Wednesday, March 4, 2020

the last sky of the earth 99 - engagement

Napapadalas ang pananatili ni Seiichi sa loob ng Treasure Room nitong mga nakaraang araw matapos ang naging huling pagkikita nila ni Rin. Hindi na niya ito nagawang puntahan sa bahay nito o maging sa university dahil nakatitiyak siya na lalo lang magugulo ang utak niya kapag nakita ito. Not to mention, the words that the man who greeted him and took Rin in his arms were still reverberating in his mind.

‘I have to be careful... kahit na ano'ng mangyari…’ May ideya ba ang lalaking iyon sa pinagdaraanan niya? At bakit hindi na maalis sa isipan niya ang pamilyaridad na naramdaman niya pagkakita rito? Nakita na niya ito noon at sigurado siya sa bagay na iyon. Pero kailan at saan?

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Seiichi nang nag-umpisa na namang rumagasa ang samu't-saring isipin sa kanya. Idagdag pa ang mga tanong na naglalabasan sa tuwing babasahin niya ang ilan pang scrolls na hindi pa niya tapos basahin. May dalawa pa siyang hindi nababasa sa mga scrolls na nasa chest box ng lolo niya.

Ang hiling lang niya ay mabigyan na ng sagot ang isang importanteng tanong na ilang ulit na siyang hindi nilulubayan kapag nabasa na niya ang huling dalawang scrolls na nasa pangangalaga niya. Pero kung siya ang tatanungin, hindi niya magawang mapalis ang hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang dibdib dahil sa kagustuhang iyon. Kahit anong pilit na pag-alala ang gawin niya, wala siyang ideya kung saan nagmula ang kabang iyon at ang posibleng dahilan para patuloy na maramdaman iyon. Gusto niyang pagkatiwalaan ang intuition niya sa bagay na ito. Walang duda roon.

Pero kaya nga ba niyang tanggapin ang kung ano mang malalaman niya kapag nagkataong lumabas na ang totoo? Iyon ang tanong na ilang beses siyang binabagabag mula nang umpisahan niya ang misyong alamin ang totoo tungkol sa pag-atake sa Shinomiya mansion. Marami siyang posibleng malaman, iyon ang sigurado siya. At kahit ayaw niya, maaaring ilan sa mga malalaman niya ay makasakit nang husto sa kanyang kalooban.

Napangiti na lang ng mapakla si Seiichi sa isiping iyon.

"Binalaan mo na ako noon tungkol dito, 'di ba?" ani Seiichi habang nakatingin sa litrato nilang dalawa ni Hitoshi na matagal nang naka-save sa kanyang cellphone. Magkatabi silang nakatayo sa ilalim ng sakura tree at parehong nakangiti, na para bang wala silang pinoproblema ng mga sandaling iyon.

Pero kung alam lang niya na iyon na ang huling beses na makakasama't makakausap ito...

‘May magagawa nga ba ako kung sakali ngang alam kong ganoon ang mangyayari?’

"Lahat ng posibleng katotohanang malalaman ko tungkol sa Shrouded Flowers ay makakasakit sa akin. You said that to me before, Hitoshi. And yet even knowing that, how come I still want to know the truth about your clan? Bakit ayaw pa rin akong tigilan ng isip ko na nagsasabing may maitutulong iyon sa paghahanap ko ng katotohanan tungkol sa nangyari sa pamilya ko?"

Hindi man niya inaasahan, pero umigting ang kagustuhan niyang iyon nang makilala niya ang mga miyembro ng Dark Rose na k-um-idnap sa kanya noon. Especially when he learned and came across the sword that his father held and tried to protect till his death.

Bumuntong-hininga na lang si Seiichi at muling iginala ang tingin sa paligid ng Treasure Room. Nang mapatingin siya sa kinalalagyan ng Full Moon Sword, muli niyang naalala ang naging engkuwentro sa leader ng Dark Rose na si Zeus. He also recalled the prophecy that Zeus mentioned to him ―- the one that Hitoshi had formed, either as a way to threaten the enemy or to give hope to those who truly needed it. At alam niya kung sino ang tunay na nangangailangan ng pag-asang iyon.

"'The sword-shaped cross will become the sky's greatest shield and weapon...'" ulit niya sa prediction na naalala niya.

Pero kasabay niyon ay unti-unting sumakit ang ulo niya dala ng mga alaalang biglang naglilitawan sa kanyang isipan. Napahawak si Seiichi sa ulo niya nang lalong sumakit iyon.

xxxxxx

[Flashback]

"Papa, para saan po ba ang Full Moon Sword at lagi ninyong sinasabi sa akin na napaimportante n'yon?"

