[Brent]
Hindi na sana ako madedesisyong magpahinga muna dahil ilang araw na rin akong walang tigil sa paglabas ng bahay nitong mga nakalipas na araw. Pero hindi ko maintindihan kung bakit kanina pa ako hindi mapakali. I wasn't sure what I should be worried about, to be honest. Pero hindi ko maitatanggi na sa isang bahagi ng puso ko, may pag-aalala akong nararamdaman.
Has this ever happened before? I had gut feelings that hadn't failed me most of the time. Honestly, the worry that kept on creeping since this morning never left me. Could this be another of that gut feeling? Pero para saan? Para kanino?
That was when I recalled that I haven't visited Relaina since yesterday. Para kaya sa babaeng iyon ang pag-aalalang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon? But what could possibly happen to her for me to feel that way? Sa pagkakaalam ko, nasa kabilang bayan pa rin ang mga magulang nito. Ang tanging kasama lang nito sa bahay ay si Mayu.
Of course, it wasn't like I could just ask that young woman about Relaina so casually. Hindi na naman ako titigilan ng babaeng iyon ng pang-aasar. Kaya nga nagkakasundo ito at si Neilson, eh. It was a crazy thing dealing with their shenanigans whenever those two were together.
Pero sa mga sandaling iyon, wala na akong ibang pagpipilian kundi ang tanungin si Mayu tungkol sa kalagayan ni Relaina. I just had to be sure. Alam kong hindi ako patatahimikin ng pag-aalala kong ito hanggang wala akong nakukuhang kumpirmasyon.
Of course, it doesn't mean I ended up doing it right away. Nagkaroon pa rin ako ng pag-aalinlangan kung manggugulo ba ako o hindi na lang. I could be worried for nothing. This could be pertaining to entirely something else — at least with regards to this nagging feeling in me. Sabi ko nga, hindi ako binigo ng mga nararamdaman ko pagdating sa isang bagay. That gut feeling was telling me something.
I only have to figure out what it was.
"Bro, plano mo bang libutin ang buong kuwarto mo ng 100 times? Hindi ka mapakali riyan sa ginagawa kong paglalakad papunta't pabalik, ah."
Buntong-hininga na lang ang naging tugon ko sa komentong iyon ni Neilson na hindi ko man lang namalayang nakapasok na pala ng kuwarto ko. But as much as I wanted to make a retort on his words, I decided not to. Masyado nang okupado ng ibang bagay ang isipan ko ng mga sandaling iyon.
And I knew I won't be able to keep my worries a secret to my twin brother, anyway. At least, not for long. Isa rin ito sa mga malalakas ang radar pagdating sa akin, eh. Should I consider Relaina as one of those people? Sana nga.
It would make me happy knowing that I would have some sort of unknown connection linking me to her, whether she wanted it to happen or not.
"Naku po! Mukhang alam ko na kung ano ang gumugulo sa utak mo ngayon."
Napatingin na lang ako kay Neilson. "Halatang-halata na ba?"
"Bro, iisang tao lang ang nakakagawa niyan sa 'yo, whether we both admit it or not. Not that I consider that a bad thing dahil alam ko naman ang impluwensiyang meron siya sa 'yo. But this time, I'm quite sure na may dahilan kung bakit ganyan ka ngayon at hindi mapakali kahit na wala kang ideya kung bakit."
Doon na kumunot ang noo ko. Tuluyan na rin nitong nakuha ang atensyon ko. Hindi ko maintindihan ang gustong ipunto sa akin ng kakambal ko sa mga sinabi nitong iyon. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Nalaman ko kay Mayu na may sakit ngayon si Relaina. Well, according to Mayu, kagabi pa may sakit si Relaina. Nilalagnat daw. Eh wala ang mga magulang niya kaya naisipan ni Mayu na bantayan muna ang pinsan niya kaysa ang sumama sa akin na mamasyal."
It seemed that I stopped listening as soon as I heard na may sakit si Relaina. Oo nga't hindi kami nagkita nito ng ilang araw dahil may iba akong kailangang pagtuunan ng pansin hindi lang dito a ancestral house kundi pati na rin sa engineering and architectural company na pag-aari ni Tita Cecille. Kaya hindi ko lang puwedeng isisi sa kakulitan kong lumabas kami ni Relaina ang pagkakaroon ng sakit.
It seemed my worries for today were warranted. Pero hindi ko naman inaasahan na tungkol pala iyon kay Relaina.
"Kumusta na siya?" nagawa ko na ring itanong kay Neilson matapos ang ilang sandaling pananahimik ko.
"Noong huling nakausap ko si Mayu, ang sabi niya sa akin ay nagpapahinga na si Relaina. Pero kabilin-bilinan daw ng pinsan niya na huwag sasabihin kahit kanino — pati na sa 'yo — ang tungkol sa sitwasyon ni Relaina. Then again, Mayu said that you still deserve to know dahil nga malapit na rin kayo kahit papaano."
Kahit na gustuhin ko mang sumugod sa bahay nina Relaina at siguraduhin ng sarili kong mga mata ang kalagayan nito, kailangan ko ring irespeto ang desisyon nito. There was a reason why she was a headstrong young woman. And I've always known her that way… no matter how much she was hurt.
