Thursday, June 16, 2016

What I Recalled After

Just another night thought kahit hindi pa naman Saturday. Wala lang. Naisipan ko lang. I mean, though not much had happened today, may mga gumugulo pa rin sa isipan ko. Minsan lang akong maglabas ng saloobin ko sa blog kong ito kaya pagbigyan n’yo na lang ako. Okay?

Hindi ko alam kung bakit. Pero kahit ayokong isipin, nag-uumpisa nang hindi maging maganda ang pakiramdam ko tungkol sa hinihintay kong feedback sa evaluation ng story ni Aeros. Part iyon ng first ever collaboration ko with Raye Amber at Sharmaine Light. Both are writers from PHR. Sana lang talaga, huwag namang negatibo ang kahahantungan ng hinihintay kong resulta. Mahirap magsulat ng tungkol sa pagmo-move on from a heartbreak, ah. Kahit sabihin pang naranasan ko nang ma-heartbroken noong high school pa ako.

For now, I won’t think negatively. At least I’ll try kahit talaga namang mahirap gawin kasi ako na yata ang isa sa pessimistic people na makikilala mo. Kahit siguro nagagawa kong mag-encourage ng ibang tao, minsan may pagkakataong walang conviction ang encouragement ko. Ang weird nga, eh.

Another thought that came to me tonight was about today’s Kalyeserye episode. But I’ll post my thoughts about that on another entry. Iba ang gusto kong sabihin dito. Bigla ko kasing naalala `yong project namin noong 4th year high school ako after watching that episode. Sa Filipino subject namin iyon. Pinag-song writing kami. Siyempre, by group iyon. Isinulat muna namin in English then translate the lyrics to Tagalog. Ako ang naging lyricist ng grupo namin. Meron pa nga yata akong kopya ng original lyrics [not the modified one] na isinulat ko noon, eh. But the final output turned out to be a bit shorter and more suited to the tune that my groupmates came up with.

So… `yon nga. Dahil sa project na `yon, gumana na naman ang utak ko at nagtuluy-tuloy pa ako sa pagsusulat ng lyrics. Wala pa ring tono hanggang ngayon ang mga iyon. Haha! I dreamed of writing my own song at the time. Pero alam ko sa sarili ko na wala akong talent sa paglalapat ng tono. Kung sa pagkanta naman, though gusto ko talagang kumanta, I know I don’t have a good voice for that. So I settled in writing and imagining that I’m at least a singer in my own ways.

Now that I recalled this, heto at napakalkal pa ako sa mga lumang papel na nakatambak dito sa dati kong backpack. At `ayun na nga! Nakita ko `yong mga pinagsusulat kong `yon. I’ll post them all here kapag tapos ko nang i-encode lahat. Anyway, konti lang naman `yon. Wala nga lang sampu `tong nakalkal ko. Naiwala ko na yata `yong iba. Hirap na akong hagilapin pa ang mga iyon.

No comments:

Post a Comment