Tuesday, June 28, 2016

I'll Hold On To You 26 - Here's To Hoping

[Mayu]

BUSY ako sa pakikipag-text kay Neilson habang naroon ako sa veranda ng kuwarto ni Relaina. Ang lugar na iyon ang madalas kong pagtambayan kapag ganoong ayokong mag-stay sa bahay namin dahil wala rin lang tao roon.

Even during weekends, laging busy sa business ang Mama’t Papa ko. Kaya doon na lang ako kina Tita Carina at Tito Arthur tumatambay. Okay na rin daw iyon para naman hindi lonely ang pinsan ko.

And speaking of my ever dearest cousin, agad kong napansin ang para bang matamlay at wala sa sariling pagpasok nito sa kuwarto nito. I even frowned at the sight of it but it didn’t take me long to conclude one thing.

Something must have happened… again.

Sino na naman kaya ang salarin sa pagiging matamlay ni Aina? Naku! Masusuntok ko talaga ang kulugong may sala nito sa pinsan ko.

Pumasok na ako sa kuwarto ni Relaina kung saan naabutan ko itong blangko ang facial expression nito na nakatitig lang sa yellow tulips sa isang ceramic vase sa study table nito. Nang makita ko iyon, alam ko na kaagad kung sino ang dapat sisihin sa nangyayaring iyon sa pinsan ko.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang nilapitan si Relaina.

“Ano na nama’ng naging kasalanan sa iyo ng kamoteng kaaway-slash-dance partner mo?” Yikes! Ano ba naman ‘to? Nahahawa na rin yata ako kay Relaina sa pagtawag sa kakambal ni Neilson ng kamote.

But my cousin didn’t say anything. She just continued staring at the yellow tulips with the same blank—

No, wait! Her face wasn’t that blank anymore. More like… confused and worried.

Ano ba talaga ang nangyayari kina Relaina at Brent na hindi ko nalalaman?

To be honest lang, ha? Sumasakit lang talaga ang ulo ko sa dalawang ‘to. Kung hindi mag-aaway ang mga ito, magkakaroon naman ng wall that had been built from their frustrations and confusions.

Ako yata ang maagang masisiraan ng bait sa mga ito, sa totoo lang.

“Mayu… Kilala ba talaga ng buong Oceanside kung sino ang totoong Brent Allen Montreal?” out of the blue ay naitanong ni Aina na hindi man lang nakatingin sa akin.

So at that point, I knew that something must have really happened during their dance practice.

“Aina, ano ba talaga’ng nangyari? Bakit bigla ka yatang naging interesado kay Brent?” Ano ba ‘yan? Hanggang tanungan na lang ba ang gagawin naming magpinsan?

Nakita ko itong ngumiti. But her smile was somewhat lopsided. “Hindi ko nga alam, eh. Hindi ko alam…”

Looked like Relaina was really confused.

“He took me there… to see the legendary Promise Tree…” narinig kong dagdag nito, pero parang sa sarili lang nito iyon sinabi.

Pero aaminin ko, nagulat ako sa sinabing iyon ni Relaina. She wasn’t joking, right? “Si Brent ang nagdala sa iyo roon?”

Tumango ito na lalong nagpagulat sa akin. Weird reaction coming from me because of what Relaina had answered, I knew that. Pero may rason kung bakit ako ganoon.

Isang rason na kaming dalawa lang ni Neilson ang kasalukuyang nakakaalam.

“Gusto niyang maging pangmatagalan na ang truce sa pagitan namin, Mayu,” Relaina declared na nagpakunot naman ng noo ko this time.

Patagalin ang truce? Wait a minute nga lang! Huwag mong sabihin sa akin na nag-uumpisa na si Brent?

Pero nang tingnan ko si Aina, the same confused look was still on her face. Mukhang alam ko na ang pinatunguhan ng discussion ng dalawang iyon tungkol sa truce na iyon.

“But you ended up disagreeing. Am I right?” I asked, though it was more like a statement.

“Sort of…” halos pabulong na nitong sagot sa akin. “Sinabi ko kasi na… tama nang na-disrupt na ng truce na iyon ang lahat sa pagitan namin. I don’t want that to disrupt it any further.”

“Aina, hindi pa ba na-disrupt ni Brent ang buhay mo magmula nang makilala mo siya? Hindi pa ba disruption na matatawag ang lagi niyang pang-aasar sa iyo para lang makuha ang atensiyon mo?” Although I had to be honest, alam kong hindi lang atensiyon ni Relaina ang gustong kunin ni Brent sa ginagawa ng lalaking iyon.

I could tell that he was also trying to get Relaina’s heart – to capture it. Hindi ako bulag at hindi rin ako naïve na masasabi para hindi ko mapansin iyon. Kahit anong deny pa ang gawin ni Brent, obvious pa rin ang intensiyon nito.

Though he didn’t know, he was actually patching up what was broken in Relaina’s heart by getting her attention like that. Kaunting effort pa, alam kong magtatagumpay rin si Brent sa pagkuha sa atensiyon ng puso ni Relaina and I had no doubt about that.

