Thursday, June 30, 2016

Just A Realization

Last day of the month na! Last day for the first half of the year na rin. Ang bilis, `no? Parang kailan lang. Pero ang progress ng buhay, heto. Nganga pa rin. I still remained as a girl who daydreams a lot. That is, if you still consider someone who’s about to turn 25 in two months’ time as a girl. Pero siguro nga, girl pa rin akong maituturing kung ganitong isip-bata pa rin ako in more ways than one.

But two nights ago, I realized something. Hindi pala ako magaling na mediator pagdating sa mga away, `no? Actually, matagal ko nang napupuna iyon. Pero ngayon ko lang talaga na-realize nang husto iyon. Nagkaroon lang naman kasi ng kaunting “sitwasyon” dito sa bahay namin that night kaya ko nasabi iyon. Thankfully, naresolbahan naman kahit papaano. Wala nga lang akong masyadong nagawa kahit ako pa ang naturingang panganay. And I guess I’ll never be a good mediator at all. Hanggang sa imagination ko na lang mag-e-exist ang ako na magaling mag-ayos ng gulo ng ibang tao.

Effect ba ito ng pagiging introvert ko ever since? Hindi ko masasabi. Even though I’ll be turning 25, I still feel that I don’t know myself that well. I’m not even sure of what to do with myself anymore. I keep wishing for progress pero ako itong walang nagawa. Feeling ko nga, huli na ang lahat para sa akin, eh.

Ewan ko lang kung tama ba `tong nararamdaman ko. Basta, ganoon na iyon. Mahirap nang ipaliwanag.

Sunday, June 26, 2016

[AlDub/Kalyeserye] Episode 285 (Overload Kilig)

Original Air Date: June 25, 2016

And finally, they showed the full trailer of the movie. In fairness, ha? Kahit ilang beses kong panoorin `yong part na aalis na si Gara sa Italy, `yong line na sinabi niya as an answer sa tanong ni Andrew, laging nangingilid sa luha ang mga mata ko. Feeling ko talaga, medyo masakit `yong kung ano man ang itinago ni Gara para sabihin niya iyon. Wait, may sense pa naman itong pinagsusulat ko rito, `di ba?

Anyway, over all, I liked the movie trailer. Ang problema lang, wala akong pera pambili ng ticket para makanood ng movie na iyon sa sinehan. Bukod sa nagtitipid ako, wala akong source sa ngayon. Hehe! Kaya bahala na kung saan ako magre-rely para lang mapanood ko `yon.

Hindi ko rin napigilang ma-curious sa nakitang ending ni Lola Nidora patungkol sa pelikula. May kissing scene nga kaya? Who knows? Basta ako, abangers ang peg ko nito. No choice, eh. Hehe! Kahit pala kulang ang JoWaPao sa ngayon, kahit papaano ay nagagawa ko pa ring i-appreciate ang pagpapatawa nina Jose at Wally. Of course, nakaka-miss din si Paolo. Pero wala tayong magagawa kung binigyan siya ng sanction. Kaya nga hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang daming mga taong galit sa kanila at bina-bash sila.

O siguro may kanya-kanya lang paraan ang mga tao na mag-appreciate.

Sunday, June 19, 2016

Blog Tour: “We Go Together” by Carla De Guzman [Review + Giveaway]

Title: We Go Together

Author: Carla De Guzman


Genre:
Romantic Comedy

Release date: January 19, 2015

Description:

What happened to Beatrice and Benedick? They used to be in love. They used to be together. But something got in the way and its turned them into angry, bitter rivals that can't get along, much less work together on a project that could change everything for Bea and Claudia's little paper company.

Bea isn't going to let Ben ruin her mood. Ben isn't backing down from Bea's barbs without a fight. But why is Claudia telling Hiro that Bea is head-over-heels in love with Ben? Why is Hiro convinced that Ben is in love with Bea?

Set in Washington DC, this book is a modern adaptation of WIlliam Shakespeare's Much Ado About Nothing.

