Tuesday, December 6, 2016

I'll Hold On To You 46 - My Date

[Relaina]

NARIRINIG ko pa rin ang pagtatapos ni Brent sa pangalawang kanta nito kahit naroon na ako sa bleachers sa soccer field at nakaupo. Sa lakas ba naman kasi ng volume ng speakers sa entrance ng gym, talagang maririnig ko pa rin iyon. Buntong-hininga na naman ang itinugon ko sa pagtatapos ng kanta.

Himala talaga na hindi kumulo ang dugo ko nang marinig ko ang tinig nito. Kunsabagay, wala naman akong dapat na ipagtaka. Hindi naman para sa akin ang kanta. It was for Brent's special girl.

Whoever she is… At tiyak kong hindi ako iyon.

Nanatili pa ako roon ng mahabang sandali habang wala sa sariling pinagmamasdan ang soccer field. The place was field with happy students; most of them were couples who were obviously in love with each other.

But I still believed that, one day, a guy would come into my life and love me – everything about me. And that same guy would promise that he would never leave me and forget me. His heart was strong enough to make sure that his promise would be fulfilled.

Hanggang sa matigilan ako nang biglang pumasok sa isip ko ang guwapong mukha ni Brent.

Wait, Brent? Why in the world would I think about him now? Sure, he was good-looking and always has a way to make my heart thump like crazy with just his mere smirk, grin and laughter kapag inaasar ako nito at trying hard sa pagpapa-cute.

'Ah, correction. Good-looking is an understatement to describe him.'

Yeah, right. I did think about the same thing when I first met him. But those reasons alone were enough for me to feel something weird yet fuzzy and warm at the same time. Nag-iiba ang reaksyon ng puso ko kapag ito na ang concern. Hindi ko kayang pigilan iyon kahit na gusto ko pa. May ideya na ako kung bakit. In fact, I even admitted that he was already special to me. Pero sapat naman ang ideyang iyon upang makaranas ang puso ko ng hindi maipaliwanag na takot.

Lalo pa’t hanggang ngayon ay umaalingawngaw pa rin sa isipan ko ang request ni Oliver. I could only protect Brent from afar if I also wanted to protect my own heart.

Nagdesisyon akong magtungo na lang sa classroom. Nasa kalagitnaan na ako ng soccer field nang may naramdaman akong pumatak sa pisngi ko. Napatingala ako sa langit. Kapagkuwan ay sunud-sunod na mga patak na ang bumagsak sa paligid.

“Naman! Ngayon mo pa naisipang bumuhos!” angal ko habang nakatingala sa langit.

Akmang tatakbo na ako paalis sa lugar na iyon nang biglang may nagpatong ng kung ano sa ulo ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Hindi ako nakapag-react kaagad lalo na nang hilain ako ng kung sinong iyon paalis sa soccer field dahil lalong lumakas ang buhos ng ulan. Marahas na binalingan ko ang sinumang walang-hiyang iyon. Pero imbes na angilan ko ang taong iyon, napasinghap na lang ako nang malaman ko kung sino iyon.

It was Brent! He was actually helping me escape the rain.

Though I didn’t want to acknowledge it, I actually found the gesture sweet.

And romantic, too.

Nakasilong man kami ni Kamoteng Brent kaagad nang marating namin ang building ng College of Engineering and Architecture, nabasa pa rin kaming dalawa. Noon ko lang napansin na ang jacket pala nito ang ipinandong nito sa ulo ko. Hindi ko tuloy alam kung ano ang iisipin.

“Bakit mo ginawa iyon?” mataray na tanong ko. “May binabalak ka na namang hindi maganda, ‘no?”

“Ikaw na nga itong tinulungan ko, ikaw pa itong may ganang magtaray.”

“Ah, ganoon? At dapat ko pa palang ipagpasalamat iyon.”

“Siyempre naman. Isa pa, ayokong magkasakit ang ka-date ko. Napaka-ungentleman ko naman kapag nagkasakit ka, ‘di ba?” At kinindatan ako nito bago ngumiti.

Napalunok ako nang biglang kumabog ang buwisit kong puso.

Ah, kailan ba hindi nangyaring nag-react nang ganito ang puso ko dahil sa mga kilos ng mokong na ito sa akin?

Pero hindi ko dapat ipahalata iyon sa ungas na ito. Lalo lang akong kakantiyawan nito kapag nakahalata ito sa nangyayari sa akin.

“Excuse me. Wala akong maalalang pumayag ako na maging ka-date mo. Mas gugustuhin ko pang makipag-date sa mga libro kaysa sa iyo.”

“Ouch! That hurts!” sambit nito na bahagya pang ngumiwi at sinapo ang kaliwang dibdib nito na para bang talagang nasaktan. “I can’t believe na mas gugustuhin mo pa ang inaalikabok na mga libro kaysa sa guwapong-guwapo at fresh na tulad ko. Matapos kitang protektahan sa ulan.”

