kourin ang matagal nang target ng mga ito mula nang malaman ng mga ito na buhay pa ang dalaga. Hindi talaga titigil ang mga sira-ulong iyon hanggang hindi nila tuluyang napapatay si Kourin.
"What do you want me to do? That's the reason why you called me, right?" tanong ni Shigeru makalipas ang ilang sandali.
Tumango si Mari nang harapin niya si Shigeru. "Bantayan mo ang kapatid ko. Alam kong trabaho iyon nina Tetsuya at Amiko pero hindi magiging madali para sa kanila na lumaban at protektahan si Kourin nang sabay kung sakaling matuloy nga ang plano ng Dark Rose na patayin ang kapatid ko kasama si Seiichi."
"Seiichi?"
"Seiichi Yasuhara. I'm sure naaalala mo siya dahil minsan siyang nakituloy sa Shinomiya mansion sa Kyoto noong buhay pa si Hitoshi."
Naaalala nga ni Shigeru ang Seiichi Yasuhara na tinutukoy ni Mari. Wala naman siyang masasabi na may kakaiba sa batang iyon. In fact, Seiichi appeared to be a normal person with a pretty much ordinary life. Pero hindi ganoon ang opinyon niya pagdating sa Lolo ni Seiichi. Hindi lang dahil sa katandaan nito kaya niya nasabi iyon.
"Bakit nadamay ang batang iyon sa gulo?" naisip itanong ni Shigeru makalipas ang ilang sandali.
Umiling lang si Mari. "Hindi ko rin alam. Pero ginagawa na namin ang lahat para malaman ang sagot doon. For now, protecting both of them is our priority."
"Papaano ang magkapatid na Wilford? Balita ko, pati sila ay nadadamay na rin."
"As for that, sina Mamoru at Shingo na ang bahala."
"Sina Mamoru at Shingo? That's rare."
Nagkibit-balikat lang si Mari. "Hindi ko alam ang rason nila kung bakit ganoon na lang ang naging desisyon nila. But from what I can see, it still has something to do with Jun."
Hindi na nag-isip pa ng sasabihin si Shigeru bilang tugon. Agad niyang naintindihan ang nais ipunto ni Mari. Bumuntong-hininga siya kapagkuwan.
"Alright. I'll do as you asked. Ako ang tutulong kina Amiko at Tetsuya sa pagbabantay kay Lady Kourin."
Nakita ni Shigeru na tila nakahinga ng maluwag si Mari matapos niyang sabihin iyon. Nag-uumpisa na nga sigurong lumala ang sitwasyon para makita niya ang dalaga na ganoon. Huli na nang mapansin niya ang sarili na kumikilos palapit kay Mari at gawaran ng masuyong halik ang noo nito.
"Don't worry about anything for now. Okay?" masuyong bulong ni Shigeru kay Mari nang lumayo siya rito nang bahagya.
Kahit nakikita ni Shigeru ang pag-aalala sa mukha ni Mari, napangiti siya nang makita itong tumango.
"I'll leave it to you."
No comments:
Post a Comment