[Relaina]
The day of the meeting with Brent's maternal aunt in the flower farm… It finally came.
Pero ako, hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman dahil sa nangyayari ng mga sandaling iyon. It was Sunday. Gaya ng napag-usapan namin ni Brent a few days ago, ito na ang dreaded day.
Alamko namang hindi ako mapapahamak sa lugar na ito. The woman that I was about to meet was Brent's aunt. Mabait daw ito, sabi ng lalaking iyon. But it still remained to be seen. Hindi ko pa rin alam kung ano ba ang dapat kong asahan sa pakikipagkita ko sa Tita ni Brent.
Hopefully, wala namang masamang mangyari.
Hindi ko tuloy napigilang tingnan ito nang masama. "Do I look like okay to you? Siyempre, hindi. Ano ba naman kasi ang pumasok sa utak mo at naisipan mo pa akong ipakilala sa tita mo?"
"Wala akong masamang intensyon, okay? At saka gusto ka na rin talagang makilala ni Tita. Ikaw lang naman daw kasi ang talagang binigyan ko ng ganitong atensyon gamit ang mga bulaklak na galing dito. Natural lang na maging curious sa ‘yo si Tita at gustuhin niyang makilala ka.”
Pambihira naman ang pagrarason ng lalaking ito, sa totoo lang. Ang sarap lang nitong sapakin!
Magsasalita na sana ako nang maramdaman ko ang biglang paghawak nito sa kamay kong paniguradong nanlalamig pa rin dahil sa kabang nararamdaman ko. Kasabay n’on ay pinagsalikop nito ang mga daliri namin. It looked like he had no intention of letting me go anywhere with the way Brent was holding my hand.
Hindi ko tuloy napigilang mapabuntong-hininga para lang pakalmahin ang sarili ko ng mga sandaling iyon.
“May paghawak pa talagang nalalaman sa kamay ko, ‘no? Hindi naman ako tatakas para higpitan mo ng ganyan ang pagkakahawak mo sa kamay ko,” nasabi ko na lang sa pabirong paraan dahil ayokong mahalata nito ang tindi ng kabang nararamdaman ko.
Pero magagawa ko nga ba talagang itago iyon sa lalaking ito?
“Ginagawa ko lang ito para hindi ka na kabahan pa. Nandito naman ako para sa ‘yo, eh. Okay? At isa pa, walang mananakit sa ‘yo rito. Iyan ang isa sa sinisigurado ko sa ‘yo.”
Lalo lang akong hindi nakaimik pagkatapos nitong sabihin iyon. Paano ba nga ba ako makakaatras kung ganito naman kabait at grabe kung makapag-assure sa akin?
“Oy, Kuya Brent! Nandiyan na pala kayo, hindi ka man lang nagpasabi. Hindi pa kami tapos mag-prepare dito, ‘no?”
Napaigtad ako pagkarinig ko sa tinig ng babae ‘di kalayuan sa kinatatayuan namin. Tinangka kong alisin ang pagkakahawak ni Brent sa kamay ko. Pero parang naging bakal iyon sa higpit ng pagkakahawak sa akin. I looked at him but to no use. He was just holding that hand of mine.
Ilang sandali pa ay napatingin ito sa isang bahagi ng lugar na iyon. Napatingin na rin ako roon at doon ko nakita ang isang magandang babaeng naka-ponytail at nakasuot pa ng apron. Halata ko na mas bata ito sa akin ng ilang taon lang. Kung hindi ako nagkakamali, parang kasing-edad nito si Andz na kapatid ni Brent.
“Oy, Miette! Ang aga-aga, ang tindi mong magwala. Kaya ka nagkaka-wrinkles, eh.”
“Huwag mo akong banatan ng pang-aasar mo, Kuya, kung ayaw mong masuntok nang wala sa oras, ah,” ganti namang sabad ng babae.
“Kaya walang nagkakagusto sa ‘yo dahil sa pagiging brutal mo, eh.”
Say what now? Iyon talaga ang agad na tinira mo, Mr. Montreal? Napatingin ako kay Brent, hindi makapaniwala sa narinig ko.
