Wednesday, September 11, 2019

the last sky of the earth 88 - other one who knew

ISA lang talaga ang masasabi ni Kourin.

Hindi na siya patatahimikin pa ng mga nakita niya sa genealogy book ng Shinomiya clan. Iyon pa naman ang 'di maganda kapag talagang umiral ang curiosity niya. Bakit nga ba ngayon lang niya nagawang pagtuunan ng pansin ang anumang sikretong meron ang pamilya niya?

Ngayon ay unti-unting nakikita ni Kourin ang klase ng proteksyong ibinigay sa kanya ni Hitoshi sa loob ng mahabang panahon. She really was a pampered princess. But that was back then.

Iba na ang Kourin na bumungad sa lahat pagkatapos ng mga nangyari.

At dahil nga ayaw nang patahimikin si Kourin ng napakaraming isipin, napag-isipan na lang niya na muling magtungo sa archive room. Hindi sapat ang mga libro na nakatago sa library at sa study room niya kung ang pag-uusapan ay ang mga impormasyong talaga namang kailangan niya. The archive room, if she recalled the information right, was the only place safe enough to protect the most treasured records with regards to the Shrouded Flowers.

At mukhang akma lang ang description na iyon para sa archive room. Iyon din ang lugar na ngayon ay itinatago ng librong nagbigay ng sakit ng ulo sa kanya.

Gaya ng dati ay naisipan ni Kourin na magpunta sa nasabing silid ng tanghali kung saan alam niyang walang masyadong magbabantay.

Pero sa pagtataka niya, bahagyang nakabukas ang isang pinto roon nang makarating na siya sa sentro ng silid. It was the door leading to where the Shinomiya clan's genealogy book was placed.

As careful as she could, Kourin fully opened the door in order to see who was inside the small room. Yes, she knew someone was in there. Pero ilan lang naman ang alam niyang may access na pumasok roon. Silang dalawa ng Ate Mari niya, ang tatlong clan leaders at pati ang leader ng 12 Knights. Ngayon, sino sa mga iyon ang nasa loob ng silid?

Hindi nagtagal ay nakapasok na si Kourin sa loob. Talagang dinahan-dahan niya ang paglalakad dahil ayaw niyang may makarinig ng pagpasok niya roon.

Pero kung tama nga na isa sa mga taong naiisip niya ang naroon, may palagay siya na naramdaman na nito ang presensya niya roon. Kunsabagay, wala nang nakapagtataka roon.

Pero sa proseso ng paglalakad ni Kourin nang dahan-dahan, may napansin siyang kakaiba sa sahig. Kumunot ang noo niya dahil doon.

'Bakit... may dugo rito?'

Hanggang sa sumagi sa isip ni Kourin ang pangyayari sa park kaninang tanghali sa park. Nakarating na rin sa kanya ang naganap sa pagitan nina Shigeru at Oceanus na ikinamatay na ng huli. Dahil doon ay nagmadali na siya sa tuluyang pagpasok sa silid na iyon. Wala na siyang pakialam kung marinig siya ng taong naroon.

"Kuya Shigeru..." tawag ni Kourin nang makita na niya sa wakas kung sino ang naroon sa lugar.

Pero agad siyang natigilan nang mapadako ang tingin niya sa hita ng lalaki na ngayon ay malinaw na niyang nakikita kung saan nagmula ang dugong tumulo sa sahig. Kahit sabihin pang patuyo na ang nagkalat na dugo sa pantalon at sapatos ni Shigeru, hindi maikakaila na may kalaliman ang natamo nitong sugat roon.

"Lady Kourin... Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Shigeru na pumutol sa pag-iisip ni Kourin.

Nag-angat siya ng tingin makalipas ang ilang sandali at hinarap ang leader ng 12 Knights. "So you just decided to head here without even treating the wound you just sustained? Kuya Shigeru naman! Alam kong magaling ka sa pakikipaglaban pero hindi nangangahulugang kailangan mong kalimutang alagaan ang sarili mo."

"You don't need to worry about this, princess. This wound won't kill me at all."

"That's not the point!" bulalas ni Kourin bago huminga ng pagkalalim-lalim. Sa inis niya, tinawanan lang siya ni Shigeru. "At talagang nakuha mo pang tumawa, ha?"

"That's because you rant the same way as Lord Hitoshi. Hindi ko mapigilang alalahanin iyon."

Wala nang nasabi si Kourin pagkatapos niyon. Pero wala sa lungkot na kaagad niyang naramdaman ang atensyon niya kundi nasa librong binabasa nito.

At gaya ng nauna na niyang hinala, ang genealogy book ng Shinomiya clan ang pinagkakaabalahang tingnan ni Shigeru. "Minsan mo na bang nabasa ang nilalaman ng librong iyan, Kuya?"

Sa pagtataka ni Kourin, ilang sandaling hindi umimik si Shigeru. At kung titingnan niyang mabuti, mukhang nag-aalangan pa itong sumagot. Eh simpleng oo o hindi lang naman ang kailangan niya mula rito.

"Does it matter to you kung ano ang nalalaman ko rito, Lady Kourin?" ganting-tanong ni Shigeru imbes na sagutin ang tanong niya.

"Considering all that had happened since the attack, and the ones that are happening lately, then yes. It does matter to me that much."

Bumuntong-hininga si Shigeru kapagkuwan at muling hinarap si Kourin. "Nabasa ko na 'to--noon pa. In fact, it was your brother who made me read the contents."

"M-my brother? Pero bakit?"

"I don't know. Until now, to be honest, hindi ko pa rin alam ang dahilan ni Lord Hitoshi kung bakit niya ginawa iyon. But knowing him, I think he was preparing me for something quite important."

"At may kinalaman iyon kay Dr. Shingo? Sinabi ba ni Kuya sa 'yo ang detalye kung bakit nakalagay ang pangalan ni Dr. Shingo sa genealogy book?"

Umiling si Shigeru at nanlumo si Kourin dahil doon. Akala pa naman niya ay may binanggit na ang kapatid niya rito tungkol sa kuwentong may kinalaman sa paglalagay ng pangalan ni Shingo sa genealogy book. Ngunit alam niyang noon pa man ay malihim na ang kapatid niya. Hindi ito basta-basta magbibigay ng maramihang detalye kung al nitong hindi naman kailangan sa mga panahong iyon.

But if Shigeru was right, and knowing the way her brother would think, then perhaps something big was surely about to happen. Perhaps big enough to change a lot about their lives.

Kung ano man iyon, kailangan na talaga niyang ihanda ang sarili niya. Hindi siya sigurado kung ano ang nakahain sa kanilang lahat hanggang hindi natatapos ang gulong kinasasangkutan nila. Pero hindi siya dapat panghinaan ng loob. Sa ngayon, iyon lang ang magagawa niya hindi lang para sa sarili kundi pati na rin sa mga kasamahan niya.

No comments:

Post a Comment