[Relaina]
MABILIS na lumipas ang panahon pagkatapos ng Christmas Ball na iyon. Para sa iba, oo nga at naging mabilis iyon. Pero para sa akin, ni hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw.
Paano ba naman kasi? Lutang yata ang utak ko pagkatapos ng event na iyon. Kaya heto, hindi ko nagawang i-enjoy ang naging pagdaan ng Pasko at Bagong Taon. Walang tigil na ginulo ng buwisit na halik na iyon ang utak ko.
For the second time, hinalikan ako ng buwisit na kamoteng mokong na ‘yon. At wala man lang akong nagawa para pigilan pa ito. I was petrified, I couldn’t even believe it! Pero ang hindi ko lubusang mapaniwalaan ay ang makita ang hindi ko maipaliwanag na lungkot sa mga mata ni Brent pagkatapos ako nitong halikan. Mas lalo akong hindi nakagalaw nang makita iyon.
Even his usually charming smile was laced with the same emotion. After that, he left me there without a word.
Hindi ko na nakita pa si Brent after that night. Well, duh? May rason iyon, ‘no? Walang pasok, eh. Christmas vacation.
Pero iyon naman ang pinaka-worst na Christmas vacation sa tanang buhay ko, in my opinion. Grabe! Hindi talaga matahimik ang isipan ko. Hindi rin miminsang dumako sa isipan ko – hanggang sa panaginip ko – ang nangyaring iyon. It kept messing with my mind.
At dahil ganoon na nga ang nangyayari, napapadalas din ang pagpunta ko sa cove. Hindi ko alam pero nakatulong iyon sa pagpapakalma sa akin, lalo na kapag tinitingnan ko ang estatwa ng magkasintahan sa dagat. Idagdag pa ang manaka-nakang pagtingin ko sa Promise Tree mula sa kalayuan.
Almost two weeks na wala sa katahimikan ang utak ko kaya walang nakakapagtaka na parang galit ako sa pagsalubong sa mundo. Lalo pa’t magsisimula na naman ang klase pagkatapos ng bakasyon.
Okay na rin siguro iyon. Baka ibaling ko na lang sa mga school activities ang atensiyon ko. At least iyon, may mapapala pa ako. Hindi tulad ng dakilang panggugulo ni Kamoteng Brent sa isipan ko kahit hindi ko nakita ang bugok na iyon buong bakasyon.
Bigla akong natigilan nang lihim sa pagpasok sa classroom nang makita ko si Brent na nakasandal sa hamba ng pintuan. Talk about the great devil! Nakaabrisete rito ang isang babaeng sa tingin ko ay pamilyar yata sa akin. Alam kong nakita ko na ito sa kung saan; hindi ko nga lang talaga matandaan.
Hay… Grabeng memory naman meron ako. Epekto ba ito ng nakakairitang halik na iyon?
“Hi, Relaina! Ang ganda ng tayo mo riyan, ah. Lovely view ba ang tumambad sa iyo?” ngingisi-ngising bungad ni Kamoteng Brent sa akin na nagpakulo na naman ng dugo ko.
Wala lang talagang kasawaan ang mokong na ‘to, ‘no? At umpisa na naman ito sa pagsira sa araw ko. Wala naman itong napapala.
At dahil wala talaga ako sa mood pakibagayan ang topak ng kamoteng ‘to, inismiran at inirapan ko na lang ito bago ako nagtuluy-tuloy sa pagpasok sa classroom. Narinig ko pa ngang nagsalita ang babaeng kasama nito pagkaupo ko sa upuan.
“Bakit mo ba pinapansin ang babaeng iyon, Brent? Hindi naman siya maganda at ang lakas pa ng loob niyang irapan ka,” malanding wika ng babaeng iyon. Lalong kumulo ang dugo ko sa sinabi nito.
Eh sa gusto ko nga siyang irapan! May problema ka ba d’on?
Sa totoo lang, ngali-ngaling isigaw ko ang mga iyon sa buwisit na babaeng iyon. Kay aga-aga, may sisira na naman sa araw ko. Wala ba talagang araw na hindi iinit ang ulo ko dahil sa mga ito?
Padabog na kinuha ko mula sa backpack ko ang isang hardbound novel na kasisimula ko pa lang basahin kagabi. Doon ko na lang ipo-focus ang atensiyon ko nang sa gayon ay hindi kumukulo ang dugo ko sa mga “love birds” sa labas ng classroom.
