Isang buntong-hininga muna ang pinakawalan ni Kourin bago nag-angat ng tingin at ibinaling ang atensyon kay Hayato. Kitang-kita niya sa mga mata nito na gusto nitong malaman ang sagot sa tanong nito.
“Yes, I do know him. But if I’m going to be honest, nito ko lang tuluyang naintindihan ang tungkol sa pagkatao ng taong iyon.”
“Ano’ng ibig mong sabihin, Lady Kourin?”
Wala nang dahilan para itago pa ni Kourin ang mga nalalaman niya tungkol sa posibleng pagkakakilanlan ng Ethereal Sky. She blurted things out while looking at the wooden sculptures, anyway. Sigurado siya na maraming itatanong sa kanya ang dalawang shadow guardians niya pagkatapos ng gabing ito.
Pero darating din sila sa puntong iyon.
“There were clues all over about the identity of the Ethereal Sky of this generation. Nag-umpisa iyon noong may tiningnan kami ni Takeru sa genealogy book ng Shinomiya clan. Even Shigeru at one point decided to look for clues over there.”
Kumunot ang noo ni Shuji sa narinig. Hindi na siya nagtaka nang makita iyon.
“Even the Death Stalker himself decided to look at it? Tungkol ba iyon sa posibleng misyon na iniatang sa kanya ni Lord Hitoshi?”
Tumango si Kourin bago muling tumingin kay Hayato. “According to him, isa lang daw iyon sa dahilan. But I have this feeling that this was also driven by something personal. Maaaring may kinalaman din iyon sa Miyuzaki clan.”
Ilang sandali ring hindi nagsalita si Hayato. Hindi mapigilang kabahan ni Kourin sa napansin. Pero ginawa niya ang lahat para maghintay ng kung ano mang sasabihin ng lalaking ito. And then…
“May I ask… kung ano ang nakita mo sa genealogy book nang minsang basahin mo iyon?” Hayato asked, almost unsure.
Hindi nga lang siya sigurado kung bakit ganoon ang naisip niya.
“There was a clue left by my grandfather. Noong una, gusto ko lang talagang alamin ang sinasabi ni Kuya Hitoshi na ‘uncle’ ko raw. Iyon ang isa sa madalas sabihin ng kapatid ko kay Takeru. At isa rin ang ‘uncle’ ko sa mga huling habilin ng kapatid ko sa taong iyon.”
“Okay. Now this is the first time I’ve heard that you have an uncle,” Shuji commented.
Hindi na siya nagulat nang marinig iyon dito. Mukhang piling tao lang talaga ang nakakaalam ng tungkol doon. One of them turned out to be Takeru. Posible rin na may alam doon si Shigeru.
“So do I. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang itago pa ang pagkakakilanlan ng taong iyon mula sa akin. But the genealogy book did hold a part of the answer to that. That ‘uncle’ of mine was, in fact, my grandfather’s child from a different woman.”
“Are you saying that Lord Kageyasu… had an affair with another woman while he was still married to Lady Mina?” hindi makapaniwalang tanong ni Shuji. Nanlalaki ang mga mata nito nang humarap sa kanya pagkatapos niyang magsalita.
Maging siya man ay hindi makapaniwala na baka ganoon nga ang konklusyon ng mga nalaman niya mula sa genealogy book. But it was already a story from the past. In order for her to understand every secret that her family had kept all this time, she needed to do something to be level-minded in a way that it would be easier for her to understand the situation in a fair way.
“I don’t know. But I did hear from my older sister at one point that… my grandparents’ relationship did come to a near divorce. Pero wala siyang ideya kung ano ang nangyari at napanatili pa rin ng dalawang iyon ang kanilang relasyon hanggang sa mamatay sila.”
“Now that’s… something unexpected. But perhaps even those whom we thought had a great relationship with each other had faced some hardships at one point of their lives.”
Wala siyang ibang naging tugon sa mga sinabing iyon ni Shuji. Maging siya ay ganoon din ang naiisip nang malaman niya ang tungkol sa isang bahagi ng nakaraan ng Lolo Kageyasu niya.
“So your father has a half-brother. Who’s older between them?” tanong ni Hayato na pumutol sa sandaling pag-iisip niya.
“Both my father and my aunt who was his twin sister would be the older ones. It looked like my deceased aunt was a little younger. My ‘uncle’ would be the third child, if he did stay with his half-siblings as part of the Shinomiya clan.” Muli ay naalala ni Kourin ang tungkol sa apat na linyang nakita nila ni Takeru sa genealogy book.
“Pero ano ang kinalaman ng ‘uncle’ mo na iyon sa mga Yasunaga? Where would the Ethereal Sky fit in that?”