Pero…
"She'll be fine. Mawawala rin daw kaagad ang lagnat ni Relaina, basta hindi siya masyadong kumilos sa bahay nila. Sisguraduhin daw iyon ni Mayu," sabi ni Neilson na bumasag sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Kaya lang, para sa akin, hindi pa rin sapat ang assurance na iyon ng kakambal ko. And that was when I thought of something.
"Samahan mo ako," deklara ko rito na ikinunot naman ng noo nito.
"Ha? Saan naman?"
"Just to do something para sa paggaling ni Relaina."
xxxxxx
Itinigil ko ang kotseng ginamit namin ni Neilson para sa pagpunta sa grocery at para makarating na rin sa bahay ng mga Avellana. Kahit kailan ay hindi ko ginamit ang sarili kong sasakyan noong mga panahon na magkasama kami ni Relaina sa pagpunta sa kung saan sa tuwing ipinapasyal ko siya. Nasa pagawaan pa kasi ito noon at may kailangan akong ipaayos. Pero kahit nang maipaayos ko na ito ay hindi ko pa rin ito ginamit sa pamamasyal namin ni Relaina.
Ngayon lang.
Ipinarada ko ang kotse sa kabilang bahagi ng kalsada kung saan naroon ang bahay ni Relaina. Maaga ko nang sinabihan si Mayu na pupunta kami sa bahay na iyon para magpadala ng mga prutas at iba pang kakailanganin ni Relaina ngayong may sakit ito.
Mabuti na lang at hindi na pumalag o tumanggi si Mayu sa gusto ko. Hindi rin daw kasi nito maiwan ang may sakit na pinsan nito kaya laking-tulong daw ang pagpiprisinta ko na bumili ng mga kailangan ni Relaina.
Ilang sandali pa ay lumabas na si Mayu ng bahay. It was also our cue to get out of the car and bring over the necessities we bought from the grocery earlier.
"Sorry, Brent, ha? Inutusan na tuloy kitang bumili ng mga 'to."
Mayu did look apologetic. Pero umiling lang ako at iniabot na rito ang isang basket ng mga prutas habang si Neilson naman ang nag-abot ng isang plastic bag na naglalaman ng mga pinamili namin.
"Hanggang ganito nga lang ang magagawa ko para sa kanya, eh. Pero salamat at inabisuhan mo ako tungkol sa sitwasyon ng pinsan mo."
Ngumiti lang si Mayu at tumango. "There's no way I won't tell you about these kinds of things about her. Isa ka rin sa mga malalakas ang radar pagdating kay Aina, eh."
"Gusto mo bang malaman kung gaano kalakas ang radar nitong lalaking 'to pagdating sa pinsan mo? Kulang na lang, ikutin na niya ng 100 times ang buong kuwarto niya sa kalalakad. And that was even before I told him about Relaina's situation. Nakaramdam daw siya ng pag-aalala all of a sudden at hindi niya alam kung saan nagmula iyon."
Malapit ko na talagang masapak ang sira-ulong kakambal kong ito, sa totoo lang. Tama ba namang ipangalandakan nito iyon? Pero mas maaatim ko pang si Mayu muna sa ngayon ang makarinig at makaalam ng tungkol doon. Hindi ako sigurado kung ano ang mararamdaman ko kapag si Relaina ang nakaalam nito.
I was sure that my heart won't be able to take the anxiety and embarrassment.
"Now I think I know why you and Aina had clicked kahit kulang na lang ay mapatay ka niya sa inis niya sa 'yo," komento ni Mayu na iiling-iling pa.
Kumunot ang noo ko sa sinabi nitong iyon. "May iba ka bang gustong ipunto sa mga sinasabi mo, Mayu?"
"It means what it means, Brent. Anyway, thank you for buying these and for personally bringing them here. Pasensya ka na nga lang at hindi mo mapupuntahan si Aina sa loob. Tulog pa kasi, eh."
"It's okay…" sabi ko na lang kahit hindi. Hindi ako okay hanggang hindi ko nasisigurong okay na si Relaina. "Basta balitaan mo na lang ako tungkol sa kalagayan niya."
Tumango si Mayu at ngumiti. "I will. Mag-iingat ka sa pagmamaneho, ha? Himala at nakita ko na ulit ang kotse mong iyan."
"Nito ko lang naisipang ilabas iyan. Iniisip ko pa nga na ito na lang ang gagamitin ko sa susunod na pamamasyal namin ni Relaina. Pero heto nga… may sakit naman siya." Nagkibit-balikat na lang ako at napatingin ako sa bintana sa second floor ng bahay kung saan alam kong naroon ang kuwarto ni Relaina.
"Mahaba-haba pa ang summer, Brent. Mahaba-haba pa ang panahong masosolo mo siya."
Isa pa 'tong magaling mang-asar, eh. No wonder she and Neilson had clicked. Pero hindi ko na lang isinatinig iyon.
Just get well soon, Laine. Sa ngayon, iyon ang mahalaga para sa akin.
No comments:
Post a Comment