Gusto nang isisi ni Kourin sa dami ng mga iniisip niya ang dahilan kung bakit natagpuan na naman niya ang sarili na naglalakad na tila walang tiyak na direksyon ng mga sandaling iyon. Pero hindi naman siya nag-aalala na baka mapahamak dahil alam niyang may ilan silang mga tauhan na sumusunod sa kanya, kahit na hindi naman madaling makita kung nasaan ang mga ito.
Until she found herself heading towards the park kung saan unang beses niyang nakita si Seiichi after two years. Sa lugar kung saan nagtama ang kanilang mga mata. Napangiti siya nang mapakla nang maalala iyon. Kung tulad pa siguro noon ang sitwasyon at walang pag-atakeng naganap para mabago ang buhay niya, matutuwa siya nang husto sa pagdating nito at walang pasubaling yayakapin niya nang mahigpit ang binata. It wasn't like her to be able to think of such things, but her feelings would surely dictate her to do so.
Bata man siyang maituturing two years ago, pero hindi nangangahulugang hindi niya alam kung ano ang tunay na nararamdaman niya. Panahon at pagkakataon lang ang nagsilbing sagabal sa kanya kaya hindi niya nagawang sabihin ang totoo kay Seiichi.
Pero ngayon, kasama na ang naging desisyon niya na baguhin ang kanyang pangalan sa mga sagabal para maiparating sa binata ang totoong damdamin niya. Hindi niya napigilang mapaiyak sa mga isiping iyon. Hindi na nga siguro niya magagawang palayain ang nararamdaman niya para kay Seiichi. Lumalala na ang labang kinahaharap nilang mga miyembro ng Shrouded Flowers. Hindi na niya maigagarantiya ang kaligtasan nito kapag nanatili pa ito sa tabi niya, kahit na ibang katauhan na ang gamit niya.
Nanigas si Kourin pagkarinig sa pamilyar na tinig na iyon. Pero sandali lang. She took a deep breath in order to calm herself before turning around to know if it was indeed Seiichi who said those words to her. The man himself smiled at her, like nothing was bothering him and that he was truly glad to see her.
Parang gusto na naman niyang mapaiyak, pero pinigilan niya.
"Ano'ng ginagawa mo rito? 'Di ba dapat nagpapahinga ka?" tanong niya rito at naisipan nang maupo sa isang bench malapit sa kinatatayuan niya.
Bahagyang natawa si Seiichi at naupo na rin sa tabi niya. Hindi na niya ito pinigilan kahit na sa totoo lang ay dumadagundong sa lakas ang tibok ng puso niya.
"Pahinga na naman? Hindi ka ba nagsasawang pagpahingahin ako? Hindi naman ako nasaktan at isa pa, magaling na ang mga sugat ko, kung iyon ang inaalala mo."
"Pero hindi mo pa rin dapat pinipilit ang sarili mong kumilos nang kumilos. The wounds you sustained aren't those that you should consider as light."
"Alam ko iyon. Pero wala kang dapat na ipag-alala. Inaalalagaan ko ang sarili ko. Okay?"
Hindi alam ni Kourin kung para saan ang assurance na narinig niya sa tinig nito habang sinasabi ang mga iyon. Does he really have to do that? "A-ano nga pala ang ginagawa mo rito at napadpad ka rito?"
"Ah. Wala lang, naisipan ko lang maglakad-lakad sandali. Sa dami ng mga iniisip ko nitong mga nakaraang araw, kailangan ko ring ipahinga ang utak ko."
"Kasama ba ako sa mga iniisip mo?" Huli na nang maisip ni Kourin kung ano ang naitanong niya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang tuluyang rumehistro sa isip niya ang tanong na iyon.
‘Seriously, what did you just ask him?’ Kulang na lang ay upakan niya ang sarili dahil sa nagawa.
Seiichi chuckled after what seemed to be a few moments of surprise that he felt as soon as that question was uttered. Ilang sandali pa ay tumango ito at nginitian siya. "Oo naman. But don't worry. You're not the worrying type of subject to think about."
Hindi na magtataka si Kourin kung namumula na ang mukha niya ng mga sandaling iyon dahil sa mga narinig. Then again, she was glad she decided to go out for a bit and unwind. She would never have this moment with this man if she didn't.
Kourin faced the sun that was about to set over the horizon. Hindi niya kaagad napansin na ang bench na kinauupuan nilang dalawa ay nakatapat pala sa bahagi ng park kung saan kitang-kita ang paglubog ng araw. Naisip niya na ito ang unang pagkakataon na kasama niya ang sinuman na panoorin ang paglubog ng araw.