“Eww! Hindi ka rin saksakan ng yabang, 'no? Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo. Besides, hindi ko naman sinabi sa iyo na tulungan mo ako.” Hinila ko ang jacket na nakapatong sa ulo ko at iniabot iyon kay Brent. “Iyan! Kunin mo na iyang jacket mo. Ayokong magkaroon ng utang na loob sa iyo.”

Iyon lang at humakbang na ako paalis roon at palayo rito pagkakuha ni Brent sa jacket.

“Kahit simpleng ‘thank you’ man lang sana, hindi mo pa maibigay,” anito sa mahinang tinig ngunit umabot pa sa pandinig niya.

Dahilan naman iyon upang mapatigil ako sa paglalakad. Sigurado ako na may bahid ng tampo at lungkot ang tinig nito nang sabihin iyon.

Magte-thank you naman talaga ako, eh. Kung hindi mo lang ako ununahan ng pang-aasar. Pero isinaisip ko na lang iyon nang makaramdam ako ng sundot ng konsensiya.

Ilang sandali ko ring pinag-isipan ang gagawin ko. Nang isasatinig ko na sana ang nais kong sabihin, narinig ko ang pagbahing nito. Agad akong napalingon rito at nilapitan ito nang makadama ako ng kaba. Pero sa paglapat ng palad ko sa noo nito ay agad kong inalis iyon na para bang napaso. Mainit kasi ito, parang dinapuan ng lagnat.

Tiningnan ko ito na may pag-aalala sa mga mata na hindi ko na nagawang itago, iyon ang tiyak niya.

“Ganyan ba kahina ang resistensiya mo? Nabasa ka lang ng ulan saglit, para ka nang inaapoy sa lagnat,” panenermon ko rito. Wala na akong pakialam kung asarin ako nito dahil doon.

Pero taliwas sa iniisip kong gagawin nito ang ginawa ni Brent. Isang masuyong ngiti lang ang iginawad nito sa akin – ngiting bibihira ko lang talagang makita rito.

The wind blew colder and the rain fell harder but none of it actually mattered to me. My loud and fast heartbeat somehow made me unable to hear anything else other than that because of his gentle smile.

“Akala ko, wala ka talagang pakialam sa kain. Seeing you worry like that for me, hindi ko maiwasang matuwa. I guess may halaga pa rin pala ako sa iyo… kahit kaunti lang,” he said as I felt him brush my hair gently.

Napatulala ako dahil sa gesture nitong iyon at dahil na rin sa sinabi nito. Did I just detect hope in his voice? But what would he hope for?

At the same time, I felt my erratically beating heart… AGAIN! Puwede ba, pesteng puso ko, tumigil ka muna sa kapapasag? Mahahalata ako nito, eh! 

Grabe! Pero nagawa ko na lang iyon ireklamo sa isip ko nang maramdaman kong parang lalabas na sa ribcage ang puso ko sa paraan ng pagtibok n’on. Nagulat ako nang bahagya nang may inilagay ito sa buhok ko sabay nakaw ng halik sa pisngi ko.

“Happy Valentine’s Day, my date,” ngingisi-ngising sabi nito at kumaripas na ng takbo palayo sa akin.

Ilang sandali pa ang lumipas bago ako nakahuma at nahimasmasan sa mga naganap. Talagang ikinagulat ko ang ginawa nitong iyon.

He actually kissed me! Again! 

Wala sa loob na nahaplos ko o ang pisnging hinalikan ni Brent. Kapagkuwan ay tumingin ako sa direksyong tinahak nito para takasan ako. Narinig ko pang nag-“yes” ito nang malakas habang tumatakbo.

Kinapa ko ang inilagay nito sa buhok ko. Kumunot ang noo ko nang mapagtantong bulaklak iyon na nakaipit sa hairclip. Inalis ko iyon sa buhok ko. I was surprised to see a flower. But this time, it was a different flower – jonquil, to be exact. Saan naman kaya ito nagnakaw ng bulaklak?

And now he was giving me a jonquil? Just what the heck were you thinking, Brent? 

Napatingin ako sa bulaklak.

Seriously, Brent? Mensahe mo na naman ba para sa akin ang bulaklak na ito? Naman, eh!

Paano ko gagawin ang gusto nitong mangyari kung ganitong lagi nitong ginugulo nang husto ang takbo ng utak ko?

How was I supposed to return his affection sa mga ginagawa nito sa akin – just as the jonquil actually meant?

Sabihin mo sa akin, buwisit kang kamote ka? Give me a sign na ito talaga ang mensaheng gusto mong sabihin sa akin!

No comments:

Post a Comment