Thursday, March 15, 2018

Mirui's Hyacinth: Smile At Me - Chapter 2

"HAPON na hapon, highblood ka na naman," puna ni Lexus kay Mirui pagkauwi niya sa bahay nila na matatagpuan sa isang subdivision dalawang kanto lang ang layo mula sa Alexandrite University. Not many people knew but she and that big guy named Lexus-na sinermunan lang naman siya dahil sa late na pagdating niya sa closed court-ay sa iisang bahay lang nakatira. Well, there was a reason for that.

"Sino ba naman ang hindi maha-high blood sa buwisit na Snowflakes na iyon? Walang katulad sa pagkamanhid ang buwisit na 'yon. Grabe talaga! Nakakainis!" And the usual, nagwala na talaga siya sa harap nito. Anyway, wala naman siyang kiber kapag kaharap niya si Lexus Willard del Fierro. Okay lang naman kasi rito na kesehodang magwala siya sa harap nito.

Well, at least she hoped na okay lang dito. Kunsabagay, sanay naman na yata ito sa mga rantings niya. Pakibagayan ba naman kasi nito iyon for a long time. Pero hindi alam ng madlang pipol ng Alexandrite University kung gaano katagal ang 'long time' na iyon. All they knew was that she and Lexus just met at the university.

"Si Monterossa na naman ang ipinagwawala mo?Pambihira ka, Rui. Magtatatlong taon nang ganyan ang reklamo mo tungkol sa kanya. Hindi ka pa rin ba sanay sa pagiging manhid ng lalaking iyon, as you say it?" Napailing na lang si Lexus na nagpakunot naman ng noo niya.

"Iyon na nga, eh. Magtatatlong taon na akong nagrereklamo sa pagiging indifferent ng lalaking iyo, as if I never existed at all." Napakamot na lang siya ng ulo at hinarap si Lexus who ended up getting startled. "Hindi naman ako pangit at nakakadiring tingnan, 'di ba?"

Pero ang bruhong ito, wagas na pagtawa ang naging tugon. Seriously, nakakainis lang! "Kuya naman, eh!"

Ilang sandali rin ang pinalipas ni Lexus bago ito kumalma. "Ano ba naman kasing klaseng tanong 'yan, ha? You're beautiful, okay? At mas lalong hindi ka nakakadiring tingnan. Why do you think you have so many suitors? Ikaw lang ang nag-iisip niyan dahil sa frustration mo kay Monterossa."

"Nakakainis kasi siya, eh," nakasimangot na tugon niya at agad na dumiretso na lang sa hagdanan paakyat sa palapag kung saan naroon ang silid niya. Pero hindi pa man siya nakakapangalahati ng akyat ay napalingon siya nang marinig niya ang tila pabagsak na paghiga ni Lexus sa mahabang sofa.

Nangunot ang noo niya at umiral din ang pag-aalala niya para rito kaya bumaba ulit siya at nilapitan ito. "Okay ka lang, Kuya?"

"Yeah, I'm fine. I just need to rest." Pero sa paraan ng pagsagot nito, tila hindi pa yata maganda ang pakiramdam nito.

That was when it struck her!

Agad niyang dinama ang leeg at noo ni Lexus. Hindi nga siya nagkamali. "May sakit ka na!"

"I'll be fine. Kailangan ko lang kumain at matulog and then I'll be alright again tomorrow."

"Yeah, right. You said the same thing before pero ano'ng nangyari? Nagkatrangkaso ka for five days. Ano na naman ba kasi'ng ginawa mo? Pinahirapan mo na naman ang sarili mo?" Mirui exhaled in an attempt to dissipate her frustration and worry for Lexus. Ganoon siya palagi kapag ganoong nagkakasakit ang lalaking ito.

"I have to be fine, okay? Ayokong mag-alala pa lalo si Monterossa kapag nalaman niyang lumala ang sama ng pakiramdam ko."

Now that had caught Mirui's attention. "Paanong napasok si Snowflakes sa usapan?"

Lexus tried to sit up and she helped him. "Siya ang kumuha ng gamot sa medical office nang malaman niyang masama na talaga ang pakiramdam ko. Para pa nga siyang hinahabol ng multo nang umalis siya sa locker room." He laughed kahit halata na hindi na talaga maganda ang pakiramdam nito.

Napaisip tuloy siya pagkatapos niyon. 'So that's why he was apologizing a lot for not looking in the way.' Nagmamadali pala ito para kay Lexus. But even if she finally knew the reason, hindi pa rin nangangahulugan iyon na palalampasin niya ang pagkakabangga ni Theron sa kanya. Gaya nga ng sabi niya, he has to compensate for that as an apology.

