[Relaina]
Not all days have been the best for me. Isa na ang araw na 'to sa mga iyon. Or at least, iyon ang gusto kong isipin. At the moment, I still didn't feel good. Hindi ko alam kung bakit. Okay naman na ako kahapon, eh. Kaya nga akala ko, magiging okay na ako ngayon at mawawala na ang lagnat.
Well, I was wrong. And to think bibisita ngayong araw na 'to si Brent dito sa bahay. Paano kaya ako haharap sa lalaking iyon na ganito ako? Mag-aalala na naman iyon.
But it was too late to think of what to do to escape that, though. Wala na akong magagawa kundi ang salubungin si Brent na ganito ang sitwasyon ko. Hopefully ay hindi ko naman ito mahawahan. Ang dali pa man ding mahawa ng lalaking iyon.
I tried to sit up on my bed and look outside the window. Pakunsuwelo na lang siguro sa sitwasyon ko ng mga sandaling iyon ang magandang panahon sa labas ng bahay. Nakakalungkot lang na buong araw na naman ako rito sa bahay.
Hay… ang hirap naman nito. Kung kailan naman nakakaramdam ako ng kaunting excitement sa pagdating ni Kamoteng Brent dito.
Wait… Did I just say excitement? Seriously?
Urgh! Heto na naman tayo, eh! Natampal ko na lang ang noo ko sa kung anu-anong pumapasok sa isipan ko. Epekto na naman ba 'to ng sakit ko ngayon, ha? Ano ba 'tong nangyayari sa akin, ha?
"Aina? Gising ka na ba? May bisita ka."
Agad akong napatingin sa pinto kung saan narinig ko roon ang boses ni Mayu. Mukhang hindi pa ito pumapasok ng kuwarto ko kaya hindi pa nito alam na may lagnat pa rin ako hanggang ngayon. Pero ayoko nang pag-alalahanin pa ang pinsan ko.
Huminga na lang ako ng malalim at saka ako nagsalita. "Gising na ako. Buksan mo na lang 'yang pinto." Bahala na kung malaman na nito. Tutal, nariyan na rin naman ang bisita ko.
Whoever that was.
Moments later and the door opened. Pero sa pag-angat ko ng ulo ko para tingnan kung sino ang pumasok, nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata nina Mayu at Brent. Both of them raced to approach me and Brent sat on the edge of my bed after just a few strides.
"Akala ko ba, wala ka nang lagnat, ha?" agad na salubong sa akin ni Brent na ikinatawa ko na lang kahit na ganitong masama pa rin ang pakiramdam ko. "Don't laugh."
"Paanong hindi ako matatawa, eh daig mo pa ang nanay ko pag-aalala mo sa akin, eh?"
"Laine…"
"Hindi pa ako mamamatay, okay? Lagnat lang 'to. Mawawala rin ito," pag-a-assure ko rito.
Tiningnan lang ako ni Brent at ipinatong ang isang kamay nito sa gilid ng leeg ko. It looked like he was checking my temperature. Pero hindi maikakailang nagulat ako sa ginawa nitong iyon, dahilan upang ako naman ang manlaki ang mga mata at mapaigtad. Ilang sandali rin akong nakatingin sa lalaking ito habang ina-assess ako.
"Mukhang sinat na lang ito. Pero ano pa ang nararamdaman mo?" tanong ni Brent makalipas ang ilang sandali.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko para naman may maisagot ako rito. Hindi naman nagtagal iyon. Ilang sandali pa ay nginitian ko si Brent. "Medyo mainit pa nga ang pakiramdam ko. But I think I'll be okay soon. Hindi ko nga lang kailangang kumilos nang husto."
"Hindi talaga kita papayagang kumilos na ganyan pa rin ang pakiramdam mo, 'no?" sabad ni Mayu, dahilan upang maibaling ko sa kanya ang atensyon ko. 'Di nagtagal ay hinarap nito si Brent. "Ikaw na muna ang aatasan kong magbantay sa kanya habang inihahanda ko ang kakainin niya, okay?"
Tumango naman si Brent na hindi ko na ikinabigla. Pero hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng pagkailang. Was it because kami lang ng lalaking ito ang maiiwan sa kuwarto ko? Wala namang kababalaghang mangyayari kapag kaming lang ang nandito, 'di ba?
Wait… What the heck?
Seryosong usapan, Relaina Elysse Avellana. Ano na naman ba ang pumapasok sa utak mo, ha? Kababalaghan talaga? Argh! Hindi ko na alam. Mukhang kailangan ko pa yata ng mahaba-habang pahinga para lang matanggal ang kung anumang agiw na nasa isip ko ko at nang hindi na ako nakakaisip ng kung anu-ano. Lalo lang akong mababaliw nito, eh.
"Okay ka lang, Laine? Natahimik ka na riyan, ah."
Ang mga salitang iyon ang nagbalik ng isipan ko sa realidad at agad akong napatingin kay Brent. My gosh! Kami na lang palang dalawa ang nasa loob ng kuwarto ko. At ang puso ko, heto at parang drum na tinatambol nang pagkalakas-lakas.
Okay, let us think positive. Walang kababalaghang mangyayari kahit na dalawa lang kami ng lalaking ito sa isang silid. He knew his boundaries ngayong malapit na kami kahit papaano sa isa't-isa.
