Wednesday, June 14, 2023

i'll hold on to you 100 - final realization

[Relaina]

Okay. So this was the first time I’ve heard about this information. Hindi ko yata ma-imagine na magkukrus ang landas nina Oliver at Vivian in any way possible. Then again, marami pa ring maaaring mangyari na wala sa hinagap ko.

Oh, great! Now I was being dramatic with all these thoughts going on in my mind at the moment because of what I heard from Vivian. 

“Oo, siya nga. But… wait, do you know him?”

“You could say that. Pero… medyo iwas siya pagdating sa akin, eh.”

Hindi ko napigilang pangunutan ng noo. Si Oliver, iwas sa babae? At sa katulad pa ni Vivian? Parang may mali yata sa sitwasyon, ah.

“Ha? What do you mean, iwas siya pagdating sa ‘yo? Friendly naman siya, from what I know. It’s weird to hear na iniiwasan ka niya. Maliban na lang kung may malalim siyang dahilan.”

Nasa mukha pa rin ni Vivian ang lungkot at sa totoo lang, hindi ko alam kung saan nagmula iyon. Pero mas mabuti yata na makinig na lang muna ako sa mga sasabihin nito tungkol sa sitwasyong pinagdadaanan nito pagdating kay Oliver.

Seriously, I couldn’t help feeling curious about all this information.

“I had a feeling na alam niyang kapatid ko si Vanz Esguerra.”

“Ah.” Oh, yeah. I forgot about that information. Kasama nga rin pala si Oliver sa mga masasabi kong may kinalaman sa nangyaring pagpatay ksa kakambal ni Vivian. But then, something had struck me. “Wait a minute… Huwag mong sabihing may gusto ka sa kanya?”

“H-ha?”

Okay, she stuttered. Wait, what kind of development was this? Bakit wala yata akong alam tungkol dito? Gusto ko itong paulanan ng mga tanong. Pero mabuti na lang talaga at nagawa kong pigilan ang sarili ko.

“Bakit mo naman kasi ako naisipang tanungin tungkol sa Oliver Santiago na iyon, ha? Alam mo, hindi ko tuloy maiwasang isipin na… interesado ka sa kanya at some point. Pero sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung tama ba ‘tong mga pinagsasasabi ko sa ‘yo.”

Ilang sandali ring natahimik si Vivian kaya naman medyo naging awkward ang pakiramdam ko. Pero hindi ko na ito tinanong pa at hinayaan ko na lang ang pananahimik nito. I couldn’t help feeling that I pried too much on that topic.

“Should I even consider my feelings towards him as akin to just being interested in him? Or maybe really liking him? Who knows. Hindi ko naman talaga alam kung ano ang dapat na itawag ko sa pinaggagagawa ko ngayon, eh. Ni hindi nga kami madalas magkita at mag-usap. Though I wanted to, parang hindi naman ako kinakasihan ng tadhana.”

Well, that was a strange answer. Lalo yatang tumitindi ang pagiging dramatic ng babaeng ito ng mga sandaling iyon.

“Ang drama mo naman ngayon. At talagang idinamay mo pa ang tadhana sa pagda-drama mo, ah." But considering the way she actually felt that Vivian was now blurting out to me, mukhang hindi naman pagiging OA ang mga sinasabi nito.

“Ngayon lang ‘to. Hindi rin naman kasi ako naglalabas ng hinaing ko pagdating sa lalaking iyon, eh. Then again, hindi ako kailanman naglabas ng hinaing ko pagdating sa isang lalaki sa ibang tao. That’s why nobody knew at the time na minsan akong nagkagusto kay Brent."

Oh, yeah. I did know that part of her. Hindi ko pa rin makakalimutan ang gulat na naramdaman ko nang malaman kong nagkagusto ito kay Brent sa kabila ng madilim na bahagi ng pagkatao nito.

But perhaps… it was like that when loving someone was involved. As long as one could see that there was still a sliver of chance for that person to change, hindi na imposible ang pagtanggap na magagawa mo para sa isang tao.

"I don't know if I should consider it a good thing or a bad thing for you to actually have feelings for someone like Brent."

Narinig ko na lang ang pagtawa ni Vivian, dahilan upang mapatingin ako rito. Hindi ko napigilang pangunutan ng noo sa nakita ko. Ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko?

“Grabe ka naman. Kahit na hindi naging maganda ang imahe ni Brent sa ‘yo noong una, may charm pa rin siya na talagang minahal ko sa kanya, ‘no?”

I agreed with her saying about Brent having a charm that… made me unable to forget that guy. Sa totoo lang, mukhang hindi na ako magsasawang bumuntong-hininga mula nang unti-unti kong ma-realize na… mukhang hindi ko na maiiwasan ang katotohanan.

“I don’t know about him having a likable charm. Pero naiintindihan ko naman kung bakit nagkagusto ka sa kanya noon. Like you said, he does have a charm that makes him likable to people.”

“What about you? Kailan mo ba aaminin sa sarili mo na mahal mo na si Brent for real this time? And not just ‘like’.”

Say what now? Marahas akong napatingin kay Vivian pagkatapos kong marinig iyon. But she was just looking at me with a serious expression on her face. Mukhang hindi ako nito titigilan hanggang hindi ko nasasagot nang maayos ang tanong nitong iyon sa akin.

Doon ako hindi nakaimik. Ano ang gustong ipunto ni Vivian sa akin ng mga sandaling iyon? Alangan namang basta ko na lang aminin sa babaeng ito na… malapit na sa katotohanan ang gusto nitong ipunto sa akin?

Urgh! Why did I have to deal with such a predicament at the moment?

“It looks like you're still trying to deny your feelings for him, huh?” komento ni Vivian matapos ang mahabang sandaling katahimikan sa pagitan namin.

Hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko rito bilang sagot. Hindi ko nga alam kung masasagot ko ba nang maayos ang tanong nitong iyon. But… yeah. I guessed I was still in denial about all this.

Hindi ko naman kasi akalaing kakainin ko ang mga sinabi ko noon, eh. Na hindi ako magkakagusto sa lalaking talagang kinainisan ko noon. It had been a while since Brent and I first met. Sino ba naman ang mag-aakala na aabot sa ganito ang lahat sa pagitan naming dalawa?

No comments:

Post a Comment