Wednesday, March 11, 2020

I'll Hold On To You 63 - When I'm With You

[Relaina]

IT TURNED out what Brent said was really the truth. Talagang ikinagulat ko iyon. Paano nito nagawang kumbinsihin ang mga magulang ko na lumabas kasama ang lalaking noon lang nakilala ng mga ito?

Hindi talaga ako makapaniwala. Ano ba ang nangyayari sa mundo sa mga sandaling iyon?

“Ano? Bilib ka na sa gandang lalaking ko? Pati parents mo, nagawa kong kumbinsihin na isama ka sa mga trip ko para sa ating dalawa ngayong summer.”

Ano raw? Napaka-unbelievable talaga ang lakas ng apog ng kamoteng kasama ko ngayon. I just eyed him incredulously.

“Anong gandang lalaki ang pinagsasasabi mo riyan? Ang sabihin mo, magaling ka lang manuhol. Pambihira! Pati tatay kong hindi basta-basta natitinag, nagawa mong kumbinsihin.” Pero siyempre, joke ko lang ang tungkol sa “panunuhol” nito diumano.

Tiningnan ako nito na para ba talagang ikinagulat nito ang sinabi ko. “Hey, I never do bribery to get what I want, okay? Marunong lang akong dumiskarte at mangumbinsi.” Ilang sandali pa ay napahawak ito sa baba nito at hinimas-himas pa iyon. “On second thought, I guess I ended up using bribery. Intangible version nga lang.”

“Nakita mo na! 'Tapos ang lakas ng loob mong tumanggi.” Pero napakunot-noo ako nang tuluyang rumehistro sa utak ko ang sinabi nito. “Teka! Ano’ng ibig mong sabihin? Intangible version of bribery? Meron ba n’on?”

Napahinto si Brent sa paglalakad at hinarap ako. Ikinabigla ko iyon at ipinagtaka ko na rin at the same time. “O, bakit?”

“Do you want to know kung ano ang ipinangsuhol ko?” he asked seriously.

At talaga namang nakakapanibago iyon. Sa totoo lang, nag-uumpisa na talaga akong ma-weird-uhan sa kilos ni Brent. But I couldn’t deny the fact that my heart reacted… again.

May bago pa ba roon? Lagi namang nagwawala ang puso ko – basta ang buwisit na kamoteng 'to ang concerned.

“Hindi na. Siguradong out-of-this-world na naman ang naging sagot mo sa kanila. Halika na at dalhin mo na ako sa lugar kung saan magsisimula ang sinasabi mong ‘first summer together’ na pagkakaabalahan nating dalawa.” At nag-umpisa na ulit akong maglakad paalis.

“I ended up bribing your parents with the truth – the one that lies here in my heart.”

Muli akong napatigil sa paglalakad sa sinabi itong iyon. Along with that, my heart also skipped a few beats. Seriously, does this have to happen now? May pa-mysterious effect pa kasing nalalaman ang lalaking ito.

Upon facing him, I saw his grave expression. Sa totoo lang, bakit ang seryoso ng ugok na 'to ngayon? Pero sandali lang iyon. Once again, Brent's expression reverted to that of a cheerful (not to mention cocky) one. Hindi ko tuloy mapigilang isipin na may sira na yata sa utak ang lalaking 'to dahil sa self-defense training nito ng isang linggo.

“Pero saka ko na sasabihin sa iyo ang tungkol doon. I don’t want to ruin the mood.” And to my shock, he grabbed my wrist and pulled me, prompting both of us to walk once more.

Of course, hindi ko naman na siguro kailangang ihayag sa madla ang pagwawala ng puso ko, 'di ba? For now, sasakyan ko na lang muna ang trip ng mokong kong kasama.

I'd do that for the sake of our “first summer together.”

xxxxxx

“Seryoso lang, ha? Iniwan mo ba ang utak mo sa isla at kung anong kalokohan na naman ang gusto mong iparanas sa akin, ha?” napapantastikuhang tanong ko nang marating na namin ang lugar kung saan nito gustong i-spend ang first day of summer naming dalawa.

Pero ang loko, hayun at dinala na naman ako sa Promise Tree. Ano na naman kayang issue ang pag-uusapan naming dalawa? Lagi na lang kasing nauuwi sa seryosong usapan ang pagpunta ko sa Promise Tree.

“I want to show you something. And I know you’ll like it.” Hinila na naman ako nito pero palayo sa malahiganteng Promise Tree.

Does that mean hindi kami sa Promise Tree tatambay? Kunsabagay, wala naman kaming gagawin kundi ang pagmasdan lang ang dagat at ang estatwa. Pero saan na naman talaga ako planong kaladkarin ng lalaking ito?

At talagang ayaw lang bitiwan ang kamay ko. Nakalibre lang sa tsansing ang lokong 'to sa akin, ah.

'Hoy, Relaina Elysse. Umiral na naman ang pagiging ilusyunada mo. Hindi pa considered na tsansing ang paghawak sa kamay mo. Nananamantala lang siya ng pagkakataon. Saka ka mag-react nang matindi kapag niyakap ka na naman niya nang walang permiso o 'di kaya’y kapag hinalikan ka na naman niya,' a part of my mind lectured that only made me groan inwardly.

