"THIS... can't be happening," usal ni Mirui sa kabila ng shock—hindi lang gulat—na naramdaman niya nang tumambad sa kanya ang isang pamilyar na bulto kahit na nakatalikod ito pagbukas niya ng pinto papunta sa rooftop. Kung alam lang niya na ito pala ang sasalubong sa kanya, kanina pa siguro siya umalis at kinalimutan ang lahat.
But Lexus asked her a favor—which was something he rarely does. Yes, he gave orders in which most of them turned out to be petty ones dahil gusto lang nitong maglambing sa kanya. At dahil sa taglay niyang tagong kabaitan, hayun at pinagbibigyan na lang niya ito. Chika lang niya ang sinasabi niyang inis na nararamdaman kapag nag-uutos si Lexus sa kanya. Ganoon lang talaga silang dalawa from the start.
Kaya naman nang sabihin nito sa kanya na pabor ang hinihingi nito, aminado talagang natigilan siya nang maramdaman niyang seryoso si Lexus doon. All the more reason kung bakit hindi niya ito tinanggihan kahit nagtataka siya kung bakit gusto siyang ipakausap sa isang estranghero. And as it turned out, hindi pala estranghero ang nag-aabang sa kanya sa rooftop na iyon.
It was no wonder kung bakit mukhang madaling napapayag si Lexus. But why would this guy talk to her, anyway?
"You're finally here."
Natigil sa pagmumuni-muni si Mirui pagkarinig niyon, dahilan upang mag-angat siya ng tingin at magawa na niyang harapin ang taong iyon. But she nearly froze to her spot upon seeing Theron's gaze at her. Hindi tuloy niya alam ang gagawin, lalo pa't agad-agad na nagwala ang kanyang puso dahil sa matamang tingin nito sa kanya.
'Okay... seriously speaking! Ano ba talaga ang nangyayari ngayon?'
"I'm sorry," pagpapatuloy ni Theron at unti-unting napayuko. "G-gusto ko lang kasing... linawin ang lahat. Kaya ko hiningi ang tulong ni Captain para... para makausap ka."
Tila lalo siyang naumid sa narinig. Poor guy... Hindi tuloy niya maiwasang punahin ang pagiging uncomfortable nito habang sinasabi iyon. Was it always like that? Does he always feel like that?
"You could've asked me directly kung gusto mo talaga akong makausap, eh. Nakukuha naman ako sa pakiusap as long as sincere ka talaga."
"How could I do that if... if..."
"If?" Hindi pa rin siya hinaharap ni Theron pero napapansin niya na hindi talaga ito mapalagay. Napabuntong-hininga na lang siya sa kabila ng pagtataka niya. "At puwede ba, tumingin ka nga sa akin habang nagsasalita ka? Wala naman ako sa sahig para yumuko ka habang kausap mo ako, ah."
It took a while and a few heavy sighs before Theron did as she said. Agad niyang napansin ang bakas ng pag-aalinlangan sa mukha nito. Hindi tuloy niya napigilang mapangiti sa nakita.
"Sobra ba talaga akong nakakatakot at para kang kakainin nang buhay sa itsura mo?"
Napakamot naman si Theron ng batok nito."H-hindi naman sa ganoon. H-hindi lang talaga ako s-sanay na... ganito."
"Ha?" kunot-noong tanong niya.
Halatang hindi mapakali at tila mas lalo pa itong kinabahan habang siya ay parang isang inosenteng bata na curious na naghihintay ng explanation nito. And perhaps she would maintain it like that until this guy finally spill it out.
"Forget it," usal nito at saka siya hinarap. "Look, I just want to say I'm sorry... for avoiding you. Hindi ko siguro maipapaliwanag nang matino sa iyo ang lahat because of... some reasons. Pero ito lang ang maipapangako ko. I'll do my best not to avoid you again." Napahinga nang malalim si Theron matapos niyon.
Habang siya naman ay napakurap lang at tila hindi pa tumimo kaagad sa isipan niya ang mga sinabi nito. Pero isa lang ang malinaw. He promised that he wouldn't avoid her anymore.
"Eh 'di inamin mo ring iniiwasan mo talaga ako. Pero bakit ayaw mo pang sabihin sa akin ang rason?"
"I just can't, okay? Hindi ganoon kadali iyon!" bulalas ni Theron na ikinagulat niya nang bahagya.
Pero saglit lang iyon, lalo na nang makita niya ang pagkabigla nito, dahilan upang kagyat na mag-iwas ito ng tingin. Awkwardness ensued somehow na pilit na lang niyang nilalabanan. Hindi niya puwedeng hayaang sirain niyon ang moment nilang dalawa ni Snowflakes, 'no?
Iyon ay kung magandang 'moment' nga ba talagang maituturing ang nangyayari sa pagitan nila ng lalaking ito sa mga sandaling iyon.