“Walang kinalaman doon ang pagiging brutal ko, sira-ulo ka! Nananahimik ang love life ko, tinitira mo. Palibhasa, ikaw, hindi maka-score sa sarili mong love life, eh.” ‘Di nagtagal ay ibinaling na ni Miette ang atensyon sa akin. I couldn’t help freezing up as soon as her gaze met mine. But her smile a few moments later soon made me relax a little. “Pasensiya ka na sa aming dalawa, Ate Relaina. Ganyan lang talaga kami ni Kuya Brent.”
Umiling ako bago ngumiti. “Don’t worry. Nakakatuwa nga kayong makitang ganyan kung mag-interact, eh.”
“Ano naman ang nakakatuwa sa pagbabangayan naming dalawa ni Kuya?” kunot-noong tanong ng dalaga.
“Ang akala ko, sa akin lang lumalabas ang pagiging mapang-asar ni Brent.”
“Ah…” Tumango-tango naman si Miette bago ngumiti. “Hindi naman siya ganyan sa mga babaeng hindi miyembro ng pamilya. Nagkataon lang na mas espesyal ka kaysa sa kanila.”
“Ha?” Ano na naman ang pinagsasasabi ng babaeng ito ngayon?
Pero wala akong nakuhang sagot dito dahil agad na nagsalita si Brent.
“Miette, manahimik ka na nga. Ang akala ko ba, hindi pa kayo tapos sa ginagawa n’yong paghahanda sa loob? Bakit nandito ka sa labas?”
“Bakit? Masamang salubungin nang maayos ang bisita ni Mama?” banat ni Miette na nakanguso pa.
“Pumasok ka na nga. Ako na muna ang bahala kay Relaina dito sa labas. Asikasuhin mo na muna ang mga kailangan mong gawin sa loob.”
“‘Sus! Ang sabihin mo, gusto mo lang solohin pa nang mas matagal si Ate Relaina. In denial ka pa, eh.”
“Miette!”
“Oo na po. Papasok na nga po.” Hinarap naman ako ng dalagita pagkatapos nitong makipag-asaran. “Ate Relaina, magkuwentuhan na lang tayo ulit mamaya. Okay?”
Tumango na lang ako bilang tugon dahil sa totoo lang, hihdi ko na talaga alam kung ano ang dapat kong sabihin sa mga narinig ko mula kay Miette. Ilang sandali pa ay kaming dalawa na lang ulit ni Brent ang nasa labas ng bahay.
“Pagpasensiyahan mo na ang pinsan ko, ah. Hindi ko naman akalaing babanatan ako kaagad ng pang-aasar ng babaeng iyon.”
Napangiti ako. “Okay lang. At least, hindi siya kasinglala mo pagdating sa pang-aasar at pambubuwisit.”
“Grabe ka naman sa akin. Wala ka talagang patawad man lang?”
“Bakit? May patawad ka rin bang ibinibigay sa akin sa tuwing aasarin mo ako mula nang magkakilala tayo?”
“Laine naman, ang tagal na n’on, ah.” At ang bruho, nakuha pa talagang ngumuso. Huwag mong sabihing gusto na naman nitong magpa-cute sa akin?
“Kasalanan mo. Ako pa ‘tong sinisisi mo.” Huminga ako ng malalim kapagkuwan. “But… it’s good to know na mabubuting tao ang mga kamag-anak mo. At nakikita ko na handa ka rin nilang tulungan para hindi ka tuluyang bumagsak sa kadiliman ng nakaraan mo.”
Natahimik naman si Brent pagkatapos kong sabihin iyon. Ilang sandali pa ay napangiti ito nang malungkot. Gustuhin ko mang itanong dito kung bakit ganoon ang ngiti nito, pinigilan ko ang sarili ko.
“But I still owe you for that. Ikaw ang nagbukas ng mga mata ko tungkol sa bagay na iyon. May palagay ako na isa iyon sa mga gustong iparating sa ‘yo ni Tita Marie mamaya.”
“It really was a big deal for them, huh?”
“Oo naman. Pero mas malaki ang naitulong n’on sa akin. And honestly, I wouldn’t trade that for anything else. Lalo na’t ikaw naman talaga ang tuluyang nag-alis sa akin sa kadilimang gusto akong lamunin ng mga panahong iyon.”
Pambihira lang! Ano na namang kadramahan ang lumalabas sa bibig ng lalaking ito ng mga sandaling iyon?
No comments:
Post a Comment