Anyway, balik sa isyu.
Inabangan ko talaga ito gabi-gabi, though there were nights na hindi nakakapag-post ang writer dahil sa ilang issues. Sa totoo lang, feeling to talaga, nabitin ako. Nagulat na lang ako, nang mabasa ko ang Chapter 21, the end na. Haha! But I like the mystery and the flow of the story. Hindi ako masyadong aware sa mga creatures sa Philippine folklore like the mysina and sigbin (did I mention this right?). I don’t even know nag-e-exist nga sila.
Medyo nakulangan lang ako sa detalye tungkol sa nangyari sa pamilya Sagrada para magkaganoon si Ysola. Hindi rin klaro ang detalye tungkol sa span of time na lumipas pagkatapos ng nangyari para magdesisyon silang lisanin ang isla. Other than that, okay lang ang kuwento sa akin.
Marami nga naman ang nagagawa ng curiosity, `no? At least Reed’s curiosity led him to have a love life. Clairlyse came to me as a strong woman—not just in physical means. Pero may pagkakataon pa rin na hindi sapat ang kakayahang meron siya as a different person para protektahan ang damdamin niya. Which proves that in some way, there was a part of her that was considered normal.
Wala pa akong ibang puwedeng pagkumparahan na gothic romance para sa love story ni Clairlyse. Kaya naman hanggang dito lang muna ang maisusulat ko. Pero sana, may katuloy na ang series na `to. At sana, magkaroon din ng love story si Ysola once na naging okay na siya. Mabigyan na rin sana ng linaw ang totoong nangyari sa pamilya Sagrada para magkaroon ng closure at makalaya na sila sa kung ano man ang nangyari sa nakaraan nila.
Madrama ba? Yup, I know. Napansin ko rin. Random thoughts lang ito tungkol sa nabasa ko. Puwedeng may sense ito o wala.
No comments:
Post a Comment