"M-may… iniisip lang ako. Sorry if I wasn't paying attention. May sinasabi ka ba?"
Umiling si Brent at ipinatong na lang nito ang kanang palad nito sa ulo ko. I frowned at his actions.
"Sorry. Hindi ko mapigilang mag-alala para sa 'yo kahit na nakikita na kita," sabi nito na lalong nagpalalim sa pangungunot ng noo ko. "Don't worry. Ako ang magbabantay sa 'yo. Ako muna ang papalit kay Mayu para naman makapagpahinga siya kahit na isang araw lang."
Hindi ko napigilang ngumiti sa suhestiyon na iyon ni Brent at tumango ako. "Okay lang naman sa akin. Walang problema sa akin iyon." Ang magiging problema ko lang naman talaga pagdating sa lalaking ito ay ang puso kong wala na yatang ibang ginawa kundi ang tumibok ng mabilis kapag malapit ito sa tabi ko.
But maybe I'd be able to handle it somehow? Who knows.
"Ang tanong, papayagan ka ba naman ng pinsan ko? Eh mas istrikto pa 'yon sa tatay ko," dugtong ko at napatingin ako sa biglang bumukas na pinto.
Iniluwa n'on si Neilson na may dalang food tray table. Nakalagay roon ang isang bowl ng chicken macaroni soup at dalawang ensaymada. Pero kahit gusto kong matuwa kaagad dahil nakita kong tinupad ni Brent ang pinag-usapan naming ipapasalubong nito sa akin kapag nagpunta ito rito, mas pinagtuunan ko ng pansin ang presensya ni Neilson.
"Nandito ka rin? Ang akala ko, si Brent lang ang nagpunta rito."
Nginitian ako ni Neilson nang inilapag na nito sa harap ko ang tray table na naglalaman ng kakainin ko. "Well, gusto ko rin namang tulungan kang gumaling kaya ako nandito. At saka… ipapaalam ko rin sana ang pinsan mo."
"Sinasabi ko na nga ba, eh. May hidden agenda ka na para kay Mayu. Pasimple ka pa na ako ang ginagamit mong dahilan para pumunta rito." Of course, biro ko lang naman iyon. At mukhang agad nang nahulaan iyon ni Neilson.
"Grabe ka naman sa akin." At kuntodo simangot pa talaga ito.
Natawa na lang ako sa aktong iyon ni Neilson. Ganoon din si Brent at napailing pa. For some reason, hindi ko na napigilang tingnan nang husto si Brent. I couldn't understand why I was drawn to look at him. I was looking at him as if I wanted to engrave his features in my mind so that it would stay there for a long time.
Agad kong pinalis ang mga isiping iyon kahit na nag-uumpisa nang sumama ulit ang pakiramdam ko. Pero mukhang nagkaroon pa yata ng ibang ibig sabihin iyon sa magkambal na Montreal.
"Laine, what's wrong? Are you okay?"
Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ng kakaibang init ang puso ko nang marinig ko ang pag-aalala sa tono ni Brent. At lumapit pa talaga nang husto ang lalaking ito sa akin.
"Okay lang ako. Pero masakit lang ang ulo ko," pagdadahilan ko na lang para hindi na ito mag-isip pa ng iba.
Well, partly, it was true. Masakit nang bahagya ang ulo ko. Pero nuncang sasabihin ko rito na ito ang source ng pagsakit na iyon. Seriously, why did I end up having thoughts about Brent like that? May nangyayari na bang pagbabago sa akin na hindi ko namamalayan habang patuloy kaming nagkakasama ni Brent?
"Kailangan ko lang sigurong ikain ito at nang makainom na ako ng gamot. Baka kailangan ko lang habaan ang pahinga ko."
Mukhang pinaniwalaan naman iyon ni Brent kaya tinulungan ako nito na maupo nang maayos. With a sigh, I started eating. May mga pagkakataon pa nga na inaasistahan ako ni Brent. Kulang na nga lang ay subuan ako nito, eh. Mabuti na lang at hindi pa naman umabot sa ganoon.
He was truly attentive to me and my needs. At ang pasaway kong puso? Hayun, nagre-react na naman ng walang palya. Hanggang sa matapos na akong kumain at nakainom na ako ng gamot, hindi tumitigil sa pagtibok nang mabilis ang puso ko.
"Get some sleep. Babantayan kita all the way. Okay?" sabi ni Brent na ikinagulat ko. Pero sandali lang iyon.
"All the way, hindi naman ako mawawala para bantayan mo ako nang ganoon."
Pero tigas ang pag-iling nito. "Huwag ka na lang kumontra. Okay? Babantayan kita. Ang mahalaga sa ngayon ay ang makapagpahinga ka."
Hindi na ako nakaimik pa pagkatapos n'on. Habang nagkatinginan naman sina Neilson at ang kapapasok sa kuwarto na si Mayu pagkatapos ng eksenang iyon.
Oh, screw it, pounding heart! Hindi na ako aasang hihina ka pa sa pagtibok nang mabilis hanggang hindi ako tinitigilan ng Brent Allen Montreal na ito. Insisting talaga ang bruhong ito, kaya sige na nga. Pagbibigyan ko na ang gusto nito.
No comments:
Post a Comment