Pero saka na niya iisipin iyon. She had to worry about Lexus' condition first more than anything else.

xxxxxx

NAPATIGIL sa pagtugtog ng violin si Mirui at napabuntong-hininga nang malalim. She was staring blankly at the music sheet in front of her. Gusto na talaga niyang mainis sa sobrang pagkaaburido, sa totoo lang. Hindi dapat siya papasok nang araw na iyon upang bantayan at alagaan sana si Lexus. Pero ang bruhong iyon, insisting lang at saksakan pa ng kulit.

Ayaw kasi nitong um-absent siya dahil alam nito na abala siya sa pagpa-practice para sa musical performance niya. But heck! Paano naman daw kaya siya makakapag-concentrate sa ginagawa niya kung ganito namang kinakain siya ng alalahanin para kay Lexus? Paano ba naman kasi? Naging trangkaso na ang simpleng lagnat nito, gaya ng hinala niya.

"Ang tigas kasi ng ulo," aniya sa mahinang tinig with matching pagnguso pa. napakamot na lang siya ng noo at pinilit na lang niya ang sarili na ipagpatuloy ang pagpa-practice.

"Ano na nama'ng topak meron ka at pati ang nananahimik na violin, hindi nakaligtas sa sermon mo?"

Natigil sa akmang pagpapatugtog ng violin si Mirui at napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig na iyon. "Ate Kresna!" Umingos siya nang rumehistro na sa utak niya sa wakas ang naging bungad nito. "Hindi ang violin ang inaaway ko. Naalala ko lang kasi si Lexus. May sakit kasi kaya hindi ako mapakali rito." Well, at least she was vocal about her worries for that big guy. Kunsabagay, wala naman siyang inililihim sa mga kasamahan niya sa Imperial Flowers.

Except for one thing, though.

"Hay... Alam mo, Mirui, sa ipinapakita mong concern para kay Lexus, hindi na talaga nakapagtatakang marami ang mag-aakalang may relationship kayo ng lalaking 'yon."

"Ate Kresna naman! Huwag mong sabihing pati ikaw-"

"Of course... I know that you two only have friendship at parang magkapatid lang talaga ang turingan ninyo sa isa't isa."

Mirui's only response was a sigh of relief. Pero siya lang ang nakakaalam na may double meaning ang relief na naramdaman niya. "Ang kaso, hindi iyon ang nakikita nila. Hanep din naman kasing gumana ang imagination ng mga iyon. Daig pa ang mga art student members ng SGS." Ang tinutukoy niya ay ang organization na kung tawagin ay Spiritual Garden Society kung saan ang Imperial Flowers na kinabibilangan niya ang subgroup niyon. "Anyway, masisira lang ang araw ko kung iisipin ko na naman iyon. I'd rather focus on practicing habang hindi pa kalat-kalat ang takbo ng utak ko."

Napangiti naman si Kresna at umiling-iling. "You and your father are really alike when it comes to music, huh?" Iyon lang at agad na itong umalis sa tabi niya.

Ayaw man niya ay nahinto ulit ang akmang pagpapatugtog niya sa kanyang violin. Sinundan niya ng tingin si Kresna na bumalik lang sa practice station nito at nagsimulang mag-rehearse ng kantang plano nitong kantahin sa isang singing competition. Napangiti na lang siya kalaunan nang maalala ang sinabi nito.

That she and her father were really alike.

Tama naman ito. Music lover ang kanyang Japanese immigrant na ama na isang piyanista, si Satoshi Asahiro. Dito niya namana ang musical inclination and talent niya-a trait that she used for her to prove that she could become a part of what was said to be a school organization of the most talented ladies of Alexandrite University. Pero bukod sa talento niya sa musika, isa pang dahilan kung bakit siya natanggap sa SGS ay ang talento niya sa ice skating-a talent she inherited from her figure skater-turned-skating coach mother, Sierra Asahiro. Pero tanging ang mga miyembro lang ng Imperial Flowers ang nakakaalam ng pangalawang talento niyang iyon.

Mirui grew up having those talented couple as her parents. But she preferred to live a life without being overshadowed by their achievements. Kaya naman pinagbubutihan niya ang lahat ng performances ng IF kung saan kabilang siya.

Pero sa totoo lang, hindi pa rin niya maintindihan kung bakit tila sa pakiramdam niya ay may iba pang dahilan kung bakit ginagawa niya ang lahat.

It was as if... she was trying to gain someone's recognition.

xxxxxx

"ANG tindi rin palang tamaan ng lagnat si Captain, 'no? Inabot talaga ng limang araw."

