[Relaina]
I needed some fresh air. Kaya nandito ako sa labas ng kuwarto ko sa mga sandaling iyon. To be specific, I was on my bedroom's veranda. Natapos ko nang kainin ang mga prutas na inihain ni Mayu sa akin. Nakainom na rin ako ng gamot kaya hinihintay ko na lang na umepekto iyon. And at the same time, hinihintay ko lang na patulugin ako n'on.
Ang alam ko ay nasa isa sa dalawang guest rooms si Mayu para makapagpahinga na rin. At alam ko na tatawagan nito si Neilson dahil nga hindi natuloy ang date ng dalawang iyon dahil sa akin. Gustuhin ko mang tuksuhin ang pinsan ko sa pagiging malapit nito nang husto kay Neilson ay hindi ko na lang ginawa. Bukod sa wala ako sa mood na gawin iyon, may iba akong pinag-iisipang gawin.
That was when I looked at my cell phone. Ang totoo ay ilang sandali ko nang pinag-iisipang tawagan si Brent. Tutal, nasabi naman na ni Mayu kay Neilson ang sitwasyon ko na naging daan para malaman na rin ni Brent. I might as well do something para kahit papaano ay mapanatag ang kalooban nito.
I really had the strong urge to do that. And yet… ano'ng nangyayari sa akin at parang nag-aalangan pa yata akong tawagan ang lokong iyon? Kung umakto naman ako, para bang ang laki ng kasalanan ko rito. Or maybe I was just anxious dahil ilang araw na rin kaming hindi nagkita't nagkausap.
I took a deep breath twice bago ko hinanap ang number ni Brent sa call logs ko. Agad ko namang nakita iyon. At bago pa ako tuluyang tamaan ng hiya at matinding kaba, agad ko nang pinindot ang numerong kailangan ko at hinintay na sumagot mula sa kabilang linya ang pakay ko.
Hindi nagtagal ay narinig kong may nag-click at ganoon na lang ang bilis ng pagtibok ng puso ko nang marinig ko na ang boses ng taong tinatawagan ko.
"Hello? Laine?" agad na salubong sa akin ni Brent na ikinatawa ko na lang.
"Alam na alam mo kung sino ang tumatawag sa 'yo, ah," biro ko na lang para hindi masyadong nadi-distract ang puso ko dahil sa boses ni Brent. Whether I would admit it or not, I missed listening to his voice.
"Ikaw lang naman ang may contact number sa cell phone ko na may nakalagay na pangalang 'Future Wife of Brent Allen Montreal'."
Ha? Ano raw? "Hoy! Sira-ulo ka lang talaga, 'no? May sakit na ako't lahat, nakuha mo pa ring akong singitan ng mga pick-up lines mo."
"Tumatalab naman, 'di ba?"
Damn right it was — at hindi nito alam iyon. Then again, wala na akong planong ipaalam iyon dito. Nakakahiya kaya.
"Umaasa ka talaga?"
"A man who has set his eyes on his most priceless treasure can hope, you know." Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbuntong-hininga nito. Indikasyon iyon na tapos na itong magbiro at seryoso na ito. "Kumusta ka na? Nilalagnat ka pa rin ba?"
Sinasabi ko na nga ba. Nag-aalala pa rin ito sa akin hanggang sa mga sandaling iyon. It was probably because hindi kami nagkita nito. And according to Mayu, tulog ako nang dumating ito at si Neilson para dalhin ang mga iniutos ng pinsan ko at pati na rin ang mga prutas na binili nito.
"May konti pang lagnat. Pero sa tingin ko naman, mawawala na 'to bukas. Kaya huwag ka nang mag-alala."
"Sigurado ka?"
"Oo naman. Napagod lang siguro ako nang husto nitong mga nakaraang araw. Marami kasi akong kailangang asikasuhin dito sa bahay. Eh wala pa sina Mama't Papa. Kaya walang nakakatulong sa akin. Pero huwag ka nang mag-alala. Okay lang ako."
Hindi ko alam kung kailan ba nag-umpisa. Pero ayoko talagang nakikita (or in this case, naririnig) na nag-aalala sa akin ang lalaking ito. Hindi ko maintindihan kung bakit parang pinipiga ang puso ko kapag alam kong ganoon ito sa akin. May palagay akong mahirap pakalmahin si Brent kapag nag-aalala sa kahit na sino.
At least, that was my assumption.
"Bibisita ako riyan sa inyo bukas," deklara ni Brent mula sa kabilang linya na pumutol sa pag-iisip ko ng mga sandaling iyon.
"What? Hindi mo na kailangang gawin iyon. Magkita na lang tayo kapag magaling na ako. Okay?"
"Hindi. I'll go check on you tomorrow whether you like it or not. Gusto kong masiguro ng sarili kong mga mata na magaling ka na. Na okay ka na. Let me take care of you. Okay? Gaya ng ginawa mong pag-aalaga sa akin noon."
