Wednesday, March 13, 2024

the last sky of the earth 103 - silhouette roses pt. 3: branches

Oo nga’t sa mismong bibig na ni Hayato nagmula ang sagot. Pero sa totoo lang, hindi pa rin magawang iproseso ng isip ni Kourin ang mga impormasyong narinig mula sa Shichi RaiRyuuKen master.

Mahaba pa ang gabi, kung ibabase na rin niya sa oras na nakita niya sa orasan sa dingding. 10:31 PM. May ilang oras pa bago maghating-gabi. Pero hindi na niya alam kung ilang impormasyon pa ang maririnig niya sa lalaki kapag nagpatuloy pa ang diskusyon nilang iyon.

“Well, that’s a lot of information to take in, if you ask me,” komento ni Shuji makalipas ang ilang sandaling pananahimik.

Laking-pasalamat na lang ni Kourin na nagawang putulin ni Shuji ang katahimikang nakapalibot sa kanilang tatlo roon. Mukhang hindi lang pala siya ang nahihirapang iproseso ang lahat ng mga nalaman nila.

“Can you tell us about the other branches and who formed them?” Kourin asked later on.

Paraan na rin niya ito para magawang alisin ang kanyang isipan sa maraming tanong na nagsusulputan na naman para guluhin siya. Mukhang nahalata naman ni Hayato ang kalbaryo niya kung ibabase na rin niya sa naging pagtango nito.

Para bang… walang pag-aalinlangan nitong ginawa iyon. Then again, that would be a strange interpretation, right?

“The Blue Rose Tasuke was the first and also something we’d call the leader branch. I would say that it’s a counterpart of the Shinomiya clan. Kadalasan, sa kanila nagmumula ang mga pinipiling central leader ng Yasunaga clan. The Red Rose Kakeru was the second branch that was definitely a counterpart of the Azuraya clan, in my opinion. Both in combat and fighting styles. As for the White Rose Mihane, it’s considered to be a counterpart of the Miyuzaki clan. It was probably one of the deviations between the two groups considering that the White Rose Mihane was the third branch. Samantalang ang Miyuzaki clan ang ikaapat na angkan sa Shrouded Flowers. In any case, ito ang branch na kinabibilangan ko at ng mga pamangkin ko. The last branch, the Peach Rose Isami, was a counterpart of the Yumemiya clan in more ways than one.”

Sa dami ng mga nasabi ni Hayato, unti-unti nang naiintindihan ni Kourin ang ilang bagay. Lalo na ang tungkol sa branch na pinagmulan ni Hanami Yanai —- ang itinuturong tunay na ina ni Shingo.

“Pagdating po ba sa usapin ng pagpili sa tataguriang ‘Ethereal Sky’, kailangan po ba talaga na galing sila sa dalawang taong nagmula sa Shinomiya clan at Blue Rose Tasuke branch respectively?” hindi napigilang itanong ni Kourin kapagkuwan.

Sa pagtataka niya ay umiling si Hayato. Hindi naman niya naiwasang mapatingin kay Shuji ng ilang sandali bago muling hinarap ang swordsmaster.

“Originally, there was no such basis when it came to choosing the person who would become the ‘Ethereal Sky’. Pero nabago iyon nang maganap ang isang panibagong trahedya na naging dahilan para mabuo ang ikalimang branch ng Yasunaga clan. Two of its founding members were, in fact, the ones who forged the Twin Dragon Swords that had been in the possession of the Shinomiya clan for two hundred years.”

“A fifth… branch, you say?” Teka, paano nangyari iyon? And two founding members had forged the twin swords that had been with her family for so long?

Muling nagpatuloy si Hayato sa pagsasalita. “Alam kong hindi mo inaasahan ang mga sinasabi ko sa ‘yo ngayon. Pero wala pa sa kalingkingan ang mga nalalaman mo sa mga tunay na pinagdaanan ng Yasunaga clan pagkatapos ng pag-atake sa kanila.”

Walang maisip na itugon ni Kourin sa mga narinig. Hindi nga niya alam kung ano ba ang dapat niyang isipin, in the first place. It was true that her knowledge about the original fourth clan of the then known Four Families was limited. Idagdag pa ang pagkakaroon niya ng partial retrograde amnesia dahil sa trauma na sinapit niya sa pag-atake ng Dark Rose sa Shinomiya mansion noon.

But for her to realize that her older brother Hitoshi had actually protected this secret all this time… and also hid it from her… Hindi niya mapigilang maramdaman na parang wala siyang kuwenta bilang isang importanteng miyembro ng Shinomiya clan.

“Lady Kourin…” narinig niyang pagtawag sa kanya ni Shuji.

Pero hindi niya ito pinansin. Magulo ang utak niya ng mga sandaling iyon. Hindi niya gustong maibaling dito ang inis at frustration na nararamdaman niya.

“Your older brother had hidden whatever information that he had acquired over the years from you for a reason, Lady Kourin. Naging overprotective man sila sa ‘yo, lumilitaw na hindi nagkamali ang mga magulang mo at si Lord Hitoshi sa minsan na nilang sinabi sa akin noon tungkol sa ‘yo,” sabi ni Hayato.

Ang huling sinabi nito ang naging dahilan para mag-angat siya ng tingin at harapin ito. At the moment, she knew she was vulnerable. But she didn’t mind showing it to this man, for some reason.

“You are the only one who can take the Shinomiya clan and even the other clans in the Shrouded Flowers to an even greater heights than they ever did. Kaya naman ang isa sa mga huling inihabilin sa akin ng mga magulang mo ay ang masigurong walang ibang kalaban na magsisilbing sagabal para magawa mo iyon. It doesn’t matter what your methods are for achieving that. As long as it doesn’t include doing evil things, then you can count on me to help you reach that.”

Hindi na napigilang bumuntong-hininga ni Kourin matapos marinig ang mga pahayag na iyon ni Hayato. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig niya mula rito. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na kilala pala ng kanyang mga magulang ang kasalukuyang master ng Shichi RaiRyuuKen? Ni sa hinagap ay hindi niya lubos maisip na may koneksyon ang kanyang angkan sa isang miyembro ng Yasunaga clan.

Napaluha siya dahil na rin sa samu’t-saring isipin na nag-uunahang kumuha ng kanyang atensyon ng mga sandaling iyon.

“Seriously, you’re giving me a bigger hurdle to conquer than it ever was since my parents were killed,” she couldn’t help commenting before wiping her tears. “Bakit naman kasi ganoon kataas ang expectations nila sa akin? Ano ba ang nakita nila sa akin para isipin ang mga iyon at gawin ang mga hakbang na ‘to para sa kinabukasan ko bilang… isang leader ng Shinomiya clan?”

“They’ve seen it from the start. Lord Hitoshi had also predicted it from your mother’s journal entries. Kaya naman kahit pinipilit nilang mamuhay ka ng tahimik, gumawa pa rin sila ng paraan para masiguro na walang magiging tutol ang sinuman sa mga plano nila para sa Shinomiya clan at sa Shrouded Flowers na ikaw ang magtataguyod,” paliwanag ni Hayato.

Lalong walang nasabi ni Kourin sa mga pahayag na iyon.

“Setting the betrothal issue aside for now, mukhang nakikita ko na ang ano ang magiging susunod na hakbang mo dahil sa mga realisasyon mo ngayong araw na ito.”

Hayato’s words only made Kourin raise her head and face the swordmaster. Ilang sandali lang ang lumipas bago siya tumango at saka hinarap na rin si Shuji na tahimik lang na nakikinig sa kanila.

No comments:

Post a Comment