‘Yumemiya clan…’
Mukhang hindi basta-basta ang mga nakakasalamuha ni Ate Yasha dahil sa trabaho nito bilang photojournalist. At kung pakaiisipin ni Raiden, Japanese ang kausap nito. And yet here he was, actually listening to his sister speaking in Filipino na para bang naiintindihan din iyon ng kausap nito sa kabilang linya.
"Ano'ng ibig mong sabihin? Bakit nasama ang kapatid ko sa hit list nila?"
Bakas sa tinig ni Ate Yasha ang takot at pagkataranta. Si Raiden naman, nakaramdam ng 'di maipaliwanag na kaba. Para saan 'to?
"Mamoru, maiintindihan ko pa kung bakit ako kasama roon. After all, I've been to the Shinomiya mansion that time at nakausap ko pa ang dating head ng Shinomiya clan. It wasn't just a simple talk at alam kong alam mo 'yon. But for my brother to be included, hindi ko yata alam ang posibleng dahilan. Walang alam si Raiden sa mga pinaggagagawa ko. Hindi niya alam na humahanap ako ng paraan para malaman ko kung sino ang pumatay sa mga magulang namin."
Sinasabi na nga ba ni Raiden. Lalo lang lumala ang takot na nararamdaman niya para sa kaligtasan ng kapatid. She was using her influences as a photojournalist to learn the true story about their parents' untimely death.
"Sinabi ba nila kung sino ang nag-utos sa kanila na patayin ang kapatid ko sa Shiasena Temple?"
Shiasena Temple... Iyon siguro ang pangalan ng templong pinuntahan nila ni Rin kanina. Ngayon lang yata nalaman ni Raiden na alam ni Ate Yasha ang pangalan ng lugar na iyon.
Ilang sandali pa, narinig ni Raiden ang malalim na pagbuntong-hininga ni Ate Yasha.
"So you're saying that they made their move to eliminate us, as well? If that's so, mukhang kailangan ko na rin palang kumilos. Hindi pupuwedeng madamay ang kapatid ko sa gulong pinasok ko, Mamoru. It's already enough na na-comatosed ang kaibigan ko dahil sa mga nalalaman ko sa pamilyang iyon. Muntik na ring mapahamak si Dr. Yanai dahil sa akin. Ayoko nang mangyari ulit iyon dahil sa ginagawa kong ito."
Hindi na talaga maintindihan ni Raiden nang husto kung ano nga ba ang pinasok na gulo ni Ate Yasha since that night two years ago. Mukhang hindi basta-basta ang kinasasangkutan nitong sitwasyon ngayon. Pero bakit ayaw sabihin sa kanya ni Ate Yasha ang lahat?
"Sige. Mag-iingat ako. Bahala na kung ano'ng gagawin ko para masigurong hindi mapapahamak ang kapatid ko. But if you can, I'd like you to lend your help on this one. Sa ngayon, ikaw muna ang puwede kong pakiusapan tungkol sa bagay na 'to."
Napakunot na lang si Raiden ng noo dahil sa narinig na iyon. So this Mamoru Yumemiya must be an influential man for his sister to ask for that man's help.
"Just don't mention that to Takeru or God knows what that man would do when he finds out I actually asked for your help about having someone to protect my brother."
'Takeru? 'Yong ex-boyfriend ni Ate Yasha? Teka, ano na nga ulit ang buong pangalan ng taong iyon?' At isa pa, bakit iyon ang iniisip ni Raiden? May iba pa siyang dapat pagtuunan ng pansin. He guessed he really have to give everything he had about his training. Iyon na lang ang isang bagay na puwede niyang gawin para hindi na mag-alala sa kanya si Ate Yasha.
Raiden might not be sure who he would be up against, but he won't let them hurt anyone in his family. Iyon ang huling ipinangako niya sa ama bago ito mamatay. Protecting his family using the sword techniques he learned from his uncle would be the best method for him to use.
xxxxxx
"O, ano? Natawagan mo na ba?"
"Muntik na ngang hindi sagutin ang tawag ko at patayan ako ng cellphone, 'no?" Pagkatapos ay napabuga na lang ng hangin si Mamoru Yumemiya matapos sagutin ang walang pasubaling tawag sa kanya ng nag-iisang kapatid na si Miyako. "Kung hindi ako kaagad nagpakilala sa kanya, baka nangatal na iyon sa takot. Well, it's a good thing she remembered me."
