Hindi pa rin maintindihan ni Seiichi ang gustong ipunto ni Reiko sa kagustuhan nitong makita ang Treasure Room. Pero mukhang determinado talaga ito na mapasok ang lugar na iyon. Was it possible that his grandfather could have truly hidden the information that she needed to know?
Pero ayaw niyang bigyan ito ng false hope pagdating sa paghahanap. Maging siya ay maraming hindi maintindihan sa lahat ng mga bagay na naroon sa importanteng silid na iyon.
“Hindi ko masasabi kung meron kang posibleng makitang sagot sa Treasure Room. I was the one who actually turned that place into what it is today bago ako umalis papuntang New Zealand noon,” pagtatapat niya at saka siya huminga ng malalim.
“Then… your grandfather didn’t hide anything in there?”
“Pero…?” ulit ni Reiko.
“May mga iniwan siya para sa akin na ilang linggo —- o mas tamang sabihing ilang buwan —- ko na ring pilit na iniintindi.”
Noon naman kumunot ang noo ni Reiko at tiningnan siya. “Ha? Pilit na iniintindi? Ano’ng ibig mong sabihin?”
Ilang sandali lang pinagdebatehan ni Seiichi sa kanyang isip kung sasagutin ba niya ang tanong na iyon ng kaibigan. Pero… wala na siyang maisip na dahilan para maglihim pa rito. Isa pa, pinagkakatiwalaan naman niya ang dalaga sa maraming bagay.
This could be one of them.
“There were scrolls inside a wooden chest na ipinagkatiwala sa akin ni Lolo. Inilibing niya iyon sa isa sa mga paborito niyang halamanan sa garden. Mga scrolls iyon na kailangan kong basahin at pag-aralan dahil na rin sa mga impormasyong nakalagay roon. There are important informations there. Hindi ko nga lang alam kung makakatulong ang mga iyon sa ‘yo.”
Nagkibit-balikat si Reiko at nginitian siya. “It’s worth a shot. At least, may masisimulan ako sa paghahanap ng sagot. Mas mabuti na iyon kaysa naman sa wala akong mapagkuhanan ng impormasyon. Nasa sa akin na nga lang kung maiintindihan ko ba ang mga impormasyong posibleng ipakita sa akin.”
At least, his friend was optimistic about this. Wala na siyang dahilan para mag-alala. Then again, he knew her to be persistent once she set her mind on something. Isa ito sa mga katibayan n’on.
Hanggang sa may maisip siya, dahilan upang harapin naman niya si Reiko.
“Come to think of it, ano’ng pumasok sa isip mo at bigla mo na lang kinompronta ang tatay mo pagkatapos mong kalabanin ang mga sira-ulong iyon? I mean, I know you’ve been taught how to fight since you were young. Bakit ngayon mo lang naisipang kuwestyunin ang intensyon ng tatay mo tungkol sa ginawa niya para sa ‘yo?” tanong ni Seiichi na bahagyang nakakunot ang kanyang noo.
Noon naman natahimik si Reiko na para bang hindi nito inaasahan ang tanong niyang iyon. Ilang sandali rin itong walang nasabi. Pero matiyaga niya itong hinintay na muling magsalita. Alam niyang katulad niya ay kailangan din nitong pag-isipan ang dapat na isagot sa kanya.
“You could say I got curious to know the truth. Mula nang makita ko ang fighting style ng lalaking kasama kong lumaban sa mga sira-ulong iyon noong araw na sugurin kami. It was similar to mine, even though we used different weapons to deal with the fight. In that guy’s case, isang bakuto lang ang dala niya noong araw na iyon. Pero sa gulat ko, naging sapat iyon para magawa niyang talunin at patulugin ang mga iyon.”
“Well, that’s an amazing guy to actually have the ability to fight like that.” It was the truth. Wala siyang kilalang sinuman na kayang talunin ang mga sra-ulong basta na lang susugod dito na espadang kahoy lang ang gamit. In fact, it was the first time he had heard something like that. “And you said that it was similar to your fighting style? Sino naman kaya ang magtuturo sa kanya ng mga natutunan mo?”
“I don’t know. Iyon din ang isang tanong na nanatili sa akin pagkatapos mangyari iyon. But it made me realize na may mga bagay pa rin akong hindi maintindihan pagdating sa totoong intensyon ng tatay ko. Para bang… matagal na niya akong inihahanda.”
Si Seiichi naman ang napakunot-noo sa mga sinabi ni Reiko. “Ha? Inihahanda saan?”
“Ewan ko. Hindi ko alam. Pero mula nang komprontahin ko ang tatay ko, ganoon na ang nararamdaman ko. Ang weird, ‘di ba? Ano’ng dahilan para maramdaman ko iyon?”
