Tuesday, June 7, 2016

A Future Game For My Future Readers

Oo na. Ako na ang dakilang asumera sa pinagsusulat kong ito. Aaminin ko, hindi ako ganoon kasipag na writer. In fact, I procrastinate a lot of times and I know that it’s a really bad habit. Likas na nga yata sa akin iyon. Pero sinusubukan ko namang labanan. So far, sa tingin ko naman, may pinatutunguhan ang ipinaglalaban ko.

Okay, this post is turning weird. Saka na ako magda-drama ulit. As for this post’s title, sabihin na natin na isa ito sa mga pangarap kong gawin. Ang magpa-game sa mga magiging readers ko kapag nagtuloy-tuloy na ang journey at (hopefully) success ko sa pagsusulat. Dadalawa pa lang ang approved MS ko as of this post. Sa magkaibang publishing company pa. May dalawa naman akong for revision ang feedback na hindi ko pa maituloy-tuloy dahil sa topaking keyboard ng isang desktop na gamit ko sa pag-e-encode to the point na para akong nakikipag-away sa tuwing pipindutin ko ang mga keys. Pero puwede pa namang pagtiyagaan kaya okay lang.

Teka nga. Nalilihis na naman ako, eh, ha? Nakakaloka! But anyway, iyon nga. This is something I want to do someday for my future readers.

Heto `yong game na naisip ko:

Ngayon kasi, napagdesisyunan kong itigil muna ang pagsusulat sa story ni Akio sa Chapter 9 dahil nagkaroon ng changes sa mga nakaplano kong series. Mahirap i-explain sa ngayon kasi hindi ko pa matapos-tapos ang pagsusulat sa “The Last Sky Of The Earth”. And to think trilogy pa iyon. At 20-30 chapters each pa. Naku po! Dagdag pahirap na naman ito sa writer self ko. Hindi na talaga ako nadadala, `no? Pero `yon nga. May kinalaman sa TLSOTE `yong changes na tinutukoy ko. That’s the reason why I had to halt writing Akio’s story for now.

So now, here’s the plan. Sisimulan ko nang isulat ang “Love’s Eternal River” series. 28 books iyon, in total. Hopefully, pumayag ang PHR editorial na mai-publish iyon as a series talaga at kapag na-approve lahat. Now that would be a massive dream come true for me.

The game goes like this. Kapag nakumpleto kong isulat, maaprubahan ng mga editors at mai-publish nila ang “Love’s Eternal River”, I would be asking the readers this question. Kaninong kuwento ang nagustuhan mo sa series at bakit? And then may kasunod pa. Pero medyo iba ito (I think). Sa “Shadows Of The Triad Guardians” arc na nabasa mo na (Books 6-8). Kung ikaw ang isa sa mga descendants nina Hyosuke, Naohiro, at Seiho, ano ang gusto mong gamitin na Japanese name at bakit?

Malamang, may magsasabing ang weird ng tanong na ito. Sabi sa inyo, pagbigyan n’yo na lang ang dakilang asumera. Minsan lang akong mangarap.

Kaya ko naisip ang future game na ito for my possible future readers, naisipan ko kasi na gawan ng series ang mga descendants ng Triad Guardians. This time, modern descendants naman. Iilan lang yata kasi ang mga character na naisip ko for TLSOTE na connected sa Triad Guardians. I want to create stories for these people who remained serving the Five Thorned Blades from the shadows until the modern times.

Pero saka ko na ito poproblemahin, ha? I have to start writing “Love’s Eternal River” first before I decide to create another series na pahihirapan na naman akong tapusin. Mahirap ang plano nang plano na wala namang pinatutunguhan ang pinaplano. Naiinis ako sa sarili ko kapag ganoon.

Anyway, gusto ko talagang gawin ito in the future. Maybe someday nga, `di ba?

Sa ngayon, magsusulat muna ako. Kailangang magsipag para sa ekonomiya. Haha!

Fighting, Florence Joyce!

P.S.: Mukhang bukas ko pa masisimulan ang Book 1 ng LER kahit 10:10 pm pa lang. Hinihila na pababa ang talukap ng mga mata ko.

No comments:

Post a Comment