Ilang sandaling hindi nagsalita ang sinuman sa kanila matapos niyon.
Kauuwi lang ni Miyako galing sa rehearsal para sa isang charity concert nang maabutan niya si Mamoru sa sala na tila malalim ang iniisip. He was holding his cellphone tight na siyempre ay ipinagtaka niya. Hindi pa siguro nito inaasahan ang biglang pag-uwi niya kaya malaya itong nakakapagpakita ng pag-aalala.
Yes, Miyako knew that Mamoru was worried about something.
"Was it a bad idea na inimbitahan natin siya noon para sa scoop ng isang exclusive interview?" mayamaya'y tanong ni Miyako sa kuya niya.
Ilang sandali rin ang lumipas bago sumagot si Mamoru. "Whether it really was a bad idea or not, hindi na maibabalik n'on ang anumang nangyari sa nakaraan. Ito na ang sumalubong sa atin. We just have to fight for it and face it heads on."
"Let's just hope magawa mo pa nga iyan kapag nagkaharap kayo ng mokong na naging dahilan kung bakit knight in shining armor ka ng mga damsels in distress ngayon."
Hindi na nag-alinlangan si Mamoru na batukan si Miyako dahil sa mga pinagsasabi niya. Wala na talagang kiber ang lalaking ito kahit na babae pa siya.
"Grabe, ha? Ang tindi mo namang makabatok diyan. Ang sakit kaya," reklamo niya at tinapos niya iyon ng pagnguso habang hinihimas ang kanyang ulo na hinampas lang naman ng kapatid niya nang walang pakundangan.
Mamoru smiled at the sight. "I guess it didn't take you long to adapt to this country. You also managed to learn the language easily."
"That's one of the qualities that the Yumemiya family is known for, my dear brother. And you know that. Pero wala pa rin yatang tatalo kay Kuya Chrono when it comes to having the ability to adapt easily." Ang tinutukoy niya ay ang pinsan nila sa ama na si Chrono Arthur Elzea. Half-Japanese at half-British din na gaya nilang magkapatid na Yumemiya.
But then she realized that Mamoru was stirring away from the real discussion. "Teka nga lang. Ano nga pala ang nangyari sa pagtawag mo kay Yasha Wilford? And heck! Why did Takeru even ask you to do that for him?"
"Takeru's mind is preoccupied and a lot has been going on. Muntik na nga raw mapahamak ang prinsesa kaya todo alerto silang lahat sa mansyon ngayon," seryosong saad ni Mamoru bago maupo sa sofa at sumandal doon. "As for my call with Miss Wilford, hindi na siya nagulat nang sabihin kong may huma-hunting sa kanya na posibleng may kinalaman sa nalalaman niya from more than two years ago. She said that somehow, she knew it would come to that. Ang ipinag-aalala lang niya ay ang kapatid niyang si Raiden. He doesn't have any idea about his sister's true mission of reinvestigating their parents' deaths and the events with regards to the attack."
Lalong naging halata sa mukha ni Miyako ang frustration. "This is seriously getting way out of hand."
"It does, but all we can do right now is to somehow help them from the shadows. Just as we always do ー as part of the Yumemiya clan."
Tumango na lang si Miyako. After all, they have a title to live up to. The word "shadow" to the Yumemiya clan meant more than just that. It could either become their ally, their power, or the source of their deaths.
Pagkatapos ng naging pag-uusap nilang magkapatid, agad na nagtungo si Miyako sa silid niya. But instead of sleeping early as she had originally planned, iba ang pinagkaabalahan niya ng mga sandaling iyon. She headed straight to her study table and pulled out a thick folder from one of the stacked up files inside one of the drawers. Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahong basahin ang mga dokumentong nilalaman niyon.
Pero sa patuloy na pagbabasa niya, hindi niya maiwasang makaramdam ng samu't-saring emosyon. Partikular iyon sa dalawang taong alam niyang talaga namang matindi ang involvement sa isa't-isa. But more than that, those two people had truly lived in sorrow all this time. Though at the very least, iyon ang napansin niya.
At mukhang siya pa lang yata ang nakapansin sa bagay na iyon.
No comments:
Post a Comment