"Kaya siguro alagang-alaga siya ni Mirui. Pati ang babaeng iyon, hindi mapakali habang nagkaklase kami, eh. Lutang ang utak."

Pigil ni Theron ang mapabuntong-hininga nang marinig niya ang komentong iyon. Dalawang komento lang iyon pero sapat na para paguluhin na naman ang isipan niya. Hindi nga lang niya ipinapahalata. Kunsabagay, madali na lang sa kanya na gawin iyon. Bukod sa 'Captain' na pinag-uusapan ng kung sino man sa mga kasamahan niya, isa siya sa mga stoic members ng varsity tennis team. Sanay na siya na hindi nagpapakita ng emosyon.

Walang salitang umalis siya sa bench kung saan siya naroroon nang mga sandaling iyon at nagpapahinga. Katatapos lang ng practice match niya sa isa sa mga kasamahan niya. Agad na siyang dumiretso sa locker room kung saan sa palagay niya ay makakalayo siya sa mga kasamahan niyang malakas lang ang loob pag-usapan si Captain Lexus kapag wala ito.

Pero ang inaasahan niyang katahimikan, mukhang malabo pa niyang makuha. Dahil pagbukas ng pinto ng locker room, sumalubong sa kanya ang malulutong na mga halakhak ng mga nag-aasarang mga ka-teammate niya. Normally, he would have rolled his eyes, shook his head and decided to ignore it before leaving the place. But they have been his teammates for the past three years. Ganoon katagal na rin niyang naabutan ang ganoong scenario kaya wala nang bago.

This time, he let out a heavy sigh. Surprisingly, naging sapat naman iyon upang manahimik agad-agad ang mga teammates niya.

"Wagas ka namang makabuntong-hininga riyan, Ron," puna ni Selwyn na natawa pa.

"Oo nga. Parang hindi ka na bubuntong-hininga kinabukasan niyan, ah," dagdag naman ni Jerricko.

Theron would have eyed those two incredulously. But that would only mean the end of the world for them. Napailing na lang siya. "Kailangan ko pa talagang sabihin ang dahilan kung bakit?"

"Sus! Parang hindi ka naman nasanay sa amin, Ron. Tatlong taon na tayong ganito, ah," komento naman ni Errol.

"Nagsawa na siguro." At sinundan iyon ni Clifford ng halakhak.

Napakamot na lang siya ng ulo at muling napabuntong-hininga. Seriously speaking, hindi na yata niya magagawang sabayan ang takbo ng utak ng mga ito. O baka masyado lang siyang seryoso gaya ng captain nila.

"Huwag mo nang pansinin ang mga iyan.Ngayon lang iyan dahil wala si Lexus."

Napatingin siya kay Kane na siyang nagsabi niyon. Naroon lang pala ito sa dingding malapit sa pinto.

Ayaw man niyang aminin pero tama si Kane. Ang captain lang ng tennis team na si Lexus Willard del Fierro-the young man whom Theron both respected and fear for more than one reasons-ang may kakayahang magpatiklop agad-agad sa mga kasamahan niya sa team. Kaya lang, hayun nga at limang araw nang hindi nakapasok dahil sa trangkaso. Kaya naman hindi niya mapigilang mag-alala hanggang sa mga sandaling iyon.

Who would've thought na ang palagay niyang simpleng sama ng pakiramdam ay aabot pala sa limang araw na trangkaso. Kaya nga siguro...

Ipinilig na lang niya ang ulo upang mapalis ang anumang agiw na nagsisimulang mamuo sa kanyang isipan. Kasabay niyon ay pinalo-palo niya ang kanyang ulo. Yeah, right. Para namang may epekto iyon.

"Okay ka lang, Theron? Ang laki yata ng galit mo riyan sa ulo mo, ah."

Dagling napatigil siya sa ginagawa at nakita niya ang nagtataka at nangingiting ekspresyon ng mga teammates niya. "Nagtatanggal lang ng agiw sa isipan." Iyon lang at dumiretso na siya ng tungo sa locker niya.

Well, what he said was the truth. Pero wala na sa plano niya na i-elaborate pa ang anumang tungkol doon.

"Pero bilib din ako kay Mirui, ah. Ang tiyagang mag-alaga," mayamaya ay sabi ni Selwyn na ikinatigil niya. "Kaya siguro mahal na mahal iyon ni Captain, 'no?"

Damn it! Seryosong usapan. Bakit ba siya natitigilan kapag pinag-uusapan na ng ibang tao ang captain ng tennis team at ang babaeng iyon? It was as if he was really making it a big deal.

Pero alam niya ang dahilan-ayaw lang niyang i-acknowledged iyon dahil na rin sa ilang mga rason na wala siyang planong sabihin sa kahit kanino.

