Okay. Mag-Tagalog naman tayo para maiba. Aba’y pulos English na ang mga pinagsususulat ko nitong mga nakaraang posts ko rito, ah. Nakaka-nosebleed lang, ha? Haha! In fairness, na-miss ko ring magsulat ng mga Filipino posts. Nitong mga nakaraang linggo kasi, nag-focus ako sa pagsusulat ng mga stories na pulos English. Alam mo na, isang paraan rin iyon para maka-connect ka sa mga international readers, lalo na `yong mga fanfiction readers.
`Yan pa. Fanfiction.
Nitong mga nakaraang linggo, ito talaga ang pinagkakaabalahan ko. Nagbalik-loob ako sa pagsusulat ng fanfictions lately. At ang subject ng mga fanfiction na pinagsususulat ko—Super Sentai. Hindi katulad ng karamihan ng co-writers ko na K-Drama ang hilig, mas gusto ko pong manood ng Super Sentai series. Kahit babae ako, ewan ko kung bakit iyon ang mas gusto kong panoorin. Kaya siguro nawawalan na ako ng romansa sa katawan dahil doon. Hehe! Sa ngayon, pinagkakaabalahan kong panoorin ang currently airing na Sentai series—ang Space Squadron Kyuranger (Uchuu Sentai Kyuranger).