Wednesday, March 20, 2024

the last sky of the earth 104 - source of the scrolls pt. 1: hidden information

May ilang araw na ring hindi pinapatulog ng maraming isipin si Seiichi mula nang maalala niya ang tungkol sa mga sinabi ng kanyang ama at maging ni Hitoshi noon. The fact that, all this time, his best friend knew who he was and yet, still decided to hide it from him…

Hindi na siya sigurado kung ano ba ang dapat na maramdaman. For one, he did feel betrayed that Hitoshi had hidden the truth from him. Pero may palagay rin siya na hindi alam ni Kourin ang anumang nalalaman ng kapatid nito. Alam niyang masikreto talaga si Hitoshi kahit noong nabubuhay pa ito. Kaya hindi na siya magtataka kung sakaling malaman nga niya na walang alam ang sinumang malapit kay Hitoshi, maging si Shuji, tungkol sa mga inililihim ng Shinomiya clan prince sa lahat.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Seiichi bago tuluyang bumangon at umalis sa kamang kinahihigaan. Walang mangyayari sa kanya kung patuloy lang siyang walang gagawin sa lahat ng mga nalalaman niya.

Unti-unti nang bumabalik ang ilan sa nawawalang bahagi ng kanyang alaala. Iyon ang mahalaga sa mga sandaling iyon. Oo at marami pa siyang tanong. Pero kung magtitiyaga lang siya, sigurado siya na magpapakita rin ang mga sagot na kailangan niya.

“Seiichi, gumising ka na riyan! Magtatanghali na!” narinig niyang sigaw ni Reiko mula sa labas ng kanyang kuwarto.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya matapos niyon. Mukhang pinag-alala na naman niya ang babaeng ito dahil sa ilang araw na rin niyang hindi pakikipagkita at pakikipag-usap dito. Perhaps it was about time he eased his friend’s worries.

Wala nang kaso sa kanya kung kailangan niyang tiisin ang tiyak na magiging sermon nito sa kanya. Tutal, sanay naman na siyang nasesermunan ng babaeng iyon.

With that thought, he finally opened the door of his room.

“Sa wakas! Naisipan mo na ring magpakita sa akin,” nakapamaywang na salubong ni Reiko sa kanya.

Sa totoo lang, gusto na niyang tumawa sa nakita pero pinigilan lang niya. He tried his best to retain his almost stoic and nearly bored expression.

“Ang aga-aga, Rei, ang ingay mo. Kumalma ka nga muna.”

“Ano’ng maaga sa alas-onse, ha? Kulang na lang, sirain ko na ‘tong pinto ng kuwarto mo para lang lumabas ka, eh.”

Napailing na lang si Seiichi sa patuloy na pagtatalak ng kaibigan niya. “Talagang paiiralin mo pa rin ang pagiging brutal mo sa akin hanggang ngayon, ha? Ang dami ko na ngang iniisip, eh.”

Noon naman kumunot ang noo ni Reiko, pero hindi dahil sa inis nito sa kanya. “Ano na naman ba kasi ang pinag-iiisip mo nitong mga nakaraang araw na hindi ka nagpakita sa madla, ha?”

Ilang sandali rin siyang nag-alangan kung ipagtatapat ba niya ang mga nalaman. Pero… wala naman sigurong masama kung sabihin niya rito ang tungkol sa gumugulo sa kanyang isipan, ‘di ba? Kaibigan naman niya ito. At walang kaso sa kanya kung malaman nito ang mga iyon.

Ang mahalaga sa kanya sa mga sandaling iyon ay may mapaglabasan siya ng saloobin na posible nang sumira sa takbo ng pag-iisip niya kapag wala pa siyang gagawin para mailabas iyon.

“Something I recalled that my father once said to me when I was young,” Seiichi said and then sat on the edge of his bed.

Agad naman siyang sinundan ni Reiko at naupo ito sa tabi niya.

“Something your father once said? That’s new. Then again, malaki-laki rin na bahagi ng alaala mo na nawala ang patungkol sa mga magulang mo.”

“I know. And I recalled that memory while looking at the last photo of me and Hitoshi.” Hanggang sa mga sandaling iyon, ikinikonsidera pa rin niyang kakaiba ang pangyayaring iyon dahil… ngayon lang nangyari ang ganito sa kanya.

What was with that photo that acted as a trigger of some sort for him to recall that memory?

“Ano’ng naalala mo? Puwede mo bang sabihin sa akin?”

Huminga muna ng malalim si Seiichi bago naisipang sagutin ang tanong ng kaibigan. “May binanggit sa akin ang Papa ko tungkol sa… engagement ko raw sa bunsong anak ng Shinomiya clan leader.”

He saw Reiko frown as soon as he stopped talking. “Engagement? Kailan ka pa na-involved sa isang arranged marriage, ha? At bakit ngayon ko lang yata nalaman iyan?”

