Thursday, March 1, 2018

Mirui's Hyacinth: Smile At Me - Chapter 1

"O, SAAN ka ba pupunta at wagas lang kung magmadali ka? Wala namang multong humahabol sa iyo, ah."

Napatigil tuloy si Mirui sa pagtakbo paalis sa classroom at hinarap si Kyle na siyang nagsabi niyon. "Wala ngang multong humahabol sa akin. Pero meron namang Lexus Willard del Fierro na daig pa ang multo't halimaw kung maghasik ng katatakutan kapag hindi ako nakarating sa closed court at na-late pa ako ng dating doon."

"Si del Fierro na naman ang rason? Pambihira. Iba na nga talaga ang in love, 'no? Ang tiyaga mo kahit alam mong hinding-hindi ka niya mapapansin."

"Alam mo—"

"Yeah, yeah, I know. Hanggang friends lang talaga kayo at tinatrato mo siyang Kuya. Huwag ka nang magalit."

'Paanong huwag magagalit, eh saksakan ka ng kulit.' At ang bruhong Kyle na ito, may gana pa talagang umiling at ngumiti nang nakakaloko. Siya nga dapat ang gumagawa n'on, 'di ba? At least on the part of shaking the head. And the reason for her to do so if she would? Exasperation dahil sa walang kasawaang issue tungkol sa pagiging in love and in relationship daw niya kay Lexus Willard del Fierro. Wala na nga talagang kasawaan ang mga tao sa paligid nila sa pag-i-speculate nang ganoon.

But then, at least she was glad she was able to 'finally' clear it with Kyle. As for the others, Mirui couldn't do anything about it. She was impassive about the issue, as a matter of fact. There was a reason for her to become like that, though.

"Whatever. I'm going." At nag-umpisa na siyang maglakad—hindi takbo dahil nakita niya ang isa sa mga terror nilang professor sa hallway na iyon.

"Alam mo, mas maganda siguro na sa susunod naman, dumating ka na sa punto kung saan hindi lang si del Fierro ang maging dahilan ng pagpunta-punta mo sa closed court."

Nangunot ang noo niya sa narinig. When she turned around to face Kyle, kusang tumaas ang isang kilay niya sa nakitang tila nakakalokong ngiti ng ka-blockmate niyang iyon. 'Ano na naman kaya ang kabulastugang nasa utak ng lalaking ito?'

At sa totoo lang, hindi sigurado si Mirui kung dapat ba siyang ma-curious, mainis, o dapat na lang na hayaan niya ito. But if one would ask her, she'd rather do the last choice. Lilipas din ang topak ng Kyle na ito.

But weird enough, kahit anong pagkibit-balikat at pagpapalis sa isipan ang gawin niya, what Kyle had said continued to resound in her mind. 'Sira-ulo ka talaga kahit na kailan, Kyle! Sira na naman ang concentration ko nito, eh.' Nagkataong nagme-memorize pa man din siya ng mga nota mula sa isang classical composition na kailangang pag-aralan niya upang mai-perform iyon sa Foundation Day ng Alexandrite University. Pero dahil kay Kyle, good luck na lang sa kanya kung magagawa pa niyang maisaayos ang takbo ng utak niya.

= = = = = =

PERO naisip din ni Mirui, imbes na pagtuunan niya ng pansin ang topak ng kung sino mang nilalang, mas mabuti pa siguro na mas bigyan niya ng pansin ang takbo ng kanyang isipan. Lalo na ngayong may pinag-aaralan pa siyang music sheet. But certain circumstances that her thoughts kept on conjuring weren't helping her at all.

'And seriously, that totally sucks!'

"Wala na naman sa mundong ibabaw ang isipan mo."

Napaangat siya ng tingin mula sa binabasang music sheet nang marinig niya ang tinig na iyon. Nakita niya ang paglapit ni Guia sa kinauupuan niya roon sa greenhouse kung saan siya naroon nang mga sandaling iyon. Exclusive ang lugar na iyon sa mga miyembro ng grupong 'Imperial Flowers'. Ang totoo ay subgroup ng Spiritual Garden Society ang Imperial Flowers. Kinabibilangan iyon ng labing-dalawang babae na masasabing pinaka-talented at nirerespeto sa isa sa mga sikat na society ng Alexandrite University. Both she and Guia were a part of the 12 members of the said group, with the latter happened to be the current leader.

"Lagi naman pong wala sa mundong ibabaw ang katinuan ko kapag binabanatan na ako ni Kyle ng kung anu-anong kalokohang tumatakbo sa utak ng bugok na iyon." Napasimangot pa talaga siya para lang ipakita ang inis niya.