Hindi na ako nakaimik pagkatapos nitong sabihin iyon. At gaya ng inaasahan, walang tigil sa pagtibok nang mabilis ang puso ko dahil doon. Why did he have to say those words in a voice that sounded like he was pleading? Why did he have to torture my poor heart sweetly like this?
That one adverb I thought of made me frown for some reason. Wait… Bakit ko naisip ang salitang "sweetly" all of a sudden?
Oh, my gosh! Ano'ng nangyayari sa utak ko ngayon?
I took a deep breath once more. "Wala ka bang ibang obligasyon o anumang kailangan mong asikasuhin bukas? Ayoko namang maging abala sa mga bagay na kailangan mong pagtuunan ng pansin, 'no?"
"Laine, wala kang dapat na ipag-alala. Kaya ko nga inasikaso ang mga obligasyon ko nitong mga nakaraang araw ay dahil gusto kong makasama ka ng mahaba-habang panahon bago ang pasukan. Kung hindi ka lang nagkasakit ngayon, baka dinala na kita sa isa sa mga lugar na naisip kong pasyalan natin, eh."
"In case you're not aware, that's called kidnapping. Basta-basta ka na lang nangangaladkad ng ibang tao sa kung saan."
"You're not just any other person to me. You're too important for me to be just someone. 'Yan ang gusto kong tandaan mo."
As if my heart didn't know that already. My gosh! Brent naman! Ano bang klaseng gulo ang ibinibigay mo sa puso ko ngayon dahil sa mga pinagsasasabi mo, ha? Sa totoo lang, ayoko 'tong gulo na ibinibigay ni Brent sa puso ko. Natatakot ako sa magiging kahihinatnan nito sa akin sa hinaharap, eh. But… there was nothing wrong with facing this new feeling heads on, right?
Wala pang kasiguraduhan kung ano ba talaga ang plano ko sa lahat ng ito. Pero ang alam ko lang, wala akong dahilan para takbuhan ito o talikuran ito.
"Laine? Nandiyan ka pa ba?"
Isang malalim na buntong-hininga na lang ang naging tugon ko sa tanong na iyon ni Brent, dahilan upang matigil na rin ang utak ko sa kaiisip ng kung anu-ano. Hay… Kung hindi ako binibigyan ng napakaraming isipin, ito naman ang nagbabalik ng isip ko sa realidad. Sa totoo lang, ano ba ang ginagawa ng lalaking ito sa akin, ha?
"Sorry. May iniisip lang ako," nasabi ko na lang.
"Hopefully, ako ang nilalaman ng iniisip mo."
Hindi ko na napigilang matawa sa narinig ko. Seryoso ka lang talaga sa tanong mong iyan, 'no, Brent? "Mr. Montreal, umiral na naman ang pagiging hambog mo. Gabi na po. Itulog mo na lang 'yan. Baka sakaling mahimasmasan ka."
"Makakatulog na talaga ako nang maayos ngayong narinig ko na ang boses mo. At least now, I know you're doing okay."
"Sorry, ha? Mukhang pinag-alala pa kita nang husto."
"I have a reason to. Mahalaga ka sa akin, eh."
Come on now, Brent… Please don't do this to me. Don't do this to my heart. Bakit mo ba pinahihirapan nang ganito ang puso ko, ha? "Matulog ka na nga lang. Kung anu-ano na ang pinagsasasabi mo riyan."
"But you know it's the truth, right? And nothing's going to stop me from saying them. Especially to you. Para naman talaga sa 'yo 'yon, eh."
"Brent…"
"Bibisita ako riyan bukas, okay? And I won't take no for an answer," deklara nito na nagbigay lang sa akin ng dahilan para bumuntong-hininga.
Napaka-insisting lang talaga ng loko-lokong 'to, sa totoo lang. "Pasalubungan mo ako ng ensaymada, ha? 'Yong ube."
"Iyon lang ba?"
"Oo. Iyon lang naman ang nami-miss kong kainin sa ngayon, eh. Ah, before I forget. Salamat nga pala sa mga prutas. Ikaw ba ang namili ng mga iyon? Ang sarap, ah."
"Mabuti naman kung ganoon. And yes, ako ang namili ng mga iyon. Tinuruan kami ng mga kapatid ko't mga pinsan ko kung paano mamili ng masarap na mga prutas dahil may mga prutas din naman kaming inaani rito sa hacienda."
Napatingin na lang ako sa langit habang nagkukuwentuhan pa rin kami ni Brent ng gabing iyon. For some strange reason, it was a clear starry sky that night. At hindi ko alam kung saan ko nakuha ang urge na humiling sa mga bituin na iyon. Not that I easily believe in wishing stars or something. Wala nga akong nakikitang falling stars, eh.
But the stars I was looking at while conversing with Brent made me feel something different. It was a crazy thought. Pero wala akong dahilan para isantabi ang paniniwalang iyon sa ngayon.
And if these stars — in some way — could make wishes come true, I have one wish that I wanted to make at the moment.
I wished that these little moments that I had with Brent would essentially become a part of my life in the days to come.
No comments:
Post a Comment