Thursday, March 22, 2018

Mirui's Hyacinth: Smile At Me - Chapter 3

"SERIOUSLY speaking, ano ba'ng meron sa akin at wala yatang sandali na iniiwasan mo ako, ha?" lakas-loob na bungad ni Mirui nang marating na nila ni Theron ang rooftop dahil sa pagsunod na ginawa niya rito.

Pambihira! Ganoon talaga kabilis maglakad ang ugok na ito? Hayun nga at humahangos lang naman siya nang marating niya ang rooftop. At naturingan pa siyang nag-e-exercise sa lagay na iyan dahil na rin sa training niya sa ice skating.

"Bakit mo ako sinundan dito?" walang emosyong tanong ni Theron sa kanya na lalo lang nagpalala sa inis na nararamdaman niya.

Hanggang kailan ba niya mararanasan ang ganitong treatment mula sa lalaking ito?

"Dahil gusto kitang sundan.Bakit ba? Ipinagbawal na ba sa mundo na sundan ang isang tao para tanungin ito kung ano ba ang kasalanan ko at walang yatang araw sa loob ng tatlong taon na hindi ako iniiwasan nito? Every time na lang na nasa paligid ako at malapit ako sa iyo, gumagawa ka ng excuse para umalis sa lugar na iyon. Ngayon sabihin mo sa akin, why are you doing that? Para alam ko na sa susunod kung ano ang gagawin ko at hindi 'yong ganitong pilit na lang akong nangangapa sa isang sitwasyon na hindi ko man lang malaman kung bakit ganoon ang kinahinatnan." Napabuntong-hininga si Mirui pagkatapos niyang sabihin iyon nang isang pasadahan lang.

Matapos niyon ay tiningnan siya ni Theron. Pero manhid nga lang yata talaga ang mokong na ito. Hayun nga at nakatingin lang ito sa kanya nang mataman. But soon after, she frowned slightly as she noticed something that would be considered uncharacteristic of Theron. Sa kabila kasi ng mataman nitong tingin sa kanya, kinakitaan din niya iyon ng pagiging malamlam. Pero saglit lang iyon.

Agad din itong nag-iwas ng tingin at tumalikod sa kanya.

'Tingnan mo 'tong lalaking ito. Hindi rin bastos, eh, 'no?'

"Hindi ako galit sa iyo kung iyon ang inaakala mo," kapagkuwan ay saad nito na agad na pumawi sa papausbong na ngitngit na nararamdaman niya.

But because she couldn't see Theron's face, hindi naman niya matukoy kung sincere ba ito sa sinabing iyon. "Okay. Kung hindi ka talaga galit sa akin, siguro naman puwede kong malaman kung bakit iniiwasan mo ako."

"I-I'm not—"

"And don't deny. You're avoiding me at iyon ang totoo. Iyon din ang napapansin ko," giit niya at saka naglakad palapit pa kay Theron bago tumigil sa harap nito na nakapameywang. "Now tell me the reason why."

Theron was staring at her with slightly wide eyes as he gaped. Mukhang hindi yata nito inaasahan ang ginawa niyang pagharap dito. Gayunpaman, isang bagay ang hindi talaga maitatanggi ngayong nakaharap na niya nang ganoon ang isa sa itinuturing na prinsepe ng Alexandrite University.

'Seriously, why does this guy have to be so good-looking?' Hindi lang iyon. Talaga ngang napakaputi ng lalaking ito—kapag tinitingnan na ito sa 'di kalayuan. But that close distance between them at the moment revealed the fact that Theron wasn't exactly two fair-skinned as she initially thought.

However, it still won't change the nickname she referred him to. Snowflakes pa rin ang itatawag niya rito kahit hindi naman pala mala-Snow White ang kulay ng kutis nito na isa sa pinagbasehan niya ng nickname na iyon.

'Ano ba 'yan? Nakakapanliit lang, to be honest.' Para na rin niyang inamin na wala sa kalingkingan ang kulay niya sa kulay nito.

Napailing tuloy siya sa kung anu-anong tumatakbo sa kanyang isipan. What the heck? Magkumpara pa talaga siya ng kulay gayong ibang isyu ang dapat na pinagtutuunan niya ng pansin.

Ilang tensyunadong sandali pa ang lumipas bago napahinga nang malalim si Theron na pumutol sa walang sense na pagmumuni-muni niya. Nakita niyang napalunok ito na ikinakunot naman ng noo niya.

'Wait a minute... Kinakabahan ba 'tong lalaking ito?'

"Forget it. Why would I tell you that, anyway?" mahinang sabi ni Theron na umabot pa naman sa pandinig niya.

Pero bago niya ito matanong tungkol doon, muli na naman siyang tinakbuhan ng ugok na iyon. Marahil ay sa pagkabigla kaya naman naiwan siyang nakatanga roon. Ilang sandali rin ang lumipas bago rumehistro sa utak niya ang mga nangyari.

