[Relaina]
NAALIMPUNGATAN ako nang tumunog ang buwisit kong cellphone. And worst, mukhang Incoming call alert tone pa yata ang tumutunog na iyon at tuluyang sumira sa magandang tulog ko.
'Kakabuwisit naman! Sino kayang walang hiya ang nang-iistorbo sa akin nang oras na iyon?
And—
Tuluyan na akong napamulat ng mga mata. Teka nga lang. Ano’ng oras pa lang ba?
Tiningnan ko ang alarm clock sa bedside table ko. Napaungol ako sa inis at hindi pagkapaniwala. What the heck? Alas-sais pa lang ng umaga, ah.
I glared at my ringing cell phone, despite knowing it wouldn’t actually help me stop it from further disrupting my sleep. Pambihira lang talaga!
Napabuntong-hininga na lang ako nang pagkalalim-lalim para lang kalmahin ang sarili ko. Wala akong mapapalang maganda kapag ginatungan pa ng inis ko ang bad mood na sumalubong sa paggising ko. Saka ko na lang pakikiharapan iyon – if that was even possible.
Kinuha ko na lang ang cellphone ko na naroon sa bedside table. I frowned before groaning loudly at the sight of the name registered on the screen. With an annoyed look on my face, I finally decided to answer the call.
“Pambihira ka naman, Brent. Ang aga-aga mong mang-istorbo, ha? Ano na naman ba’ng topak mo at early bird ka ngayon?” Oo na, dire-diretso na naman ako sa pagtatalak at pagtatanong. But hey, it was the guy’s fault. Mang-istorbo ba naman kasi.
“High blood ka na naman. Ang aga-aga.” At ang bruhong 'to, nakuha pa talagang matawa.
“At sino ba naman ang hindi maha-highblood sa pang-iistorbong ginawa mo sa akin, aber?” Kapag nakita ko talaga ang lalaking 'to, hindi ako mangingiming bigyan ito ng uppercut.
Pinagbigyan ko lang ang kagustuhan nitong maging close kami, lubus-lubos naman ang pang-iistorbo nito sa akin. Seryoso lang, abusado na ang lalaking 'to.
'Pero aminin! Mas kalmado ka na ikaw lang ang pinagbubuhusan niya ng atensiyon pagkatapos ng mga kaganapan sa inyong dalawa sa music room.' Wow, grabe! Did my mind really had to state the obvious?
Obvious… and without a doubt, the truth. Pero hindi naman nangangahulugan iyon na malaya na itong mang-istorbo ng beauty sleep ko.
“Huwag ka nang mainis, okay? Ang ganda ng umaga at gusto kong makita mo 'yon. Anyway, step outside. Pero doon ka lang sa veranda, okay?”
“Ha?” Ano na namang kalokohan ang tumatakbo sa utak ng ugok na 'to?
Kahit close na kami nito, hindi pa rin spared ang lalaking 'to sa naming convention na ibinibigay ko rito.
“Basta! Gawin mo na lang, okay?”
Ang lokong 'to, insisting lang talaga kung makapag-utos. Nagbibilang na talaga ako ng mga kasalanan ni Brent sa akin sa umaga pa lang na iyon. Saka ko na lang pag-iisipan ang magiging parusa nito. I stepped out of my bed and opened the glass door of my room leading to the veranda. Sa pagtataka ko, halimuyak ng mga bulaklak ang sumalubong sa pang-amoy ko.
Teka lang. Saan nanggaling 'yon?
Sa pagkakaalam ko, wala naman akong kapitbahay na nagmamay-ari ng flower garden, lalo na ng flower farm. Kaya laking pagtataka ko kung saan nagmula ang mga iyon.
Not unless—
Oh, no! He did not just do it again, did he?
Para makatiyak kung tama ba ang hinala ko, nagmamadali akong nagtungo sa balustrade ng veranda ko. Only to be surprised to see something below.
“You've got to be kidding me…”
What greeted me was a flower mosaic that formed the words 'FOR OUR FIRST SUMMER TOGETHER' and used daffodils for it. The flower mosaic filled the entire lawn na mukhang tinabasan na rin yata ng damo bago inilagay ang mga bulaklak. The last thing I remembered, mahahaba pa ang mga damo sa lawn at nagpaplano pa nga ako na magtatabas ako ng damo nang umagang iyon.
But obviously someone decided to save me the trouble of doing it myself.