He scowled at what greeted him as soon as he opened his locker. "Pati locker ko, hindi pa pinatawad ng mga kalat na pinagtatapon nila." Bad trip na kinuha niya ang isang lavender gift-wrapped box na naroon sa locker at agad na isinilid iyon sa basurahan.

Narinig ni Theron ang kani-kanyang reaksyon ng mga kasamahan niyang naroon. Halata sa mga iyon ang panghihinayang.

"Iba na talaga ang mga chicks na desperadong magpa-cute sa iyo, 'no, Theron?" At si Selwyn, nakuha pa talagang bumungisngis. Masasapak talaga niya ang taong 'to, eh.

"Sira ulo! Huwag mo nga akong idinadamay sa pagiging chickboy mo. Wala pa akong planong guluhin ang buhay ko," aniya at binalikan ang locker niya. Inayos na lang niya sa loob ng sports bag na naroon ang ilan sa mga tennis racket at tennis balls na ginamit niya kanina sa pagpa-practice.

Kahit patuloy pa rin siyang kinakantyawan ng mga teammates niya, lalo na ni Selwyn, tahimik lang siya. Sanay naman na ang mga ito na hindi siya nagre-react sa mga kantyaw ng mga ito. But he was quiet for a reason at the time.

Muli na naman siyang napabuntong-hininga nang may maalala dahil sa litratong nakapaskil sa dulong bahagi ng kanyang locker. It was carefully hidden among the other photos posted there. At iyon ang agad-agad niyang hinahanap kapag binubuksan niya ang locker.

Ayaw man niyang pakaisipin, tila katulad din ng litratong iyon damdaming may humigit-kumulang tatlong taon na rin niyang pinanghahawakan. Just as how he took that picture of an innocent girl playing her guitar and singing without a care in the world, panghabang-buhay na rin yatang mananatiling sikreto ang lahat ng kinikimkim niya.

Seriously, it was downright frustrating.

xxxxxx

"YO! Captain, nagbalik ka. Kumusta?"

Mirui rolled her eyes sa naging paraan ng pagbati ng mga teammates ni Lexus pagdating na pagdating nito sa closed court after two more days of being absent. Insisting pa nga ang bruhong ito na pumasok na after 4 days of suffering from high fever. Pero hindi siya pumayag. Madali kasi itong mabinat lalo na at kagagaling lang nito sa trangkaso. Kaya naman pinagpahinga pa niya ito nang additional 3 days.

Mabuti na ang sigurado.

Habang kinukumusta ng mga Falcon Knights-ang tawag sa varsity tennis team-ang captain ng mga ito na si Lexus, pasimple namang inilibot niya ng tingin ang paligid para hanapin ang isang partikular na tao roon. She saw Theron there, in one corner, looking at the scene but never at her.

And seriously, napuno na siya sa ganoong treatment na nakukuha niya mula rito. Bakit ba ganoon na lang palagi si Theron sa kanya? Sa pagkakaalam niya, wala naman siyang ginawang masama rito.

Napakunot na naman ng noo si Mirui dahil sa mga sumasaging mga isipin sa kanya. Ano na ba 'tong nangyayari sa kanya? Ginagawa na niyang big deal ang tatlong taon na pangdededma nito sa kanya nang bongga? Hindi naman siya dating ganoon, ah.

She heaved a sigh and puffed her cheeks afterward.

"Huwag mong ipunin diyan sa pisngi mo 'yang inis mo, Mirui. You're starting to look like a pissed off blowfish." At si Kane, talagang pinisil pa ang mga pisngi niya.

Inis na pinalis niya iyon at tinawanan lang siya ng bruhong kaibigan ni Lexus. Sinaway naman ito ni Lexus kaya nagawa niyang igala ulit ang tingin niya sa paligid. Pero ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang makitang paalis na sa kinauupuan nito si Theron.

'Tatakas na naman ang lalaking 'to, ah.' Pero hindi na niya hahayaang mangyari iyon. Naaasar na talaga siya. Hindi na niya gustong magtagal pa ang ganitong set-up sa pagitan nila ng buwisit na Snowflakes na 'to. Hinarap niya si Lexus.

"I have to talk to someone, okay? Huwag mo na namang pahihirapan ang sarili mo, ha? Masasakal na talaga kita kapag nagkasakit ka ulit," banta niya kay Lexus na bagaman nagtataka ay tinapik ang ulo niya. It was enough for an assurance.

Pagkatapos niyon ay sinundan na niya ang direksyong nakita niyang tinahak ni Theron.

No comments:

Post a Comment