"Para namang hindi ka pa rin sanay sa lalaking iyon kung makapagreklamo ka sa akin ngayon. Eh tatlong taon mo na siyang ka-blockmate." Bumuntong-hininga si Guia. "What did he do this time?"

"He said na sana, dumating na raw ako sa puntong hindi lang si Lexus ang maging dahilan ng pagpunta-punta ko sa closed court. Kung alam lang niya na napapapunta lang naman ako roon dahil wagas kung makautos sa akin si Lexus, ewan ko lang kung magagawa pa niyang sabihin ulit iyon sa akin. And he said that after I made it specifically clear to him that Lexus and I don't have any relationship at all except to that of... friendship."

'Sheesh! Why did I have to hesitate in saying it?' Well, part of it contained the truth. Mirui and Lexus did have friendship as a relationship. Pero may isa pa silang klase ng relationship na ilang taon nang hindi nalalaman ng sinuman—not even her fellow members in the Imperial Flowers. At wala pa silang balak ni Lexus na pagsabihan ang kahit na sino tungkol sa well-guarded secret nilang iyon.

"Makulit lang talaga? Well, at least klaro na sa kanya ang lahat. But did he really say that?"

Tumango siya at muli na lang niyang itinuon ang atensiyon sa binabasa. Pero kahit anong pilit niyang ituon ang isipan niya sa dapat niyang gawin, it was starting to drift somewhere she could perhaps consider as something insane. And no, it wasn't anything about Lexus.

"Pero alam mo, I agree with Kyle," mayamaya'y saad ni Guia, dahilan upang mapakunot ng noo si Mirui at mapatingin rito.

"Ate, seryoso ka lang talaga?"

"The entire group already knew that you and Lexus just happens to be close, but only as friends and nothing more."

Kung alam lang ni Guia, gustong-gusto na niyang kontrahin ang sinabi nito na "nothing more" but she held herself back.

"Pero hindi mo maikakaila na marami ring guwapo sa tennis club kung saan kabilang si Lexus. It's possible na sinusubukan ka nang ibugaw ni Kyle sa mga iyon."

She rolled her eyes at Guia's remark. "Yeah, right. Good luck na lang kung makalagpas sila kay Lexus." Pero sa sinabi niyang iyon at sa pagkakaalala niya sa mga sinabi ng buwisit na Kyle na iyon, idagdag pa ang mga komento na rin ni Guia, bigla siyang may naalala. She remembered a certain guy at alam niyang nasa closed court na rin ito kasama ni Lexus.

But she had to admit, that guy was a mystery to her. Hindi niya alam ang talagang dahilan pero lagi kasi niyang napapansin na para bang iniiwasan siya nito. Not that she wanted that heck of a cold and snow-colored campus prince to notice her. Hell, she doesn't even care if he'd notice her or not. Nahihiwagaan lang talaga siya rito. As far as she knew, nag-e-exist pa naman siya sa mundo. Hindi pa naman siya multo para hindi nito mapansin ang existence niya.

Napaungol na lang siya sa sobrang inis niya. Bakit ba niya iniisip ang lalaking iyon in the first place? Napakamot tuloy siya ng ulo dahil sa dami ng isiping pumapasok sa isipan niya. 'Nakakainis lang talaga, ah! Puwede bang umalis ka na lang sa utak ko forever, Theron Heinz Monterossa? Nakakainis ka na! bakit ba lagi mo na lang kinukulta ang utak ko nang ganito? Eh ano naman ngayon kung ayaw mo akong pansinin? No big deal naman sa akin iyon, 'di ba?'

Hay, naku naman! Nagwala lang talaga ang isipan niya? But then, to be honest, it was clear that Theron was truly avoiding her. It wasn't simply because he didn't notice her. Pagtagni-tagniin niya lang ang lahat ng mga naging encounters nila ng lalaking iyon, alam na niya kaagad. It was as if he didn't really want to see her. She knew he was avoiding her... and he was doing it for a reason.

At ang rason na iyon ang kailangan niyang malaman.

"Wait a minute. I thought you told Kyle na pupunta ka sa closed court kanina," kapagkuwa'y sabi ni Guia na pumutol sa pagmumuni-muni niya.

"I was supposed to. Pero wala naman si Lexus sa closed court kanina. May meeting daw kasama ang mga coaches, captains, and vice-captains ng iba pang sports clubs. Hindi ko naman alam kung hanggang anong oras matatapos iyon." Pagkasabi niyon ay tiningnan ni Mirui ang oras sa wristwatch niya. "Ang I guess they're done by now." May mahigit 30 minutes na rin pala mula nang sabihin siya na nasa meeting si Lexus. "I have to go, Ate. Mahirap na. Baka magwala ang monster na iyon kapag wala pa rin ako sa closed court."