"Fine. Kung ayaw mong sabihin sa ngayon, eh 'di huwag. Basta na siguraduhin mo lang na hindi mo na ako iiwasan, ha? Iwasan mo pa ako ulit nang walang matinong dahilan, hindi ako manngingiming ihampas sa pagmumukha mo ang gitara ko. Wala akong pakialam kahit magkandawasak-wasak iyon." Okay... That might have been brutal for her to say.
Pero hindi naman niya puwedeng sabihing nagbibiro lang siya. Baka mamaya niyan, bawiin pa nito ang ipinangakong hindi na siya iiwasan. Mahirap na. But maybe her words somehow had its effect. Nakita kasi niya ang pagngiwi nito matapos niyang ihayag iyon, complete with a serious expression.
"Ngayon ko lang nalaman na may pagkabrutal ka pala."
Wow lang, ha? Mind reader ba ang mokong na 'to? "Hindi ako brutal. Nagsasabi lang ako ng totoo at siniseryoso ko iyon."
"In time... I'll tell you my reasons. Hindi lang talaga pupuwede sa ngayon."
Iwinasiwas niya ang isang kamay matapos mapabuga ng hangin. "O, siya! Pagbibigyan na kita. Alam ko namang hindi kita mapipiga kahit ano'ng gawin ko. So friends naman na siguro tayo sa lagay na 'to, 'di ba?" At agad na inilahad niya ang kanang kamay rito.
'Huwag kang tumanggi, Snowflakes. Pagbigyan mo na ang pagiging mabilis ng takbo ng utak ko.' Hindi siya sigurado kung ilang suspenseful seconds ang lumipas bago nito tinanggap ang nakalahad niyang kamay. But that one touch made her realize that she was doomed.
"Friends." Theron's genuine smile only affirmed her realization like a bomb.
= = = = = =
"CAPTAIN, pakisabi sa akin kung anong milagro ang nangyari at nag-uusap na yata sa wakas sina Mirui at Ron?"
But Lexus only shrugged the question and proceeded to have his own water break. Napangiti na lang ni Mirui nang makita iyon. Kunsabagay, wala namang nakapagtataka kung ituturing ng madla na milagro ang makita sila ni Theron na nagkukuwentuhan—bagaman mahina lang—nang mga sandaling iyon.
Naroon siya sa closed court upang iabot kay Lexus ang lunch nito na inihanda niya. Siyempre pa, hindi niya kinalimutang ipaghanda din ang newfound friend niyang si Theron ng lunch nito. It felt weird, to be honest. At hindi niya itatanggi iyon. Pero saka na niya aalalahanin iyon.
"You don't have to do this," nahihiyang sabi ni Theron nang iabot na niya rito ang lunch na inihanda niya.
"Hayaan mo na lang ako. Ano ka ba naman? Besides, sinisigurado ko lang na hindi mo na talaga ako tatangkaing iwasan." At muli ay iniabot niya rito ang lunch nito.
Theron reluctantly accepted it before averting his gaze to Lexus. "Baka magalit si Captain sa ginagawa mong ito."
"Walang kaso sa kanya iyan. And he agreed to my idea. Kaya wala kang dapat na ipag-alala. Okay?"
Sa bandang huli ay tumango na lang ito. Agad naman niya itong kinulit na tikman na ang niluto niyang pagkain para rito.
"Ang daya mo naman, Mirui. Bakit si Ron lang dinalhan mo ng lunch, ha?" Bigla ay banat ni Selwyn na ikinatirik lang ng mga mata ni Mirui.
Hinarap niya ito matapos magpakawala ng isang buntong-hininga. "Magpakabait ka muna bago kita dalhan ng lunch mo."
"Mabait naman ako, ah," nakasimangot na tugon ni Selwyn.
"Yeah, 'pag tulog." This time, si Theron naman ang nagsabi niyon.
Bagaman iknabigla niya ang banat nito, ilang sandali pa ay napangiti na lang siya. Nang harapin niya si Theron, halata rito ang tila pagpipigil na tumawa kahit halata sa mga mata nito ang amusement.
"Matae ka bigla sa ginagawa mong pagpipigil diyan sa tawa mo," puna niya na hindi napapawi ang ngiti niya.
"Sanay na akong pinipigilan ang tawa ko. At isa pa, kung matae man ako o biglang mapautot, sisiguraduhin kong wala ka sa paligid. Okay lang naman kung si Selwyn o si Errol ang makaamoy n'on. Pangganti ko man lang sa mga pang-aasar nila."
"Ikaw yata ang brutal sa ating dalawa, eh. And in fairness, ha? May sense of humor ka pala kahit papaano."
"I only show that side of me sa mga taong gusto kong makakita n'on. It's just a matter of letting them appreciate me or condemn me. But I don't mind if it's you," sabi ni Theron na biglang humina habang isinasatinig ang huling pangungusap.
