Wednesday, October 28, 2020

i'll hold on to you 72 - nightmare

[Brent]

Kauuwi ko lang galing kina Relaina. Inabot din ako ng gabi bago ako nakauwi dahil nga sinabi ko rito na babantayan ko ito hanggang sa makatulog ito. And watched her, I did. Napangiti na lang ako nang maalala ko kung paano ko titigan ang mahimbing nitong itsura. Kahit may sakit ito ay hindi iyon nakabawas sa ganda nito.

But it would still hurt me to see her suffering like that. Oo nga't sinisinat na lang ito. Dagdag na pahinga pa at gagaling na ito. Alam ko iyon. Pero malaking bahagi ng sarili ko ang hindi talaga mapakali na nakikita itong may sakit.

And I couldn't help wondering... if she had ever thought the same way as I did nang magkasakit ako noon at binantayan ako nito.

My mind went back to that rainy day that Relaina had promised that she would stay by my side, if it would help me forget my revenge against the people who drove Vanz to his death a long time ago. Hindi nito alam kung paano nito pinakalma ang patuloy na nagagalit kong puso dahil sa trahedyang iyon. She had no idea what that promise had done to me.

Isang malalim na buntong-hininga na lang ang naging tugon ko sa alaalang iyon at agad na akong pumunta sa kama ko para magawa ko nang ilatag ang sarili ko roon at makapagpahinga. It wasn't that I was too tired and all. Siguro ay nakakaramdam lang ako ng ganito ng mga sandaling iyon dahil sa pag-aalala ko kay Relaina.

Wala naman na itong lagnat nang iwan ko ito sa bahay nito. Pero hindi pa rin ako mapakali. Kaya naman inabisuhan ko na ito na bibisitahin ko ito ulit kinabukasan. Gaya ng inaasahan ko na, tumanggi ito. Pero mas matigas ang ulo ko at in-insist ko na babalikan ko ito hanggang sa masiguro kong wala na itong sakit.

I just liked taking care of her, that's all. Isa iyon sa dahilan kung bakit ko ito ginagawa para kay Relaina. I wasn't lying when I said that she was important to me. And I knew that she would always be. Paniwalaan man nito iyon o hindi, iyon ang katotohanan.

I wanted her to realize just how much. At hindi ako mapapagod na patunayan iyon dito.

The ringing from my cell phone startled me. Inalis din ng tunog na iyon ang isipan ko sa pagmumuni-muni ko. Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag, ganoon na lang ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang makita ko ang caller ID na rumehistro roon.

Hindi ako nagsinungaling kay Relaina nang banggitin ko rito na ang contact name nito sa akin ay 'Future Wife of Brent Allen Montreal'. Maybe for her, it was just a joke. And maybe at the moment, I was still considering it as such. Pero wala akong planong tanggalin iyon sa list of contacts ko. O palitan ang pangalan na iyon.

Agad kong sinagot ang tawag na iyon dahil ayoko itong paghintayin. "Hello, Laine? Bakit gising ka pa?"

"Mukhang nakauwi ka na kung nasagot mo na ang tawag ko."

Napangiti ako at saka ko inayos ang pagkakahiga ko sa kama ko. "Oo. Kauuwi ko nga lang. 'Di ba dapat nagpapahinga ka pa?"

"Bored ako, okay? At saka ang haba na ng itinulog ko kanina kaya malabong makatulog ako kaagad na gaya ng gusto mong mangyari."

"Kaya ako ang naisipan mong bulabugin, ganoon ba? Of course, pabor sa akin iyon. Paniguradong magiging maganda ang tulog ko mamaya nito dahil kinumpleto ng boses mo ang gabi ko."

"Hoy, Mr. Montreal! Puwede ba, tigilan mo muna ako ng mga pasimpleng pick-up lines mo kung ayaw mong masuntok kita riyan."

Hindi ko na napigilang matawa sa sagot na iyon ni Relaina. "Galit ka na naman. You're supposed to be resting, not getting angry. Makakasama sa 'yo 'yan."

"Eh, sira-ulo ka naman kasi. Ikaw yata ang may sakit sa ating dalawa, eh. O baka naman pagod ka lang at kailangan mo nang matulog nang maaga."

"Hindi mo talaga ako paniniwalaan, 'no?" Though I said it as a joke, there was a part of my heart that was undeniably hurt. Hindi na nga ba darating ang panahon na paniniwalaan ni Relaina ang mga sinasabi ko rito pagdating sa nararamdaman ko?