“Nalilito na kasi ako, Mayu, eh,” sabi ni Relaina sa tonong halata na ang pagkalito. “I asked for a quiet life upon relocating here. Pero hindi yata iyon kayang ibigay sa akin ng Diyos. Ngayon, mas lalo pang nagulo ang lahat.”

I saw Relaina heave a heavy sigh after she blurted it out like that. “Pero kahit ganoon, aaminin ko na… thankful ako sa kanya. He was there for me noong mga panahong mag-isa lang akong naguguluhan at nasasaktan dahil sa pagkompronta sa akin ni Oliver. He made a way for me to finally let it go.”

Hindi ko na napigilang mapangiti dahil sa sinabi ni Relaina. Kahit gaano pa ka-vague ang pagkakabanggit nito, hindi pa rin nito magagawang itago sa akin ang katotohanang umiyak ang pinsan kong ito dahil sa Oliver na iyon. And Brent was there to comfort my cousin. Whatever he did to do so, I was thankful for that.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang muling pagdaan ng pagkalito sa mukha nito. Mukhang marami pa yata kaming pag-uusapan ni Relaina, ah.

Well, I might as well give my full attention listening to my cousin's story. Hindi ko tuloy napigilang mag-victory dance sa isipan ko. Another juicy update for Neilson about the “BreLaine Pair” as the guy called it dahil hindi raw sa iisang pagkakataon lang na narinig nito ang pagtawag ni Brent kay Relaina ng “Laine.” To be honest, it was sweet.

May personal nickname na si Brent para sa pinsan ko.

Teka nga lang… Inililihis ko na yata ang utak ko sa totoong issue, eh.

Ano na naman kaya ang pumasok sa utak ng Brent na iyon at naisipan pa talaga nitong dalhin si Relaina sa kinatatayuan ng Legendary Promise Tree? And why only now?

Yup! Weird question, I knew.

“Was he breaking those girls’ hearts for a deeper reason? I don’t know… maybe for revenge…”

Napatingin ako kay Relaina nang marinig ko ang pinagsasasabi nitong iyon.

So it was true. Nagsisimula na nga talaga si Brent.

“How did you come up with that kind of question?” Well, I had to know. Baka mali pala ako ng hinala, ako pa ang mapahamak.

It took my cousin a few moments before she answered. Without looking at me, of course. Go figure! What else was new? Pero pinalampas ko na lang iyon.

“He said something about those girls who only knew how to break others’ hearts without even thinking of the consequences. Sinabi rin niya sa akin na huwag ko raw hahayaang sirain ng mga namagitan sa amin ni Oliver ang buhay at pangarap ko. Sa paraan kasi ng pagkakasabi niya sa rason kung bakit niya ako dinala roon sa seaside cliff para makita ko ‘yong puno at kung ilang babae na ba ang dinala niya roon, parang… ang laki ng galit niya sa mga iyon. So I thought something terrible must have happened to him before…”

So that was why Relaina was suddenly interested in Brent. Pero bilib din ako sa lalaking iyon, ah.

“Paano kung sabihin ko sa iyo na sa lahat ng mga babaeng nagdaan sa buhay ni Brent at nakarelasyon niya, all of them had no romantic feelings involved?”

Kumunot ang noo ni Aina. “Ganoon naman talaga kapag heartbreaker, ‘di ba? You disregard your own heart to accomplish the goal of breaking the hearts of others.”

“But in his case, he was doing that because he was seeking vengeance,” I finally said firmly. And that was because what I said was the truth.

“Vengeance? Para saan? At bakit?”

Typical questions. But I would’ve asked the same thing if I was in Relaina’s situation na litong-lito na sa mga nangyayari.

Buntong-hininga ang una kong naging sagot dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagkukuwento kay Aina. Although, hindi ko talaga alam kung ano ang magiging resulta ng pagsasabi ko ng mga iyon sa pinsan ko.

“Are you sure you wanted to know?”

“Kaysa naman para akong timang na nalilito rito, ‘di ba?”

Well, Relaina does have a point. But wouldn’t that cause even more confusion for her?

Isang buntong-hininga ulit ang pinakawalan ko para lang ihanda ang sarili ko sa biggest revelation yet – at least in her opinion – na malalaman ni Relaina tungkol sa taong nagpapagulo nang husto sa isipan nito.

Walang iba kundi si Brent Allen Montreal.

Seriously, wala bang ideya ang lalaking iyon kung paano nito ginugulo ang utak ng babaeng talagang masasabi ko nang object of affection nito?

Well, considering the current situation, I would guess he doesn’t.

Wala na akong sandaling pinalampas pa at nag-umpisa na akong magkuwento. Saka ko na iisipin ang consequences ng gagawin ko sa mga sandaling iyon. I guessed it was about time for my cousin to know the truth, anyway.

And maybe… just maybe…

This would stop Brent from doing his own version of taking revenge.

Maybe…

No comments:

Post a Comment