Nginitian si Seiichi ng lalaking abalang nag-uukit sa isang kahoy na may kalakihan. Tiningnan niya ang inuukit ng ama at muli siyang napangiti.

"Tungkol po ba ulit iyan sa Eight Treasures?"

Tumango ito at ilang sandali pa ay ittinigil nito ang ginagawa upang harapin ang sampung taong gulang na anak. "Pasensiya ka na, anak, kung marami akong nasasabi sa 'yo na hindi ko kaagad nabibigyan ng paliwanag. Pero gusto kong tandaan mo na para sa 'yo at sa kaligtasan mo ang lahat ng ito. Lahat ng nalalaman at malalaman mo tungkol sa Silhouette Roses ay posibleng magdala ng kapahamakan sa 'yo."

"Bakit po nila gustong saktan ang mga kabilang sa grupong iyon? May ginawa po ba silang masama?"

Umiling ang ama at nginitiang muli si Seiichi. "Hindi lang nila matanggap na sa kabila ng mga nangyari 300 years ago sa Japan ay nanatili pa ring buhay ang lahat ng may kinalaman sa Silhouette Roses. Then again, the enemy just didn't realize that they could build an even greater influence that equals to that of the other members of the Shrouded Flowers."

Pero ang batang si Seiichi, lalong kinakitaan ng pagtataka ang mukha na ikinangiting muli ng ama nito. "Maiintindihan mo rin ang lahat ng sinasabi kong ito pagdating ng panahon, anak. Ang gusto ko lang na tandaan mo, mahal na mahal ka namin ng mama mo. At kahit na ano'ng mangyari sa amin, sisiguraduhin namin na hindi ka mapapabayaan. You're too important to me and your mother. And also to the Silhouette Roses. Your engagement and eventual betrothal to the youngest child of the Shinomiya clan leader will be the key to our clan's revival in the near future. You're the only one now who can fulfill the duty that our ancestors had failed to attain all this time..."

[End of Flashback]

xxxxxx

"My engagement to the youngest child of the Shinomiya clan leader? Bakit hindi ko man lang alam ang tungkol doon?" At bakit ngayon lang naglalabasan ang isang parte ng alaala niyang iyon?

Hindi maintindihan ni Seiichi ang kababg bigla niyang naramdaman dahil sa naalala. Kung ganoon, posible bang isa iyon sa dahilan kung bakit nag-krus ang landas nila ni Hitoshi? Posible bang alam nito ang tungkol sa engagement niya kay Kourin na ngayon lang niya nalaman?

~"Kahit na ano'ng mangyari, poprotektahan kita. Ikaw at si Kourin. At alam kong iyon din ang gustong mangyari ng mga magulang mo. You're the only one who could help them revive what they couldn't when they were still alive..."~ 

Iyon ang isa sa mga sinabi ni Hitoshi sa kanya noon na ipinagtaka niya.

"All this time, he knew..." hindi makapaniwalang bulong niya sa sarili. "He knew I'm a part of the Silhouette Roses..."

Napahawak na lang siya ng ulo niya dahil sa realisasyong iyon.

xxxxxx

Hindi magawang dalawin ng antok si Kourin nang gabing iyon kahit na sabihin pang pagod siya dahil sa pagtakas na ginawa nila mula sa Casimera. Pero sino ba naman kasi ang mag-aakala na bukod kay Cronus na ang target ay si Mamoru ay lalabas din sa lungga nito si Aphrodite na minsan lang niyang nakaengkuwentro? At noon pa kung kailan napatay ang lola niya.

Isang buntong-hininga ang iginawad niya nang walang makuhang sagot sa ilan pang katanungang bumabagabag sa kanya. May ilang oras na rin siyang naghihintay sa pagdating ni Hayato sa cabin na iyon pero wala pa rin. Ano na kaya ang nangyari rito?

"Can't sleep, Princess?"

Nilingon ni Kourin ang nagsalitang iyon. Napangiti na lang siya ng malungkot nang makita ang paglapit ni Shuji, kahit na hindi niya inaasahan ang pagdating nito roon. "How did you know I'm here?"

"Kohaku told me about it."

Kunot-noong hinarap niya ito. "Kohaku? Magkakilala kayo ni Miss Kohaku?"

Tumango ito. "Matagal na. In fact, hindi pa ako opisyal na naging second shadow guardian ni Lord Hitoshi, kilala ko na siya. You could say that Miss Chie had a hand on me meeting her stepsister on one of their research expeditions."

Hindi napigilang mamangha ni Kourin sa mga narinig. "Siya siguro ang dahilan kung bakit lagi kang wala sa tabi ni Kuya Hitoshi."

