GUSTO NANG umatras ni Kourin at umuwi na lang sa bahay nang makarating na siya sa Skyfield University. Wala pa talaga siyang ganang pumasok, sa totoo lang. pakiramdam niya ay nanghihina siya. Ang dami ba naman kasing nangyari nang linggo lang na iyon.
"Saan na naman ba lumilipad ang utak mo, Rin? Pambihira! Monday na Monday, hindi na naman maabot ang mundong tinatahak ng utak mo."
Kourin sighed exasperatingly as she gave Raiden a droll stare. The boy just chuckled at the sight of that.
"At mukhang high blood ka pa yata ngayon. What happened? Siguro naman, puwede mong ikuwento sa akin ang tungkol diyan, 'no? Maybe I could help," Raiden offered.
Nang tingnan ni Kourin si Raiden at makita niya ang sinserong mukha nito, natigilan siya. But as if she would actually tell him her worries. Hindi naman nito maiintindihan ang mga gumugulo sa isipan niya nang mga sandaling iyon. "Sorry, but I'd rather keep it a secret."
"Again? Alam mo, gusto ko na talagang isipin na wala akong kuwentang kaibigan sa iyo. Lagi mo na lang akong iniitsepuwera kapag nagtatanong ako tungkol sa mga pag-aalala mo." At ang bruhong si Raiden, talagang nakuha pang ngumuso. Seriously, parang bata lang.
Pero kahit papaano, natawa si Kourin sa nakitang iyon. "Stop pouting. It doesn't look good on you."
"May karapatan naman siguro akong ngumuso kapag nagtatampo, 'no?"
"Ang kulit mo talaga. Hindi nga bagay sa iyo, eh." Para matigil na ang papasimulang debate na naman nina Kourin at Raiden, hinila na ng dalaga ang kaibigan niya. Magsisimula na ang klase nila sa loob lang ng ilang minuto.
Saka na pagtutuunan ni Kourin ng pansin ang mga panggulo sa isipan niya. hindi dapat magulo ng kung ano ang concentration niya sa araw na iyon. She had to study ― real bad. At least, iyon ang nasa isipan niya.
Mabuti na lang at agad na narating nina Kourin at Raiden ang classroom kung saan sila magkaklase for the first hour. Halos lahat ng mga estudyante sa subject na iyon ay naroon na. Pagdating na pagdating nila roon, agad silang sinalubong ng kaibigan ni Raiden na eventually ay naging kasundo na rin niya mula nang dumating siya sa Pilipinas.
"Alam n'yo, ang dadaya ninyong dalawa. Hindi na talaga kayo mapaghiwalay, 'no?" nakapameywang na salubong ng isang babaeng mahahalata sa features nito ang pagiging Haponesa.
Well, the girl was indeed Japanese. Nag-migrate nga lang sa Pilipinas when she was 3. Or at least iyon ang kuwento ni Chizue Kajimoto kay Kourin nang tanungin siya nito tungkol sa pinanggalingang bansa.
"Ako na nga ang lumalayo, 'no? Si Raiden lang naman ang makulit, eh," tugon ni Kourin bago siya dumiretso sa upuang ginagamit niya.
"Eh kung ganyan ka ba naman kasi palagi na nawawala sa sarili mo, sino ba naman ang taong hindi lalapit sa iyo't tatanungin ka kung ano'ng problema mo?" Chizue sighed and approached Kourin. Soon after, she was cupping the princess' face na ikinagulat at ipinagtaka na rin niya.
Ilang sandali ring pinakatitigan ni Chizue si Kourin. Hindi tuloy niya alam kung mawi-weird-uhan ba siya o matatakot sa tila mapang-usisang tingin nito sa kanya.
"B-bakit naman ganyan ka kung makatingin sa akin?" Kourin had to admit, kinakabahan siya sa ginagawang iyon ni Chizue sa kanya. Hindi man niya aminin pero sa simula pa lang ay alam na niyang may kakayahan si Chizue na malaman ang iniisip niya. Kung papaano, hindi niya alam.
"You're thinking of a guy, aren't you?" kapagkuwa'y pahayag ni Chizue kay Kourin na lihim na ikinagulat ng huli.
Nakita naman ni Kourin na tila kumuha sa atensiyon ni Raiden ang sinabing iyon ni Chizue. From the way the other girl said it, it was more of a statement than an inquiry. Pero ang isipan niya, nagtatanong kung paano nito nalaman ang tungkol doon.
"I think it's normal for me to think of a guy, right?" 'Oh, great!' Ano ba 'tong lumabas sa bibig ni Kourin?
"Yeah, I know. Ang akala ko nga, manhid ka, eh. Never ka man lang kasing nagpahayag ng pagkagusto sa kahit na sino sa mga guwapitong gustong manligaw sa iyo. Well, idagdag pa na binabakuran ka rin ng isa pang guwapitong kilala nating dalawa." At pasimpleng tiningnan ni Chizue si Raiden na nagkataong malapit sa dalawang dalaga.
Raiden returned the gesture with a skeptic stare. "Ano na nama'ng kasalanan ko sa iyo?"
"Wala. Other than the fact na mas manhid ka pang 'di hamak kaysa kay Rin kaya hindi ka makaramdam at makahalata," Chizue stated matter-of-factly.
Kahit ayaw ni Kourin ay napatawa na rin siya. Lalo na nang makita niya ang pagnguso na naman ni Raiden. Mukha yatang nagiging trademark na nito ang gawaing iyon, ah.
Nagpatuloy lang ang pag-uusap nilang tatlo. Pero most of the time, asaran blues lang sa pagitan nina Chizue at Raiden. As for Kourin, kahit sabihin pang nakikinig siya sa pinagtatalunan ng dalawang ito, wala naman doon ang focus niya.
"Hay... Hindi na naman namin maabot ang nilalakbay ng isipan niya."
Agad na napatingin si Kourin sa nagsalitang iyon. Only to be greeted with worried looks from her two friends. Pilit tuloy ang ngiting ipinakita niya sa mga ito dahil panigurado na hindi rin naman siya makakapag-deny sa mga ito.
Laking pasalamat na lang ni Kourin nang mabaling ang atensiyon nina Raiden at Chizue sa mga babaeng biglang nagtilian. The three of them gave a look of confusion to each other. Lumapit si Chizue sa isa sa mga iyon at tinanong ang dahilan ng pagkakaganoon ng mga ito.
But Kourin wasn't paying attention to the girl's reply. Her gaze landed outside the classroom, following the walking figure of a guy na hindi niya akalaing makikita niya sa lugar na iyon. Indeed, she was surprised to see 'that person' there. But instead of the look of admiration the other girls were giving to him, the young Shinomiya princess was staring at him with wide eyes. Kasabay niyon ay ang panlalamig ng mga kamay niya at ang malakas na kabog ng dibdib niya.
Moments later, as if on cue, Kourin's gaze met with that of the equally surprised Seiichi that halted him to a stop.
Was fate really playing a trick on them? Kailangan ba talaga na magkita sila sa lugar na iyon at that moment of all days?
No comments:
Post a Comment