Tawa lang ang naging ugon ni Guia sa sinabing iyon ni Mirui. Pagkatapos niyon ay tuluyan na siyang nagpaalam at umalis sa clubhouse. A ten-minute walk to the closed court... Maybe she could do it.

Hindi na siya nagsayang pa ng sandali at nagmadali na siya sa pagpunta sa closed court. She had to reach it before Lexus could. Mabuti na 'yong sigurado. Hindi pa niya gustong matadtaran ng sermon ng lalaking iyon.

After a few minutes, she finally reached the place since she practically dashed in order to reach the closed court—which was the other term for the indoor tennis court. She could hear some people in there, which means balik na sa pagpa-practice ang mga tennis club members. Nahinto kasi ang practice ng mga ito dahil na rin sa utos ni Lexus bago ito magpunta sa meeting.

"That means Lexus is already in there." And that means, she was so dead!

Pumasok na siya sa loob ng closed court. At napatirik na lang siya ng mga mata nang marinig na naman niya ang nakakabinging tilian ng mga babaeng nakatambay doon. Ano pa nga ba ang aasahan niya? This was just one of the usual happenings in the area. 'Pero hello? Puwede naman sigurong maging fan ng isang team o kahit na sinong icon o personality na hindi nag-iingay, 'no?'

Nagpatuloy na lang siya sa pagpasok. Ang destinasyon niya ay sa locker room sa closed court. Pero paglikong-pagliko niya, bumangga lang naman siya sa kung sinong tila pader ang katawan sa tigas. At talagang napaupo pa siya sa sahig sa sobrang lakas ng pagkakabangga niya. Kung hindi nga naman talaga siya minamalas.

"I'm so sorry. Are you okay? I'm not looking in the way. It's my fault, so I apologize..."

Pero hindi sa litanya ng taong bumangga sa kanya nakatuon ang pansin niya. What mattered to her at the moment was the fact that she recognized the voice.

Napaangat siya ng tingin. At kahit ayaw niyang gawin, nanlaki ang mga mata niya sa nakita.

Having a familiar pair of chocolate brown eyes and distinctive skin complexion, Mirui knew it was him. She couldn't believe it! She finally got to see him that up close.

'Totoo ba ito? Ikaw ba talaga ang nasa harap ko ngayon, Snowflakes?'

Or should she say... Theron Heinz Monterossa?

= = = = = =

SA LOOB ng tatlong taon ni Mirui sa AU, napag-isip-isip niya na marahil ay tama nga si Lexus nang minsang sabihin nito sa kanya na hindi na nga yata niya malalaman ang rason ng pag-iwas sa kanya ni Theron. Pero hindi niya maintindihan kung bakit naroon pa rin sa kanya ang desire na hindi na dapat magtagal ang iwasan scenario sa pagitan nila ni Theron Heinz Monterossa—who happened to be the guy she inwardly called Snowflakes.

At sa tingin niya, matatawag nang chance na makagawa ng paraan para mangyari iyon ang pagkakabangga niyang iyon sa taong pilit siyang iniiwasan magmula nang magkakilala sila.

"S-sorry talaga, Mirui..."

Lihim siyang napabuntong-hininga at hinarap niya si Theron.

"If you're really that sorry for what you've done, then I want you to do me a favor as a compensation." 'Well, good luck na lang sa akin kung papayag ito sa gusto ko.'

"Huh? Compensate?" Makakunot naman ng noo ang lalaking ito, wagas.

"Oo, compensate. Huwag mong sabihing hindi mo pa alam ang ibig sabihin ng 'compensate'. Ibabalik kita sa elementary." Hay... Umiral na naman ang tabas ng dila niya.

Paano ba naman kasi, kung makakunot ng noo itong Snowflakes na ito, para talagang hindi nito alam ang sinasabi niya.

"Look, wala akong panahon para mag-compensate sa kung ano man. Right now, I really have to go."

At ang bruho, umalis na lang bigla. Tumakbo pa talaga. 'Kung makatakbo naman ito, akala mo kakainin nang buhay.' Iniwan pa talaga siya nitong nakaupo sa sahig.

Bumuntong-hininga na lang siya nang makita niyang tuluyan nang tumakbo paalis si Theron. Grabe lang talaga! Walang katulad sa pagkamanhid.

No comments:

Post a Comment