“My ‘uncle’ would fit in that description as someone who was born between a Shinomiya and a Yasunaga. Pero nalaman ko lang ang tungkol sa posibleng pagkatao niyang iyon nang magpunta ako sa isang maliit na kuweba sa loob ng temple grounds ng Shiasena Temple. I went inside and saw a scroll with the name ‘Yanai Hanami’ and the words in that scroll referred to her as ‘the Lady Knight of the Blue Rose Tasuke’.”
“Blue Rose Tasuke? What’s that?” kunot-noong tanong ni Shuji.
Sa nakikita ni Kourin sa ekspresyon nito, mukhang maging ito ay hindi maintindihan ang tungkol sa taguring iyon, bukod sa impormasyon na isa iyon sa indikasyon na mula sa Yasunaga clan si Hanami.
“It’s the first branch of the Yasunaga clan, named after the eldest surviving child of the Yasunaga clan leader at the time of the massacre. Sabihin na nating katulad ng Shinomiya clan ang posisyon ng Blue Rose Tasuke. They were the lead branch and also the branch where future leaders were mainly chosen.”
“Kung tama ang pagkakaintindi ko sa sinasabi mo ngayon, ginawa ng ibang branches ng Yasunaga clan ang lahat para maprotektahan ang first branch mula sa kung ano man ang maaaring makapagpahamak dito.”
“Yes. Three branches fulfilled that duty, most of the time,” sagot ni Hayato sa pahayag ni Shuji.
“Mr. Hayato, puwede mo bang sabihin sa akin ang tungkol sa nangyari sa Yasunaga clan pagkatapos ng trahedyang kinasangkutan nila?”
Muli ay natahimik si Hayato. But it seemed that he was weighing his options, his words that he would utter to be the answer.
Ilang sandali pa ay bumuntong-hininga ito. “I can’t say everything for now. But I’ll give you the main ones that I can tell would be important to you. Is that okay?”
“As long as it will help me find answers at some point.” Iyon lang naman sa ngayon ang mahalaga kay Kourin. She just needed information that would help her go on with her mission.
“From among the Yasunaga clan members, only four out of the nine children of the clan leader at the time survived the attack. Lord Tasuke, the second child; Lord Kakeru, the third child; Lady Mihane, the fifth child; and Lady Isami, the seventh child. Nagawa silang maitakas ng chief retainer ng Yasunaga clan at maitago sa kamay ng mga kalaban. The other members of the Four Families at the time weren’t able to give some help for various reasons. But each reason was reasonable enough. Kaya wala namang pagsisising nangyari. Pero ang leader na rin ng Shinomiya clan ang nagbigay ng suhestiyon na itago ang balita na may nakaligtas sa mga anak ng Yasunaga clan leader.”
“My ancestor… did that?” Aminin man o hindi, hindi makapaniwala si Kourin sa narinig na partisipasyon ng kanyang ninuno sa nangyari sa mga Yasunaga noon.
“Yes. Pero mas malaki ang partisipasyon ng Miyuzaki clan noon sa pagtakas ng mga nakaligtas sa pag-atake. At the time, they weren’t even a part of the Shrouded Flowers.”
Agad na may naalala si Kourin sa mga sinabi ni Hayato. “I did hear that they only became a part of what was then called the Four Families after the attack that annihilated the Yasunaga clan, which happened to be the original Fourth Family. Pero kailan po nag-umpisang magkaroon ng branches ang Yasunaga clan?”
“When they had children and finished telling their significant others about their past. Sa mga kuwentong naipasa sa bawat henerasyon, ang pinakabata na si Lady Isami ang nagbigay ng suhestiyon na iyon. Lord Kakeru’s wife at the time also suggested that they could recruit people who would be willing to work for them, for their cause. Silang lahat naman ang nagsabi na ang pamilya ni Lord Tasuke ang magsisilbing central leader ng Silhouette Roses. The branch leader —- or in this case, the branch pillar —- for the Blue Rose Tasuke doesn't necessarily have to be descended from Lord Tasuke.”
“Does that mean that the four-colored roses I kept seeing at the door of a certain temple inside the Shiasena Temple describe the branches of the Yasunaga clan?”
Walang pag-aalinlangang tumango si Hayato sa tanong na iyon ni Kourin bilang tugon. Nag-umpisang lumakas at bumilis ang naging pagtibok ng puso niya dahil doon.
“Yes. Hindi lang basta simbolo iyon ng Yasunaga clan. Ipinapakita rin ng simbolong iyon ang tungkol sa mga bumuong muli sa Yasunaga clan pagkatapos ng pag-atake.”
No comments:
Post a Comment