Tuesday, February 28, 2017

I'll Hold On To You 57 - As I Watch You Sleep

[Relaina]

TANGING lampshades lang na nakadikit sa dingding at nakapatong sa bedside table ang nagbibigay ng liwanag sa silid na iyon pagpasok ko doon. Well, pumasok lang ako roon sa wakas pagkatapos ko tawagan ang parents ko na baka sa ancestral house na ko sa Hacienda Lunaria – ang pangalan ng hacienda na pag-aari ng mga Rialande at Delgado – magpapalipas ng gabi.

Sa gulat ko, walang kaabog-abog na pumayag ang mga ito. But they later explained na nasabihan na pala ang mga ito ni Doktora at wala namang kaso sa mga ito na naroon sa ko sa ibang bahay. At least daw, alam ng mga ito na maaalagaan ako roon. But from the tone of their voices, why did I have a feeling na plano pa yata akong ibugaw ng mga ito? May idea ba ang mga ito sa nangyayari sa amin ni Brent?

Pero alam kong walang makakasagot sa mga tanong niyang iyon. Kung may ideya man ang mga ito o wala, hindi ko na siguro malalaman. Kilala ko ang mga magulang ko. So pinabayaan ko na lang iyon kaysa naman sirain lang ng mga ito nang husto ang takbo ng isip ko. Ang dami na ngang panggulo, eh. Ayoko nang madagdagan pa.

Kahit carpeted ang sahig, dahan-dahan pa rin akong naglakad at tinungo ko ang kama kung saan nakahiga si Brent. Ayoko pa ring gumawa ng ingay para makapagpahinga nang maayos ang lalaking ito. Before I could even stop myself, naupo na ako sa gilid ng kama at saka ko tinitigan ang mukha ng lalaking nakahiga roon.

Saturday, February 25, 2017

Guia's Lotus: Be With Me - Story Description

Story of Guia Krystelle Medrano and Lexus Willard del Fierro

ーーーーーー

Para kay Guia, karugtong ng buhay niya ang pagsasayaw. Kaya naman ganoon siya kalungkot at tila tinanggalan na ng pagkakataong maging masaya nang maaksidente siya. Naging dahilan iyon upang tumigil siya sa pagsasayaw kahit masakit sa loob ng dalawang taon. Laking-pasalamat niya dahil wala si Lexus noong mga panahong naaksidente siya at tuluyang isinuko ang pagsasayaw. Ito ang huling taong gusto niyang maawa sa kanya dahil sa naging desisyon.

Ang hindi lang niya napaghandaan ay ang makulit na kagustuhan ni Lexus na bumalik siya pagsasayaw. Gagawin daw nito ang lahat upang balikan nito ang isang bagay na mahal niya. Kung alam lang nito, dahil sa sinabi nitong iyon ay may napatunayan siya sa tunay na damdamin niya rito.

Ang mali lang ni Guia, bago pa man niya magawang ipagtapat iyon sa binata ay bigla na lang siya nitong ipinagtabuyan sa buhay nito.

Thursday, February 23, 2017

You Will Be My Last - Chapter 7

"HINDI ko akalaing may pagka-reckless ka pala. Ngayon ko lang nalaman," usal ni Erin habang ipinapatong ang malamig at basang bimpo sa noo ni Akio. Iyon na ang pang-apat na pagpapalit niya. Mabuti na lang at bumaba na ang lagnat nito. Makakahinga na siya nang maluwag.

Aalis na sana siya sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama na kinahihigaan ng binata nang marinig niyang nagsalita ito.

"I'm willing to do reckless things if it means having you back in my life again."

Hindi niya matukoy kung nananaginip ba ito o ano. Pero aminado siya na nakadama siya nang kakaiba nang marinig ang tinuran nito. Wala na siyang pakialam kung dala lang iyon ng pagdedeliryo nito o iyon talaga ang saloobin nito.