Links:

Goodreads | Amazon

Saturday, June 18, 2016

Saturday Night Thoughts # 10

It’s 11 PM, just sitting here on my bed, listening to Maine Mendoza’s “Imagine You And Me” and currently thinking of what to write next to be able for me to proceed finishing my manuscript. Okay na sana, eh. Typical scene na ito para sa akin. Kaya lang, ang problema, hindi ko pa tapos basahin `yong e-book na dapat ay gagawan ko ng book review para sana sa blog tour.

And seriously, nagpa-panic na ako dito. Grabe lang talaga. Bukas ko na dapat ipo-post `yong book review sa blog kong ito, eh. Pero heto, nganga pa rin. Inaantok na ako’t lahat pero hindi ko pa rin matapos-tapos basahin `yong libro. Ang title pala n’on ay “We Go Together” na isinulat ni Carla de Guzman. It was an English story written by a Filipina. Hindi ito ang first time na magsusulat ako ng isang book review about Filipino-authored English books. Doing this was a really good experience for me. Dito ko napatunayan na kaya ring makipagsabayan ng mga Pilipino pagdating sa pagsusulat ng English novels.

Pero hindi lang tungkol dito ang topic ng Saturday Night Thoughts post ko na ito. Actually, milagro kong maituturing na naisulat ko pa ito dahil nga ilang Sabado na rin akong hindi nakapapagsulat nang ganito. Probably because I’d rather keep those thoughts to myself than write it down. Ang dami na kasing nangyari. May weird, may malungkot, may nakakainis, may nakakabuwisit, at may masaya rin naman. By the way, our family started a small food business. Pero ang mga customer pa lang namin, `yong mga officemates ni Mama.

Ang sabi ko nga, mabuti na rin na may ganito kaming pinagkakaabalahan. Hindi na ako umaasang magagawa pang ayusin ang problema ng birth certificate ko na talaga namang malaking tulong sana para makahanap ako ng maayos-ayos na trabaho. Hindi na madaling mag-asikaso ng mga document at requirement na kailangan ko nang walang birth certificate. Hindi rin enough kung baptismal certificate lang ang gagamitin ko as one of the substitute documents. Ang dami pang tsetseburetse pagdating naman sa mga required na ID’s.

Kaya heto ako ngayon. jobless and still struggling to become a writer. Magkaroon pa nga kaya ng progress ang buhay ko kahit ganito ang sitwasyon ko?

Thursday, June 16, 2016

What I Recalled After

Just another night thought kahit hindi pa naman Saturday. Wala lang. Naisipan ko lang. I mean, though not much had happened today, may mga gumugulo pa rin sa isipan ko. Minsan lang akong maglabas ng saloobin ko sa blog kong ito kaya pagbigyan n’yo na lang ako. Okay?

Hindi ko alam kung bakit. Pero kahit ayokong isipin, nag-uumpisa nang hindi maging maganda ang pakiramdam ko tungkol sa hinihintay kong feedback sa evaluation ng story ni Aeros. Part iyon ng first ever collaboration ko with Raye Amber at Sharmaine Light. Both are writers from PHR. Sana lang talaga, huwag namang negatibo ang kahahantungan ng hinihintay kong resulta. Mahirap magsulat ng tungkol sa pagmo-move on from a heartbreak, ah. Kahit sabihin pang naranasan ko nang ma-heartbroken noong high school pa ako.

Wednesday, June 8, 2016

Rant For The Night

Here I am with another rant for the night. Pagpasensyahan n’yo na lang po ang magulo kong utak ngayong gabi. Anyway, I decided to post this as a sort of notice. Minsan lang po akong magsulat ng ganito. Palibhasa, takot matengga ang blog ko. Hehe!