Well, it was indeed strange. Pero wala siyang karapatang kuwestyunin ang kung anumang nararamdaman ng kaibigan niya ng mga sandaling iyon.
“Wala bang sinasabi sa ‘yo si Tito tungkol sa posibleng dahilan ng ginawa niyang iyon?” tanong ni Seiichi makalipas ang ilang sandali.
“Nothing that I’d consider clear for me, though. But he did say that the times are changing. Malapit na raw dumating ang panahong hinihintay ko para sa mga sagot na kinakailangan ko.”
“Okay. Now that’s a little strange for an answer. Binigyan ka lang niya ng riddle na malabong mahanapan ng sagot, ah.”
Nakita niya ang pagtawa ni Reiko pagkatapos niyang sabihin ang komento niyang iyon. Maging siya ay gusto na ring matawa sa sinabi niya pero pinigilan lang niya.
“Right? Pero wala na akong panahon para kuwestiyunin ang tatay ko dahil agad kong naisip ang mga nangyari sa ‘yo mula nang dumating ka rito.”
‘Mga nangyari sa akin? Could she be talking about…?’ Hindi na niya napigilang mapabuntong-hininga nang maisip na posibleng may pinagsisisihan pa rin si Reiko.
“Huwag mong sabihing iniisip mo pa rin ang nangyari noong na-kidnap ako? Sinabi ko naman sa ‘yo na wala kang kasalanan, ‘di ba? Nagkataon lang na mas magaling silang lumaban kaysa sa ‘yo. But you didn’t have to feel bad about it.”
Umiling si Reiko na ipinagtaka niya. “Hindi ko maiwasang makaramdam ng ganoon, Seiichi. It was unexpected. So yes, that’s one of the reasons for me to have these questions in my head already. Idagdag mo na rin ang biglang pagpunta ng isang lalaki rito noong nasa ospital ka. And then that last encounter with those goons. Marami nang nangyari para tuluyan ko nang tigilan ang pagiging ignorante sa mga bagay-bagay sa buhay ko mula nang magkaisip ako.”
“Well, that’s something new to hear from you.”
Reiko smiled sadly. Hindi na lang niya pinuna iyon. “Ngayon lang ‘to. Magulo ang isip ko, eh. That’s a given.” Ilang sandali muna ang lumipas bago ito muling nagsalita. “So… papayagan mo na ba akong pumasok sa Treasure Room mo?”
Siya naman ang natawa pagkatapos n’on. “May magagawa pa ba ako? Inumpisahan mo na akong dramahan, eh,” biro niya.
“Baliw ka talaga! Minsan lang akong mag-drama nang ganito sa ‘yo, ‘no? Kung hindi lang nakadepende rito ang mga magiging desisyon ko para sa future ko, hindi ko naman maiisipang pakialaman ang mga bagay na isinikreto mo rin sa akin.”
Great… Mukhang pinapatindi na naman ni Reiko ang paggi-guilt trip sa kanya dahil lang sa mga kailangan niyang ilihim sa karamihan.
“May mabigat akong dahilan kung bakit kailangan kong ilihim din ang mga nasa Treasure Room pati sa ‘yo. What I’ve been hiding in that room isn’t something I’d consider a game play.”
“Alam ko. At naiintindihan ko na hindi ka basta-basta makakapagdesisyon tungkol sa mga bagay at impormasyong nakukuha’t nalalaman mo.”
Gustuhin man niyang pigilan ang sarili ay napangiti na rin siya. He couldn’t help feeling grateful for having a friend as understanding as Reiko. “Thank you. Pero halika na. Baka may maalala rin akong dagdag na impormasyon kapag tinulungan kitang hanapin ang kailangan mo.”
“Sana nga. Pero ikaw na rin ang nagsabi. Huwag tayong pakakasiguro na may makikita tayo roon.”
Sabay na silang umalis sa pagkakaupo sa kama niya at tuluyan nang lumabas ng kuwarto niya. Malapit na sila sa hagdan pababa nang magsalita siya bilang tugon sa sinabi ni Reiko.
“It’s better to stay optimistic, lalo na kapag may gusto kang malaman. For some weird reason, isa iyon sa mga sinasabi sa akin ni Lolo noong nasa Japan kami.”
Noon naman napatigil sa paglalakad si Reiko na ipinagtaka niya. But he didn’t ask her what was wrong dahil na rin sa itinanong nito sa kanya.
“You mean… when the Shinomiya clan prince invited you to his clan’s mansion?”
“No.” And it was the truth. He was talking about a different time.
“No? Ibig sabihin, hindi lang iyon ang unang pagkakataon na nagpunta ka sa bansang iyon?”
“It’s still a vague memory, pero sigurado ako. Dinala na ako ni Lolo sa Japan bago pa ako inimbitahan ni Hitoshi. And I’m sure, I went there for an important reason.”
No comments:
Post a Comment