Tuesday, February 21, 2017

I'll Hold On To You 56 - Time To Think

[Relaina]

Feeling ko, lutang pa rin ang utak ko dahil sa dami ng mga nangyayari sa paligid ko. Kahit nga habang pinapanood ko ang ina ni Kamoteng Brent na inaalagaan ang panganay na anak, para lang akong tuod doon. Hindi kumikilos kahit na nag-aalala rin ako sa lagay ng kamoteng iyon.

Kung hindi ba naman kasi talaga sira-ulo 'tong bugok na 'to.

“Sigurado ka ba na okay lang ang pakiramdam mo, hija?”

Ang tanong na iyon ni Doktora Fate ang nagpatigil sa pagmumuni-muni ko. Napatango na lang ako.

Thursday, February 16, 2017

You Will Be My Last - Chapter 6

KUNG tutuusin, walang dahilan si Erin para mainis nang ilang araw dahil lang hindi nagpakita sa kanya si Akio. Oo, iyon ang nararamdaman niya habang nasa balkonahe ng kanyang silid sa ikawalang palapag ng bahay niya. Doon niya naisipang tumambay dahil wala siyang maisip gawin nang mga sandaling iyon.

Magaling naman na ang pilay niya at nailalakad na niya nang maayos ang kanyang paa. May dahilan na siya para lumabas ng bahay at magliwaliw nang hindi siya nakakaramdam ng pagkabagot. Pero pati iyon ay kinatatamaran niya. Kaya heto siya ngayon at wala sa sariling nakatutok ang paningin sa dumaraang mga sasakyan sa kalsada na nasa harap lang ng bahay niya.

Hindi dapat siya nakakaramdam nang ganoon dahil lang hindi nagpapakita si Akio sa kanya. Itinataboy na nga niya ito, 'di ba? Kaya ano itong ipinagmumukmok niya?

"Wala na bang ihahaba pa 'yang nguso mo, ha?" ani isang pamilyar na tinig na nagpakunot ng noo niya.

Tuesday, February 14, 2017

I'll Hold On To You 55 - Increasing Worry

[Relaina]

That question hit me hard like no other. Then again, as if I would let him know that. Kailangan ko muna itong makausap.

“Puwede ba naman ‘yon? Heto na nga ako, 'di ba?” Seriously, does this guy really think I was that scared of him or at least I hated him that much for me not to come?

Puwes! Ibahin ako nito, 'no!

“Bakit ka ba nagpapaulan dito, ha? Nagpapakamatay ka lang talaga, 'no? Alam kong doktor ang nanay mo pero hindi naman ibig sabihin n’on, magpapaulan ka rito at hahayaan mo ang sarili mo na magkasakit ulit. Pambihira! Kagagaling mo lang sa sakit, 'di ba?” Oo na. Mukha na ako nanay rito sa pagsermon sa bugok na kamoteng 'to. But I could care less.

Sunday, February 12, 2017

Lots of what if's

Grabe. Medyo depressing ang mood dito sa bahay, ah. Kagaya ng panahon sa labas ngayon. Makulimlim. Moody rin ang mga kasama ko rito sa bahay at kulang na lang, madamay pa ako sa pagiging gloomy. Sorry, iyon dapat ang ginamit kong word. Hindi pala moody. It’s supposed to be gloomy.

Gusto ko talagang magkaroon na ng progress ang buhay ko. Pero kung ganito namang parang wala na akong ganang gawin ang kahit ano, dumarating na ako sa puntong nag-iisip ng maraming “what if’s”.

What if mawala na ako?

What if maglayas ako at lumayo sa kanila?

What if I take my own life?

Weird. Pero hanggang sa isip ko lang ang mga iyon. Lahat ng mga naiisip kong iyon, takot akong gawin. Baliw na talaga ako, ‘no?

Hindi lahat ng mga post ko rito, good vibes. Para ngang walang masyadong post dito sa blog na ito na masasabi kong puwedeng maghatid ng good vibes, eh.

Hay, naku naman po!