And then I realized na pulos palipad-hangin lang pala ang mga pinaggagagawa ko tungkol sa sinasabi kong nararamdaman ko para kay Relaina. Mainly actions. I've been vocal about it from time to time. Pero hindi ko alam kung ano ang mali sa paraan ng pagkakasabi ko.

"Paano naman kaya paniniwalaan, eh wala ka nang ibang ginawa kundi idaan sa biro ang lahat?"

Napakunot-noo ako sa sinabi nito. Ganoon ba talaga ang ginagawa ko? Was there a need for me to take a different approach on this? On letting her know the truth? Hindi pupuwede ang puwersahan. Matinding sapak lang ang aabutin ko rito 'pag nagkataon.

So how should I do this?

"Are you still there?"

Ang tanong na iyon ni Relaina ang nagpabalik ng isipan ko sa realidad. I sighed before chuckling. "Nandito pa ako. Napapaisip lang ako sa mga sinabi mo."

"Alin doon?"

"'Yung part na idinadaan ko lang sa biro ang lahat. Alam ko namang hindi ganoon ang approach ko sa 'yo right from the start. Ikaw lang naman ang manhid sa ating dalawa, eh."

"Wow! At sa akin mo pa talaga isinisi, 'no?"

"Oo naman, 'no? Sa 'yo ko lang naman dapat isisi kung bakit nahumaling nang ganito sa 'yo ang puso ko. Ikaw lang naman ang kinahumalingan ng puso ko, eh."

"Eeww!"

Napahalakhak na lang ako nang malakas sa reaksyong iyon ni Relaina. Her fascinating reaction would always soothe my aching heart kahit na ganitong nire-reject nito ang nararamdaman ko. Pero sa totoo lang, kahit ilang beses nang nangyari iyon, kailan ko ba sinukuan ang babaeng ito? Pakiramdam ko, malaking bahagi ng buhay ko ang maglalaho kapag nawala nang tuluyan sa akin si Relaina.

Hindi ko alam kung kailan nag-umpisa, pero nakatitiyak ako sa nararamdaman kong iyon.

"Sige na. Magpahinga ka na. Bibisita ako ulit riyam bukas. Okay?" sabi ko para putulin na nito ang tawag na iyon.

"Ikaw ang magpahinga dahil ikaw ang napagod na magpunta rito sa bahay namin."

"I will, lalo na ngayong narinig ko na ang boses mo bago ako makatulog." After that, a heavy sigh escaped my lips and looked at the dark ceiling. Wala namang fascinating sa kisameng iyon.

Pero sa mga sandaling iyon, nakikita ko ang sarili ko na hawak ang kamay ni Relaina habang naglalakad kami sa tabing-dagat. It was a crazy thought at the moment, for sure. And yet, I knew I just had to do the right move to make it happen in reality.

xxxxxx

Agad akong napabalikwas ng bangon sa kama ko na habol ko ang hininga ko. Napahawak din ako sa dibdib ko para pakalmahin ang malakas na pagtibok ng puso ko. I even took several deep breaths dahil alam kong kailangan ko iyon para pakalmahin ang sarili ko.

"Damn it! What the heck was that?" Bakit ako nagkaroon ng ganoong klaseng panaginip?

And what was worse, naroon si Relaina sa panaginip kong iyon. It was a scary dream, without a doubt. Gusto kong magwala dahil parang pinupunit nang pinong-pino ang puso ko kapag naaalala ko iyon.

Why did I end up dreaming of Relaina covered in blood? Ano'ng meron sa panaginip na iyon? I couldn't even reach her in that dream even though she wanted me to help her. Sigaw rin ako ng sigaw roon, pero walang nangyayari.

Wala pa rin akong tigil sa paghabol ng hininga ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkakaroon ako ng ganoong klase ng panaginip. And to think it was about Relaina. There was no way in hell that I would end up calm if it did happen to her in real life. Hindi na kakayanin ng isip ko — lalo na ng puso ko — kapag nasaktan ito in any way. Baka nga mas maging malala pa ako kaysa noong namatay si Vanz.

Lord, please keep her safe. Ayokong malagay sa alanganin ang babaeng mahalaga sa akin.

I kept uttering that short prayer until I fell asleep once again. Hiniling ko rin na sana ay maging maganda ang panaginip ko tungkol kay Relaina this time.

No comments:

Post a Comment