Pero ang buwisit! Pati ang pagbabasa, hindi ko pa mai-concentrate. Pambihira lang talaga.
Pasimple kong tiningnan ang mga ito dahil naroon lang ang dalawa sa labas ng classroom. Hindi ko tuloy napigilang irapan ang babaeng malditang iyon. Akala naman nito kung sino itong kagandahan. Para namang tinapalan ng arina ang mukha nito sa kakapalan yata ng foundation roon.
Napabuntong-hininga na lang ako. Hay… Ano ba naman ‘to? “Katatapos lang ng Bagong Taon, umiiral na naman ang pagiging mapanlait mo, Relaina Elysse. Pasalamat ka’t walang mind reading powers ang pinupuntirya mo.”
‘Kainis! Para na naman akong sira ulo sa pagkausap ko sa sarili ko. Pasalamat na lang at pabulong kong sinabi ang mga iyon. Ayoko ng gulo.
“Ano’ng problema kung pansinin ko siya? Besides, worth siyang pansinin, lalo na kung araw-araw. Siya kasi ang isa sa kumukumpleto ng araw ko, eh,” narinig ko namang kalmanteng sagot ni Brent.
Nanigas ako sa kinauupuan ko sa sinabi nito. Tama ba ang narinig ko? Isa ako sa kumukumpleto sa araw nito? But then I ended up snorting.
Yeah, right. Kinukumpleto ko ang araw nito kapag nakikita ako nitong asar na asar dito. If I didn’t know, baka euphemism lang nito iyon para hindi ko ito banatan uli. Hindi pa kasi nito diretsuhing isa ako sa mga panira ng araw nito. Halata naman, eh.
Or… at least I wanted to blurt that out. Pero bakit para yatang iba ang sinasabi ng puso ko?
Napaungol na lang ako. Kasabay niyon ay pinakiramdaman ko na naman ang puso ko.
Ah, pesteng puso! Huwag ka ngang magpahalata rito. Lihim akong napabuntong-hininga. Hay, nasisiraan na nga yata ako. Pati ang walang kamalay-malay kong puso, inaaway ko.
“Are you serious about that, Brent? Iyong amasona’t walang modong babae na iyon? Nasisiraan ka na ba?” hindi makapaniwalang tanong ng babae.
Aba’t—! Ano’ng gusto ng babaeng ‘to, sapak? Nang makita nito ang totoong ibig sabihin ng pagiging amazona’t walang modo ko? Ganoon ba ako ka-displeasing para sabihin nito iyon? Sino kaya ang mas walang modo sa aming dalawa?
“Hey, watch your words, Marjie! Hinayaan kitang lapitan ako dahil akala ko, matino ka pa naman kahit paano kumpara sa ibang babae riyan. Nagkamali pala ako. You’re worse than I thought,” Brent said, as if disgusted.
Narinig ko pa ang eksaheradong pagsinghap ni Marjie. Hanggang sa maalala ko na kung saan ko nakita ang babaeng iyon. It was during the Christmas Ball’s Mr. and Ms. Christmas ng college department kung saan naging first runner-up ito. Brent was supposed to be a part of that competition. But for some reason, he declined.
Not that I cared, anyway. Besides, I haven’t watched the event – or should I say I wasn’t even paying attention to the event dahil nga lutang ang utak ko.
“I can’t believe you!” bulalas ni Marjie.
“Yeah, unbelievable nga ako. Pero ito ang tatandaan mo. Say something bad about Relaina again and I swear I’ll do something that would make you regret you met me,” babala ni Brent.
Of course, naging dahilan iyon ng pagtindig ng mga balahibo sa batok ko at nagpabilis na naman sa tibok ng pesteng puso ko. He spoke those words firmly. Kahit sino ay matatakot.
“Hindi ko alam kung ano ang ipinakain sa iyo ng babaeng iyon para ipagtanggol mo siya nang ganyan. Pero hindi pa tayo tapos, Brent!” Iyon lang at umalis na si Marjie doon.
Salamat naman. I could only think of that in relief. Kanina pa kasi ako naririndi sa kalandian ng babaeng iyon.
'Naririndi o nagseselos na pagkakaabrisete ni Marjie kay Brent mo?' tudyo ng isang bahagi ng isip ko.
Brent ko? Kailan ko pa naging pag-aari ang lalaking iyon?
'Bakit? Hindi pa ba?'
“Argh!” bulalas ko at saka ako huminga nang pagkalalim-lalim.