“Ngayon ko nga lang naalala ang tungkol dito, eh. Siyempre, natural lang na hindi mo malalaman ang anuman tungkol sa engagement na iyon.” Pambihira naman ang babaeng ito. Hindi siya sigurado kung pabiro lang nitong itinanong iyon para matanggal ang kaseryosohang nakapalipot sa kanilang dalawa o may iba pa itong dahilan.

Ilang sandali rin silang natahimik ni Reiko at walang masabi pagkatapos niyon. Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin siya sa katahimikang iyon at sa presensya na rin ng kaibigan niya. He truly appreciated the fact that she was ready to listen to his rantings.

“I guess it’s really sad that you ended up forgetting about it, huh?” Reiko commented after a few more moments of silence. “Pero… sino ba naman ang mag-aakala na talagang malaki ang involvement ng pamilya mo sa Shinomiya clan? Naging best friend mo pa ang lalaking anak ng clan leader nila. If ‘she’ was still alive… do you think she would be happy about your engagement with her?”

Iyon din ang gusto niyang itanong mula nang maalala niya ang sinabing iyon ng kanyang ama tungkol sa engagement. What would she feel if she actually discovered that they were arranged to be married? Siya lang ba ang magiging masaya? O… may posibilidad din ba na maging si Kourin ay magiging masaya rin?

But unfortunately, he would never know the answer at all now.

“I don’t know. But I, for sure, would be happy. Kaya lang, ayokong madaliin ang lahat kung sakali mang naalala ko lang kaagad ang tungkol sa engagement na iyon.”

Napangiti na lang silang magkaibigan at napatingin sa labas ng bintana ng kuwarto. Ilang sandali pa ay nagsalita si Reiko.

“By the way, I was thinking of asking you to take me to that Treasure Room of yours.”

Kagyat na napatingin si Seiichi kay Reiko na hindi inaalis ang tingin nito sa labas ng bintana.

“Ha? Ano’ng pinagsasasabi mo?”

Si Reiko naman ngayon ang huminga ng malalim bago siya hinarap. Hindi niya naiwasang ipagtaka ang nakikitang kakaibang kaseryosohan sa mga mata nito. Teka, may nangyari ba rito na hindi niya alam?

“Kinompronta ko ang tatay ko pagkatapos kong labanan ang mga lalaking iyon sa park kasama ang isang lalaking marunong ding lumaban na kagaya ko.”

Reiko did mention that battle to him. Pero hanggang sa mga sandaling iyon ay ipinagtataka pa rin niya ang tungkol sa lalaking sinasabi nitong kasama ng dalaga na lumaban.

“Kilala mo ‘yong lalaki?”

“No. But I eventually found out that he was close to Rin Fujioka. Hindi ko lang alam ang extent ng pagiging malapit nila.”

He didn’t know what to feel about that information, though. Wala naman sigurong kaso kung may ibang kaibigang lalaki si Rin, ‘di ba?

“Rei, sa totoo lang, kailan ka pa naging tsismosa?” Mas mabuti nang idaan niya sa biro ang naiisip na mga tanong at pati ang kakaibang pakiramdam na lumulukob sa kanya ng mga sandaling iyon.

“Sira-ulo! Nagulat lang ako na may iba pa palang kaibigan ang babaeng iyon, ‘no? I actually viewed her as someone who was kept to herself nang kausapin ko siya. Oo, may iba pang taong malapit sa kanya. Pero hindi tayo sigurado kung anong klaseng pader ang ipinalibot ni Rin sa sarili niya para lang masigurong walang makakaalam ng kung ano mang lihim ang meron siya.”

He couldn’t help feeling that Reiko was deviating from the real discussion that they were supposed to be talking about.

“Pero… ano’ng kinalaman ng lalaking iyon sa dahilan ng kagustuhan mong pasukin ang Treasure Room?”

“I want to know something about my family’s real connection to yours. Ang sabi ni Papa, posibleng may inilagay na anumang impormasyon ang lolo mo tungkol doon. I was more than just your childhood friend. Iyon ang isang bagay na ipinagkadiinan sa akin ni Papa nang komprontahin ko siya.”

“Rei…” Hindi na alam ni Seiichi kung saan patutungo ang diskusyon nilang iyon. Pero isa lang ang nakikita niya mula sa mga mata ng kaibigan.

Determinasyon na malaman ang katotohanang mukhang pinagtaguan sila sa loob ng mahabang panahon. Just like he was feeling at the moment ngayong unti-unti nang nagsisibalikan ang mga alaalang nawala sa kanya ng ilang taon.

“Your grandfather knew something that I don't know about my family. Gusto kong malaman kung ano ang mga iyon. Posibleng ang mga sagot na iyon na maaaring malaman ko ang isang dahilan kung bakit kailangan kong matutong lumaban para protektahan ka.”

No comments:

Post a Comment