"And he did it again... Nakakainis na, sa totoo lang." Napakamot na lang tuloy siya ng ulo niya.

= = = = = =

MIRUI had been puffing her cheeks for more than 30 minutes now but it didn't seem to be enough to appease her irritation toward Theron's actions a while back. Nabubuwisit din siya sa katotohanang patuloy na ginugulo ng lalaking iyon ang isip niya dahil sa mga kilos nito pagdating sa kanya.

She guessed it would really take a miracle for her to change that guy's treatment towards her. Kunsabagay, tatlong taon na nga namang ganoon si Theron. Dapat nga talaga ay sanay na siya, gaya ng sinabi ni Lexus sa kanya. Pero hindi niya maintindihan kung bakit napaka-big deal sa kanya niyon. Bakit naroon ang urge sa kanya na malaman at kalaunan ay baguhin na rin ang kung anumang first impression nito sa kanya para iwasan siya nito?

~Minamasdan kita nang 'di mo alam, pinapangarap kong ikaw ay akin. Mapupulang labi at matingkad mong ngiti, umaabot hanggang sa langit. Huwag ka lang titingin sa akin at baka matunaw ang puso kong sabik...~

Wala sa sariling napatingin siya sa radyo kung saan niya narinig ang kantang iyon. Kasabay niyon ay agad na sumagi sa kanyang isipan ang unang beses na nakilala niya si Theron. He was actually singing the exact same song at mag-isa lang ito sa mini-amphitheater sa likod ng AU nang mga panahong iyon habang kinakanta iyon.

But it was also the first time he started avoiding her for some reasons. Noong una ay dinededma lang niya iyon. Every time Lexus would ask her to do some errands for him kapag nagpupunta siya sa closed court, lalo itong lumalayo sa kanila. Sa tuwing tatangkain niyang lumapit dito lalo na kapag "napag-utusan" siya ng bugok na captain ng tennis team, parang nagkaroon ito ng malakas na radar at agad na umaalis sa puwesto nito palayo sa lahat.

Kailan kaya darating sa puntong hindi na siya iiwasan ni Theron kapag lumalapit siya rito at kakausapin ito? Would there be a time that she'd see the same soft expression she once saw during the first time she met him as he sang on that mini-amphitheater?

"Now I'm seriously asking for a miracle."

Pero wala naman sigurong masamang umasa, 'di ba? Kaunting effort pa siguro.

Siguro...

= = = = = =

KULANG na lang ay gusto na talagang ibalibag ni Theron ang hawak na gitara nang mga sandaling iyon. Grabe ang inis na nararamdaman niya. Bakit ganoon naman ang reception niya sa ginawang pagtatanong ni Mirui tungkol sa dahilan ng pag-iwas niya rito?

Pero alangan namang sabihin niya na nauumid siya kapag nasa malapit lang ito. Idagdag pa na talaga namang hirap siyang kontrolin ang kaba niya na tila pumaparalisa sa kanya. Kaya naman lumalabas tuloy na napaka-unfeeling niyang ito. If only it was that easy to tell her that.

Huminga na lang siya nang malalim at inilapag sa kama ang hawak niyang gitara. Pinapatugtog niya iyon kanina sa pag-aakalang mapapawi niyon ang inis na nararamdaman niya. Somehow, it worked—but only for a short while. Nang maisip na naman kasi niya ang pinaggagawa niya, muling bumangon ang pakiramdam na iyon. Ang resulta? Nawalan na siya ng ganang gawin ang kahit na ano maliban sa pag-isipan kung hanggang kailan niya hahayaang ganoon ang treatment niya kay Mirui.

"Hay, naku, Theron Heinz Monterossa... Bakit ba walang katulad na katangahan ang lagi mong ipinapakita pagdating sa babaeng iyon?" Pero kahit anong sermon siguro ang gawin niya sa sarili, wala pa ring mababago sa katotohanang siya lang ang nahihirapan sa ginagawa niyang pag-iwas dito. Kung gusto talaga niyang mapalapit dito gaya ng long time wish niya, tigilan na niya dapat ang pagiging stoic niya sa harap nito.

Kahit man lang sa presensiya ni Mirui ay magawa niyang baguhin ang impression ng lahat sa kanya.

Pinalipas muna niya ang ilang sandali ng pag-iisip ng mga hakbang na gagawin niya. Kinuha niya ang itinabing gitara pagkatapos niyon.Sa ngayon, mas magandang idaan na lang niya sa pagtugtog ng gitara ang kabang nararamdaman hindi pa man niya naisasagawa ang plano.

"Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumaling. At sa tuwing ikaw ay gagalaw, ang mundo ko'y tumitigil. Para lang sa iyo ang awit ng aking puso. Sana'y mapansin ang lihim kong pagtingin..."