At nakalibre pa talaga ang isip ko sa pagtawag sa akin ng ilusyunada, ha?

So no choice. Nagpatangay na lang ako sa trip nito. Besides, wala naman sigurong masama. I knew he wouldn’t let something bad happen to me, the same way I promised to myself about protecting him. At least sa bagay na iyon, sigurado na ako.

May kulang-kulang 100 meters din ang nilakad namin ni Brent hanggang sa marating namin ang isa na namang malahiganteng puno. But what surprised me when I looked up was the fact that it wasn’t just a dull giant tree. It held something more.

“A treehouse?” Napatingin ako kay Brent. “Is this for real?”

Tumango ito. “Naalala mo 'yong sinabi ni Manong noon tungkol sa hindi ko paglabas-labas ng lungga ko? Ang treehouse na 'to ang totoong dahilan ng madalas na pagtambay ko sa Promise Tree.”

Muli akong napatingin sa treehouse. But it wasn’t plainly made. It was literally a small house built on the higher part of the tree. Labas na bahagi pa lang ang nakikita ko pero ang ganda talaga ng pagkakayari niyon. Mukhang pinagplanuhan iyon nang husto.

“It’s beautiful,” namamanghang sabi ko.

“Let’s go up.”

And so we did. Ginamit namin ang built-in wooden helix staircase na naroon. Nang marating na namin ang pinakatuktok niyon, nagulat ako na may porch din pala doon. In fact, that porch was facing the sea. From where I stood, I could see it glistening under the morning sun.

“Labas pa lang ng treehouse ang nakikita mo, ganyan na ang reaction mo,” komento nito na hindi nawawala ang magandang ngiti nito.

“I can’t help it. It was truly beautiful.”

“Sulitin na natin ang reaction mong 'yan. Come on. Tingnan naman natin ang loob.”

Kahit gusto kong upakan si Brent sa pagiging bossy nito sa akin, pinabayaan ko na lang. Besides, I was too amazed to even do that to him. Reward ko na siguro iyon dito sa pagpapakita nito ng mga iyon sa akin.

Sinundan ko na lang ito sa pagpasok sa loob ng treehouse. At hindi nga ako nagkamali. Mas maganda pa ang loob niyon. It felt like I was in a luxurious cottage that I’d always see in movies. A perfect place for retreat.

Ang mga gamit na naroon – from sofa, tables, chairs, even decorations and paintings, alam kong hindi basta-basta ang halaga ng mga iyon. Masasabi kong talagang pinagkagastusan ang mga gamit na naroon.

“Who would’ve thought this kind of place exists around here? This is amazing,” sabi ko matapos kong busugin ang mga mata ko sa paghanga sa nasilayan ko. With a smile, I faced Brent. “Thank you for bringing me here kahit na hindi ko alam kung bakit mo ginawa ito.”

“Kailangan pa ba ng dahilan para dalhin kita rito?”

“People do things for a reason, right? And I believe you’re in your right mind kaya tiyak na may dahilan kung bakit mo ako dinala sa lugar na ito.”  Seriously, this guy would keep on doing things enough to surprise me and make me happy.

Pero wala pa akong planong aminin iyon sa ugok na 'to.

“Sapat na bang dahilan na gusto ko lang ipakita sa iyo ang lugar na ito? Para na rin makita ko ulit ang mga ngiti mo. This place always calms me and gives me reasons to smile. I hope it did the same thing to you.”

Hay… bakit ba ang drama ng lalaking 'to ngayon? Hindi ko na talaga maintindihan. Pero 'di ba dapat ay sanay na ako? Ang tagal ko na kayang pinakikisamahan si Brent. And now that we were “close”, mas dapat talagang masanay na ako.

Napangiti na lang ako sa sinabing iyon ni Brent. Saka ko ito nilapitan at pinanggigilan ang mga pisngi nito. “Mukha mo pa lang na walang bahid ng problema ang tititigan ko, sapat na sa akin iyon para ngumiti.”

Masakit yata ang naging pagkakapisil ko sa mga pisngi ni Brent dahil nakangiwi ito kaya pinakawalan ko na ito. Agad namang hinimas ng mokong ang bahagi ng pisngi nito na pinisil ko. “Kailangan lang talagang pisilin ang mukha ko habang nag-i-speech ka?”

“Mas may effect iyon.”

“May effect nga. Naramdaman ko 'yong sakit, eh. Makapisil ka naman, para kang titiris ng insekto, ah. Ang sakit kaya.”

Hindi ko na napigilang tumawa sa parang batang pagdadrama nito. Hinaplos ko na lang ang mukha nito. “Sorry na. hindi ko naman mapigilang panggigilan ka, eh. Na-miss lang kita siguro kasi walang Brent Allen Montreal na nangungulit sa akin sa loob ng isang buong linggo.”

Sa pagkabigla ko, hinawakan ni Brent ang dalawang kamay kong nakapatong sa mga pisngi nito.

“Ako rin, na-miss kita.”

Simple lang ang mga salitang iyon. Pero para sa akin, higit pa sa simple ang naging epekto niyon, lalo na sa puso ko. At sa mga sandaling iyon, wala akong makitang dahilan upang hindi paniwalaan ang mga katagang naramdaman kong buong pusong sinabi nito.

No comments:

Post a Comment