Napangiti ako nang maluwang sa nasilayan ko matapos ang ilang sandali dahil sa tumambad sa akin.
“Do you like it, Sunshine?”
Ha? Sunshine talaga? But it didn’t take me long to realized the reason why habang hinahagilap ng mga mata ko ang pinagmumulan ng tinig na iyon. Daffodils contained various meanings in the language of flowers. Pero kung ibabase ko sa pagtawag na iyon sa akin, then that person must have wanted to say, “The sun is always shining when I’m with you.”
Ano na naman kayang kakornihan ang nasa utak ng taong 'yon?
Nakita ko si Brent na nakaupo sa isang matibay na branch ng puno sa harap ng bahay namin at nagkataong kapantay lang ng veranda kung saan ako nakatayo.
“Naisipan mo pa talagang pairalin ang pagiging unggoy mo nang pagkaaga-aga, ha?” And yet, the smile on my face didn’t falter despite saying that. In fact, it grew wider. I was just too happy, for some reasons.
“Ito naman, hindi pa ako pagbigyan. Isang linggo na nga kitang hindi nakita, ganyan pa ang isasalubong mo sa akin.” Kuntodo busangot pa talaga ang mokong.
Pero in fairness, he still looked appealing to me. Kailan ba hindi?
“Speaking of which, saang lupalop ka nagkalat ng lagim mo for a week?” Matapos kasi ang finals week, nabalitaan ko kay Mayu na umalis ang magkakapatid na Montreal at mawawala raw ng isang linggo.
“Ang sama mo talaga. Nagkalat talaga ng lagim?”
“Bakit? Hindi ba ganoon naman ang lagi mong ginagawa?”
“Nag-training kami sa islang pag-aari rin ng dalawang angkan.”
“Training?”
“Self-defense training. Mandatory iyon sa pamilya namin, lalo na sa mga pinsan naming babae. Once a month iyon kung gawin. Mabuti na raw 'yong nakakasiguro.”
Bagaman napatango ako, hindi ko pa rin napigilan ang pagsagi sa isipan ko ng mga naging pag-uusap namin noon ni Oliver. Iyong tungkol sa pagbabantay na ginagawa sa current generations ng mga Rialande at Delgado. Posibleng ang self-defense training na tinutukoy ni Brent ang isa sa precautions na ginagawa ng mga ito para protektahan ang mga miyembro ng dalawang angkan.
“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, ah. Did you like what you saw?”
“Tinatanong pa ba 'yan? Naturingan ka nang nandiyan sa puno, hindi ka pa nakahalata.” Sa totoo lang, ang galing manira ng mood ng lalaking 'to. Ihulog ko kaya ito mula sa kinauupuan nito?
“Nakita ko naman, eh. But I want to hear it straight from you.”
Ano pa nga ba ang magagawa ko? Eh pinakitaan na ako ng mokong na 'to ng killer, sweet, innocent, and pleading smile nito – which was, by the way, one of his trademarks kapag nanghihingi ito ng pabor sa akin. Naku po! Patay na ako nito kapag nagkataon.
Pero… sagot lang naman ang hinihingi nito, 'di ba? Bumuntong-hininga ako. At saka ko hinarap ito.
“I like it… very much.” I said those words with sincerity. And why not? This guy truly made an effort for me to greet that one ordinary morning with a truly beautiful smile.
Napangiti nang maluwang si Brent. His smile made me think that the sight of it was even brighter than the morning sun. Lihim na lang akong napailing sa kakornihang tumatakbo sa isipan ko.
Ang aga-aga, magugulo na naman ang utak ko.
“Pero seryosong usapan, ano’ng masamang hangin ang pumasok diyan sa kukote mo para gawin mo ito? Shouldn’t you be resting dahil kararating n’yo lang?”
“Ang tindi mo ring makataboy sa akin, ah.”
“Hindi naman sa ganoon.” Hay… Masisiraan na talaga ako ng bait sa rason ng lalaking 'to. Hindi na lang direstuhin ng sagot ang tanong ko.
“Didn’t the flowers tell you? I want to spend our first summer together. And to do that, I’m inviting you out. Don’t worry, alam naman na ng parents mo ang tungkol doon. Kaya puwede ka nang lumabas na hindi nagpapaalam sa kanila.”
Like… for real? Brent went that far to do this?
At ano raw ang sinabi nito? He was inviting me out? Like… on a date?
A summer date?
No comments:
Post a Comment