Sana nga...

Sana ay mangyari na iyon kapag pinanindigan niya ang kanyang plano. At sana rin, hindi siya pumalpak.

And just like that, as he sang that song the same way he did so for the first time, unti-unting sumilay ang ngiting mailap sa paningin ng karamihan. Iyon lang naman ang panahon kung saan ay naipapakita niya iyon, eh. He should blame the song he was playing for that.

But in the end, he couldn't. He didn't know how.

= = = = = =

SA TOTOO lang, ayaw ni Mirui na magtungo sa closed court lalo pa't ganoong posibleng tamaan siya ng pagkainis niya. Siyempre, makikita na naman niya roon si Theron at panigurado, iiwasan na naman siya ng bugok na iyon. Pero ang siste, walang katulad sa kakulitan si Lexus. Kaya naman para hindi na nito tuluyang sirain ang mood niya, hayun at mabigat ang kaloobang tinungo ang closed court.

Tanging ang mga regulars lang ng Falcon Knights Tennis Team ang naroon nang makarating siya. When she checked the time, napakunot-noo siya nang makitang pasado alas-diyes na ng umaga. Ano'ng nangyari at bigla yatang naging deserted sa fangirls ang closed court?

"Kaya pala walang sumalubong na ingay sa tainga ko," sabi na lang ni Mirui sa kanyang sarili at iginala ang tingin sa paligid ng closed court upang hanapin ang pakay niyang nilalang.

"Uy, Captain! Dumating na ang love of your life mo!" tatawa-tawang tawag-pansin ni Selwyn kay Lexus na nakita niyang papalabas mula sa locker room.

At ang nananahimik niyang puso, umentra ng malakas na kabog dahil kasabay ni Lexus si Theron na lumabas din doon. Paano ba naman kasi hindi eeksena nang ganoon ang puso niya, hayun nga at para bang ayaw siyang hiwalayan ng tingin ni Theron. One thing she knew, it was truly a miracle. Iyon ay kahit napakaseryoso ng ekspresyon nito.

Yeah, right. Para namang aasa pa siyang may magbabago roon.

"Okay... Ano'ng meron?" Naitanong niya iyon nang mapansin na seryosong nag-uusap sina Lexus at Theron kahit na saglit lang iyon.

"Sa totoo lang, ang weird ni Ron ngayon, 'no?"

Napatingin siya kay Jerricko na nagsabi niyon. "Bakit mo naman nasabi iyan, Kuya Jerri?"

"Kanina pa siya hindi mapakali.Para pa ngang kinakabahan, eh. At ang aga-aga pa niyang dumating dito para sa morning practice namin. Noong tanungin naman namin kung ano'ng problema niya, ang naging sagot niya sa amin—basta."

"Pagkatapos, nang dumating na si Captain, agad itong nilapitan ni Ron at parang hiniling na masinsinan silang mag-usap," pagpapatuloy naman ni Dyran. "Ewan ko ba sa lalaking iyon. Ang weird talaga niya ngayon."

"It's either may kasalanan siya o may hihilingin siyang pabor at si Captain lang ang makakatulong sa kanya," saad naman ni Thadis.

Okay... Mukha ngang maraming nangyari sa umaga pa lang nang araw na iyon. Pero ang nasa isipan lang niya nang mga sandaling iyon ay tapusin na ang kung ano mang ipapagawa sa kanya ni Lexus at nang makaalis na siya roon.

At makalipas ang ilan pang sandali ay sinenyasan siya ni Lexus na lumapit dito na agad naman niyang ginawa. Pero kasabay naman niyon ay bumalik sa locker room si Theron.

What else was new?

"Alam mo, wagas ka ring maka-demand sa akin na magpunta rito, 'no? Ano na naman ba ang iuutos mo sa akin, ha?" nakasimangot na tanong niya kay Lexus nang tuluyan na siyang makalapit dito.

"High blood ka na naman," ngingiti-ngiting komento si Lexus na lalo niyang ikinasimangot. "Okay, okay! Pumunta ka sa rooftop. May gustong kumausap sa iyo roon. And don't worry, I know you'll be safe with him."

Napalitan ng pagtataka ang tangkang pag-alma niya dahil sa sinabi ni Lexus. The guy rarely allowed her to talk to someone, especially if it was a stranger to her—and a guy, at that. But the way he said "don't worry"... Bakit para yatang may mali? Not the scary kind of wrong, though.

"Him? You mean a guy? Himala! Ano'ng nangyari at pinayagan mo yata iyon na makipag-usap sa akin? Kung sino man iyon..."

"Just do me a favor on this one, okay? Gawin mo na lang ito. I'll appreciate it very much if you do this one favor."

'Okay... Now this truly scares me. Ano'ng meron?'

No comments:

Post a Comment