Bakit ba kailangan pang magtalo ng isipan ko sa kung ano ang talagang saloobin ko?
But for some reason, I was able to breathe normally after that. My blood’s “boiling point” dropped. Now I could finally concentrate on my reading dahil wala na rin sa wakas ang mga dakilang istorbo na tumambay pa talaga sa labas ng classroom.
Binuksan ko ang libro sa pahinang may nakalagay na bookmark. Hanggang sa matigilan ako nang makita ko ang bookmark na naroon.
It has a picture of Sweet William. I smiled upon looking at it. Every time I would look at those flowers, I couldn’t help but to smile. Now that I thought about it, that was the last flower Brent gave to me. And it was right after the dance practicum, at that. And until now, hindi ko pa rin magawang ibigay kay Brent ang nais nitong mangyari.
To grant him one smile – just as the Sweet William meant in the language of flowers.
“That flower was really beautiful despite its simplicity, right?”
Nagulat ako sa narinig kong tinig kaya nag-angat ako ng tingin – na naging mali ko.
Raising my head only made me realize that Brent was there and our faces were actually just a few inches close to each other. Napalunok tuloy ako nang wala sa oras, lalo na nang maramdaman ko sa mukha ko ang hininga nito. Sheesh, I couldn’t even tone down my heart from beating too fast! Ano ba’ng ginagawa ng lalaking ito sa akin, ha? Just what kind of power that this guy had on me all this time na hindi ko kayang pigilan?
“Hindi ko akalaing mas maganda pala ang mga mata mo sa malapitan,” wika nito na tila namatanda.
Natauhan ako nang marinig ko iyon. Until I realized that he was looking at me intently again – the same way he looked at me when he was on top of me during our very first meeting.
“L-lumayo ka nga sa akin bago kita masapak ng librong hawak ko!” asik ko na lang dito at inilayo ko ang mukha ko sa mukha nito.
Kaya lang, talaga yatang hindi ako tatantanan ng ungas na ito dahil lalo pa nitong inilapit ang mukha nito sa mukha ko. Kasabay niyon ay itinukod nito ang isang kamay nito sa armrest at ang isa naman sa backrest ng upuan ko. Kinorner ako nito at ngayon ay nakakaloko ang ngiti nito sa akin.
At ako? Heto at hindi na makakilos. Parang naestatwa, kumbaga.
“Eh paano kung ayokong lumayo sa iyo? You can’t push me away like that, Relaina. It’s not going to be easy for you.”
“Gustung-gusto mo talagang nasasapak, ‘no? Sinabi nang layuan mo ako, eh!” Pilit kong tinatagan ang tinig ko pero tiyak ko na yatang hindi na masisindak ng banta ko si Brent.
Seriously, I had to get away from this guy. Hindi na ako makahinga sa sobrang lapit ng mga mukha namin, kung alam lang nito. Not to mention, my heart was beating wildly, too.
He teasingly grinned. “No matter how many times you push me away, hinding-hindi ako lalayo sa iyo. Ikaw lang ang aasarin ko nang walang tigil. Ipagtatanggol kita sa mga taong hindi ka ma-appreciate. Ikaw lang ang bibigyan ko ng bulaklak na hindi basta-basta ang kahulugan para sa akin at naglalaman ng mga gusto kong sabihin sa iyo. At ikaw lang ang lalapitan ko’t kakausapin ko nang ganito. I’ll do all that for you. Hate me for it, I don’t care. I’ll just make sure you’ll be mine at the end of all that. Got it?”
He… said… what? Okay… Was this for real? Seriously, tell me.
Dahil ako, hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isipin sa bagay na ‘to.
Pakiramdam ko ay nag-shut down ang utak ko nang marinig ko ang mga iyon. Kasabay niyon ay ramdam ko ang pagkalat ng init sa mukha ko. Wala akong masabi. Naumid na yata ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko naman masabi kung nagbibiro ito at pinagti-trip-an na naman ako – which was his usual hobby.
Then he just pinched my nose and tapped my cheek as he beamed a smile before he left.
Nang tuluyan na itong makalabas ng classroon ay noon lang ako nakahinga nang maluwag. Napahawak ako sa dibdib ko at tiningnan ang nilabasang pinto ni Kamoteng Brent.
“Grabe! Hindi ako nakahinga nang maayos doon, ah.” Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang mabilis na pagtibok ng peste kong puso.
Seriously, I needed to breathe…
No comments:
Post a Comment