"What the--?!" Iyon lang ang tanging reaksyon ni Theia nang mapansin ang paglabas ng blade mula sa cylinder na hawak ni Nanami. This was crazy! No one in the agency had told her about Nanami possessing an improvised weapon. Pero agad din siyang napangisi sa nasaksihan. Ipinagpatuloy na lamang niya ang pagsugod sa Scarlet Saber.
Apparently, Nanami owned a cylinder built with a retractable blade for protection purposes. Puwede na rin siguro for battle purposes. And it was a good thing naisip iyon ni Tetsuya na gawin para sa kanya. Lalo na sa mga sandaling iyon.
The two female warriors clashed their swords with the intention of gaining advantage over the other. With each strike of their swords, they could feel the rage that goes with it. Patunay din iyon na walang gusting magpatalo sa kanila.
The clashing of swords continued. Pero mukhang hindi na kayang manood na lang ang iba pang tauhan ng Dark Rose. Hindi nagtagal ay napansin ni Nanami na papasugod ang tatlo sa mga iyon. Walang pasubaling inilabas niya ang isang traditional Japanese dagger called tanto (though her version was a double-edged one) sa isa pang sleeve ng suot niyang jacket at hiniwa ang leeg ng mga iyon in just one straight but fatally deep slash using it. Two more appeared and charged toward her from both Theia's sides. Kasabay rin niyon ang pagsugod ni Theia sa kanya. Inihanda na lang niya ang sarili sa pagsugod ng mga ito.
Nanami used her sword to block the first oncoming attack before stabbing the second attacker through his stomach with the tanto as she kicked Theia. Tumumba ito nang 'di kalayuan ngunit sapat na upang bitiwan nito ang hawak na espada. Without wasting any second, the Scarlet Saber soon sent a downward strike of her sword to her other assailant. Hindi man niya nahiwa ang isang balikat nito gaya ng nauna niyang intensiyon, sapat naman ang pag-atake niyang iyon upang tuluyang patumbahin ang kalaban niya. Her strike delivered a fatal chest wound.
Bahagyang humihingal si Nanami nang harapin niya si Theia. She was able to block her attacker's strike with her sword as they gave hard and challenging stares to each other.
"You've become brutal in your battles this time, Nanami. Still upset that you and your siblings can't even find us?" Theia sneered soon after.
In retaliation, ginamit ni Nanami ang tanto na hawak niya upang ibigay ang mensaheng kailangang malaman nito--by injuring Theia's hand that held the sword and also her face. 'Di naglaon ay naging halata ang namuong galit sa mga mata nito.
"How dare you!" nagngingitngit na saad ni Theia nang mapaatras dahil sa ginawa ni Nanami.
"I should be the one saying that, you witch!" malamig naming tugon ni Nanami at inihanda na ang sarili sa susunod na pag-atake nito. Hanggang sa may napansin siya, dahilan upang maningkit ang mga mata niya.
Instead of shielding herself from Theia's sword attacks, Nanami found herself working on her reflexes as she blocked each of the bullets that were about to hit her. Medyo nahirapan siya at aminado siya sa bagay na iyon. Her combat speed was nothing compared to that of Hotaru Nanasaki. Pero nakatulong naman ang isang bagay na itinuro nito sa kanya noon.
'Speed is just half of what a warrior like us needs in the battlefield. But sensing an oncoming attack and trying to prevent them from hurting you using speed would take you long years of training to master it. Feel your surroundings as if it is water. Every single movement causes ripples to occur. Not to mention, it also slows down the speed of the attack-be it a sword strike or a bullet that is about to hit you. Take advantage of all that and you'll be able to face them head on even if you're not as fast as I am...'
Hotaru used water as an example dahil alam nito na ang elemental representation ng pamilya ni Nanami ay tubig.
Natigil lang sa pag-iisip si Nanami upang muling ihanda ang kanyang sarili sa tila sunud-sunod na pagsugod sa kanya. Mukhang hindi lang yata si Theia ang member ng Dark Rose Agency na planong pumatay sa kanya. At napatunayan niyang hindi siya nagkamali dahil nagpakita na rin sa wakas ang kung sinumang nagtangkang patamaan siya ng mga bala. Napahigpit lang ang hawak niya sa kanyang sandata.
"I told you not to interfere with me, Phoebe!" nagngingitngit na sabi ni Theia sa isang babaeng papalapit ditto na may hawak pang baril at nakatututok iyon kay Nanami.
"Well, sorry. I was only given an order. I'm just sticking to it, unlike you," the woman named Phoebe calmly stated with a smirk. Soon after, she faced Nanami. "You definitely have the skill for a Miyuzaki brat."
"Sino kaya ang mas brat sa ating dalawa eh ikaw at ang kasamahan mo ang walang pasabing nanunugod?" Nanami retorted icily. Of course, she had already expected Phoebe to react to that. Alam niya na ayaw nitong tinatawag itong brat. Palibhasa, lumaking spoiled.
That is, kung tama ba ang impormasyong minsan nilang nakalap tungkol sa isang dating modelo na naglahong parang bula sa modeling industry at kalaunan ay naging isang assassin.