Thursday, February 9, 2017

You Will Be My Last - Chapter 5

Lihim na napapitlag si Erin at kumurap pa ng ilang beses nang marinig iyon. Nang mag-angat siya ng tingin, hirap na siyang pigilan pa ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Lalo na nang makita ang pag-aalala sa mukha nito. "Ah... Hi."

"Ano'ng ginagawa mo rito?" kunot-noo nang tanong ni Akio. Mukhang tapos na itong makipag-usap sa kung sino man ang kausap nito sa kabilang linya.

Tila nagising siya sa malalim na pag-iisip sa narinig na paraan ng pagtatanong nito. Sinikap niyang huwag magpakita ng anumang emosyon sa kanyang mukha kapagkuwan. Hindi nga lang niya alam kung nagtagumpay siya.

"Bakit? Masama na bang magpunta rito?"

Tuesday, February 7, 2017

I'll Hold On To You 54 - As The Rain Falls

[Relaina]

2:46 PM…

Kahit siguro magwala ako roon para lang makinig sa akin ang kalangitan, wala pa rin sigurong mangyayari. Kung bakit ba naman kasi ako minamalas ngayon, eh. Desidido na nga ako't lahat, hindi pa marunong makisama ang panahon sa goal ko.

Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Nandoon na iyon, eh. No choice kundi maghintay.

Kataka-taka ba kung ano’ng ipinagwawala ko? Heto, bumuhos lang naman ang napakalakas na ulan kung kailan naman didiretso na sana ako sa meeting place namin ni Kamoteng Brent. I even growled at the sky nang lalo pa iyong lumakas na parang ba gusto lang mang-asar. Kamalas-malasan ko pa dahil wala man lang akong dalang payong. Bakit ba naman kasi ako minalas ngayon kung kailan importanteng-importante?

Saturday, February 4, 2017

Happy Anniversary, PHR!

Haha! Sorry kung dito sa blog ko idadaan ang pagbati. Alam kong medyo maliit ang chance na mabasa ito ng sinuman sa mga staff ng PHR. Ayoko kasing sa FB ko i-post ito, eh. Wala lang. Gusto ko lang.

Kadalasan sa mga post na nakikita ko tungkol dito, nagpo-post sila ng mga naging first book nila doon. Anyway, sa July pa ang book birthday ng first approved manuscript ko sa PHR.

Basta ito lang ang masasabi ko. Kahit talaga namang mabagal akong magsulat at karamihan ay hindi pa naa-approve, thank you pa rin kasi binigyan niyo ako ng pagkakataong tuparin ang isa sa mga pangarap ko. Sana hindi pa ito ang huli.

Friday, February 3, 2017

My head is being filled with ideas right now. Lots and lots of writing ideas which I don’t know if I would be able to write at all. Seriously, this is what happens when I try something for the first time and get inspirations from it in the end. Should I be happy with that? Or should I just groan?

I really don’t know.

Thursday, February 2, 2017

You Will Be My Last - Chapter 4

HINDI masabi ni Erin kung dapat nga ba niyang ipagpasalamat na ilang araw niyang hindi nakita si Akio. Hindi naman siya naglagi sa bahay nitong mga nagdaang araw kaya naman may mga pagkakataon talaga na malakas ang tibok ng puso niya. Kung simpleng kaba lang iyon na baka nga magkasalubong sila ng binata o may iba pang ibig sabihin iyon, hindi niya masabi.

Gaya ng araw na iyon. Bagaman hinihiling niya na huwag makasalubong si Akio sa kahit saang lugar na mapuntahan niya, napupuna niya ang sarili na pasimpleng nililinga ang paligid. Antisipasyon nga ba ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon? Pero ano naman ang ia-anticipate niya?

Mukhang magulo na naman ang takbo ng utak ni Erin. At naiinis siya dahil iisang tao lang ang may kakayahang gumawa niyon sa kanya.

"Shouldn't you be focusing on your steps while you're outside? Mapapahamak ka sa ginagawa mo, eh. Hindi ka pa rin talaga nagbabago," ani isang pamilyar na tinig sa kanyang likuran.