Tuesday, August 22, 2017

Shrouded Flowers: The Last Sky Of The Earth 14 - Contemplations

Hindi alam ni Seiichi kung ano'ng meron sa kisame at may ilang sandali rin siyang nakatingin doon habang nakahiga sa kamay niya. Naroon siya sa bahay na minsan nilang tinirahan ng lolo niya bago ito pumanaw. Iyon lang ang available na lugar kung saan siya puwedeng manatili ngayong nagdesisyon na siyang ituloy ang napagplanuhan na niya habang nasa New Zealand pa siya.

Mabuti na lang at inalagaan iyon nang husto ng dati nang katiwala roon na hanggang sa mga sandaling iyon ay walang sawa pa ring naninilbihan bilang caretaker ng bahay na iyon. May ilang araw na rin mula nang dumating siya roon ngunit hindi pa rin sigurado si Seiichi kung paano isasagawa ang kanyang plano. Iyon ay kahit determinado siya na isakatuparan iyon nang huli silang mag-usap ni Shuji.

Was he too hasty to make such a decision? Seiichi had asked that question quite a lot himself. Pero isa lang ang sigurado siya. Hindi siya nagpadalos-dalos nang magdesisyon siya tungkol sa bagay na iyon. Naniniwala siya na nasa Pilipinas ang sagot na hinahanap niya.

Ilang sandali pa ang lumipas at naisipan na rin niya sa wakas na umalis sa kamang kinahihigaan at lumapit sa bintana kung saan hindi pa nahahawi ang kurtinang naroon. But what he saw as soon as he opened the curtain nearly gave him a heart attack.

"I could really kill this guy for surprising me like this..." Seiichi muttered and took a deep breath not long after. "May plano ka bang patayin ako sa sakit sa puso, ha, Shuji? At talagang sinundan mo pa ako hanggang dito. Sa pagkakaalam ko, hindi kita anino para sundan mo ako."

Pero ang sira-ulong taong ito, nginisihan lang si Seiichi at nag-peace sign pa. "Hindi naman na kaila sa 'yo na may pagkapusa ako kung kumilos, 'di ba? At saka naniniguro lang ako na ligtas ka, Mr. Yasuhara. Mahirap na ang magkasala sa kaluluwa ng namatay mong kaibigan."

Hindi na nakaimik si Seiichi matapos nitong sabihin iyon. Ilang sandali pa ay tuluyan na niyang binuksan ang bintanang iyon at hinayaang pumasok ang mala-Spiderman niyang kaibigan na bumitin pa mula sa bubong. Mabuti na lang at tago ang bahaging iyon ng bahay sa mga tao dahil nakaharap iyon sa maliit na gubat na hindi masyadong nadadaanan ng tao. And up until that moment, he still couldn't figure out why his grandfather had bought a house near such a place.

"Sa pagkakaalam ko, may pinto naman. Bakit kailangang diyan ka pa sa bintana dumaan at magpakita sa akin?"

"I'm just trying something out. Kagagaling ko lang sa isang kaibigan at kumuha ng ilang gadgets sa kanya na puwede kong magamit. This cylinder where that rope was placed is one of them," sagot ni Shuji na naupo sa isang single sofa na naroon sa silid. "Kumusta ka na? Naumpisahan mo na ba ang sinabi mo sa akin?"

Seiichi sighed in exasperation and sat on the edge of his bed. "Wala pa akong nasisimulan dahil hindi ako sigurado kung saan ako dapat mag-umpisa. Kahit sabihin pang desidido akong alamin ang totoong nangyari, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit naisipan kong umpisahan dito sa Pilipinas ang paghahanap ng sagot sa mga tanong ko."

"What exactly prompted you to head here instead of Japan, anyway?"

Hindi kaagad nakasagot si Seiichi sa tanong na iyon ni Shuji sa kanya. 'Di nagtagal ay lumitaw sa kanyang isipan ang isang pangyayaring naalala niya noong nasa New Zealand pa siya. And he was sure, recalling about the Iris Sword in his possession triggered that particular memory to appear...

"Papa, paano po pala kayo nagkakilala ni Mama? Nanligaw po ba kayo sa kanya?"

Pero isang malutong na tawa ang unang sumalubong kay Seiichi nang itanong niya iyon sa kanyang ama. "Ang bata mo pa, anak, para itanong iyan sa akin. Ano'ng nangyari at ganyan ang tanong mo?"

"Naisip ko lang po kasi na hindi kayo nagkukuwento ni Mama tungkol sa love story ninyo. Iyong mga kaklase ko naman po, may ilan sa kanila na alam ang kuwento ng mga magulang nila. Bakit po hindi kayo nagkukuwento ni Mama?"

