Wednesday, September 25, 2019

the last sky of the earth 90 - knight's scene: valley

Kung nakikita lang siguro siya ngayon ni Chizue, baka isang malakas na sapak ang inabot niya sa babaeng iyon. Pero sa mga sandaling iyon, hindi na inisip iyon ni Raiden.

Maraming tanong ang patuloy na nagsusulputan sa isip ni Raiden habang patagong pinagmamasdan ang magkasamang sina Rin at Seiichi. May mahigit dalawang oras din niyang sinubaybayan ang dalawang iyon mula nang makita niya ang mga ito na sabay lumabas ng campus grounds.

Mukhang tama nga si Chizue sa maraming bagay, lalo na kung tungkol sa dalawang taong sinusundan niya. Seiichi and Rin's connection to each other was something he could not yet fathom at the moment. The same way that Rin's life and Seiichi's reasons for approaching her became unfathomable for him.

"Ano ba 'tong kalokohan na naman ang naisipan kong gawin ngayon?" tanging nasabi ni Raiden sa kanyang sarili at huminga nang malalim.

Ano nga bang klaseng topak ang pumasok sa isip niya at napagdesisyunan niyang sundan ang dalawang ito ngayon? At ang nakakapagtaka pa, bakit mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito? Iyon ang isang napansin niya habang inoobserbahan mula sa malayo ang kilos nina Seiichi at Raiden.

But that wasn't the only thing Raiden had noticed during the duration of his own stakeout to those two. Hindi niya napigilang paningkitan ng mga mata ang direksyon kung saan may nakita siyang isang pamilyar na babaeng nakatingin din kina Rin at Seiichi.

‘I'm sure I've seen her before. Pero saan at kailan?’ Hindi maalis-alis ang kakaibang pakiramdam sa kanyang dibdib dahil sa tanong niyang iyon.

Pero bago pa siya makapag-isip ng matinong sagot, may napansin na naman siyang kakaiba. This time, it wasn't just about the young woman that he saw. Walang takot na hinugot niya ang dalang bakuto na nakasukbit sa kanyang likuran. Inalerto na rin niya ang sarili dahil tiyak na mapapalaban siya ng wala sa oras.

Nang muli niyang tingnan ang babaeng kanina lang ay inoobserbahan niya, ganoon na lang ang gulat ni Raiden na makitang hindi lang pala siya ang mga problemang katulad ng sa kanya. The difference was that she was already dealing with those goons using two kodachi.

‘So she's a kodachi wielder?’ Pero saka na pagtutuunan ni Raiden ng pansin ang tungkol doon dahil ngayon ay papasugod na sa kanya ang mga lalaking alam niyang kanina ay nagmamasid lang sa kanya.

Hindi maaaring nagkamali si Raiden. Ang mga lalaking ngayon ay may banta sa kanya at sa babaeng nakita niya ay katulad ng mga sumugod sa kanila ni Rin sa park noon. If this was the second time these people had decided to go after him...

‘Hindi na basta-basta ang kinasasangkutan ko ngayon. Namin ni Ate Yasha.’ Hanggang sa may isipin ang sumagi sa kanya. Pero bago pa niya magawang pagtuunan ng pansin, sinubukan na siyang tirahin ng isa sa mga lalaki mula sa kaliwa niya.

Mabuti na lang at nagawa na niya itong unahan nang itusok niya nang malakas ang bakuto na hawak sa tiyan nito. Bago pa ito muling makatira sa kanya sa kabila ng sakit na nararamdaman ay pinatamaan niya ang mukha't katawan nito ng ilang beses bago ito tumumba.

Kahit sandali lang ay nagawa niyang tingnan ang direksyon kung san alam niyang naroon sina Rin at Seiichi. Sa pagtataka niya ay wala na ang mga ito roon.

"Nasaan sila?" Nagawa na lang itanong ni Raiden sa sarili at sinubukan pa niyang ilibot ang tingin sa paligid.

Pero bago pa niya magawa iyon ng lubusan ay muli na naman siyang sinugod ng ilan pang mga lalaking nakapaligid sa kanya kanina pa. Nagawa niyang iwasan ang ilan sa pag-atake ng mga ito gamit ang katana ng mga ito. Doon na siya nag-umpisang magtaka.

‘Won't these type of guys usually bring guns to bring their targets down? Bakit katana ang dala ng mga sira-ulong ito?’

Not unless--

A pained scream resonated in the area that froze Raiden. Upon turning around to the source of it, he was surprised to see the young woman he was observing earlier coming to his aid.

"You... What are you doing here? Besides that, who are you and why are you helping me?"

"Saka na ako magpapaliwanag. For now, you can call me Reiko. Just let me remind you, there's no need to hesitate when it comes to ending their lives considering your sword skills. Gaya na rin ng kagustuhan nilang patayin ka ngayon din," sabi ng babaeng nagpakilalang si Reiko at ipinagpatuloy nito ang pakikipagtuos sa lalaking sinusubukang tagain ito.

Her words alone were enough to finally snapped Raiden out of his reverie due to the questions popping in his mind. Kung sino man ang mga ito, walang habas na gusto siyang patumbahim. Siya pa kaya na halos buong buhay nang sinanay para magawa niyang ipaglaban at protektahan ang mga bagay na mahahalaga sa kanya.

Agad na kinuha ni Raiden ang isa sa mga katana na nagkalat sa paligid at iyon na ang naisipan niyang gamitin para lumaban.