The change I was truly referring earlier was about the title of one of my favorite stories I’m writing and really struggling to finish. Dahil sa ilang araw na pag-iisip at ilang buwan na rin na pagiging indecisive ko tungkol dito, nabago na ang title ng “The Last Sky Of The Earth”. Sa totoo lang, medyo mabigat din sa dibdib ko ang change na ito. Napamahal na sa akin ang story title na ito. Pero dahil alam ko at aaminin ko sa sarili ko na hindi ko magagawang panindigan sa ngayon kung bakit iyon ang title na naisip ko, I decided to change the title.

Kaya ngayon, ang dating minahal ko na “The Last Sky Of The Earth”, naging “Five Thorned Blades” na. At least, alam kong sa title na ito, magagawa ko na itong panindigan. May kinalaman sa history ng limang angkan ang title na ito at magagawa ko naman na sigurong i-explain ito nang maayos. So that means Kourin’s codename will be changed, as well.

In fairness, ha? Hindi lang pala part lang ang mababago sa storyline ng TLSOTE. Hindi ko akalaing darating ako sa puntong pati ang title ng trilogy na ito, mababago rin. Hopefully, I made that decision for the best. Gusto ko na talagang matuloy ang mga series na plano kong isulat.

So stop eating me, procrastination! Go away!

Tuesday, June 7, 2016

A Future Game For My Future Readers

Oo na. Ako na ang dakilang asumera sa pinagsusulat kong ito. Aaminin ko, hindi ako ganoon kasipag na writer. In fact, I procrastinate a lot of times and I know that it’s a really bad habit. Likas na nga yata sa akin iyon. Pero sinusubukan ko namang labanan. So far, sa tingin ko naman, may pinatutunguhan ang ipinaglalaban ko.

Okay, this post is turning weird. Saka na ako magda-drama ulit. As for this post’s title, sabihin na natin na isa ito sa mga pangarap kong gawin. Ang magpa-game sa mga magiging readers ko kapag nagtuloy-tuloy na ang journey at (hopefully) success ko sa pagsusulat. Dadalawa pa lang ang approved MS ko as of this post. Sa magkaibang publishing company pa. May dalawa naman akong for revision ang feedback na hindi ko pa maituloy-tuloy dahil sa topaking keyboard ng isang desktop na gamit ko sa pag-e-encode to the point na para akong nakikipag-away sa tuwing pipindutin ko ang mga keys. Pero puwede pa namang pagtiyagaan kaya okay lang.

Friday, June 3, 2016

Okay. I’m feeling a little weird today. Actually, hindi lang ngayon, eh. May ilang araw na akong medyo hindi mapalagay. Ako lang ba o talagang nalalayo na ako sa mga naging friends ko sa FB? O baka epekto lang ito ng hindi masyadong nagpo-post ng mga status sa FB? Well, sorry. Hindi sa lahat ng pagkakataon, gusto kong i-post ang saloobin ko. Kahit kating-kati na talaga akong mag-post, wala pa rin.

Maybe because I got used to keeping things to myself. Kahit sabihin pang age na ito ng social media kung saan marami na akong puwedeng pagsabihan ng anumang bumabagabag sa isip ko, hindi ko pa rin magawang ilabas ang anumang saloobin ko. Kaya nga minsan lang akong mag-ingay kahit dito sa blog ko. Kahit na talagang marami akong gustong sabihin.

Anyway, ito lang naman ang feeling ko, eh. Pero kung ganoon nga talaga ang sitwasyon, wala akong magagawa. Ayoko namang ipilit ang sarili ko sa kanila kung gusto na nila akong iwanan at kalimutan, `di ba? Never akong nag-demand ng atensyon nila. Minsan na akong nagkamali nang gawin ko iyon. Sa huli, ako pa rin ang nasaktan.

Pasensiya na sa biglang pagpo-post ng kung anong kadramahan dito sa blog ko. Minsan lang ito. Palibhasa, hindi ko pa matapos-tapos ang pag-e-encode sa ongoing MS ko dahil sa topaking keyboard at sa keyboard na nginatngat ng daga ang cord. Ang sarap lang nilang kutusan at pagtatatagain, sa totoo lang. Urgh!