And for some reason, that one seemingly innocent moment had given her so much to think about. A lot of them had something to do with the man beside him at the moment.
xxxxxx
Hindi alam ni Seiichi kung paanong nagawa niyang buhatin ang natutulog nang si Rin sa likod niya mula sa park hanggang sa mansyon kung saan ito nakatira. Kahit sa gilid lang niya nakikita ang mukha ng dalaga, hindi pa rin niya mapigilang mapangiti sa payapang anyo nito. Pero alam rin niya na hindi ito ganoon kapag nagising ito.
Tiyak na marami na naman itong poproblemahin kapag nagmulat na ito ng mga mata. At kahit ayaw niya, hindi niya mapigilan ang mag-alala para sa dalaga. Ano bang klaseng problema ang hinaharap nito at lagi itong ganito? Hindi man halata kay Rin ang pagiging balisa pero may mali pa rin dito sa tuwing nakikita niya ito.
At isa pang naoobserbahan ni Seiichi, napapadalas na ang pag-iwas ni Rin sa mga kaibigan nitong sina Raiden at Chizue. Madalas din itong nagpupunta sa kung saan nang mag-isa na para bang nag-iimbestiga. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang totoong pakay ni Rin sa mga lugar na pinupuntahan nito. Pero sigurado siya sa isang bagay.
Lahat ng pinupuntahan nito ay may kakabit na sikreto patungkol sa Eight Treasures.
'Sino ka nga ba talaga, Rin Fujioka?'
Ilang beses na niyang itinatanong iyon sa kanyang sarili pero laging walang sagot na lumilitaw. Misteryo talaga ang babaeng ito, hindi na siya magdududa sa bagay na iyon. Sa kabilang banda, hindi niya mapigilang pagdudahan ang babaeng ito sa ilang dahilang patuloy na gumugulo sa kanya.
Isa na roon ang malaking pagkakahawig nito kay Kourin Shinomiya.
Kagyat na napatigil sa paglalakad si Seiichi nang may sumagi sa isip niya. 'If I remember it right, walang naibalita sa TV noon tungkol sa bilang ng mga namatay sa ambush. But they were able to confirm about the deaths of Hitoshi and his parents. Kung ganoon... bakit wala silang nabanggit tungkol sa status ni Kourin?'
O wala nga ba? Bakit hindi niya maalala? At nakakapagtaka na hindi nagbigay ng klarong bilang ng mga namatay ang media ng mga panahong iyon.
Maliban na lang kung—--
"Mukhang napagod na nang husto ang kaibigan mo, ah."
Agad na nag-angat ng tingin si Seiichi at tiningnan ang direksyon kung saan nagmula ang tinig na iyon na pumutol din sa pag-iisip niya. Hindi niya napigilang pangunutan ng noo sa nakitang sumalubong sa kanila.
"Don't worry, hindi ako masamang tao, kung iyon ang iniisip mo," sabi ng lalaking sumalubong sa kanila ng natutulog pa ring si Rin.
Mukha ngang tama ang sinabi nito. Napagod nang husto si Rin kaya tulog pa rin ito hanggang ngayon habang buhat niya ito sa likod. Gusto sana niyang matuwa dahil naisip niya na baka nga naging kumportable ito habang buhat niya. Pero mas nanaig ang pag-aala niya para sa dalaga.
"Siguro nga po, pagod na siya. Ilang araw ko na rin siyang nakikitang parang wala sa sarili at umiiwas sa ibang tao," wala sa loob na nasabi ni Seiichi na pinagsisihan din niya nang maisip kaagad kung ano ang lumabas sa bibig niya. "Sorry. I was just--"
"Stating your opinion, I know. And I'm glad you did. Thank you."
Ramdam ni Seiichi na sincere naman ang lalaking kaharap niya ng mga sandaling iyon sa pagpapasalamat sa kanya. Pero hindi niya alam kung bakit may nararamdaman siyang mali sa sitwasyon. And no, it wasn't about a dangerous feeling at all. Just... strange.
Nilapitan ng lalaki si Seiichi at dahan-dahang kinuha si Rin sa likod niya. The man carried her as careful as holding something delicate. Parang... isang prinsesa.
"Ako na ang bahala sa kanya. Salamat sa pagbuhat sa kanya pauwi rito," sinserong saad ng lalaking alam niyang pamilyar sa kanya.
Teka, saan na nga ba ito nakita noon?
Pero sa huli, mas pinagtuunan na lang niya ng pansin si Rin na tiyak na nangangailangan ng mahaba-habang pahinga kung ibabase na rin niya sa patag pa ring paghinga nito sa kabila ng hindi masyadong kumportableng posisyon nito. Nagpasalamat siya sa 'di pa rin nakikilalang lalaki at agad nang umalis doon.
But that was after hearing the man's parting words to him.
"Be careful. Kahit na ano'ng mangyari..."
What was that supposed to mean?
No comments:
Post a Comment