"Rin... I hope you're okay..." Iyon ang huling sinambit at huling nasa isipan ni Raiden bago umatake.

xxxxxx

KUNG si Kourin ay naging magulo ang isip dahil sa genealogy book ng Shinomiya clan, ang natuklasan naman sa bayan ng Casimera ang nagpapagulo sa isip ni Tetsuya. Kaya imbes na agad umuwi at dumiretso sa Shinomiya mansion gaya ng nauna nang plano, napagdesisyunan niyang magtungo muna sa isang lugar na tiyak niyang malaki ang koneksyon sa Shinomiya clan.

Ang Lorlea Valley.

"To think I really have to go to this place..." Tetsuya uttered as he looked around the area. To be specific, he was at the mouth of a tunnel located at the heart of the valley.

Matagal nang sarado ang tunnel na iyon dahil na rin sa ilang dahilan. Ang nakapagtataka, hindi binigyang-linaw ang totoong dahilan kung bakit hindi na puwedeng daanan ang tunnel na iyon.

"Kung ganoon... paano ko pa mapupuntahan ang dapat kong puntahan?" Sa inis ni Tetsuya, tanging ang marahas na pagkamot sa likod ng ulo ang ginawa niya.

In the first place, bakit nga ba siya nagpunta roon?

Ang tanong na iyon ang kagyat na nagpakalma sa kanya at agad na nagpatigil sa ginagawa niyang pagkamot sa ulo. Kasunod niyon ay naalala niya ang mga nalaman mula kay Akira noong magtungo siya sa bayan ng Casimera.

Peto tama ba talaga ang pagkakaintindi niya sa sinabi ni Akira sa kanya? Na isang Miyuzaki ang gumagawa ng paraan para maitago ang anumang may kinalaman sa Yasunaga clan?

"Pero bakit naman nila gagawin iyon?"

Sa totoo lang, kanina pa gustong kuwestiyunin ni Tetsuya ang sarili kung anong sapi na naman ang meron siya at kanina pa niya kinakausap ang sarili. Mukhang mababaliw pa yata siya nang wala sa oras.

"Hay, naku po! Huwag naman sana. Hindi ko pa naikakalat ang magandang lahi ko. Sayang ang gandang lalaki ko nito kapag nabaliw talaga ako ng wala sa oras na hindi man lang nagagawa iyon."

At that point, Tetsuya wanted to laugh at himself. Kung anu-ano na naman ang nasasabi niya. Epekto na ba ito ng sobrang stress na nararamdaman niya dahil sa dami ng nalalaman niya?

Soon after, his expression turned serious--unlikely serious, if one was to base it on his personality. The reason for that? It was because he remembered the reason why he went there in the first place.

'The valley of the golden sunrise guarding the secrets of the sky...' Isa iyon sa mga naaalala ni Tetsuya na taguri sa Lorlea Valley. At ikinumpara na niya ang lokasyon niyon sa mapang iniabot sa kanya ni Akira.

Kaya sigurado siya na ang pinagmulan ng deskripsyon ng Lorlea Valley ay ang Eight Celestial Points.

"Secrets of the sky... Hindi kaya may kinalaman iyon sa Ethereal Sky?" muli ay itinanong ni Tetsuya sa sarili.

Pero sa mga sandaling iyon, hindi na niya binigyang-pansin ang ginawa. Mas dapat niyang pagtuunan ng pansin ang paghahanap ng sagot sa mga katanungan niya tungkol sa lugar na iyon.

First up--getting pass through that unpassable tunnel. Well, it wasn't completely unpassable, as he would put it. Kailangan lang niyang humanap ng ibang puwedeng daanan para makarating sa kabila.

'Para naman akong pupunta sa kabilang buhay nito.' Hay, naku! Kung anu-ano na talaga ang pumapasok sa utak niya. Nababaliw na nga yata talaga siya.

Muli ay iniikot ni Tetsuya ang tingin sa paligid. Pero sa ginawang iyon, isang kuweba ang nahagip ng paningin niya. Hindi naman palaging nangyayari sa kanya na may maramdamang kakaiba kapag nakakakita ng kuweba.

Kaya lang, hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya maialis ang tingin sa kuwebang iyon.

Hindi kaya...?

Nang maging determinado na alamin kung tama ang hinala niya, agad na naghanap si Tetsuya ng posibleng madaanan para marating ang kuwebang kumuha sa kanyang atensyon. Agad naman siyang nakakita ng madadaanan at nilapitan iyon para inspeksyunin. Hindi naman ganoon kadelikado and daan pero masyodo rin itong tago. Kaya naman hindi na siya magtataka kung walang masyadong dumadaan sa lugar na iyon at wala pang masyadong maraming tao ang nakakarating sa kuweba.

"Okay! Time to solve whatever mystery that cave was holding," ani Tetsuya sa sarili at nagsimula nang tahakin ang daang natuklasan.

Sa 'di-kalayuan, isang pigura ng babae ang matàmang nakamasid sa paalis na si Tetsuya mula sa kinatatayuan nito. Hawak niya ang isang katana at tila nakahandang gamitin iyon sa sinumang makakalaban niya. Pero isang bagay lang ang sigurado.

Walang plano ang taong iyon na gamitin ang nasabing sandata para saktan o ipahamak ang dating shadow guardian ni Kourin Shinomiya.

"Be careful on your way, Slashing Whirlwind," the woman uttered almost inaudibly. "Whatever it is that you're going to discover in there, let the princess know about it. Do it for Lord Hitoshi's sake..."

No comments:

Post a Comment