Tuesday, August 29, 2017

The Last Sky Of The Earth 15 - News She's Waiting

Despite the threat lurking since Kourin's mind wasn't actually concentrating on that, she ended up having her morning walk earlier than usual. And by early, she meant 5 AM.

Hanggang 5 AM ang curfew ng minors sa subdivision kung saan nakatira si Kourin. At exactly 5 AM, she went outside the mansion. Kailangan niyang mag-isip nang maayos, 'no? Pambihira lang talaga. Hindi siya pinatulog nang matino. But she should've expected that.

Besides, kailan ba nakatulog si Kourin nang matino magmula nang maganap ang pag-atake in the first place?

Upon looking up, Kourin smiled in melancholy as she saw a few stars glittering the sky that particular dawn. May pagkakataon pa nga kayang darating na hindi lungkot ang lulukob sa kanya sa tuwing makikita niya ang langit na may nagkikislapan pang mga bituin?

"You shouldn't be out here all alone, princess."

Napahinto si Kourin sa paglalakad nang marinig niya 'yon. She turned around and set her gaze on one particular tree. Alam niyang naroon ang taong nagsabi ng mga salitang iyon ー just hiding. Napailing na lang siya at nangingiti na rin at the same time.

"I don't know if you're getting sloppy at hiding or you're just showing yourself on purposeー" Kourin paused. "ーMiyako-san."

Kasunod n'on ay nakarinig si Kourin ng mahinang pagtawa. Ilang sandali pa, lumabas na nga si Miyako sa pinagtataguan nito. "I guess you're not exactly oblivious to your surroundings kahit na mag-isa ka lang at tila wala na naman sa sarili mo."

Napakibit-balikat na lang si Kourin. "Mas kailangan ko ngang maging alerto lalo na ngayong mag-isa ako." Saka ko hinarap si Miyako. "Siyanga pala, ano na pala'ng resulta ng pinapaasikaso ko sa 'yo?"

"Are you that desperate to know where he is?"

'Naman...' Does Miyako really have to answer Kourin's inquiry with another question? Napakamot na lang tuloy siya ng ulo niya. "Ate naman, eh. Sagutin mo na lang nang maayos ang tanong ko."

At ang babaeng 'to, tinatawanan na lang talaga si Kourin. Soon after, she saw Miyako sighed.

"I found him... about two weeks ago," Miyako said gravely.

"Talaga? Paano?" Hindi na naitago ni Kourin ang excitement niya sa ibinalita nito.

Tumango si Miyako. "Through Shuji. Nakipagkita siya sa akin nito lang para sabihin sa akin ang mga pangyayari. Siya ang inatasan ni Lord Hitoshi na bantayan si Seiichi at kailangan daw niyang gawin iyon na hindi nalalaman ng kahit na sino. His family ― or rather, his uncle and his cousin ― migrated to New Zealand kaya nahirapan kami ni Kuya Mamoru na hanapin siya. Shuji did everything he could to hide the truth about Seiichi's location."

Kilala niya kung sino si Shuji kahit na sa totoo lang ay once in a blue moon kung magpakita ito sa kanya. "Does that mean he's still in New Zealand?" Ang layo naman pala. Nakakapanlumo tuloy.

But then Kourin frowned when she saw Miyako shook her head. Ano'ng ibig sabihin n'on?

"He came back here... with the aim of discovering what exactly had happened at the Shinomiya mansion more than two years ago."

"Ano?!"

This has got to be a joke, right?

"Though he knew you were already dead, gusto pa rin niyang malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa Shinomiya mansion para umabot sa ganoon ang lahat. Or at least that's what Shuji told me when I saw him two weeks ago. At ang pakay ni Seiichi na unang makausap ay ang isa sa mga nakaligtas sa pag-atake. We're still trying to find out kung sino ang taong iyon."

Sa dinami-dami ng sinabi ni Miyako kay Kourin, iisa lang ang tumimo sa isipan niya. "Nagkita kayo ni Shuji?"

Miyako nodded grimly. "He told me what he thought he knew about Seiichi's plan now that he's here in the Philippines. Pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit kami nagkita ni Shuji. He told me that I had to find the guy before something worst happens because I learned at the same time thatー"

"Someone's after him..." biglang nanulas sa bibig ni Kourin nang maalala niya ang naging pag-uusap nila ni Amiko nang nagdaang gabi.

Hindi na itinago ni Miyako ang pagkagulat nito.

"You knew?"

This time, si Kourin naman ang tumango. "Something happened yesterday that made me find that out. But what should I do? Ate, hindi ko naman puwedeng hayaan na lang na mapahamak siya dahil lang sa kagustuhan niyang malaman ang totoo." It would kill her if she discovered that he ended up getting hurt because of that. Ayaw na niyang may madamay pang ibang inosenteng tao dahil sa kanya.

Katahimikan ang pumalibot kina Kourin at Miyako. Siguro ay dahil pareho silang walang masabi.

"Maybe you could still do something," mayamaya'y saad ni Miyako, dahilan upang mapakunot si Kourin ng noo at mabaling ang atensiyon niya rito.

"Show yourself to him."

Natigilan siya sa suhestiyong iyon ni Miyako. 'Di nagtagal ay napaisip na rin siya kung gagawin nga ba niya iyon.

'Show myself? Ganoon nga lang ba kadali iyon?'

Then again, since when did it become easy with all things related to Seiichi, anyway? Ever since, it was hard for her. Kaya nga hindi niya nagawang ipagtapat dito ang totoo, 'di ba? It was one of her greatest regrets since the day he left. And Hitoshi knew that very well.

At ngayon nga, mukhang wala na siyang pag-asa pang magtapat kay Seiichi kahit na gustuhin niya. Iba na ang tinahak niyang daan pagkatapos niyang magdesisyon tungkol sa magiging buhay niya mula nang maganap ang trahedya two years ago.

'Nothing is impossible, as they say. But in this case, I guess I have to say that it was never meant to be, kahit na gaano pa kasakit iyon...'

Whether or not it was something that Kourin just wanted to say to herself just to give up and continue with her life as it was, she knew fully well that a part of her heart was still holding on to that lingering hope.

Hindi na siguro niya magagawang itanggi iyon kahit na ano pa ang mangyari sa daang tinahak niya. Just as how she made that life-changing choice back then.

No comments:

Post a Comment