Inaasahan na ni Nanami na papuputukan siyang muli ni Phoebe so she positioned herself to a stance to block the incoming bullets. Pero sa gulat nilang tatlo, hindi kay Phoebe nanggaling ang isang pagputok ng baril na narinig niya. Kasabay rin niyon ang pag-igik ni Phoebe nang puwersahang mapatalsik sa kamay nito ang hawak nitong baril.
"Naïve as you'll ever be, huh, Phoebe?" ani isang baritonong tinig 'di kalayuan mula sa kinatatayuan ni Nanami.
Pero kasabay rin niyon ay ang tila pagtigil ng mundo ni Nanami dahil sa tinig na iyon. Hindi na niya kailangang lumingon pa para malaman kung sino iyon.
"You sure had the guts to interfere, Satoru!" nanggagalaiting sabi ni Phoebe. Surprisingly, the female gunner still maintained a calm expression despite the obvious frustration.
Sinasabi na nga ba ni Nanami. Pero ano'ng ginagawa nito sa lugar na iyon?
"Ako dapat ang nagsasabi niyan sa iyo, Phoebe. Interfering a sword fight between duelists was something unforgivable. Lalo na kung may plano kang patayin ang isa sa kanila."
Naramdaman na ni Nanami ang paglapit ni Satoru at tumigil ito sa paglakad ilang hakbang ang pagitan sa kaliwa niya. But before any of the two Knights could comprehend the situation, they found themselves in a 2-on-2 battle with Phoebe and Theia. They both managed to hold them off but they didn't expect to deal with more of the Dark Rose's minions. Isa-isa nilang pinagpapatay ni Satoru ang mga iyon. Pero napansin nila kinalaunan na ginamit lang nina Phoebe at Theia ang pagsugod ng mga tauhan ng mga ito sa kanila upang makatakas.
"This is why I hate dealing with any of those Dark Rose witches!" Sa buwisit ni Nanami ay napalakas ang pagsipa niya sa mukha ng isa sa mga sumusugod sa kanya. Napapadiin din ang pagsaksak na ginagawa niya sa ilan sa mga iyon. The goons attempted to strike her down but she didn't let them dahil inunahan na niya ang mga ito. Using her sword, she slashed the throats and stomachs of her attackers in a precise and truly fatal manner. Wala siyang pinalampas at pinatawad sa mga iyon.
Hindi nagtagal ay natapos na ang engkuwentrong iyon at napabuga na lang ng hangin si Nanami. Napatingin siya kay Satoru na sa gulat niya ay nakatingin pala nang mataman sa kanya. Wait, how long was he looking at her? "A-ano naman ang tinitingin-tingin mo?"
"Ang sungit mo naman. Meron ka?"
"Ewan ko sa iyo!" asik ni Nanami sa ngingiti-ngiting si Satoru. Tumalikod na lang siya upang hindi nito makita ang pamumula ng pisngi niya. Grabe! Hindi na nahiya sa itinanong nito. At ang bruho, tumawa pa talaga. But then-- "Teka nga pala. Ano'ng ginagawa mo rito? Sa pagkakaalam ko, nasa Munich ka dahil sa trabaho."
"Parang ayaw mo na akong papuntahin dito, ah," nakasimangot na tugon ni Satoru na ikinatirik na lang ng mga mata ni Nanami. Pero agad ding nagseryoso ang lalaki pagkalipas ng ilang sandali. "I was ordered to go back here, okay? Hindi lang ako. Pati na rin ang magkambal at si Chrono. Julie and Shigeru couldn't possibly abandon their missions at this point. Kaya hindi pa makakauwi ang dalawang iyon."
Natahimik na lang si Nanami sa mga narinig niya. Napatingin siya sa mga nagkalat na bangkay sa paligid nila. Hindi man niya gusto pero unti-unting nagsisidatingan sa kanyang isipan ang mga alaala ng gabing iyon. Napahigpit tuloy ang hawak niya sa kanyang tanto dahil doon.
Nagulat si Nanami nang maramdaman niya ang pagdantay ng kamay sa kanyang balikat. Sumunod na lang niyang namalayan na dahan-dahan na siyang kinakaladkad paalis sa ungas na iyon. And Satoru was the one doing it.
"I know the Dark Rose will clean this mess. Let's just get out of here before the others decide to attack you again," ani Satoru na hindi tinitingnan si Nanami habang paalis sila sa lugar na iyon. Hindi na kailangang magsalita pa ng dalaga para malaman niya kung ano ang tumatakbo sa utak nito. Kaya niya hinila na niya ito roon bago ito mag-breakdown--if that was even possible dahil hindi pa niya ito nakitang ganoon.
Hindi na nagsalita pa si Nanami at hinayaan na lang niya si Satoru na gawin ang gusto nito. Isa pa, ngayon lang naman ito, eh. Baka kailangan na lang siguro niyang samantalahin ito.
At least, iyon ang nasa isipan niya.
No comments:
Post a Comment