Hindi kaagad nakaimik ang ama at bumuntong-hininga ito makalipas ang ilang sandali. "Iyon ay dahil hindi normal na maituturing ang naging umpisa ng relasyon namin ng Mama mo, Seiichi. Naging dahilan din ang ginawa kong pagpili sa Mama mo para talikuran ako ng mga taong pinagkatiwalaan ko."

"Bakit po ganoon? Masama po ba na si Mama ang pinili n'yo?"

"Para sa kanila, oo. Dahil hindi ang Mama mo ang iniisip nilang para sa akin na dapat ay pakasalan ko. Pero buhay ko ito. Ako ang may kontrol dito. Kaya mas pinili kong iwanan sila kapalit ang buhay na kasama ko ang Mama mo. Hinanap ko talaga siya, dahil siya ang gusto kong makasama at paglaanan ng puso't buhay ko."

"Umalis po ba si Mama noon?"

Tumango ang ama ni Seiichi at malungkot na ngumiti. "Oo, lalo na nang sabihin nila rito na wala siyang katangiang kailangan nila para maging asawa ko. Pero laking-pasalamat ko na hindi ako tinalikuran ng Mama mo nang makita ko ulit siya. May isang taon ko rin siyang hinanap, alam mo ba 'yon? Nasaktan lang siya nang husto dahil sa mga sinabi nila sa kanya tungkol sa pagiging walang kuwenta niya para sa akin.

"Masakit para sa amin na alalahanin ang kuwento kung bakit magkasama kami ngayon na malayo sa mga pamilya namin. Kaya hindi namin ikinukuwento iyon sa 'yo, dahil hindi namin gustong pagdaanan mo iyon. Gusto namin ng Mama mo na magmahal ka nang malaya at sa taong siguradong mamahalin ka sa kabila ng lahat."

"Pero... bakit po nagagawa n'yong kausapin si Lolo kung iniwan na ninyo ang mga pamilya ninyo?"

Nginitian si Seiichi ng kanyang ama at ginulo ang kanyang buhok. "Ang dami mong tanong sa akin ngayong araw, ah."

"Gusto ko lang pong malaman ang buong katotohanan. At saka... para na rin po maintindihan ko ang mga pangyayari."

Muli ay bumuntong-hininga ang ama ni Seiichi at tumingin sa kalangitan. "Iyon ay dahil hindi kasama ang lolo mo sa mga taong nangutya sa Mama mo noon. Ang kapatid ng lolo mo at ang angkang kinabibilangan niya ang may pakana n'on. Pero dahil hindi naman sila tunay na magkapatid at sa dami na rin ng kasalanang ginawa niya sa pamilya, itinakwil siya. Nang mahanap naman kami ng lolo mo, determinado na akong hindi bumalik sa angkan. Nirespeto iyon ng lolo mo sa ilang kondisyong napagkasunduan namin. Isa na roon ay ang hindi nila malalaman ang tungkol sa 'yo at sa pagkakakilanlan mo."

"Ako po?"

"Oo, Seiichi. Kaya Yasuhara ang gamit mong apelyido -- na apelyido ng Mama mo -- ay dahil ayokong malaman nila ang totoong pagkatao mo. At isa pa, kaya dito tayo sa Pilipinas nakatira ay dahil nasa bansang ito ang mga katibayang magpapatunay kung sino ka talaga at kailangan kong protektahan ang mga iyon. Darating ang panahon na mamanahin mo ang tungkuling iyon dahil iyon ang nakatakda nang mangyari..."

Hanggang doon na lang ang nagawang alalahanin ni Seiichi nang lumitaw ang eksenang iyon sa kanyang isipan. Alam niyang isa iyon sa mga nawalang alaala sa kanyang isipan noong 13 years old siya.

"Hoy! Narinig mo ba ang itinanong ko sa 'yo? Napatulala ka na riyan," untag ni Shuji sa kanya.

Huminga muna nang malalim bago nagsalita. "Narinig kita. Inaalala ko lang ang sagot sa tanong mo."

Napakunot-noo si Shuji sa sinabi niyang iyon. "Inaalala? You mean it's a part of your missing memories?"

"I think so. Recalling the fact that I have the Iris Sword had triggered it to appear in my mind somehow. I don't know why."

"I know... that anything related to Lord Hitoshi would eventually trigger something in you. Ilang beses na bang nangyari iyon, ha?"

"At iyon nga ang ipinagtataka ko. Kahit noong bago ako magdesisyong bumalik dito. Naalala ko 'yong panahong nalaman kong patay na si Hitoshi. Pero hindi magawang paniwalaan ng puso at utak ko na ganoon din ang sinapit ni Kourin. As if almost immediately, I knew something was wrong. And until now, I still feel that way. Kaya gagawa ako ng paraan para malaman ang totoo. I'll defy everything if I have to just for me to find out what really happened to her. Crazy as it may appear... but I think she's still alive. And if she really is, then I'll find her no matter what. Iyon na lang ang paraan para matahimik ako."

No comments:

Post a Comment