"Princess! Are you kidding me? I don't do things like that. I'm much too loyal to my own mission, even at the time!" tila naeeskandalong tugon ni Shuji na ikinatawa na lang ni Kourin.

Matagal na niyang napapansin ang malaking pagkakatulad ng personalidad nina Shuji at Tetsuya. Madalas sa hindi ay naiisip niyang puwedeng magkambal ang dalawang ito. Pero hanggang doon na lang iyon.

"Much like Tetsuya, huh? He also became too dedicated to his own mission both as my second shadow guardian and as a follower of the Miyamoto clan's Lord Theron."

"How long have you known that Tetsuya was serving Lord Theron, by the way?"

"About a year ago. Siya na ang nagsabi sa akin ng tungkol doon. Hindi raw niya maatim na ilihim sa akin ang tungkol sa mga pinaggagawa niya na may kinalaman pa rin sa paghahanap ng sagot sa mga tanong namin. Or in this case, they're more on my questions with regards to my brother's real involvement to things related to the Silhouette Roses." Kourin sighed before facing Shuji who appeared to be in deep thinking. At least, she thought he was like that because of the uncharacteristically serious expression on his face. "What about you? Any luck in finding the other Swords of Ascension?"

Shuji sighed, almost dejected. "Not really. I only have documents that mentioned the possible location where the Sword of the Crown was. But I haven't been able to go there just yet since Kohaku gave me a call about you and the other Knights' situation. Ano'ng pumasok sa utak mo at naisipan mo pa talagang sumama sa kanila sa pagligtas kay Lord Mamoru? You could've been killed, you know."

"If I'm meant to die, then not even my shadow guardians can do anything about it. But for me to survive this long and unscathed, I can only think that there are forces out there powerful enough to prevent another tragic event from happening within the Shinomiya clan. At least, until I finally restore the honor that those wretched Dark Rose had trampled on that night."

Kinuyom ni Kourin ang kamao matapos sabihin iyon. Ilang sandali pa ay napatingala siya sa madilim na langit na tanging mga bituin ang nagsisilbing dekorasyon niyon. "Hindi ko pa oras, iyon ang nakakasiguro ako. At sisiguraduhin kong hindi ako mamamatay sa kamay ng Dark Rose o kahit na sino pang makakalaban ng Shrouded Flowers."

It was a conviction Kourin never thought she'd be able to make if she were still the same pampered Shinomiya clan princess from more than two years ago ―- from before the attack. Hindi tuloy niya napgilang mapangiti nang mapakla.

Narinig niyang bumuntong-hininga si Shuji bago nagsalita. "Alright. I guess I have to do my best to find the Sword of Time, as well."

"Wait a minute. I thought the Sword of the Crown is the utmost important Sword of Ascension for you right now. Bakit kailangan mo na ring hanapin ang Sword of Ascension na pag-aari ng Silhouette Roses?"

"It's because I need to gather the items needed in order for the succession and the official announcement of the engagement and eventual betrothal to successfully happen. At least, iyon ang sinabi ni Lord Hitoshi sa akin noong sabihin niya ang tungkol sa apat na Swords of Ascension."

Hindi napigilang pangunutan ng noo si Kourin dahil sa pagtataka sa narinig. "Official announcement... of the eventual betrothal? May engagement bang nangyari na hindi ko alam?"

"Wala silang sinasabi sa 'yo?"

"Ano'ng ibig mong sabihin?" ganting tanong niya sa kabila ng kakaibang kaba na bigla niyang naramdaman.

Pero sa halip na si Shuji ay iba ang sumagot ng tanong niya.

"Since you were 4 years old, you were already engaged to be married to someone in order to secure the clan's future. And also, to ensure the solid footing of the Yasunaga clan to its original group once again ―- just as how it was 400 years ago before the family was massacred."

Napalingon si Kourin sa pinagmulan ng tinig na iyon at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang paglapit ni Hayato na may bahid ng dugo ang ilang bahagi ng suot nitong damit. "Are you okay?"

"Don't worry about me. Though I must say that I failed in defeating that woman. Poseidon came to her rescue."

Pero hindi na iyon ang rumehistro sa isip niya dahil mas lumilitaw roon ang nauna nang sinabi nito. "You said... I'm already engaged to someone. Does that person... belongs to the Yasunaga clan?"

Tumango si Hayato nang walang pag-aalinlangan. "He's set to become the leader of the Silhouette Roses as soon as we find him. He's the previous Yasunaga clan leader's son who the others have no idea about because his existence wasn't mentioned to the rest of the clan at all. But that person was someone that your parents had appointed for you to marry as soon as you turn 25 ―- that's 8 years after your official succession to the position of being the Shrouded Flowers' leader."

No comments:

Post a Comment