"Ano 'yon? Pambihira naman. Mas mahina ka pang magsalita sa akin, ah." Kailangan ba talaga kasing bumulong nito sa huling parte ng sinasabi nito?
"Hindi kasi ako madaldal na tao, okay?" Theron turned his attention to the small tupperware where his lunch was placed. "Kakain na lang ako para hindi ako mapadaldal dito. And Mirui... thank you."
Impokrita siya kung hindi niya aaminin sa sarili na hindi niya inaabangan ang pagpapasalamat nito sa effort niyang ipagluto ito. But the moment it came, she couldn't help feeling her cheeks heat up as warmness flooded her being.
And for some reason, she chose not to hide it. She just returned the gesture with a warm smile. "You're welcome."
= = = = = =
NORMAL na yata para kay Theron ang mapahinto sa tapat ng greenhouse ng SGS kung saan alam niyang kasalukuyang naroon si Mirui at nagpa-practice. He had already known her talent in playing musical instruments, particularly the guitar and violin. He remembered the one time he first saw her alone, she was actually playing the guitar he forgot at the closed court. Naiwan niya iyon noon sa tagong bahagi ng mga bench doon dahil na rin sa pagmamadali niyang makaalis sa lugar na iyon.
Hindi siya sigurado kung ano ang kinakanta ni Mirui nang mga panahong iyon but it was in Japanese. Kahit hindi niya maintindihan ang kanta, pinakinggan pa rin niya iyon habang nagtatago mula rito. At sa totoo lang, nagustuhan niya ang beat ng kantang iyon. Kahit na kalaunan ay nalaman niyang malungkot pala ang mensahe ng kanta. Minsan lang siyang maka-appreciate ng East Asian songs. And he was laughing at himself for the fact na mas na-appreciate pa niya iyon dahil si Mirui ang tumugtog niyon sa kanyang gitara.
At ngayon, habang nakatigil siya sa tapat ng clubhouse, dinig na dinig niya ang pagpapatugtog nito ng violin. Paano niya alam na si Mirui iyon? Dahil sa kanta. Japanese ba naman kasi. How did he know? Minsan na niyang narinig iyon sa kasamahan nitong si Miette. Besides, he wouldn't mistake that music with ancient traditional feeling for something else.
Mirui was playing the song "Megumi No Ame" or "Blessed Rain" in English.
"Ano na naman kaya ang ka-drama-hang pumasok sa utak ng babaeng 'to at pinatutugtog na naman iyon?" naitanong na lang niya sa sarili habang pinapanood ang pagtugtog ni Mirui.
"She needs to find the soulful mood that her performance tomorrow will require her. Somehow, iyan ang kantang pumasok sa isipan niya. Maganda naman, 'di ba?"
Nanigas siya nang marinig ang nagsalitang iyon. Subalit kagyat din siyang napalingon. Para lang makita ang nakangiting si Miette na papalapit sa kanya.
"Ang hilig mo talagang manggulat, 'no?"
"'Sus! Ako pa talaga ang sinisi nito. Magpasalamat ka na lang na hindi ko pa sinasabi kay Mirui ang stalking tendencies mo, 'no? Kapag tinopak ako, naku! Good luck na lang talaga sa iyo. Baka nalilimutan mo, madalas akong front act ng grupo."
At ang babaeng 'to, nakuha pa talagang manakot.Kung dagukan kaya niya ito? "Anyway, wala yata akong nakita sa list of activities ng IF na performance bukas."
"Wala nga, dahil hindi naman dito sa school gagawin iyon, eh. Parang mini-concert lang, kumbaga. At wala rin naman kasi siyang planong ipaalam iyon sa iba maliban sa mga tutulong sa kanya sa preparation ng instruments at music."
"Eh bakit sinasabi mo sa akin?"
Ngumisi si Miette at nag-peace sign pa talaga. "Baka kasi kailanganin niya ng moral support. Tutal, malapit naman na kayo sa isa't-isa, wala naman na sigurong kaso iyon kung maisipan mong magpunta roon." Mayamaya pa at tumikhim ito at at nagsimulang awitin ang lyrics ng tinutugtog ni Mirui.
"Kimi ni deaeta kara koko made kita... Kawaita watashi no kokoro ni... Kimi dake ga itsumo megumi no ame wo... Furasete kureta no hana mo sotto saku you ni..."
Hindi tuloy niya maiwasang isipin kung para kanino nga ba ang kanyang iyon. The song itself implied that one didn't have any regret loving someone but certain circumstances tore them apart. At sa kabila ng malungkot na mensahe ng kanta, ipinapahiwatig pa rin niyon na mananatili ang pagmamahalang iyon kahit na ano'ng mangyari kahit mapait ang kinahantungan ng pag-iibigang ng magkasintahang iyon.
"Hana mo sotto saku you ni..."
Hanggang sa isang konklusiyon ang nabuo sa kanyang isipan.
'Why not?'
No comments:
Post a Comment